Chapter 16: The Responsible
KATAHIMIKAN ang nananaig sa buong paligid at lahat kami ay halos mabato sa kaniya-kaniya naming kinatatayuan dahil sa nakita namin. Who would thought na mawawala si Haku sa larong ito? At sino ring mag-aakala na may isang mamamatay sa amin ngayong umaga?
"G-Guys, kumain na tayo. Naka-ready na 'yong pagkain." Si Kennard ang bumasag ng katahimikan at napatingin ang lahat sa kaniya.
"Sakto, gutom na ako." Sabi ni Benjo at siya ang unang lumabas ng storage room. How can he act so calm and chill, ilang minuto pa lang ang nakalilipas simula noong mamatay si Haku.
"Wala talagang puso." Bulong ko sa sarili ko.
Pare-parehas kaming nabigla noong galit siyang sinundan ni Thea. Malalaki ang paghakbang nito para makahabol kay Benjo. Mabilis na sumunod sa kaniya si Awi at Gabbi para mapigilan.
Lahat kami ay lumabas ng storage room at mula sa hallway ay nakita namin ang pagtatalo nung dalawa. Hinigit ni Thea ang braso ni Benjo at pinaharap sa kaniya. Malakas na sampal muli ang dumampi sa pisngi ni Benjo na maririnig sa buong lugar.
"Boom. Deserved." Narinig kong sabi ni Jia.
"Benjo, hindi ka ba titigil sa ginagawa mong pagpatay? Noong una ay si Cholo, Sunod ay si Paco, ngayon pati si Haku ay hindi mo pinalampas? Ilang buhay pa ba ang papatayin mo?!" Thea shouted.
Puno ng galit ang kaniyang mata. Hindi naman din siya magawang pigilan dahil malaki naman talaga ang kasalanan ni Benjo. He act like a total jerk in this game.
Napailing at napabuga ng hangin si Benjo. Malakas niyang tinulak si Thea dahilan para matumba ito sa sahig. "Tangina... ilang araw na akong nagtitimpi diyan sa pagbubunganga at pag-asta mo bilang lider ng lahat,"
Tinulungan ni Awi at Gabbi na makatayo si Thea. "Tatlong buhay, Benjo... tatlong buhay ang kinuha mo!" Thea shouted.
Nakatahimik lang kaming lahat habang pinagmamasdan ang kanilang sagutan. Tangina! Kahit ako ay hindi ko naman ginusto na mapunta sa ganitong sitwasyon.
Kung papipiliin ako kung mananatili sa bulok kong buhay o mag-register sa larong ito. Mas pipiliin ko na lang na tiisin na mabaon sa utang at maghirap sa pangbayad ng upa at tuition. Kaysa naman ganito, nalagay ko ang sarili ko sa nakaka-putangina at nakababaliw na sitwasyon.
Maayos na tumindig si Benjo at humarap kay Thea. "Tamang sisi ka lang, daldalita. Wala kang pruweba na ako ang pumatay kay Cholo at Haku." May galit at inis na sa mata ni Benjo. "Oo, nagawa kong ialay ang buhay ni Paco para mabuhay ako sa laro. Pero ginawa ko iyon kasi kailangan. Hindi ako papatay ng walang dahilan."
"Itigil ninyo na 'yan!" Malakas na sigaw ni Irene ang narinig sa paligid. She rolled her eyes. "Nauubos ang oras natin sa walang kuwenta ninyong pagtatalo. Araw-araw na lang kayong nagbabangayan, hindi ba kayo nagsasawa?"
"Lumalamig ang pagkain," sabi ni Ruri. "Ilang minuto na lang bago tayo ulit bumalik sa kaniya-kaniya nating cell. Kailangan natin kumain para may energy tayo mamaya sa paghahanap." Napatango ako sa sinabi ni Ruri.
Natahimik ang lahat at naglakad na papunta sa cafeteria.
Umupo kami sa kaniya-kaniya naming puwesto, ang awkward sa paligid dahil tanging tunog lang ng mga kutsara't tinidor ang nananaig sa paligid. Napatingin ako kay Marco.
"Why are you staring at me again? Pinaghihinalaan mo na naman na ako ang gumawa nang pagpatay kay Haku?" He asked sa boses na kaming dalawa lang ang makaririnig.
"Wala na akong lakas para makipag-argumento sa 'yo, Marco. Ipapaabot ko lang sana sa 'yo 'yong kanin." Sabi ko sa kaniya. Napailing siya at iniabot naman ito.
Napatigil kami noong biglang bumukas ang pinto ng Cafeteria— naglakad papasok si Anya.
"Anya!" Tawag ni Ruri sa kaniya at naglakad siya papalapit dito. "Mabuti naman at lumabas ka na ng cell room ninyo ngayon. Delikado nang naiiwan mag-isa lalo na't may gunagalang killer sa underground prison."
"Narinig ko nga ang balita kay Haku. Kaya na rin pumunta ako rito." Anya said. "Hindi ba talaga matatapos ang larong ito? I want to go back to my normal life again."
"Sana naisip mo 'yan noong nag-sign up ka sa larong ito." Sabi ni Irene sa kaniya "Well, sana naisip nating lahat. Mga bobito at bobita rin kasi tayo na nagpabulag sa pera."
"Huwag kang mag-alala, Anya," sabi ni Thea at pinaupo ito sa kaniyang tabi. "Ligtas ka naman na ngayon dahil 'yong killer na gumagala ay nandito. Sarap na sarap sa pagkain."
Napatingin lahat kay Benjo na may malaking subo ng kanin at hotdog. Nginuya niya muna ito bago sumago kay Thea. "Alam mo, Daldalita, hangga't wala kang pruweba ay itigil mo 'yang bunganga mo. Magkataon lang talaga na magkasabay tayo sa isang game... sisiguraduhin kong matatanggal ka sa laro."
Thea smiled na mabilis ding nawala. "Huwag kang mag-alala, ganoon din ako. Gagawin ko ang lahat matanggal lang ang mamamatay tao sa laro."
Kung tutuusin ay imbes na hanapin namin kung sino ang gumagawa nang pagpatay, we should focus more sa paghahanap ng susi para makaakyat sa susunod na level ng laro. Naikot na namin ang buong lugar pero wala pa rin kaming nakikita ni-anino ng susi. We are trapped here for three days already.
Nabigla kami noong may pumasok muli ang isang prisoner guard at may trolley muli itong hawak. Napatigil muli kami sa pagkain at pagsubo.
Huminto mulinito sa tapat ni Benjo. "Anong mayroon ulit?" Tanong ni Benjo.
"This is a food gift from one of our viewers again for you." Sagot ng Prisoner Guard at binuksan ang laman ng trolley. Pasta at wine. Mayroon pa itong maliit na kahon na binuksan ni Benjo— gintong kuwintas. "Please be advised that you are not allowed to share the food with other prisoners."
"Salamat dito." Nakangiting sabi ni Benjo habang tinitignan ang kuwintas. "Wala rin naman akong balak i-share itong pagkain sa mga gagong 'yan."
"Tibay talaga ng apog nitong gagong 'to." Bulong ko sa sarili ko dahil halatang-halata ang tuwa sa kaniyang mata. Talagang wala siyang pakialam sa nangyaring pagkamatay ni Haku.
"Ano nga kaya ang ginagawa ni Benjo bakit palagi siyang nabibigyan ng regalo ng viewers?" Tanong sa akin ni Marco at ngumisi. "He is the crowd's favorite in this game."
Ano nga ba?
Iba rin kapag nakuha mo ang loob ng mga manonood dahil mas mapadadali ang buhay mo rito sa Prisoner Game. They are fucking rich na may mga sakit sa ulo at kaya nilang ibigay ang kahit anong hilingin ng mga Prisoners.
Naglakad na papalabas ang Prisoner Guard ng cafeteria.
"Tangina, Benjo!" Malakas na sigaw ni Drake ang umalingawngaw sa paligid. "Kumakana ka kanina na wala kang kinalaman sa pagkamatay ni Haku. Eh, ano 'yan?! Obviously, you did something stupid kaya ka pinadalahan ng ganyan!"
Of course he is mad, ka-cell niya si Haku.
"Aba! Malay ko! Kung gusto mong malaman ang rason, habuli mo 'yong prisoner guard! Itanong mo kung bakit ako pinadadalahan parati ng pagkain at hindi kayo!" Sigaw pabalik ni Benjo. "Tangina ng mga 'to."
Napatingin ako kay Sandra noong bigla itong tumayo. Hindi ito napansin ng karamihan dahil busy ang lahat panoorin si Benjo. Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Sandra— she is holding a table knife.
"H-Huwag." Bulong ko noong magtama ang mga mata namin.
Hindi ako pinakinggan ni Sandra. Naglakad siya tungo sa likod ni Benjo. Napasinghap ang lahat noong ikinulong niya ang leeg ni Benjo sa kaniyang braso at tinutukan ng patalim ang leeg nito.
"Tangina kang mayabang ka!" Sigaw ni Aandra at hindi inaalis ang pagkakatutok ng kutsilyo sa leeg ni Benjo. "Ang mga katulad mong demonyo ay dapat ng mawala sa larong ito!"
Hindi gumalaw si Benjo pero bumaba ang tingin niya sa kutsilyo. "S-Sino ang mamamatay tao sa atin ngayon?" Tanong niya.
"Umamin ka na! Ikaw ang gumawa nang pagpatay kay Chollo at Haku, hindi ba?" Sandra asked.
Nakabantay lang ako kay Sandra kung sakali man pumalag si Benjo sa kaniya ay mabilis ko siyang matutulungan. Kahit ako ay hindi ako nakakaramdam ng awa kay Benjo.
Sa bagay, wala naman siyang pakialam sa aming lahat. Bakit ako magkakaroon ng simpatya sa kaniya? Kung tutuusin ay considered as threat nga itong si Benjo dahil sa pagiging malakas nito... we never know. Baka sa susunod na mga laro ay kailanganin na ng physical strength. And eliminating him will make the game more balance.
"Anong aaminin ko? Kung ako ang gumawa sa pagpatay noong dalawa ay iyayabang ko sa inyong lahat 'yon! Wala akong dahilan para itago iyon dahil wala akong pakialam sa inyong lahat!" Sigaw pabalik ni Benjo sa kaniya.
Mas inilapit at mas idiniin pa ni Sandra ang table knife sa leeg ni Benjo. Napasinghap ang karamihan.
"Sandra, huwag. It's not worth it." Gabbi said to her.
"Umamin ka na, Benjo!" Sigaw ni Sandra. "Okay fine, let us have a voting. Sino dito ang gustong mawala sa laro si Benjo? I am willing na madumihan ang kamay ko mawala lang ang pesteng 'to sa larong 'to."
Tumingin si Sandra sa aming lahat. Nabigla kaming lahat noong muling bumukas ang pinto at isang prisoner guard ang naglakad papasok.
Anong mayroon sa pagkakataong ito?
May hawak itong maliit na pouch.
Pinagmasdan namin itong maglakad tungo papalapit sa amin hanggang tumigil ito sa tapat ng isang player— kay Anya.
Nawala ang atensyon ng lahat kay Benjo at nabaling ang tingin namin kay Anya.
Iniabot niya ang maliit na pouch kay Anya. "Congratulation for successfully eliminating Haku in the game. As per game rule, all the money earned by Haku through the games will be transferred to the player who killed him."
Tinanggap ni Anya ang pouch at tiningnan kaming lahat. Napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Kay Anya iniaabot ang pouch... ibig sabihin lamang nito.
"Prisoner 2 (Anya) is responsible for killing Prisoner 6 (Cholo) and Prisoner 14 (Haku)." Anunsiyo noong Prisoner Guard bago ito lumabas sa cafeteria.
Narinig namin ang matinis na tunog hudyat na pinababalik na kami sa kaniya-kaniya naming cell. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Sobrang nag-alala pa kami kay Anya dahil akala namin ay naapektuhan siya sa pagka-eliminate ni Gela sa laro. Iyon pala... siya ang pumatay kay Cholo at Haku.
***
Prisoners List
Prisoner 1- Gela (F) ELIMINATED
Prisoner 2- Anya (F)
Prisoner 3- Kennard (M)
Prisoner 4- Awi (F)
Prisoner 5- Thea (F)
Prisoner 6- Cholo (M) ELIMINATED
Prisoner 7- Renz (M)
Prisoner 8- Lorraine (F) ELIMINATED
Prisoner 9- Gabbi (F)
Prisoner 10- Marco (M)
Prisoner 11- Jude (M)
Prisoner 12- Ruri (F)
Prisoner 13- Sandra (F)
Prisoner 14 - Haku (M) ELIMINATED
Prisoner 15 - Drake (M)
Prisoner 16- Coby (M) ELIMINATED
Prisoner 17- Jia (F)
Prisoner 18- Benjo (M)
Prisoner 19- Irene (F)
Prisoner 20- Duke (M)
Prisoner 21- Paco (M) ELIMINATED
Prisoner 22- Dale (M)
Prisoner 23- Sam (F) ELIMINATED
Prisoner 24-Fendi (F)
Remaining Prisoners: 17
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top