Chapter 8: Chosen Prisoners
KINAGABIHAN, tahimik lang akong nakaupo sa kama at pinagmamasdan ang pagbabago ng oras sa digital clock. It's already 7:48PM at ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang dare. Bawat segundo na pumapatak ay kasabay nito ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Parang nag-flashback sa isip ko 'yong nangyari sa dalawang prisoners kanina. They instantly died by just trying to violate the game rules, ano kaya ang maaaring consequence sa hindi paggawa ng dare?
"Kahit anong mangyari ay gawin natin ang dare, maliwanag ba?" Sabi ko kay Marco and Ruri. I just want the three of us to survive.
"What if the dare is to kill one of us?" Tanong ni Marco habang nagbabasa ng libro. He is well compose na para bang ready siya sa larong ito, he hide his fear so great.
"Huwag kang magsalita ng ganyan!" Suway ni Ruri sa kaniya.
"That is only what if's, kung ako ang mapipili sa dare at iyon ang dare. I would not hesitate to kill one of you. Lalo ka na, Jude," Nabigla ako sa sinabi ni Marco. "You are stronger than Ruri, you can possibly eliminate me sa mga susunod na dare. I might eliminate other strong players first." He honestly said.
7:55PM. Limang minuto bago ang pagsisimula ng unang dare ngayong gabi. Hindi ako mapakali at ramdam ko ang panginginig ng aking kamay. "Sa dami namin dito, sana naman ay hindi ako ang mapili." Bulong ko sa sarili ko.
Hindi ako puwedeng sumuko, may pangarap ako sa labas ng kulungang ito. At isa pa, sa oras na matapos ko ang larong ito ay kapalit nito ay sampung milyong piso. Mapapagamot ko na si Kuya, mapapatigil ko na sa pagtatrabaho si Mama't Papa, hindi ko na poproblemahin kung saan ako kukuhang pera pangbayad ng renta at tuition.
Tanggapin ko man o hindi, pera ang nagpapatakbo sa mundong ito. Mamatay na ang nagsasabing money can't buy happiness. Money can buy my happiness, my comfort, my wants, my needs, my future.
Pagpatak ng alas-otso ay may ilang segundong matinis na ingay ang narinig sa buong paligid. Napatakip ako ng tainga at nabuhay ang screen ng TV. Muling lumabas ang lalaking naka-half mask sa screen at ngumiti sa amin.
"Good evening, players! I hope you are having a great stay here in our Underground prison! Sa nakalipas na ilang oras ninyong pananatili rito ay dalawang prisoner na agad ang na-eliminate sa laro. You are much better than our previous batch na apat na players agad ang na-eliminate sa kanila bago magsimula ang dare." Paliwanag nitong lalaking nakamaskara at sumeryoso ang mukha niyang muli. "Pero gaano nga ba kayo tatagal sa Prisoner Game?"
"Our first dare night will now begin. Again, the rule of our game night is very simple. Five random prisoners will be chosen to do a dare, if the prisoner successfully finish the dare, the prisoner will receive 50,000 pesos. If the player fail to do the dare... the prisoner will receive a punishment." Paliwanag niya sa aming lahat.
Huminga akong malalim. At the back of my mind, I just hope na hindi ako ang mapipili ngayong gabi.
"We will now choose five random prisoners that will do the dare." Sabi nito at nabago ang naka-flash sa screen at tanging listahan na lamang ng mga pangalan ng prisoners ang nakalagay.
The random picker started to choose players from the listed names. Grabe ang kaba ko kapag natatapat sa Prisoner 11 ang pulang kulay. Kung kanino kasi ito huminto ay siya ang lalaro sa gabing ito.
Huminto ang pulang kulay, napatingin kami lahat sa screen and it stopped to Prisoner 14. Ito 'yong lalaking may puting highlights sa buhok— si Haku. He just smiled and nakipag-apir sa mga kasama niya sa cell. "Kapag ako na-dedz kayo na bahala bumili ng dog food sa mga aso ko." Pabiro niyang sabi.
Kinabahan ako dahil akala ko ay tatapat ito sa Prisoner 11 at mabuti na lamang ay lumagpas ito. Na-weird-uhan nga ako dahil parang tinanggap lang ni Haku na isa siya sa lalaro ngayong gabi.
The randomizer continued to choose other Prisoners. The red color stop to Prisoner 19 which is the girl sa cell 7. Kita sa mukha niya ang takot at naiyak pa siya. Pinahid niya ang luha niya at humingang malalim. "I can do this, hindi ako mamamatay dito. Get my make up, I need a retouch." She cheered herself up at ganoon din ang mga kasama niya sa Cell 7.
Napapakagat na ako sa ibabang labi ko dahil sa kaba. Hindi ako kasing tapang ni Haku na kayang harapin ang nangyayari na parang wala lang. Ayokong lumaro ngayong gabi dahil gusto kong obserbahan muna kung ano ang maaaring ilatag na mga dare ng Prisoner Game, para kung sakaling turn ko na, handa na ako.
The Randomizer continue to choose players at tumigil ito sa Prisoner 1– kay Gela. Napaupo siya sa sahig at napaiyak. Maiksi man ang naging interaction naming dalawa ay nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Halata sa bawat hikbi at iyak niya na ayaw niyang lumaro ngayong gabi.
"A-Ayoko lumaro... Kennard! Anya! Tulungan ninyo ako, please! Ayokong lumaro." Boses lamang ni Gela ang naririnig namin dahil malayo ang cell nila sa amin. Bakas sa boses niya ang takot. The whole cell one tried to calm her down and relax her.
"Kalma, Gela, hindi ka makakapag-isip ng maayos kung hindi ka relax. You can do this, we will cheer you." Kennard assured her.
The randomizer contienued at tumapat ito sa Prisoner 23. Same with Gela's reaction. Napaiyak din si Sam.
Naaawa ako sa kanila pero the more na nadadagdagan ang napipiling players ng randomizer ay unti-unti akong nakakahinga ng maluwag, it just means lumiliit ang tiyansa na lumaro ako ngayong gabi.
Isang player na lang ang hinahanap sa laro at napapakagat na ako sa ibabang labi ko sa kaba. The randomizer is still chooing a player hangga't unti-unti itong bumagal hangga't tumapat sa pangalan ng isang Prisoner.
Napatingin kami sa kaniya.
Prisoner 10: Marco
Ibinaba lang ni Marco ang librong binabasa niya at kalmadong tumingin sa screen. He is really well-composed. Nakahinga na ako ng maluwag. It just means na hindi ako lalaro ngayong araw, I survived this day. But at the same time, naawa rin ako kay Marco, naging magkasama din naman kaming dalawa at gusto ko siyang tumagal sa laro.
"Kaya mo 'to, Marco, hindi ito ang papapatay sa 'yo." Sabi ko sa kaniya.
He didn't bother to look at me. "I know." He answered.
Lumabas muli ang lalaking nakamaskara sa screen. He smiled at tinuloy ang pagpapaliwanag. "And that's it! Nakumpleto na ang mga players na lalaro ngayong gabi. Prisoner 1 from cell 1. Prisoner 10 from Cell 4. Prisoner 14 from Cell 5. Prisoner 19 from Cell 7. Prisoner 23 from Cell 8." He introduced the players.
Bumukas ang pinto ng bawat selda. "Kindly step out of your cell to play the game." Kalmadong lumabas si Haku at Marco sa kanilang cell. Si Irene naman ay halatang tinatapangan niya lamang. It took a couple of minutes bago napalabas si Sam at Gela sa kanilang cell.
Naiintindihan ko rin naman kung bakit sila natatakot dahil bala ito ang maging huling gabi nila sa laro.
We all cheered them up, I just hope na magawa nilang lahat na matapos kung ano man ang dare na ipagagawa nitong game.
"Alright, I want all the players to know that this dare was requested by Mr. Ching who is our highest gift sender tonight. He sent 5 million pesos today at nakakahiya naman kung hindi natin ito pagbibigyan, prisoners?" The mask guy in the TV screen explained to us at napahigpit ang kapit ko sa rehas dahil sa galit.
Sa larong ito ay laruan lang talaga kami ng mga mayayaman. Maya-maya lamang ay may limang prisoner guard ang pumasok sa cell area. May tinutulak silang parang isang push cart at tumapat sa kada-isang prisoners na maglalaro. Bawat push cart ay may nakatakip na isang mahabang tela kung kaya't hindi namin makita kung ano ang laman nito.
"Prisoners, are you ready for our first dare?" Kita ko ang takot sa mukha ni Sam, Gela, at Irene. Haku is smiling like he is excited na parang bang hinihintay niyang i-reveal kung ano ang laman ng Push cart. Si Marco naman ay kalmado lang nakatingin sa push cart.
"Prisoner Guard, kindly reveal what inside the push cart." Hinatak ng mga prisoner guard ang tela at tumambad sa amin ang isang ahas kada push cart. The snakes are all in defense mode na para bang ano mang oras ay manunuklaw ito.
Napasigaw sina Gela at Sam. "A-Ayoko! Ayoko nito!" They shouted.
"Gela, kalma lang!" Sigaw ni Anya.
"Guys kaya ninyo 'yan!" Sigaw ko naman to cheered them up. It just a snake.
"Kaya namin 'to? E 'di ikaw na dito!" Malditang sabi sa akin ni Irene at inirapan ako.
"Prisoners sa harap ninyo ngayon ay may limang ahas. Simple lang naman ang gusto ni Mr. Ching na mangyari. Mr. Ching wants you to touch the snake for two minutes. If you managed to do it, you successfully cleared the dare and will receive 50,000 pesos." Paliwanag noong lalaki na naka-mask.
"Madali lang naman pala ang dare." Sabi ni Ruri sa akin.
"You have 30 minutes to clear the game at kung hindi ninyo ito magawa sa loob ng tatlumpung minuto, you will receive a punishment," he smirked. "A punishment na hindi ninyo gugustuhin."
The way Marco stared at the snake, mukhang alam niya na ang magiging diskarte niya. He looked like a high intellectual guy kung kaya't hindi ako kinakabahan na matatapos niya ang larong ito... kinakabahan ako para kay Gela, Irene, at Sam na pare-parehas nanginginig sa takot.
"Oh, I just want to let you know na hindi ito basta-bastang ahas lamang. The snakes are a Saw-Scaled Viper which is one of the highly venomous snakes in the world kung kaya't mag-ingat kayo na huwag matuklaw, Prisoners. Ayoko pa man din na may nasasaktan sa inyo." Hindi nawawala ang ngisi sa kaniyang mukha at mas lalo akong kinabahan para sa mga kasama kong maglalaro. Mukhang agresibo pa naman ang mga ahas na nasa kulungan.
"Again, simple lang ang rules, touch the snake for two minutes and you will successfully finish the dare." Pag-uulit noong lalaking nakamaskara.
"Let the first game tonight... begin."
Napalitan ng timer ang screen at napabaling na ang atensyon ko sa mga players na lalaro. I just hope that they will survive this challenge.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top