III

pristine || anthon || Lyla/Dillan

•••

Wala akong nagawa. Paniwalang-paniwala ang kaibigan ko sa sinasabi nitong mokong. "He's not my..." at sasabat nanaman siya, "you don't have to deny it to your friend." Kilig na kilig naman si Lyla, ako naman naiinis dahil ayaw niyang maniwala sa'kin.

Natapos ang kainan at bumalik na kami sa opisina, nakabuntot pa tin to'ng mokong. "Beshy mauna ka na nga, kakausapin ko lang 'to saglit." Masaya siyang nagpaalam at tawa ng tawa mag-isa papasok, para talagang baliw. Hinila ko na sa gilid ang lalaking kanina pa pinakukulo ang dugo ko, "what is this about? and are you stalking me?" Pagalit kong diin.

"Sorry if I had to do that. Did anyone call you?"
"Ha? I'm not sure...ah teka, I received a call earlier, it was from an unknown number."
"What did the person say?"
"He was just asking if I'm Pristine."
"So he's a guy...who was confirming your name."
"From the sound of his voice, yeah."
"We have to continue being in a pretend relationship. I'll explain it to you more later, I'll be here after your shift. You already know my number, call me if something out of the ordinary caught your attention."

Aba bossy! Hindi ko pa nga alam anong pangalan niya! "I'm Anthon." Mind-reader lang? Dali-dali niya akong hinalikan sa pisnge na siya namang ikina-nganga ko, pumayag ba ko na maging nobya niya?! Hindi naman ah. At pumayag ba akong halikan sa pisnge? Hindi rin! Ahhhh! Ang gulo, tyaka bakit naman parang wala lang sa'kin, bakit ang pakiramdam ko mamimiss ko pa ang pagdampi ng labi niya sa balat ko? Pristine ano ka ba, umayos ka nga!

-

Kanina ko pa natapos ang dapat na trabaho ko ngayong araw pero hindi pa ako pwedeng umuwi kasi magiging undertime ang oras ko at sabi ni Anthon susunduin niya raw ako, psh akala mo naman kailangan ko, kaya ko kayang umuwi mag-isa...ayos na rin pala, tipid sa gas...eh teka paano nga yung sasakyan ko?!

"Aaaaahhhhh!! Beshy tara na may emergency evacuation daw."
"Ano? Bakit? Anong meron?"

Biglang sabay-sabay nagsitayuan ang iba naming katrabaho at ang iba naman ay nagtatago sa ilalim ng kanilang mga lamesa't upuan. Ano na ba ang nangyayari?

"Ayan na sila shocks!" Pagtingin ko sa direksyon na tinuturo ni Lyla, nakita ko ang mga taong may suot na itim na bonnet na nakatakip din sa kanilang mga mukha. Bumulong ako kay Lyla, "robbery?" Umiling-iling lang siya, "parang hindi kasi wala namang sinisigaw..." Ano naman kaya ang kailangan ng mga ito?

"Is there a Pristine Alccuzo here?!" Malakas na sigaw nung isang nasa gitna, tatlo silang naghahanap-hanap sa paligid at may apat na nakabantay sa may elevator. T-teka, Pristine? Ako yun ah! "Pristine Alccuzo! Come here now or we'll start shooting." Huminga ako ng malalim at ibinigay ang telepono ko kay Lyla, "tawagan mo yung numero na nakadial na, sabihin mo kung anong nangyayari." Bahala na kung anong mangyari sa'kin. Lumapit ako sa mga naghahanap na kawatan. "I'm Pristine. Don't harm anyone." Inalis ng isa ang bonnet na itim at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, ngumiti siya at sinabing, "hindi ko gagawin yan."

-

Hindi ko alam saan kami pupunta. Hindi ko alam sino ba to'ng mga ito. Sana nakausap na ni Lyla si Anthon.

"You're beautiful. Don't worry, hindi naman kita sasaktan. Kailangan ko lang makita yung boyfriend mo." Naguluhan akong lalo, bakit niya ako kilala at paano? At sinong boyfriend? May kinalaman ba siya sa putukan na naganap nung isang araw? "Pwede mo akong kausapin, halata namang nag-iisip ka na riyan, may tanong ka?"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa tutal sabi niya pwede ko raw siyang tanungin."Who are you? How did you know where to find me? And my boyfriend? What?" Pinahinto niya ang sasakyan at pinababa ang mga kasama namin. "My name is Dillan, can't disclose anything else. Yeah, your boyfriend, kailangan ko siyang makita, si Anthon, hindi ba't ikaw ang girlfriend niya? Nakita ko pa na hinalikan ka niya sa pisnge kanina lang."

Medyo naiintindihan ko na, "so stalker din kita?" Tumawa lang siya at bigla nanaman akong naguluhan. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Parang wala naman. Kalaban ba siya ni Anthon? Bakit parang mabait naman?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top