IX

pristine || anthon (english narrative) || Dillan

•••

"All you have to know is that Anthon raised as. Our parents died early for our liking. He went to join The Apostles, I shouldn't even be telling you this...knowing the group's name is enough to have you killed." Sobrang pag-aalala ang nakita ko sa mata niya, hindi ko puwedeng hayaang ihinto niya ang kwento. "Go on."

"Matinding kalaban at kakampi ang grupo nila; hired assassins, private investigators, ex-military, expert trainors. Malaki ang kinikita ni Anthon pero simula nung tumiwalag siya, nagtayo siya ng sarili niyang negosyo at nagsimula rin ang pagpatay sa mga taong napapalapit sa kanya..hindi na ako ang dapat magkwento ng ibang bagay pa. Anthon thought you'd be safer with him away so just trust him" Hindi ko alam paano tanggapin ang lahat, "you want me to trust him eh bigla nga siyang nawala ng walang pasabi?"

Para sa'yo rin.
Dahil sa'yo.
Ikaw ang iniintindi niya.

Eh paano ako? Paano siya? Sinong iintindi sa kanya? Nihindi ko alam kung may back-up siya.

Inihatid ako ni Dillan sa isang apartment na medyo malapit lang sa pinagtratrabahuhan ko, sabi niya may mga nakamasid malapit lang sa akin na katrabaho nila ni Anthon at inatasan din ang mga ito na bantayan ako. Gaano ba kalala ang sitwasyong kinasangkutan ko?

Isang araw.
Isang linggo.
Isang buwan.

Wala akong nadinig na kahit ano mula sa kanya, anong hudyat ba ito? Hindi na siya muling babalik pa o na isang malaking pagkakamali talaga ang makabangga ako nuon? Paano ang mga kapatid niya at buhay niya rito? Puro tanong, walang kasagutan.

Nagulat ako sa pagring ng telepono sa apartment, mas madalas ko na itong gamitin upang makausap si Lyla at Dillan; binilhan ako ng bagong cellphone ni Dillan na may ibang number at tanging silang magkapatid at si Lyla lang ang may alam. Nagring muli ang telepono, kinuha ko ito at dinikit sa taenga ko, "hello?"

Walang nagsasalita sa aming dalawa at tanging paghinga sa kabilang linya ang dinig ko.

"Anthon?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top