II
pristine || anthon || anyone
•••
Late nanaman ako. Dapat talaga matindi-tinding panggising ang meron ako, hindi lang alarm clock. Madali nanaman akong nag-ayos, ano pa ba ang bago? Nagsusuklay na ko at bigla namang tumunog ang telepono ko.
"Hello?"
"..."
"Hello? Who's this?"
"Is this Pristine Alcuz-zo?"
"Pristine Alcuzzo speaking. Who is this?"
"..."
Anak ng. Nagmamadali na ako nang-abala pa. Ibinaba ko na ang telepono nang inis na inis. Kinuha ko na ang bag ko at kinandado ang bahay.
Habang nagmamaneho, iniisip ko pa rin kung naisara ko ba talaga ang gasul at kung sarado ba ang mga binatana't pintuan...ang hirap maging praning, sa totoo lang sobrang hirap. Alam mo namang nagawa mo na yung isang bagay pero tila ba hindi ka mapakali baka hindi mo pala nagawa o kaya may masamang mangyayari...bata pa lang ako ganito na ako.
------------sa nakaraan------------
"Ma! Ma! Did you check if I locked the apartment?"
"How many times did I answer you? Yes, you did."
Simula kasi nung mangyari yun, nagbago na lang talaga ako. Umuulan ng gabing yun at ang lalakas ng kulog at kidlat. Takot na takot akong lumabas pero binilinan akong huwag mag-iiwan ng kahit anong bagay sa labas. Naiwan ko yung mga laruan ko at dahil ayokong masira sila, kinuha ko...kasabay nun nailigtas ko nga ang mga laruan ko pero binawian naman ako ng isang kapatid. Ang mga laruang galing pa sa tatay namin, napakahalaga sa akin kasi bibihira namin makita at makasama ang tatay na madalas sa ibang bansa nadedestino, tunay na mahirap ang pagiging isang sundalo, filipino-american ang tatay kaya naman nakapasok sa american army. Lumaki kami sa Amerika pero bumalik din sa Pilipinas noong ika-pitong kaarawan ko, ang kuya ko naman ay labing-tatlong gulang nuon. Kung sana'y hinayaan ko ang mga laruin....sana buhay pa ang kuya.
"Ma...did I gave you the change for the groceries?"
"Tin...calm down. You did ok?"
Tyagang-tyaga ang nanay sa akin. Paulit-ulit madalas ang mga tanong ko. Hindi talaga ako mapakali at kahit ako mismo, nayayamot na sa sarili ko.
------------sa kasalukuyan------------
"Himala beshy hindi ka late! Hahaha."
"Muntik na. Buti na lang walang traffic."
"Nakapag-almusal ka na ba? Samahan mo naman ako gutom na ko."
"Ako rin. Tara na, nagmamadali na ko kaya hindi ako nakakain eh."
"Libre mo na rin ako?"
"Bakit kaya hindi ikaw?"
"Eh ikaw ang up for promotion!"
"Edi tyaka na pag promoted na haha."
Andito kami ni Lyla sa mga kainan sa gilid lang ng opisina. Masarap dito kaya lang medyo may kamahalan kung hindi naman gaanong malaki ang sweldo. May iba't-ibang kainan, may kapihan at bakery, meron din na mga lutong-bahay at ang daming ulam, meron din na mga dessert lang, meron din malapit dito na mga inuman at pulutan naman pero sobrang mahal, pang mga sosyalin.
"Ang bilis mo naman kumain, hinay-hinay lang beshy."
"Beshy ang sarap kasi."
"Eh baka mabulunan ka naman."
"Hindi yan beshy."
Maya-maya ay umuubo-ubo na si Lyla. "Sabi na nga ba kasi'y bagalan mo naman ng konti." Kinukuha ko ang baso niya pero ubos na pala ang laman, tatayo na sana ako para refill-an pero may isang taong biglang sumulpot sa likuran niya at inabutan kami ng bottled water. "You."
Kinuha ko ang tubig at nagpasalamat. Pinainom ko si Lyla at nung okay na siya at bumalik na ulit sa pagkain, tinitignan-tignan niya kami. Paano, umupo ba naman sa tabi ko ang mokong. "What are you doing here?" "We need to talk."
Mag-usap? Para saan?! Ang daming tanong pa na nasa isip ko simula nung nagkabarilan nung isang araw at ngayon nakita ko pa ang taong 'to. Hindi ko nga siya kilala eh. "Beshy LQ kayo?" at ang lakas pa ng tawa ng bruha. "Hindi 'no." "What is LQ?" At talagang matyagang ipinaliwanag ni Lyla. "Are you her boyfriend? She's not the type to talk much but I'm her bestfriend and she tells me everything, I don't know you..." ako naman ang muntik mabilaukan sa sinabi ni Lyla. Lumunok akog bigla at tinapik ang mokong sabay umiling-iling. "Ahh, yes, I'm her boyfriend. Nice to meet you." at nanlaki na ang mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top