IV

pristine || anthon (english narrative) || Dillan

•••

Where are they?! I can't contact any of them. I'm getting impatient... *riiiing* *riiiing* my cellphone buzzed and without looking at the caller I immediately answered. "Where the heck are you?!" He laughed like it's a really fun day, "relax, you sound worried, she's safe." He understood that I'm already pissed off and so he dropped the call.

-

Hindi ko alam saan ako dadalhin ng mokong na 'to. Naisip ko lang diba ang mga kidnapper tinatali o kaya nilalagyan ng piring ang mga mata ng biktima nila? Bakit ako kinakausap pa nito na parang magkaibigan kami? "Ask now. I can sense another question." Psh, akala mo naman, "ano ka mind-reader?!" Tumawa lang siya at umiling, ang saya-saya naman nito. BANG! BANG! "Aaahhh! Ano yun?" "May humahabol sa'tin. Maupo ka nang maayos tapos kumalma ka lang." Kalma?! Paano ako kakalma eh may humahabol sa amin at namamaril pa? Bakit ba ang daming nangyayari nitong mga nakaraang araw! Nakakapagod. Ang gulo-gulo.

-

NEWSFLASH:

"Ako po si Hannah Muntanga at kasalukuyang may dalawang van ang naghahabulan sa skyway at ang nasa likuran na kulay asul na van ay nagpapaputok. Hindi pa matukoy kung isa itong private operation at may hinuhuling kawatan o isa itong away-trapiko. Tumutok lamang para sa mas maagap na totoong balita. Muli, ako po si Hannah Muntanga, live news."

They're already being broadcasted live, this is a scene. I dialed his number but he's not answering. Probably busy with all those men going after them. Don't get hurt. Don't get hurt..

Please..
Don't get hurt.

-

Pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan at hindi nagpapaputok ang mga dumakip sa akin. Natatakot na ako at ayokong maging sikat sa pamamaraang 'to, simple lang yung buhay ko, hindi ako nagsisign-up bilang isang action star ano ba!

Hinigpitan ni Dillan ang seatbelt ko at inutusan yung drayber na lumiko rito tapos lumiko nanaman dun. Nakapasok kami sa basement ng isang building tapos huminto na lang bigla at pinatay ang makina. "H-hoy ano na? Hihinto lang tayo? Paano pag nahuli tayo?" Sinenyasan lang ako ni Dillan na tumahimik at ginawa ko naman kahit pa nanlalaki na ang mga mata ko, sinenyasan niya ako ulit na yumuko at magtago kaya ginawa ko. Hindi ako uto-uto 'no, ayoko lang mabaril.

Lumagpas na yung van na humahabol sa amin at hindi ko alam pero parang bigla akong na-engganyo, para kaming nasa pelikula. Doon ko lang nakikita ang ganitong eksena.

Makaraan ang ilang minutong saglitan pa na paghihintay, umalis na kami sa basement at pinababa nila ako at pinalipat ng sasakyan. Kaming dalawa na lang ni Dillan ang nandito sa isang magarang sasakyan na kulay pula, sportscar sigur----VRRROOOOM! VROOOOOOM! "Aaahhh! Teka lang naman! Why are you going too fast?" Tumawa nanaman siya, may saltik ata 'to. "Calm down. He's growing impatient, hinihintay ka na niya."

Hindi ko na alam pero ang tanging nasa isip ko ay sana...
Sana Anthon andito ka.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top