Chapter 3: Game Introduction
TAHIMIK ang lahat at tanging boses lamang noong lalaking nakamaskara ang maririnig sa paligid. We are all scared about the situation dahil pakiramdam ko ay anytime ay may maaaring mangyaring masama sa amin.
Nagawa nga noong isang staff na ihampas ang ulo ko sa kalsada at bitbitin ako rito na parang wala lang, eh!
"Dear Players also known as the Prisoners, welcome to the Prisoner Game kung saan simple lang ang mechanics. All you need to do is to escape this place to survive." Panomula niya at bahagyang natawa. Fuck! Anong nakakatawa rito? The smile on his face faded at naplitan ng isang malaking ngisi. "Iyon ay kung makatatakas at matatapos ninyo ang larong ito."
Lahat kami ay tutok lang sa bawat salitang binibitawan niya. Gusto namin malaman ang mechanics kung paano kami makakaalis sa larong ito na para bang mga preso kami na bantay-sarado ang bawat galaw.
"The players have 15 days to escape that Prison. Puwedeng mas maaga depende sa abilidad at diskarte ninyo kung paano kayo makakatakas sa laro." Paliwanag niya. Dalawang linggo kaming mananatili sa lugar na ito? Paano na lang ang mga klase ko? "If you do not manage to escape the prison in 15 days, there will be a consequence na ipapaliwanag ko maya-maya."
"Tanginang kalokohan." Narinig kong sabi noong lalaki sa kabilang selda.
Humigpit ang hawak ko sa bakal na rehas. "All foods are provided in the area at may oras kung saan makalalabas
Kayo ng inyong kaniya-kaniyang selda para maikot ang buong lugar."
"There are three levels in this Prisoner Game which are the Underground Prison, Basement Prison, and the Ground Prison. Currently, kayo ay nasa Underground Prison at sa itaas na floor kung nasaan kayo ay ang Basement Prison," Napatingin ako sa kisame na tanging puting pintura lamang makikita. Sa taas ng floor na ito ay panibagong kulungan na naman ang kahaharapin namin.
"The players should escape the three floors in order to clear the game." Paliwanag niya. Vlog content lang ba ito? O bagong reality show sa TV? Upgraded version ba 'to ng PBB? Hindi nakatutuwa ang ganitong klaseng content lalo na't unti-unting umaakyat ang kaba at takot sa aking sistema
"To excite you more, if you manage to escape the prison you will receive ten million pesos," There is a long pause before he continued his sentence. "...each."
Narinig kong may ibang napasigaw sa tuwa galing sa ibang selda. Maging ako ay nagulat dahil sampung milyon ang nakataya matapos lang ang larong ito. Mababayaran na no'n ang mga utang namin sa probinsya at maaari na akong magsimula ng isang business sa perang iyon.
"For the underground prison. Simple lang ang rule sa lugar na ito. Sa buong lugar sa underground prison ay may isang susi na nakatago, all you need to do is to find that key to escape this room. Nakikita ninyo ang bakal na pintuan sa dulong bahagi ng lugar na ito." Napatingin kami sa kaliwang bahagi ng lugar at nandoon nga ang pinto na mukhang gawa sa makapal na metal. "Sa likod niyan ay ang hagdan papaakyat sa Basement Prison."
"Saka ko na ipaliliwanag ang rules sa Basement Prison kung sakaling makaalis kayo rito sa Underground Prison... iyon ay kung makakaalis kayo." Nakangisi niyang sabi.
"Sa dami ba naman natin dito? Gaano ba naman kahirap hanapin ang isang susi, hindi ba?" Tanong ko sa lalaking katabi ko ngunit tahimik lang itong nakikinig sa game rules.
"There will be a specific time kung saan makalalabas kayo ng inyong mga selda para hanapin ang susi papalabas ng Underground Prisoner. Also kulang naman ang thrill sa laro natin kung hanapan lang ng susi ang gagawin natin, hindi ba?" A grinned show on the mask guy face.
"Every night, there will be five random players that will do a dare at sa oras na magawa ninyo ang isang dare ay makatatanggap kayo ng 50,000 pesos. One dare kapalit ng pera," sumeryoso ang kaniyang mukha. "Pero sinisigurado ko sa inyo na hindi magiging madali ang mga dare na iyon at kung kakayanin ng inyong konsensya na gawin ito."
Bigla akong kinabahan pero itong mga kasama ko ay parang nasa pera lang ang atensyon. I mean that is 50,000! Kami nga sa school ay kapag naglalaro ng truth or dare ay pitikan lang sa tainga ang premyo, eh.
"If a specific player doesn't do the dare, the player will receive a punishment that will be discuss later." He continued.
"Mapapansin ninyo na napalilibutan ng CCTV camera ang buong lugar," Tuloy niya pa at umikot ang aking mata sa paligid at napansin ko na may kamera nga ang bawat selda, hindi lamang ang sa amin.
"This game will be broadcasted sa isang site na tanging mayayamang tao sa Pilipinas ang makaka-access at makapanonood. You guys should perform well in this game dahil may kakayahan silang iligtas ang inyong buhay at maaaring nakasalalay sa kamay nila kung gaano kayo tatagal sa laro." Dugtong niya pa.
Napabuntong hininga ako at napailing. Grabe talaga mundo! Entertainment para sa mga mayayaman na makitang nahihirapan ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Until-unting gumapang ang kaba sa aking katawan. Bakit ba ako pumayag na sumali sa laro na ito? I thought this is just a simple game kagaya ng mga napanonood ko sa Youtube. Hindi ko naman inaasahan na talagang ikukulong nila kami sa isang selda. Higit sa lahat, wala akong ideya kung nasaang lupalop kami ng Pilipinas!
"This is bullshit." Napatingin kaming lahat sa Cell 6. Isang lalaki ang nagsalita at iyon ay si Prisoner 16. "Paano mo kami mapipigilan na sirain ang mga putanginang CCTV camera na 'yan, eh, wala ka naman dito?" Natatawa niyang sabi.
"Then, try it." Mapanghamong sabi noong lalaki na nasa screen ng TV. The way he smirked, mukhang may matindi ngang kaakibat ang pagsira sa mga CCTV camera
Prisoner 16 grabbed the chair in their cell at seryosong tiningnan ang CCTV camera. "Tangina, nasisindak kayo sa taong 'yan? Anong laban niyan sa atin?!" Maangas niyang tanong. Buong puwersa niyang binuwelo ang upuan at akmang ihahampas ang upuan sa CCTV camera sa cell nila.
Boom.
Noong malapit nang tumama ang upuan sa camera ay nagulat na lamang kami sa malakas na pagsabog. Napapikit ako sa gulat samantalang malakas na napasigaw ang karamihan at sa isang iglap... nabalutan ng dugo ang Cell 6. The girl inside that cell looked so terrified at may mga talsik ng dugo sa kaniyang katawan.
Maging ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Malakas na nagsigawan ang lahat at may ibang napasuka dahil sa nangyari.
Si Prisoner 16... bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa sahig at wala na ang kaniyang ulo, dito nanggaling ang pagsabog. Walang tigil ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang katawan na animo'y gripo na napabayaang patayin.
"T-this must be joke, right?" Mahina kong bulong sa sarili ko at napakapit sa bakal na rehas upang hindi mawala ang balanse ko dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Umikot din ang tiyan ko noong makita ang sahig na may pira-piraso pang parte ng kaniyang utak na ilang segundong kumibot bago tumigil.
"Those who will harm the surveillance cameras in any form will receive a punishment. This is what I am talking about earlier, if you conduct ang violation that will ruin the game ay sasabog ang mga ulo ninyo at sa isang iglap ay mamamatay na lamang kayo." The mask guy said habang nakangisi. Tangina, may taong namatay sa loob ng kulungang ito tapos ay ganoon lang ang ekspresyon niya?! "Kung mapapansin ninyo ay may bagay na nakakabit sa inyong leeg."
Napatingin ako kay Prisoner 12 na babaeng kasama ko sa selda at napansin ko ang bakal na nakakabit sa kaniyang leeg. "It's a device na maaaring sumabog sa oras na gumawa kayo ng violation sa Prisoner Game. You can read the handbook na nakapatong sa inyong mga kama para sa iba pang impormasyon."
Unti-unti akong napalingon aa pulang rule book na nakapatong sa ibabaw ng kama ko. Nakalista sa notebook na 'yon ang mga dapat kong ikilos lamang sa larong ito.
Umayos ito nang pagkakaupo at ngumiti sa aming lahat.
"Welcome to Prisoner Game where all you need to do is to escape in order to survive."
Panandaliang namatay ang screen at lumabas ang listahan ng mga pangalan. There is a total of 24 names listed on the screen. Biglang nag-gray out ang isang pangalan.
Prisoner 16: Coby (Eliminated)
What the fuck is this game?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top