Chapter 7: System and Plan

NAGTIPON-TIPON kaming lahat sa cafeteria upang pag-usapan ang magiging plano namin. Prisoner 5 is leading everyone, hindi sang-ayon ang lahat sa meeting na ito pero ito ang gusto nang nakararami kaysa kunilos mag-isa para maghanap ng susi.

"Okay, let start with introducing ourselves first. Ang pangit naman din kung ia-address natin ang isa't isa as Prisoner then the number in our shirt like we are sort of lab rats in this area." Panimula ni Prisoner 5. "Simulan natin sa cell 1 hanggang cell 6." Dugtong niya pa.

Prisoner 1- Gela (F)
Prisoner 2- Anya (F)
Prisoner 3- Kennard (M)
Prisoner 4- Awi (F)
Prisoner 5- Thea (F)
Prisoner 6- Cholo (M)
Prisoner 7- Renz (M)
Prisoner 9-  Gabbi (F)
Prisoner 10- Marco (M)
Prisoner 11- Jude (M)
Prisoner 12- Ruri (F)
Prisoner 13- Sandra (F)
Prisoner 14 - Haku (M)
Prisoner 15 - Drake (M)
Prisoner 17- Jia (F)
Prisoner 18- Benjo (M)
Prisoner 19- Irene (F)
Prisoner 20- Duke (M)
Prisoner 21- Paco (M)
Prisoner 22- Dale (M)
Prisoner 23- Sam (F)
Prisoner 24-Fendi (F)

Matapos namin makilala lahat ay nagkaroon kami ng familiarity sa isa't isa, although, hindi ko naman din natandaan ang pangalan nilang lahat. "Ngayong kilala mo na kami lahat? Ano nang plano mo? Lider ka ba rito? Sino naman ang nagluklok sa'yo para gawin mo kaming tuta lahat?" Inis na tanong ni Benjo na prenteng nakaupo sa isang bench.

Inis siyang tinitigan ni Thea. "Did I say na maging lider ninyo ako? Kung ano ang ikinalaki ng katawan mo ay ikinaliit ng utak mo! Puro muscle? Walang substance?" Balik ni Thea sa kaniya.

Inis na napatayo si Benjo. "Anong sinabi mo?! Anong gusto mong ipunto dito?"

"Bobo ka." Matapang at direktang sagot ni Thea sa kaniya.

"Can you stop? We are not here to watch you argue all day." Sabi ni Jia. "Anong plano mo, Thea?"

"We need to have a systematic plan para hindi magulo ang paghahanap natin. Huwag nating hayaan na may mawala pa sa atin sa larong ito. We must all survive." She explained at tahimik kaming nakikinig sa kaniya. "Una, karamihan sa atin ay hindi nakakain kaninang tanghali dahil sa pagiging busy natin sa paghahanap ng susi. Is there any player who wants to volunteer para magluto ngayon?"

Prisoner 3 raised his hand— Kennard. "Culinary student ako. Puwedeng ako na ang bahala sa pagluluto. Gela and Anya can give me a hand. Kami ng cell 1 ang bahala sa kakainin natin sa araw-araw."

"Magluluto lang kayo tapos kami ay magpapakahirap maghanap ng susi? Isn't that unfair?" Sabi ni Prisoner 13– si Sandra.

"Hindi naman namin sinabi na hindi kami tutulong sa paghahanap ng susi. After we cook ay puwede na kaming tumulong, kaysa naman magutom tayong lahat dito?" Kennard has a point. Kailangan namin kumain ng mga masusustansyang pagkain kaysa puro tinapay ang kainin namin.

"May tututol pa ba?" Tanong ni Thea. "Again, if you don't want na puro cell 1 lang ang magluluto ay puwede ring magluto ang ibang prisoner na maalam sa kusina, we can have rotation na lang kung sakali." Paliwanag niya at wala nang umangal pa.

"Matagal pa ba 'tong walang kuwenta ninyong meeting?" Bigla muling nagsalita si Benjo. "Nasasayang ang oras, oh. Bukas na ulit tayo makakalabas neto." Bagot na bagot niyang reklamo.

Thea sighed at halatang naiinis na sa mga inaakto ni Benjo. Iba-iba naman din kami ng personality at hindi lahat ay mapasusunod niya. "Next one, there is a lot of rooms here in Underground Prison. Ang naiisip kong gawin natin ay kung sino ang magkakasama sa isang cell ay sila ang magkakasama sa isang room." She explained.

"For example, the whole cell 2 Prisoners will find the key in Infirmary while the cell 3 Prisoners will find the key in the Gym area. Bago matapos ang open hours ay sasabihin natin sa isa't isa ang mga ginawa nating paghahanap o kung nakita na ang susi. Para lang hindi magulo at hindi na maulit ang mangyari sa library area na nakasabog ang lahat ng libro." She explained.

We all accepted her plan. I mean, malaking bagay na rin na nag-step up si Thea sa larong ito. Mas magkakaroon kami ng sistema dito sa underground prison.

Kasama ko sin Ruri at Marco na naglalakad patungo sa storage area at napapatingin ako sa mga vandal sa pader.

The only way to escape is to go down. Everybody will go down to hell.

You will all die here.

You are at the bottom of the hell.

Marami pang vandal ang nakasulat sa pader pero isa lang ang ipinapahawatig nitong lahat, ang pagbagsak naming lahat.

"Jude," nabalik ako sa huwisyo noong tinawag muli ako ni Ruri.

"A-Ano? May sinasabi ka ba? Sorry? Busy akong i-observe ang paligid." Paliwanag ko sa kaniya.

"Kumusta kako 'yong ulo mo? Masakit pa ba? Mahigpit ba ang pagkakabenda ko?" Concerned na tanong ni Ruri.

"Ayos lang. Hindi na rin gaano kumikirot." Paliwanag ko.

Nakapamulsa lang si Marco na nangunguna sa paglalakad. "Kung mawawala ka sa huwisyo, better make sure that you are just thinking on how we can fucking escape in this place." Sabi niya at nasa tapat na kami ng pinto ng storage room.

Binuksan ni Marco ang pinto at sumalubong sa amin ang mabahong amoy ng mga lumang karton. May mga agiw din sa paligid na halatang matagal na walang gumagamit ng lugar. Napakapit sa laylayan ng damit ko si Ruri. "Sorry, it's just... dalawa na ang nawawala sa laro, malay ko ba kung may mga buglang sumulpot na kung ano-ano dito." She explained at naintindihan ko naman iyon.

Nakasunod kami kay Marco papasok at binuksan niya ang ilaw tumambad sa akin ang patong-patong na kahon sa paligid. May mga ipis at daga rin sa storage area, hindi naman din ako takot doon dahil marami ring ganoon sa apartment ko.

Sinimulan namin galawin ang mga kahon at isa-isa itong binuksan. Bahagya akong napaubo dahil sa alikabok. "Prisoners of year 2022." Pagbasa ko sa isang folder na kinuha ko. Binuklat ko ito at may mga mukha akong nakita, total of 24 prisoners din ang nandito.

Nagulat ako noong may makita akong pamilyar na mukha sa listahan. "This guy..." Nakuha ko ang atensyon ni Marco at Ruri. "Siya 'yong lalaki na nag-invite sa akin sa larong 'to!" Sigaw ko.

Napalapit din si Ruri at Marco sa akin. "This girl, siya naman ang nag-imbita sa akin." Sabi ni Ruri.

"Seems like those people are the old survivors of this game. Mukhang mas pinili nilang maging parte ng sistemang ito." Sabi ni Marco. "At saka, bakit iyan ang inaatupag mo, Jude? Our goal here is to find the key, hindi tingnan lahat ng folders na makikita mo."

"Nagbabakasakali lang na nakaipit." Depensa ko.

Nagpatuloy kami sa paghahanap at ilang minuto na ang nakalilipas na paghahanap sa mga kahon, sa mga taas ng shelves, sa mga maliliit na lalagyan ay wala kaming susi na nakita.

"Alam ninyo, iniisip ko talaga kung ano 'yong dare mamayang gabi. Kinakabahan ako sa posibleng ipagawa sa atin ng game." Sabi ni Ruri habang naghahanap-hanap.

"Kung ano man 'yan, ang nasisigurado ko lang ay hindi basta-bastang dare ang ipagagawa nila sa atin. Especially, they have people they need to entertain." Paliwanag ko at tumingin sa camera.

"They might dare you to kill somebody." Sabi ni Marco at saglit kaming napatigil ni Ruri. "Bakit parang natakot kayo?" He smirked.

"Huwag kang nagsasalita ng ganyan! Ang immoral naman kung ipapagawa nila sa atin ang pumatay." Sabi ni Ruri.

"Well, they knew that we are desperate to live. And that will be our possible driving force to do something na labag sa konsensya natin." Paliwanag ni Marco sa amin. "Lalo na't may perang nakataya sa tuwing makakagawa ka ng dare, which is pare-pareho nating kailangan."

"Ikaw, Marco, kung ikaw sakali ang mabigyan ng dare na pumatay. Gagawin mo ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo." He answered at nagkatinginan kaming dalawa ni Ruri. "Bakit parang gulat na gulat kayo? Oo, gusto kong makalabas tayo sa lugar na ito pero pinaka priority ko ang sarili ko. Kung hindi ko gagawin ang dare ay ako ang mamamatay." Paliwanag niya.

"At isa pa, sa dami ng nai-scam ng mga kasama ko ay paniguradong ipapapatay din ako ng mga naloko namin kapag wala akong naiabot na pambayad. So I do not have any choice. Kailangan kong kumita ng pera sa paggawa ng mga dare at para makaalis sa lugar na ito." Paliwanag niya at naintindihan ko ang side niya.

Totoo naman din ang sinabi ni Marco, kung ako man ay baka magawa ko ang bagay na kinatatakutan kong magawa lalo na't may pamilya akong uuwian. May pag-aaral akong kailangan tapusin. Kailangan maging proud pa sa akin sila Mama,

Nagpatuloy kami sa paghahanap at lahat na nga yata ng kahon dito ay nabuksan namin ngunit ni-anino ng isang susi ay wala man lang kaming nakita. Totoo nga ang sinabi nila na hindi magiging madali ang larong ito. We thought that two weeks of playing this game is enough pero sa sitwasyon ngayon ay mukhang kulang pa.

Naputok ang paghahanap namin noong may marinig kaming katok mula sa pinto. "Guys, sorry to interrupt you." A girl with twin ponytail politely gets our attention— si Gela (Prisoner 1). "We only have 30 minutes left bago matapos ang window hours. Nakahanda na ang pagkain sa cafeteria, kumain na tayo." Aya niya sa amin.

Napabuntong hininga ako at sinipa ang isang walang lamang kahon. Walang kinapuntahan din ang paghahanap na ginawa namin ngayong araw.

"Kumusta ang paghahanap ninyo?" Tanong niya sa amin.

"Negative." Sagot ko.

"Ganyan din ang sinabi ng Cell 6 kanina sa paghahanap nila sa Gym Area." Gela said to us and smiled. "But huwag tayong mawalan ng pag-asa, may bukas pa. Makakaalis tayo rito."

"You are right, makakaalis tayo rito." Sabi naman ni Ruri.

Pagkarating namin sa cafeteria ay may ilang players nang nandito. The moment na nalaman namin ang mga pangalan ng isa't isa ay mas nakilala ko na sila, we are more open to talking to each other kaysa kumikilos lang mag-isa dito sa larong ito na wala naman patutunguhan.

"We cooked two dishes, Sinigang na hipon at kung may mga prison na ayaw ng sabaw ngayong araw ay nagluto rin kami ng pritong manok." Paliwanag ni Kennard na siyang main cook ngayong araw.

Kumuha lang ako ng isang pritong manok at naglagay ng sabaw sa mangkok.  Bumawi ako sa kanin dahil tinapay pa lang ang kinakain ko maghapon. Fortunately, masarap ang pagkain na niluto ng Cell 1 lalo na ang sinigang na hipon nila.

Habang kumakain na rin ay pinag-usapan namin ang ginawa naming paghahanap, we all reported the same thing— walang nakahanap ng susi. We are all disappointed dahil ibig sabihin lamang nito ay kinakailangan pa namin mag-stay sa underground prison ng isa pang araw.

Gaano nga ba kahirap hanapin ang bagay na iyon? Where did the game administrator hid that key?

"Huwag tayong mawalan ng pag-asa, may bukas pa. Each cell ay ibang lugar naman ang hahanapan nila para ma-cover natin lahat." Thea said. "Ngayon ay enjoy-in muna natin ang pagkain na nasa harap natin."

"How can we enjoy knowing the fact na may mamatay sa atin mamayang gabi?" Sabi ni Prisoner 19– Irene.

"Walang mamamatay." Sinabi ni Thea sa kaniya. "All we need to do is do that dare and we will be safe. Wala nang dapat mamatay sa atin."

Wala man kaming ideya sa mga puwedeng ipagawa ng laro na ito pero posible isa ako sa limang random players na gagawa no'n ngayong gabi. I should be mentally prepared for this one.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top