Chapter 4: The Rules
NAMATAY ang ang TV ngunit wala pa ring nakaka-getover sa nangyari. A man just died in front of us! Brutal siyang namatay sa harap naming lahat!
"A-Ayoko na!" Sigaw noong babae na nasa cell 6 habang pinagmamasdan niya ang bangkay ni Prisoner 16. Base sa nag-flash sa screen ay Coby ang pangalan niya. Parang kisapmata lang na kinuha ng larong 'to ang buhay niya.
Masakit pa man ang ulo ko ay humarap ako tapat ng CCTV camera sa kuwarto namin at kumaway. "I quit! Hindi ko gustong laruin ang putanginang larong 'to! Mahal ko pa ang buhay ko at may pag-aaral pa akong dapat tapusin kaya pakawalan na ninyo ako dito!" Sigaw ko sa tapat ng camera.
Alam ko naman na naririnig nila ako dahil 'yong nakamaskara na ring lalaki ang nagsabi na napanonood ito ng mga mayayamang tao sa isang website.
Nakarinig kami ng yabag ng paa mula sa labas na until-unting lumalakas. Maya-maya pa ay dalawang lalaki na nakasuot ng maskara ang pumasok sa cell area. May nakalagay na Prison Guard sa damit nila. Naglakad sila sa tapat ng Cell 6. "Pakawalan ninyo na ako! Parang awa ninyo na!" Pagmamakaawa ni Prisoner 16.
Hindi siya pinansin noong dalawang lalaki. They opened the lock of the door at inilabas ang bangkay ni Coby. Hinatak lang nila ito at kumulay ang dugo ng katawan nito sa sahig.
Hindi pa naka-lock ng mga guard ang cell 6 at kita ko na si Prisoner 18 ay akmang tatakbo papalabas ng kulungan nila.
"Huwag!" Isang malakas na sigaw ng isang babae mula sa cell 2 ang umalingawngaw, hindi ko alam kung sino ito dahil kahilera nito ang selda na kinalalagyan namin at hindi ko natatanaw ang kanilang kulungan.
Napatigil sa pinaplano niyang pagtakas si Prisoner 18. Parang walang nariring ang dalawang Prisoner Guard sa usapan namin. Isinara lang nila ang Cell 6 at hindi na nakatakas si Prisoner 18. Kinaladkad nila ang bangkay ni Coby papalabas ng Cell area at bakas ang dugo sa sahig na dinaanan nila.
"Tangina mo ka! Sino ka ba para sirain ang plano kong pagtakas?!" Malakas na sigaw ni Prisoner 18 na isang lalaki na pakiramdam ko ay nasa mid 20's na dahil ang tapat ng facial feature nito. Malaki din ang pangangatawan nito na mukhang batak sa pagji-gym.
"Don't you want to thank me first that I saved your life?" Sagot noong babae sa Cell 2.
"Pasalamatan ka? Tarantado ka bang babae ka? Kung hindi ka sumigaw ay hindi naman matutunugan noong dalawang bantay ang balak ko!" Sigaw nito at malakas na sinipa ang bakal na rehas.
"Watch your words!" Sigaw ni Prisoner 16 na kasama niya sa Cell 6.
"Watch my words? Tangina ka ikaw nga may paiyak-iyak ka pa? Napalaya ka ba sa pagmamakaawa mo sa mga Guard? Hindi!" Sigaw niya pabalik.
"Wow puro muscle ka lang pala, hangin lang ang laman ng kokote mo!" The girl in Cell 2 shouted at muling napatingin sa kaniya si Prisoner 18 mula sa Cell 6.
Ramdam ko na unti-unting bumibigat ang mga pangyayari sa underground prison na ito. Everybody is eager to leave this place after what happened to Coby.
"Nakalimutan mo ba ang sinabi noong lalaki kanina? May oras lang ang paglabas natin sa seldang ito. What would happen kung hinayaan kitang tumakbo papalabas ng selda ninyo?" The girl from Cell 2 asked at natahimik ang buong lugar. "Magagaya ka lang din sa kasama mo, if I didn't stop you, isa na ang katawan mo sa hinahatak ng mga guards papaalis sa larong ito."
Hindi nakaimik si Prisoner 18 dahil may punto ito. Hindi malayong mangyari sa kaniya ang sinapit ni Prisoner 17 kung tumakas nga siya. Iyon din marahil ang rason kung bakit walang imik ang mga Prisoner Guards, they knew na sa oras gumawa kami ng maling galaw ay sa amin lang din ang balik nito, sasabog ang mga ulo namin dahil sa mga bakal na nakakabit sa aming leeg.
Napatingin ako sa lalaking kasama ko sa selda— si Prisoner 10. Kalmado siyang nakaupo sa ibabaw ng kama niya at tahimik na binabasa ang rule book. "P-Paano mo nagagawang maging kalmado sa sitwasyon natin ngayon? Isang katawan ang kinaladkad papalabas ng cell area, may mga dugo na rin sa paligid." Tanong ko sa kaniya.
He just stare at me na para bang ang tanga-tanga ko sa paningin niya. "Sige nga, sabihin mo sa akin..." panandalian niyang isinara ang eule book. "May nangyari ba noong nagmakaawa ka sa harap ng camera? May nangyari ba noong nagmakaawa si Prisoner 16 sa mga Cell Guards?" He asked at natahimik ako.
"Let us all accept the fact na nasa loob na tayo ng larong ito. We signed up for this, ni-hindi nga tayo pinilit na sumali sa Prisoner Game. Tayo mismo ang nagdala sa sarili natin sa ganitong sitwasyon." Hindi ako nakaimik dahil ako naman talaga ang tangang pumunta sa site at nag-register sa laro.
Napatingin din si Prisoner 12 na kasama namin sa selda. "If you want to last long in this game. Basahin mo na lang 'yong rule book para maging aware ka sa mga dapat mong ikilos." Suhestiyon niya at bumaling ang mata ko sa rule book na nakapatong sa ibabaw ng kama ko.
"Kung gusto mong makalabas ng buhay sa larong ito, wala tayong choice kung hindi laruin ito. Tutal simple lang naman ang mechanics ng game, all we need is to do the dare every night and find a way to escape sa tatlong level ng Prison na ito." Paliwanag niya.
Oo, hiniling ko na sana mabago ang takbo ng buhay ko. Pero hindi sa ganitong paraan. Hindi sa paraang itataya ko ang buhay ko para lang kumita ng pera.
Ilang segundo akong natahimik at dahan-dahan akong lumapit sa aking higaan at kinuha ang Rule book. The only girl in our cell did the same thing.
"A-Anong pangalan mo?" The girl asked habang nanginginig na hawak niya ang rule book. Sigurado ako na hindi pa siya nakaka-getover sa nangyari sa biglaang pagkamatay ni Prisoner 17.
"Jude." Sagot ko. We will all living on the same cell for how many days kung kaya't okay din na kilala namin ang isa't isa. "Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ko pabalik.
"Ruri." She answered at bumaling ang tingin niya sa lalaking kasama namin. "Ikaw ano ang pangalan mo?"
"Does it matter?" He asked.
"Magkakasama tayo ng ilang araw dito. It will be awkward kung hindi natin kilala ang isa't isa and I don't want to addressed you as Prisoner 10 all the time." She explained.
Prisoner 10 sighed. "Marco."
"Ayokong sabihin na nice meeting you all dahil walang nice sa sitwasyon natin." She explained and takes a deep breath to composed herself. "Let us all survive this place."
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at bumaling ang atensyon ko sa rule book. Binuklat ko ang unang pahina
***
PRISONER GAME
RULE BOOK
There is six cells inside the Prison and each cell have three prisoners that will share the area:
Cell 1- Prisoner 1-3 | |Cell 5- Prisoner 13-15
Cell 2- Prisoner 4-6 | |Cell 6- Prisoner 16-18
Cell 3- Prisoner 7-9 | |Cell 7- Prisoner 19-21
Cell 4- Prisoner 10-12| |Cell 8- Prisoner 22-24
Game Rules
1. Players can only get out of their cells between 10am to 12pm and 2pm- 5pm to explore the area and find the key.
2. Players are prohibited to destroy the surveillance camera in any form.
3. Random Players will play a dare every night (8:00PM) and whoever completed the dare will receive 50,000 pesos. Failing to do the task will receive a punishment.
4. Players are allowed to violently kill each other. If the player that was killed already won a dare, all the money that player earned will be transferred to the player who conduct the killing.
5. Players who attempt to destroy the device on their neck will receive a punishment.
6. Players who will attempt to hurt or kill the Prisoner Guards will receive a punishment.
7. Players who will attempt to get out of their cells that is outside the allowed hours will receive a punishment.
8. Players who will attempt to destroy the metal door to go on upper floor will receive a punishment.
9. Players should only enter the cell that is assigned to them. Entering other player cells will receive a punishment.
10. Players who will successfully escape the three level of Prison Game will receive 10 million pesos.
Enjoy the game and escape the prison!
***
"Malapit na." Sabi ni Marco at napatingin kami sa malaking digital clock na nasa taas ng TV. It is already 9:58am, ibig sabihin ay malapit nang magsimula ang oras namin para hanapin ang susi.
Sa totoo lang ay pakiramdam ko ay mabilis lang namin ito mahahanap dahil na rin sa dami namin at mukhang maliit lang ang lugar sa labas ng cell area. Masakit man ang ulo ko ay pinilit kong tumayo para salubungin ang pagbukas ng kulungan.
Eksaktong 10am ay nakarinig kami na malakas na ugong na ilang segundo at naramdaman na lamang namin na bahagyang bumukas ang pinto ng bawat prison cell.
"The time to find the key will starts now. Please be advised that all Players will be able to roam the area for 2 hours before going back to your designated cell. Enjoy the game, players!"
Isang anunsyonang umalingawngaw sa paligid at binuksan na ni Marco ang kulungan papalabas ng Cell 6. We stepped outside and ito ang unang beses na nakita ko ang mukha ng lahat ng players ng laro.
Sa pagkakataong ito, magsisimula na ang laban namin sa pagtakas sa larong ito. We will escape this Prisoner Game. We will beat this game.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top