Chapter 9: First Dare

TUMATAKBO ang oras at humahanap pa rin ng diskarte ang lahat kung paano nila magagawang mahawakan ang makamandag na Saw scaled viper. Isang tuklaw lang sa kanila nito ay paniguradong mabilis kakalat ang lason sa kanilang katawan. These rich people are having fun watching us na naglalaro kapalit ang buhay namin. Mga tao pa ba sila? Mga demonyo na nga yata ang mga ito.

Unang sumabak si Haku na dakutin ang ahas mula sa kulungan nito ngunit mabilis na nakakilos ang ahas at muntik na siyang matuklaw. Kahit kaming mga nanonood ay napapapigil hininga sa mga pangyayari. "Shit, muntik na ako doon." Natatawang sabi ni Haku pagkasara niya ng pinto ng kulungan.

"May saltik ka ba?" Naiinis na tanong ni Sandra (Prisoner 13) na kasama niya sa Cell 5. "Sa lahat na muntik mamatay ay ikaw pa ang tuwang-tuwa!" Reklamo nito pero halata naman na concern lang din siya kay Haku.

"Chillax! Buhay pa ako. Humahanap lang ako ng tamang tiyempo para makuha ang ahas na ito." Wika ni Haku. "At isa pa, naibilin ko na sa inyo ang mga aso ko, kayo na bahala kapag namatay ako. Mahal dog food ng mga 'yon." He laughed.

"Hindi ko alam kung dinadaan niya na lang sa biro ang lahat o talagang wala na siyang pakialam kung mamamatay siya sa larong ito." Narinig kong bulong ni Ruri.

"Siguro marahil, iyon ang paraan niya para mapanatiling compose at kalmado siya sa laro." Sagot ko sa kaniya at inobserbahan ko si Haku. "Seryoso pa rin siyang nilalaro ang game na ito, he is still analyzing kung paano niya mahahawakan ang ahas."

Sa kabilang banda ay naririnig namin ang paghikbi ni Gela dahil sa takot nito sa ahas. Ni-hindi nga siya makalapit sa kulungan nito. "A-Ayoko! Hindi ko kayang hawakan iyan!" Reklamo niya.

"Gela, tumatakbo ang oras! You need to fight your fear!" Sigaw ni Anya sa kaniya. "You can do it!"

"Letseng you can do it 'yan! Akala ninyo ba ay namo-motivate kami sa tuwing sinasabi ninyo 'yon?!" Sigaw naman ni Irene while she is attempting to hold the snake.

Agresibong ahas ang Saw scaled viper. Hindi ito magawang mahawakan ni Irene dahil parang kapag inilapit niya ang kamay niya ay tutuklawin siya nito.

Intense ang nangyayari sa cell area at napatingin ako sa timer.

25 minutes and 32 seconds left.

Hindi ko namalayan na mabilis na tumatakbo ang oras. Halos limang minuto na ang nakalilipas ngunit wala pang nakagagawa ng challenge. "Hawakan ninyo ang ahas malapit sa ulo nito, in that way hindi kayo matutuklaw nito!" Thea suggested which is I totally agree.

"Tanga ka ba?! Nakita mong hindi nila magawang ilapit 'yong kamay nila sa ahas tapos gusto mo pa hawakan nila sa leeg?!" Sigaw ni Benjo pabalik sa kaniya.

"Tanga ka rin ba, iyon nga ang dare!" Ganti ni Thea sa kaniya. This two have a total different personality and perspective. Laging kontra sa isa't isa. But for this one, I agree with Thea... puro ingay nga lang si Benjo at hindi naman nag-iisip.

"Try to quickly grab the snake behind its head, tapos hawakan ninyo sa mid-body nito para hindi ito makapaglikot." Thea suggested which helps the player para magawa nilang matapos ang dare. "Hold it with all your strength at huwag itong pakakawalan."

"Thank you sa idea." Haku stated at nakikipalaban siya ng tingin sa ahas.

Sam tried to grabbed the snake pero katulad noong nangyari kay Haku... muntik lamang din siya makagat. Napatili siya ng malakas at mabilis na isinara ang kulungan ng ahas. "I can't do it!" Sam shouted at pinapahid ang luha niya.

"Sam, careful!" Ruri shouted.

"Arte amputa. Pakagat ka na lang kaya?!" Benjo shouted na ikinainis naming lahat.

"Naririnig mo ba ang sarili mong diablo ka?" Thea shouted to him.

"Totoo naman, ang arte. Wala naman silang choice kung hindi gawin ang dare. Nauubos ang oras nila, if they failed to do the dare ay mamamatay sila. Kung matuklaw man sila ay mamamatay din sila. The only way to escape is to hold the snake for two minutes. Kung hindi kaya, e'di mamatay na lang!" Sigaw ni Benjo at malakas siyang tinulak ni Jia (Prisoner 17) na kasama niya sa Cell 6.

"Grabeng utak ang mayroon ka, hindi ko kinakaya. Utak tanga!" Jia shouted.

"Sige! Magkampihan kayo!" Sigaw pabalik ni Benjo.

"Can you please stop!" Irene shouted at natahimik ang lahat. "Hindi kami makapag-focus sa mga bangayan ninyo! Ihagis ko na lang kaya 'yong ahas sa inyong lahat at mamatay kayong mga letse kayo!"

Natahimik kami para makapag-focus sila.

Napatingin ako kay Marco. Nakatungo lang siya at mata sa matang tinitingnan ang ahas. Hindi man lang siya nag-i-initiate na hawakan ang ahas at patingin-tingin din siya sa orasan.

16 minutes and 5 seconds left.

Kinakabahan ako para sa kanila dahil halos fifteen minutes na ang nakalilipas ngunit wala pang nakagagawa sa kanila na mahawakan ang ahas.

"Okay, game." Sigaw ni Haku at mahinang tinapik-tapik ang kaniyang pisngi. "Makagat na kung makakagat amputa." He motivated himself.

Itinapat niya ang kaniyang kaliwang kamay sa harap ng saw scaled viper. The viper tried to bit him pero mabuti na lamang at may rehas na nakaharang dahilan para hindi maabot si Haku. We are all focused on him dahil siya lang ang nagtatangka na harapin ang ahas. Nawala ang ngiti ni Haku at sumeryoso ito.

He slowly moved his left hand around the snake cage. Ito ang tinitingnan lamang ng ahas. Ang kaliwang kamay niya lang ang tinitingnan ng ahas. The moment na nasa likod na ng kulungan ang kaliwang kamay niya ay ginamit niya ang kaniyang kanang kamay upang unti-unting buksan ang kulungan.

Pumikit si Haku and slowly exhaled. Sa isang iglap ay mabilis niyang ipinasok ang kanang kamay niya papasok sa kulungan at inilabas ang ahas. Napasigaw kami sa bilis ng pangyayari. Mahigpit na hawak ni Haku ang ahas malapit sa ulo nito.

Naglikot ang makamandag na ahas ngunit mabilis na nahawakan ni haku ang gitnang bahagi ng katawan nito gamit ang kaliwang kamay. In this way, hindi makakagat si Haku at mas makokontrol niya ang kilos ng ahas.

"Nice one, Haku!" Sigaw ni Drake at Sandra na napapalakpak dahil ka-cell nito si Haku.

Hanga din ako sa talinong ipinamalas ni Haku. He deceived the snake na ang kaliwang kamay niya ang kalaban nito, alam ni Haku na hindi siya makakagat nito dahil sa rehas kung kaya't unti-unti niyang pinatalikod ang ahas papalayo sa kaniyang direksyon.

The moment that the snake was deceive by his left hand, ginamit niyang opportunity iyon para mabilis na mahawakan sa leeg ang ahas.

Umaandar na ang two minutes ni Haku. We just hope that he can finish this dare.

Napabaling ang tingin ko kanila Irene, Gela, at Sam. Inobserbahan pala nila ang ginawa ni Haku kanina at plano nitong gayahin ang naging taktika ni Haku.

Si Marco naman ay prente pa ring nakaupo at nakikipagtitigan sa ahas. Ano bang plano ng lalaking ito? Bakit wala pa siyang ginagawa hanggang ngayon? Takot ba siya sa ahas o tanggap niya na lang na hindi niya magagawa ang dare na ito.

"Marco! Wala ng oras!" Sigaw ko sa kaniya. Concern ako sa kaniya, ayokong may mawala sa mga ka-cell ko sa larong ito. Gusto kong sama-sama kaming umakyat sa basement prison.

"Nasa tapat ko ang timer. Mahaba pa ang 13 minutes." Sigaw niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Hoy, Haku, paano ang naging diskarte mo para mapasunod ang ahas?" Mataray na tanong ni Irene sa kaniya.

"Hmm..." Seryosong nag-isip si Haku at hindi niya pa rin binibitawan ang ahas. "We are afraid of that snake, well in fact, takot din sila sa atin. We are bigger than the snake dahilan para matakot sila at mapunta sa defense mode. You just need to create an illusion that you are stronger to the snake at mahuhuli mo na siya." Mahabang litana ni Haku.

"Prisoner 14 successfully completed the dare! Congratulations!" Isang announcement ang umalingawngaw sa buong paligid. Napapalakpak kami sa tuwa dahil nagawa ni Haku, kinuha ng Prisoner Guard ang ahas kay Haku at inabutan ng isang telang pula na pouch.

Haku opened the pouch at napangiti. Itinaas niya sa amin ang ilang pirasong libo na laman ng pouch. The mask guys didn't lie noong sinabi niya na pera ang kapalit kung magagawa namin ang dare.

"Letse! Hindi man lang nakatulong ang sinabi ni Haku." Reklamo ni Irene. She just imitated kung ano ang ginawa ni Haku kanina.

Napatingin ako kay Sam at nanginginig ang kamay niyang hinampas ang kulungan gamit ang kaliwa niyang kamay.

"Sam, kalma! Mararamdaman ng ahas kung natatakot ka sa kaniya." Sigaw ni Dale (Prisoner 22) na kasama niya sa cell. Siyempre, gusto naming lahat na maka-survive ang mga cellmates namin.

"I-I am trying!" Sam shouted at pinahid ang luha niya.

The rest of the players looked so scared puwera kay Marco. I mean, naiintindihan ko naman. Kung ako man ang nasa sitwasyon nila ay baka magblangko na rin ang utak ko, sivuro ay hindi ako matatakot kung simpleng ahas lang iyan. But those are venomous snake! Isang maling galaw ay mamamatay kami.

"I made it!" Malakas na sigaw ni Irene ang umalingawngaw sa paligid noong mahawakan na niya ang ahas.

"Higpitan mo ang hawak mo, malikot 'yan." Advise sa kaniya ni Haku.

"Alam ko, okay? Hindi ako tanga." Mataray na sabi ni Irene.

9 minutes and 43 seconds left.

Kulang sampung minuto na lang ang natitira sa oras at si Haku pa lamang ang nakatatapos sa kanila sa challenge. Nabaling ang atensiyon ko kay Sam. She used her right arm to deceived the snake.

"Baligtad." Mahina kong bulong sa sarili ko. "Mas mahina ang grip ng kaliwang kamay niya kung iyon ang ipanghahawak niya sa leeg ng ahas."

"Maybe she's left handed." Ruri said to me.

Unti-unting ipinasok ni Sam ang kaniyang kaliwang kamay papasok sa kulungan. Mali.

Hindi niya dapat binagalan.

The saw-scaled viper saw her right hand and with it quick reflexes— natuklaw si Sam. Mabilis na inilabas ni Sam ang kaniyang kamay sa kulungan at malakas na napasigaw. "Natuklaw ako! Natuklaw ako!" She shouted as she watch the blood flow out of her body.

Natakot kaming lahat especially ang mga katabi niyang prisoners. Napansin ko ang panginginig ni Irene. "Irene, focus!  Kaunting segundo na lang!" Sigaw ko para hindi manlambot ang mga braso niya dahil sa takot. Mas delikado kung makakawala ang ahas mula sa kaniyang kamay.

7 minutes and 50 seconds left.

Tanging sigaw ni Sam ang maririnig sa paligid, napapapikit na lamang ako sa sitwasyon. Pinagmamasdan lang ni Sam na umagos ang dugo mula sa kaniyang kaliwang kamay. Maging si Ruri ay napatakip ng kaniyang bibig at pinigilan ang luha sa kaniyang nasaksihan.

"Prisoner 19 successfully completed the dare! Congratulations!" Isang anunsyo ang umalingawngaw sa paligid at kinuha na noong Prison Guard ang ahas sa kamay ni Irene. Compared to Haku, hindi namin magawa na matuwa para kay Irene knowing the fact na may isang prisoner ang nakagat ng ahas.

"Nanghihina ako... tulong..." sabi ni Sam at namuo na ang pawis sa buo niyang katawan. Namaga na rin ang lugar kung saan siya nakagat ng ahas.

"Gela! Do the challenge!" Malakas na sigaw ni Kennard dahil nakatakip lang ng bibig si Gela habang pinagmamasdan si Sam na mahirapan huminga.

"H-Hindi ko kaya! Hindi ko kaya!" Malakas na sigaw ni Gela pabalik kay Kennard.

"Wala ng oras Gela! Kailangan mong matapo 'yong dare!" Sigaw man ni Anya.

Five minutes and 13 seconds left.

Nabigla kami noong malakas na sipain ni Marco ang kulungan noong ahas at muntik ng tuklawin ang kaniyang paa. May suot naman na sapatos si Marco kung kaya't hindi siya makakagat. Umupo muli si Marco pero sa pagkakataong ito ay mas malapit ang mukha niya sa ahas at nakapalibot ang kamay niya sa kulungan. Napaatras ang ahas sa dulo ng kulungan dahil sa takot kay Marco.

Marco really showed that he is more scary to the snake. Marco is just staring the venomous snake.

"W-Wala bang gagawin si Marco? Talagang makipagtitigan lang siya sa ahas?" Tanong ni Ruri.

"Ano? Patangahan kayong dalawa ni Gela diyan, Marco?" Muling sumigaw si Benjo. "Tanggap ninyo nang mamamatay kayo sa unang laro?"

Gela tried to do Haku's trick earlier at napapapikit siya tuwing maririnig niya ang malakas na sigaw ni Sam na para bang naghahabol ng paghinga. Hirap makakilos si Sam, gustuhin man namin tumulong sa kaniya ay hindi kami puwedeng lumabas sa kulungan namin... this is outside the open hours, the moment we step out ay mamamatay din kami sa laro.

"H-Hindi ko kaya." Napasabunot si Gela ng kaniyang mukha at sunod-sunod na hikbi ang kaniyang pinakawalan.

"Puta naman, oh!" Ramdam ko ang frustrations ni Kennard habang pinagmamasdan si Gela. Napapasiba na siya sa kanilang rehas dahil sa inis.

"Tulungan ninyo... ako..." we can heard Sam voice seeking for help.

Ang dami ng nangyayari. Hindi ko na alam kung sino ang titingnan ko, naramdaman ko na lang ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot. Marco is just seating there habang kaharap ang ahas, Gela is crying so loud as she tried to do the challenge, Sam is lying at the floor shouting in pain.

2 minutes and 55 seconds left.

"Prisoner 10 successfully completed the dare! Congratulations!" Nabigla kamo noong i-anunsyo na ligtas si Marco dahil nakaupo lamang siya at tinitingnan ang ahas.

"P-Paano ang ginawa mo?" Tanong ni Gela sa kaniya. Marco accepted the money at saka lang tumingin kay Gela.

"Are you really sure that you want to know kung ano ang ginawa ko? Mukhang takot ka ngang hawakan ahas, eh." Sabi ni Marco sa kaniya. "Aabot ka ba?"

Napatingin kaming lahat sa oras.

2 minutes and 15 seconds left.

"Please! Gusto kong mabuhay! Ayokong mamatay!" Gela shouted at ramdam ko ang pagiging desperado niya.

Marco only stared to her.

2 minutes left.

Ngumiti si Marco sa kaniya. Wala ng oras. "I just touch the snake body for two minutes. The moment na tinakot ko ang ahas at napaatras ito ay nakahanda na ang daliri ko sa likod ng kulungan para mapadikit ang ahas. I keep my eye contact closely to it para hindi niya mapansin ang nakadikit na daliri ko sa likod ng kaniyang katawan." Paliwanag ni Marco sa kaniya.

"Simple lang naman ang rule ng laro, touch the snake for two minutes to finish the dare. Dalawang beses pang inulit noong lalaking nakamaskara ang rule. Wala naman siyang sinabi na hawakan sa leeg o ilabas sa kulungan ang ahas. The moment na nakadikit ang isang daliri ko sa likod nito ng hindi nito napapansin ay umandar na ang two minutes ko." Paliwanag ni Marco.

Hindi ko naisip ang tungkol doon.

Tama siya, basta nakadikit ang kahit anong parte ng katawan mo sa ahas ng dalawang minuto ay matatapos mo ang dare... kahit pa daliri lang ang nakadikit dito.

"Gagawin ko 'yan." Gela said and she panickly kicked the snake cage.

"Good luck, wala ka ng oras." Marco said at itinuro ang timer

1 minute and thirty seconds left.

Nakapamulsang umalis si Marco at pumasok muli sa aming selda. "Sinadya mo." Sabi ko sa kaniya at napatingin ito sa akin. "Sinadya mong isaktong dalawang minuto na lang ang natitira sa oras bago mo sinabi kay Gela ang naging taktika mo para hindi siya umabot." Unti-unti akong nakaramdam ng inis kay Marco.

His brows crunched and smirked. "Wow, kasalanan ko pa ngayon na hindi nila naisip ang bagay na iyon. They have plenty of time earlier to ask me kung anong plano ko pero walang nagtangka ni-isa sa kanila ang magtanong. Do not put blame on me dahil lang nalagay sa alanganing sitwasyon ang isang player sa katangahang hindi naman ako ang may gawa."

May punto naman si Marco kaso... kaya niya pang iligtas ang buhay ni Gela! Pero hindi niya ginawa. Scammer nga talaga siya— tuso.

Unti-unting naubos ang oras and obviously hindi iyon nagawa ni Gela. Malakas siyang umiyak at pinapahid ang kaniyang luha. Lahat kami ay nakaramdam ng awa kay Gela at Sam, they didn't deseve this. Especially Sam, nakahiga lang ang nanghihina niyang katawan sa sahig at naghahabol nang paghinga.

Lumabas muli sa screen ang game master. "Congratulations to Prisoner 10, Prisoner 14, and Prisoner 19 for successfully completing the dare. Each player received 50,000 pesos as a reward for completing the task. Unfortunately Prisoner 1 and Prisoner 23 didn't able to finish the task."

He smiled once again. "At the end of the day, this is a game afterall. May nanalo at may natatalo. And the losers should face their consequences. It's been a great journey Prisoner 1 and Prisoner 23."

Nabigla na lang kami noong makita na kumikislap at tumutunog ang pulang ilaw sa device na nakakabit sa leeg ni Sam at Gela. Gela looked terrified at malakas na umiyak. "Ayokong mamatay! Ayokong mamatay!" Malakas niyang sigaw at nanginginig ang ibabang labi ko sa galit.

Sam tried to move kaso ay hinang-hina na ang katawan niya sa lasong unti-unting kumakalat sa kaniyang katawan.

Bumilis ang pagkislap at pagtunog ng device sa kanilang leeg at sa isang iglap ay malakas na pagsabog ang aming narinig sa paligid. Napapikit ako at naramdaman kong may likido na tumalsik sa aking mukha.

Sa muli kong pagdilat ay umaagos na ang dugo mula sa katawan ni Gela at Sam, parehas wala ng ulo ang kanilang katawan. Nagkaat ang piraso ng utak sa paligid. "Tangina." Bulong ko sa sarili ko dahil totoong pinatay ng larong ito ang dalawang kasamahan namin ngayong gabi.

Lahat ay nanlulumo ngayong araw lahat ay napapasigaw sa inis at sa galit.

"Prisoner 1 and Prisoner 23 are now eliminated in the game. By the way, if they continue to do the challenge kahit na natuklaw sila ng makamandag na ahas. We have a ready antivenoms to save them. Baka iniisip ninyo na ganoon kami kasamang tao sa larong ito." Madiin akong napakuyom at ramdam ko ang pagbaon ng kuko ko sa palad ko sa galit.

"Putangina ninyo! Mga demonyo!" Malakas na sigaw ni Kennard na ikinatawa lang noong lalaking nakamaskara.

"Our first dare night will end here. I hope all of our Prisoners had a good time dahil tunay na nag-enjoy ang ating mga manonood sa nangyari ngayong gabi. Congratulations once again sa lahat ng players na naka-survive sa laro ngayong gabi. I hope all of you will have a good sleep, good night."

Namatay na ang screen at kinaladkad na ng mga Prisoner Guard ang walang buhay at ulo na katawan nila Sam at Gela. Kita namin kung paano bumakas ang dugo sa sahig sa tuwing hinihila sila.

Sa gabing ito, dalawang kasamahan namin ang nawala dahil sa putanginang Prisoner Game na ito, sa larong ito, walang kasiguraduhan kung makakaalis nga ba kami ng buhay dito.

***

Prisoners List

Prisoner 1- Gela (F) ELIMINATED
Prisoner 2- Anya (F)
Prisoner 3- Kennard (M)
Prisoner 4-  Awi (F)
Prisoner 5- Thea (F)
Prisoner 6-  Cholo (M)
Prisoner 7- Renz (M)
Prisoner 8- Lorraine (F) ELIMINATED
Prisoner 9- Gabbi (F)
Prisoner 10- Marco (M)
Prisoner 11-  Jude (M)
Prisoner 12- Ruri (F)
Prisoner 13- Sandra (F)
Prisoner 14 - Haku (M)
Prisoner 15 - Drake (M)
Prisoner 16- Coby (M) ELIMINATED
Prisoner 17- Jia (F)
Prisoner 18- Benjo (M)
Prisoner 19- Irene (F)
Prisoner 20- Duke (M)
Prisoner 21- Paco (M)
Prisoner 22- Dale (M)
Prisoner 23- Sam (F) ELIMINATED
Prisoner 24-Fendi (F)

Remaining Prisoners: 20

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top