Chapter 6: The Reason

PAGKABALIK namin sa mga cell namin ay para akong walang buhay na umupo sa kama. I just witnessed to deaths of two people at wala pa kaming isang buong araw na nilalaro itong Prisoner Game.

"Nasusuka ako," Sabi ni Ruri at nagmamadaling pumasok sa CR sa loob ng Cell 4. We can hear her from here. Pinagmasdan ko ang talsik ng dugo sa katawan ko. This is all real blood. This game, hindi ito katulad nang mga napanonood sa TV o sa mga vlog. Binubuhay ng larong ito ang takot sa buo kong katawan.

"Your head," Biglang nagsalita si Marco at nakuha niya ang aking atensiyon. "How was it?"

Napahawak ako muli sa aking ulo na may benda. "Medyo makirot na lang." Sagot ko sa kaniya. Nawala nga sa isip ko na may sugat ako sa ulo dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. "Makapagpapalit ba tayo ng damit?" Tanong ko dahil may mga talsik ng dugo ang suot naming orange ma tracksuit na parang isang preso.

"May kabinet sa gilid," turo ni Marco. "I checked that at may mga spare na damit. But it is just similar on what we are wearing right now. Just make sure to get the tracksuit that is similar to yours— 11." Paliwanag niya sa akin. Tumayo ako at kumuha ng panibagong tracksuit. Hindi ko na matiis ang amoy ng dugo na natuyo na sa balat ko.

Nanghihinang lumabas sa CR si Ruri at ponunasan ang kaniyang labi. "Kumuha ako ng benda kanina sa infirmary at saka panglinis sa sugat. Puwede nating palitan ang nakalagay sa ulo mo." She explained to me.

"S-Salamat." Kahit papaano ay naramdaman ko nang unti-unti kaming nagiging close sa Cell 4. Kumuha ako ng panibagong damit sa may kabinet. Mabuti na lang din ang may mga bagong underwears din silang nakalagay dito.

Pumasok ako sa CR at binuksan ang shower, hinayaan kong dumampi sa balat ko ang malamig na tubig na unti-unting tinatanggal ang mga tuyong dugo sa aking balat. Muli kong naalala ang nangyari sa dalawang kasamahan namin, tandang-tanda ko pa kung paano sumabog ang kanilang mga ulo.

Parang umikot ang sikmura ko at napahawak ako sa bibig ko dahil muntik na akong masuka sa diri. Hindi ko alam na may mga taong kayang gawin ang bagay na ito? They locked inside here all the people na may mga problema sa pera. They took that opportunity para mapasali kami sa Prisoner Game na ito.

Nilinisan ko na ang katawan ko at pinunasan ng tuwalya ang katawan ko. I look myself in the mirror. "I must survive. Kailangan kong mabuhay."

Paglabas ko ng banyo ay agad akong tinulungan ni Ruri na linisin ang sugat sa ulo ko. Ramdam ko ang hapdi noong lagyan niya ng alcohol ito. "What happened? Bakit may sugat ka sa ulo?" Tanong niya.

"Sinubukan kong gaguhin 'yong mga lalaking sumundo sa akin. Sinabi kong hindi ako parte ng laro at sinubukan silang takbuhan." Kuwento ko dahil ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ito nangyari.

Tahimik lang ako habang nililinisan ni Ruri ang sugat sa ulo ko. Napatingin ako kay Marco na tahimik lang na nakaupo sa kaniyang kama at tinitingnan ang isang libro na sa tingin ko ay kinuha niya sa library. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya. "How's your tour in the underground Prison? Found anything you like?" Tanong niya.

He flipped a page sa librong binabasa niya. "Inikot ko lang 'yong lugar para ma-familiarize ako. Mamaya ay susubukan ko nang hanapin 'yong susi paakyat sa basement prison." Paliwanag ko at tinalian na ni Ruri ng benda ang ulo ko. Tumingin ako sa kaniya. "Salamat."

Ruri seated beside me. "Tumulong ako kay Marco na maghanap ng susi sa Library area. We didn't conduct any inspection sa ibang area pa."

"Kumusta ang paghahanap ninyo?" Tanong ko. Tiningnan ko 'yong library kanina at ang lawak ng lugar para sa isang library dahil para siyang isang malaking bookstore sa dami ng bookshelves at librong naka-stock dito. Gawa sa wooden plank ang sahig nito kung kaya't maganda ang ambiance sa nasabing lugar.

"Hindi namin nakita ang susi." Sagot ni Marco. "Akala lang natin na magiging madali ang paghahanap natin sa susi dahil sa dami natin. Pero hindi basta-basta ang larong pinasok natin, malaking pera ang nakataya dito."

"At isa pa, ginulo ng ibang prisoners ang buong lugar. Tinapon nila halos lahat ng libro sa sahig, akala nila ay nakaipit sa mga libro ang susi... they found nothing." Ruri continued.

"Wala na ba talagang ibang paraan para makalabas tayo rito?" Tanong ko at umikot ang mata ko sa paligid.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Marco and he smirked. "What a joke." Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Sa tingin mo ba ay hahayaan ng larong ito na makalabas ka ng buhay? Their goal is to entertain those rich people na nanonood sa atin ngayon, kapag may namamatay sa Prisoner Game ah mas na-e-entertain ang mga nanonood sa atin. Sikretong laro ito na tinatago nila sa mundo."

"Kung gusto mong makalabas, kailangan tapusin mo ang laro." Dugtong pa ni Ruri. "Ganoon kasimple ang rule nito."

"Paano kayo nasali sa larong 'to?" Kunot-noo kong tanong. "Lalo ka na, Marco, mukha ka namang matalinong tao. Wala rin sa hitsura mo nangangailangan ka ng pera."

"You really thought that I am doing a pretty decent job?" Tanong niya. "Sabihin na natin na parte ako ng isang malaking pyramid scam. Front man ako, nilaglag ako ng mga kasama ko kung kaya't ako ang magbabayad ng mga ini-scam nila sa mga kliyente nila. I need to clear this game para balikan ang mga gagong nanglaglag sa akin." Paliwanag niya.

Tumingin ako kay Ruri. "I-Ikaw? Bakit ka nandito?"

"My Mom has cancer. Wala na kaming pera pangbayad sa chemotherapy niya pati sa medication. Nakasanla na ang bahay namin at nabenta na namin ang ibang gamit namin. I even sell my luxurious bag already." Kuwento ni Ruri sa amin and we can see her warm smile habang kinukuwento niya ang tungkol sa kaniyang Mama. "Then a staff of this game approached me at hinikayat na sumali sa larong ito. Hindi ko naman alam na sa larong ito ay nakataya ang buhay ko para sa kaligtasan ng Mama ko."

Knowing their stories, napansin ko na iisa ang rason kung bakit nandito kaming lahat— nabulag kami sa perang kayang ibigay ng larong ito. Sino bang hindi mabubulag? Money is powerful, pera ang nagpapaikot sa mundo. Ang hindi lang namin alam ay posibleng buhay namin ang kapalit ng larong ito.

"Ikaw, Jude, anong rason kung bakit ka nasali dito?" Tanong ni Ruri.

"Naospital ang kapatid ko, wala akong pambayad ng renta." Bahagya akong natawa. "Tangina, sa ganoong kababaw ma rason ay nasali ako sa larong ito."

Napangiti si Ruri. "Atleast pare-parehas tayong may dahilan para makaalis sa lugar na ito. May mga tao tayong babalikan." Dugtong niya pa. "We must survive."

Marco sighed at bumaling ang atensiyon niya sa librong binabasa niya. Wala kaming magawa dahil ilang oras pa kaming mananatili sa selda bago ang susunod na open hours namin.

"Dapat pala kumain ako bago tayo makulong ulit dito." Reklamo ni Ruri.

"Nakakuha ako ng mga tinapay." I informed her at kinuha ko ang mga ito na nakapatong sa aking kama. "Puwede naman natin paghatian para magkalaman ang mga tiyan natin. Kumain na lang tayo mamaya ulit sa open hours natin."

Tinanggap ni Ruri ang inaalok kong pagkain samantalang tinanggihan naman ito ni Marco. Mas reserved na klaseng tao si Marco, hanga nga ako sa kaniya dahil nagagawa niyang maging kalmado at compose sa kabila ng mga nangyayari sa amin. We witnessed two deaths already pero hindi ko man lang siya nakita na sumigaw o ma-sway sa nangyaring pagkamatay.

Marco have this very strong mentality like he is ready for this bullshit.

Inubos namin ang natitira naming oras para magkuwentuhan ni Ruri. Si Marco ay tahimik lang na nagbabasa at paminsan-minsan ay nagbibigay ng maliit na reaksyon. Nadiskubre kong mas matanda ako kay Ruri ng isang taon at nag-aaral siya sa isang sikat na university sa Manila, plano niyang mag-stop para maghanap ng full time job para may pambayad ng bills sa pampagamot sa mama niya.

Naligo na rin sila upang mawala ang amoy at marka ng dugo sa kanilang katawan.

Pagpatak ng alas-dos ay may ingat ulit na tumunog mula sa mga pinto ng selda at nakalabas na kami sa aming kulungan. "Sa wakas nakalaya ulit." Sabi noong lalaki sa katabi naming selda— Prisoner 14. He has this white highlights on his hair. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kung kaya't tumango ito.

Lalakad na sana kami palabas ngunit tumayo si Prisoner 5 sa daanan. "Ano na naman problema mo, babae?" Pabalang na tanong ni Prisoner 18 sa kaniya. "Hilig mong pumapel, pa-main character ka ba?!"

"We must have a systematic plan para makaalis sa lugar na ito. Hindi tayo puwedeng kumilos ng kaniya-kaniya dahil walang din mangyayari. We must have a meeting first parang hindi na ulit mangyari ang mga nangyari kanina, wala na dapat mamatay sa atin." Paliwanag niya.

Hindi siya pinansin ni Prisoner 18. Dire-diretso lamang naglalakad ang lalaki habang nakapamulsa. "Hindi ako napasok sa larong ito para makipag-socialize sa inyo—"

Nagulat kaming lahat noong kinuwelyuhan siya ni Prisoner 5 at malakas na ibinagsak sa sahig. Napasinghap ang karamihan sa nangyari dahil hindi namin inasahan na maibabagsak at maibabato niya si Prisoner 18 sa sahig.

Seryoso siyang tiningnan ni Prisoner 5. "I am not also here para makipagkaibigan sa inyo. The fuck I care with your back stories! Ang gusto ko lang ay magkaroon tayo ng game plan kung gusto ninyong matapos natin ang larong ito ng buhay." She explained at nakuha niya ang loob ng marami sa amin.

"We need to have game plan, especially tonight na may random players na gagawa ng dare o utos ng laro. Hindi pa natin alam ang consequences nito pero more likely ay kamatayan din. We need to be mentally prepared for that dare." Dugtong niya pa.

Dito nag-sink in sa akin na nagsisimula pa nga lang ang Prisoner Game at marami pang puwedeng mangyari. Maaari pang tumaas ang bilang ng mga Prisoners na mamamatay sa lugar na ito.

***

Prisoners List

Prisoner 1- Gela (F)
Prisoner 2- Anya (F)
Prisoner 3- Kennard (M)
Prisoner 4-  Awi (F)
Prisoner 5- Thea (F)
Prisoner 6-  Cholo (M)
Prisoner 7- Renz (M)
Prisoner 8- Lorraine (F) ELIMINATED
Prisoner 9- Gabbi (F)
Prisoner 10- Marco (M)
Prisoner 11-  Jude (M)
Prisoner 12- Ruri (F)
Prisoner 13- Sandra (F)
Prisoner 14 - Haku (M)
Prisoner 15 - Drake (M)
Prisoner 16- Coby (M) ELIMINATED
Prisoner 17- Jia (F)
Prisoner 18- Benjo (M)
Prisoner 19- Irene (F)
Prisoner 20- Duke (M)
Prisoner 21- Paco (M)
Prisoner 22- Dale (M)
Prisoner 23- Sam (F)
Prisoner 24-Fendi (F)

Remaining Prisoners: 22

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top