Chapter 5: Violating the Game Law

DALAWAMPU'T tatlong Prisoners ang nagtitipon sa aisle sa labas ng mga selda. Ini-inspect namin ang mukha ng bawat isa dahil ito ang unang pagkakataon na nagharap-harap kaming lahat

"Guys, I think we should do a proper introduction first bago natin libutin ang lugar." The girl shouted na nanggaling sa Cell 2 (Prisoner 5), siya 'yong boses kanina na lumaban kay Prisoner 18. May mahaba siyang itim na buhok at nakasuot ng salamin. Nasa sakto lang ang tangkad niya na sa tingin ko ay 5'2 lamang ito. "We should be acquainted with each other kaysa tinatawag natin ang isa't isa bilang number-number. We are not lab rats here."

"Acquainted? Tangina wala akong panahon kilalanin kayo lahat! Gusto ko lang makatakas sa putanginang lugar na ito at hindi bumuo ng circle of friends." Sigaw ni Prisoner 18 sa kaniya at nakapamulsang naglakad papalabas ng Cell Area.

Hinabol siya ni Prisoner 5 at hinigitnang kaniyang braso. She is pretty bold para kalabanin at kaharapin si Prisoner 18 dahil ang laking tao nito at nakakatakot din ang awra na binibigay nito. "Do you think you can find the key here alone? Sa ayaw at sa gusto mo, grupo tayo rito. Makakalabas lang tayo ng buhay dito kung magtutulu-tulungan tayo."

"Mas gugustuhin kong hanapin ang susi para makalabas sa lugar na ito kaysa sayangin ang oras ko sa laro mong introduce yourself." Buong puwersa niyang inalis ang pagkakahawak ni Prisoner 5 dahilan para mapaupo ito sa sahig. Walang pakialam si Prisoner 18 at naglakad na siya papalabas ng cell area.

Tinulungan din ng isang player na babae si Prisoner 5.

May ilang players din na sumunod kay Prisoner 18 para makaalis sa lugar na ito. I actually got his point, limitado lang ang oras namin at hindi namin puwedeng ubusin ito para lang kilalanin ang isa't isa. Naglakad na rin papalabas si Marco at nakasunod sa kaniya si Ruri.

Saglit akong nakatayo upang ma-compose ang sarili ko, pinagmasdan ko rin ang natuyong dugo mula sa Cell 6.

"Okay ka lang?" Prison 2 asked Prison 5.

"Kailangan natin ng plano para makaalis sa lugar na 'to. Kung hindi, posibleng mamatay tayong lahat dito." Player 5 explained to her.

Naglakad na rin ako papalabas at sumalubong sa akin ang isang hallway. Palingat-lingat ako sa paligid at maririnig lang sa hallway ay ang pag-uusap ng ibang players at pagpatak ng tubig mula sa mga tubo.

Habang naglalakad ako ay may isang pinto akong nakita sa kanang bahagi na nakalagay ay Cafeteria. Sumilip ako sa lugar  at malaki itong silid na may maraming upuan at ilang mga lamesa. Sa isang gilid ay may lutuan na kumpleto sa kagamitan samantalang sa kabilang gilid naman ay mga ingredients sa pagluluto. May mga tsitsirya man at noodles na maaari naming maluto.

Hindi nagbiro 'yong lalaking nakamaskara na hindi kami magugutom sa lugar na ito dahil sa mga pagkain at tubig. There are some players already entered the cafeteria to find the key.

Ako naman ay  napalingon sa katapat ng pinto ng cafeteria. Na may nakalagay na Infirmary kung saan may dalawang kama at kabinet na naglalaman ng mga gamot.

I continued to check the place at mas malaki siya kumpara sa inaakala ko dahil mayroong Library, Lounge area, Common Bathrooms, Storage Area, at Gym Area. Hindi biro ang laki ng bawat lugar kung kaya't kahit sino ay mahihirapan sa paghahanap dito.

May isang oras pang natitira bago matapos ang allowef hours namin ngayong umaga. Matapos kong ma-check ang bawat lugar ay dumiretso muna ako sa Cafeteria upang kumuha ng tinapay na makakain. Pagpasok ko pa lamang dito ay narinig ko na ang ingay na ginagawa ng mga players. I saw Prisoner 8 holding a knife at sinusubukan tanggalin ang nasa kaniyang leeg.

Agad akong naalarma dahil nasa rule book ang huwag pagsira sa mga device na nasa leeg namin sa kahit anong paraan. "Itigil mo na 'yan Lorraine, ipapahamak mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo!" Sigaw ni Prisoner 7 na mukhang kasama niya sa Cell.

"Renz, naniniwala ka rin talaga na sasabog tayo rito sa device na ito? Ganito ang isipin mo, sa oras na matanggal natin ang lintek na nasa leeg natin ngayon, we can roam around in this area na hindi na matatakot na sasabog ang ulo natin dahil sa lintek na device na ito!" She shouted at gamit ang kutsilyo ay pilit niyang hinihiwa ang device.

Unti-unting dumami ang prisoners na nandito sa cafeteria dahil sa lakas ng boses ni Lorraine. "Renz ano?! Talagang titigan mo na lang ako diyan? Hindi mo man lang ba ako tutulungan na matanggal itong letseng nasa leeg ko?!" Sigaw niya at nadaplisan niya ang kaniyang leeg. May dugong lumabas mula rito. "Argh Renz ano ba?!"

Lumapit si Prisoner 7 o si Renz sa kaniya at pilit na inaagaw ang kutsilyo. "Lorraine you will just put yourself into danger! Nakita mo naman ang nangyari doon sa isang kasamahan natin!" Sigaw ni Renz.

Mamamatay siya sa ginagawa niya.

"Itigil ninyo 'yan!" Sigaw ni Ruri. "Nakalagay sa rule book na hindi ninyo dapat sinusubukan tanggalin o sirain 'yan. The mask guy also warned us!"

"Mga duwag!" Sigaw ni Lorraine at muli niyang nasugatan ang kaniyang leeg. "Renz ano ba! Tutulungan mo ba ako? Sa oras na matanggal ko ito ng walang nangyayari sa akin, tatawanan ko na lang kayong lahat."

Some prisoners already verbally stopped her pero hindi siya nakikinig. Natatakot din ang iba na lapitan siya dahil may hawak siyang kutsilyo. Bala aksidente niya kaming masaktan or worst ay masaksak.

"This is interesting," biglang naramdaman ko ang prisensya ni
Marco na nakapamulsang nakatingin kay Lorraine. "Ano nga ba ang mangyayari sa oras na subukang tanggaling ang device na 'yan? She will be a sacrificial lamb to warn us."

Tumingin si Marco sa akin. "Sa huli, ang mga taong hindi gagawa nang tatanga-tangang desisyon ang tatagal sa larong ito."

Nabaling muli ang atensyon ko zkay Lorraine at ang dami na ng dugo sa kaniyang damit dahil na rin sa maliliit na hiwa sa kaniyang leeg. "Renz do it properly!"

"O-Oo, sinusubukan ko, akin na 'yang kutsilyo at ako ang gaga—"

"Pretty sure na itatapon mo lang ang kutsilyo. Isa ka pang duwag!" She tried to sliced the device on her neck once again.

Beep.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng isang ingay at napatigil sa pagkilos ang lahat.

Beep.

Ngayon ay mas klaro na ito sa amin at nanggagaling ang tunog sa leeg ni Lorraine. May pulang dot na umiilaw mula rito na animo'y isang warning para sa aming lahat. "A-Ano 'yon?" Natatakot na tanong ni Renz.

"Dahil matatanggal ko na ito! Dumbass! Kaya tulungan mo na ako!" Lorraine shouted to him.

Beep.

Hindi iyon dahil matatanggal na ni Lorraine. The device is sending a warning to us. "L-Lumayo kayo!" Malakas kong sigaw at nakuha ko ang atensyon ng lahat. "The device is warning us, s-sasabog siya!"

Humakbang ako papaatras at ganoon din ang ginawa nila. Lorraine eyes looked so terrified at puno ng pawis ang kaniyang mukha. "N-No! Hindi iyon totoo!" Humigpit ang hawak niya kay Prisoner 7. "Renz, tulungan mo ako! I am not gonna explode! Do not believe that fucking jerk!"

Beep.

Muli akong umatras at naiwan silang dalawa sa gitna ng cafeteria. Pilit hinahatak ni Lorraine si Renz para tulungan siya. Tinatanggal naman ni ang pagkakapit sa kaniya ni Lorraine.

Beep. Beep.

Sa pagkakataong ito ay mas bumilis ang pagtunog noong device na nasa leeg ni Lorraine.

"Umalis ka na diyan! Madadamay ka!" Malakas na sigaw ng isang Prisoner.

"Putangina bitiwan mo ako!" Renz shouted at malakas na kumalas sa pagkakahawak ni Lorraine.

"Mamatay ka mag-isa mo!" Buong pwersa niyang tinulak si Lorraine papalayo sa kaniya. Bumagsak ang katawan ni Lorraine sa sahig at tumakbo si Renz papunta sa aming direksyon.

"What the fuck! Naniniwala kayo sa taong 'yan—"

Boom.

Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid. Lahat ay nagulat sa nangyari at naramdaman ko na lang ang malapot na dugo ang dumampi sa aking pisngi. Napapikit ako at nanginig ang ibabang labi ko sa takot.

Sa isang iglap ay nakita namin si Lorraine na nakabagsak ang katawan sa sahig ng cafeteria at umaagos ang pulang likido mula sa katawan nito. Ito ang pangalawang beses na makakita ng ganito kabrutal na pagkamatay ngayong araw.

Ano ba itong laro na pinasukan namin?! Madali lang ba para sa kanila na paglaruan ang bawat buhay na ito. Hindi ganitong klaseng laro ang gusto kong masalihan sa buhay ko!

Nabuhay ang TV sa may cafeteria at nag-flash muli ang mga pangalan namin. Nag-grayout ang Prisoner 8.

Prisoner 08: Lorraine (Eliminated)
Remaining Prisoners: 22

Ilang segundo lang ang lumipas ay may dalawang Prisoner Guard na nga nakamaskara ang pumasok sa cafeteria. Dire-diretso lang silang dalawa papalapit sa bangkay at hindi pinansin ang aming prisensya

"Putangina ninyo!" Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid. Si Prisoner 15 ay sinubukan lumapit sa mga Prisoner Guard ngunit mabilis siyang pinigilan ng mga katabi niyang Prisoner.

"Huwag mo silang galawin, nasa rule book na hindi natin sila puwedeng saktan." Sabi ni Prisoner 5 sa kaniya.

The two Prisoner Guard pulled Lorraine's body na animo'y manika lang na hinihitak. The blood scattered all over the place. Bakas sa mukha ng bawat isa ang takot dahil sa nangyari.

Marami man kami dito sa larong ito ay hawak naman kami sa leeg ng mga namamahala dito. Alam nilang maaari kaming gumamit ng dahas para makaalis sa putanginang lugar na ito.

"This is the reason why we need to have a meeting para magkaisa tayo!" Prisoner 5 shouted at napatingin kami sa kaniya. Pinahid niya ang dugo na tumalsik sa kaniyang pisngi. "Iisa lang naman ang gusto nating lahat... iyon ay ang makaalis dito. Now, if we will not be united, unti-unti lang tayong mauubos sa larong ito."

"If you guys keep violating the rules as a form of escape. Mamamatay at mamamatay lang kayo. Kailangan natin ng sistematikong paraan sa kung paano natin effectively maiikot ang lugar at mahahanap ang susi." Dugtong pa ni Prisoner 5.

Dito nag-sink in sa lahat na tama nga siya, hindi namin kalaban ang isa't isa sa larong ito. "Let us use the allowed hours later this noon to plan everything. Bumalik muna tayo sa mga cell natin dahil malapit nang maubos ang oras." Sabi niya at unang naglakad papaalis.

Unti-unting nabawasan ang tao dito sa Cafeteria habang ako ay nakatulala lang sa dugo sa sahig. "Jude, halika na." Aya sa akin ni Ruri.

Umangat ang tingin ko sa camera at galit na tiningnan ito. "Tangina ninyong mayayaman kayo, lalaruin ko itong putanginang laro ninyo. Makakaalis ako sa lugar na ito." Huli kong sinabi at naglakad na papalabas sa cafeteria.

Kailangan pa ako ng magulang ko. I must escape this fucking game.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top