Chapter 15: Aftermath

KINAUMAGAHAN, nakaupo lang ako sa aking kama habang inaalala ang nangyarung pagkamatay ni Paco, we barely knew each other pero isa lang ang sigurado ko... hindi niya deserved ang pagkawala niya sa laro.

Namatay siya dahil sa kadayaan ni Benjo. Si  Benjo ang siyang dapat nawala sa laro.

"Iniisip mo pa rin ang game na nangyari kagabi?" Naputol ang malalim kong pag-iisip noong marinig na magsalita si Marco. Tumayo siya at pinagmasdan ang timer. Tinitingnan niya kung malapit na ang oras nang paglabas namin. "Are you not happy that you survived the game?"

"Magiging masaya ba ako ngayong alam kong isang buhay ang nawala sa laro?" Seryosong balik ko sa kaniya.

He just chuckled. "That is part of the game. May mga buhay na mawawala para magpatuloy ang iba." Tumingin siya sa akin. "Dalawampu't apat nating sinimulan ang larong ito pero bilang lang sa kamay ang makakalabas dito."

Alam ko naman ang bagay na iyon.

Napakuyom ako ng kamao. "Pero hindi dapat si Paco ang mamamatay kagabi. Kung patas ang naging laro, si Benjo dapat ang mawawala!"

"The game is fair, ang sinabi ng game master ay kung sino ang makakatumba sa lamesa sa game na iyon ay siyang ma-e-eliminate. Paco had a physical contact with the table at siya ang nakabagsak kung kaya't siya ang namatay." Paliwanag sa akin ni Marco. "Kung ako din ang nasa kalagayan ni Benjo ay isasalba ko rin ang sarili kong buhay. Handa akong apakan ang kung sino mang maaapakan para lang magpatuloy ako sa laro."

"Kagaguhan." Mahina kong bulong.

"Kagaguhan?" Balik na tanong ni Marco sa akin. Ngumisi si Marco at humakbang papalapit sa akin. "Kung ilalagay mo amg sarili mo sa sitwasyon ni Benjo na turn mo na at alam mong babagsak na 'yong plate. Hindi mo ba gagawin ang ginawa niya?"

Napatahimik ako sa sinabi ni Marco. "Wala ka naman din pinagkaiba kay Benjo, una mong nalaman na magkakaiba ang bigat ng figurine pero wala kang pinagsabihan puwera na lang noong nagtaka na sila. Kahit sino sa atin... if there is a way to save ourself first, gagawin natin." Mahabang litana ni Marco sa akin.

Pumagitna sa amin si Ruri. "Tumigil na kayong dalawa. Umagang-umaga ay nagsasagutan na naman kayo. I-save ninyo 'yong energy ninyo sa paghahanap natin ng susi. This is our third day pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo nakakaalis sa underground prison.

Isa pa 'yang ikinatatakot ko. Labing limang araw lang ang mayroon kami para magawang makaalis pero hanggang ngayon... ni-anino ng susi ay wala kaming nakikita. Pakiramdam ko naman ay lahat kami ay nag-e-effort na mahanap ang susi.

Umupo ako sa ibabaw ng kama at ilang beses na huminga para mapakalma ang sarili ko. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko.

Mabilis na umandar ang oras at saktong alas-dies ay kusang bumukas ang pinto ng bawat prison cell.

Palabas na ako noong makita kong si Thea na dire-diretsong naglalakad tungo sa direksyon ng cell 6 kung saan nandoon si Benjo. Bago pa man din makapagsalita si Benjo ay malakas na sampal na ni Thea ang dumampi sa kaniyang pisngi.

"Mamamatay tao ka!" Malakas na sigaw ni Thea at mariing itinutulak si Benjo.

"Thea! Tama na!" Pilit na hinahatak ni Awi si Thea papalayo kay Benjo.

Puno ng galit ang mata ni Thea kay Benjo at dinuro ito. "Ikaw... paano mo maaatim na gumising sa umaga na parang wala lang? Benjo, you killed somebody!"

"Umagang-umaga ay ang daldal mo, daldalita." Napakamot sa ulo niya si Benjo. "I fucking saved my own ass. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko sa inyong lahat dahil priority ko ang sarili kong buhay."

Itinulak niya si Thea na nakaharang sa kaniyang dadaanan at dire-diretsong naglakad paalis.

"Isantabi ninyo muna ang pagtatalo ninyo, puwede?" Mataray na tanong ni Irene. "Ilang araw na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin natin nahahanap ang susi. Nandito pa rin tayo sa letseng underground prison na ito!"

"Tama si Irene, kailangan natin mag-move on agad. Kung hindi tayo kikilos ay sama-sama tayong mawawala sa larong ito." Sagot naman ni Drake sa kanila at naglakad na paalis ng Cell area.

Bago kami makalabas lahat ay narinig namin ang sigaw ni Kennard. "Guys, sinong gusto tumulong sa akin na gumawa ng breakfast this morning?"

"Si Anya? Hindi siya tutulong sa 'yo?" Tanong ni Irene.

"She is still not okay and decided to stay here sa cell namin." Sagot ni Kennard at napatingin kami lahat kay Anya na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabangon sa kama.

"Arte." Irene rolled her eyes at naglakad papalabas.

Nagprisinta ako at si Thea na tumulong kay Kennard sa pagluluto habang ang iba naman ay mag-iikot para muling hanapin ang susi. Naiwan si Ruri sa cell area para samahan si Anya.

***

HINDI naman heavy breakfast ang ginawa namin lalo na't dalawang oras lang ang mayroon kami sa umaga at matapos no'n ay babalik na kami sa cell area. We decided to cook an egg tapos samahan pa na ilang frozen food.

"Jude, anong buhay mo bago ka napasok sa larong ito?" Tanong ni Thea sa akin na kasalukuyang nagsasaing.

Tinatanggal ko ang mga wrapper ng hotdog at hinihiwa ito. "Simpleng estudyante lang..." napatigil ako sa sinabi ko. "Hindi pala simple. Nabaon sa utang ang pamilya ko dahil sa pagkaka-aksidente ni Kuya, nawalan ako ng pangbayad sa renta, pati mga pambili ng gamit sa school ay hindi ko na alam hahagilapin. Tambak na tambak ako sa gastos nitong mga nakaraan." Kuwento ko sa kanila.

"But you know, I see lights noong binigyan ako ng pera ng larong ito at pinilit sumali sa larong ito. Akala ko ay simpleng laro lang ito... hindi ko naman inakala na totoong mga buhay ang mawawala sa laro." Kuwento ko sa kaniya. Napatingin ako kay Anya. "Ikaw, what is your life before entering this game?"

"Parehas tayo, estudyante lang din. Galing ako sa isang big school sa Manila. Tumakbo akong student council president tapos nagalaw ko na ang ipon ko and unfortunately, natalo." Thea sighed at isinalang sa rice cooker ang bigas. "I do not mind losing pero ang nagpasakit sa akin ay ang pagroroleta ng grade ng isang professor ko— minor subject. Nawalan ako ng scholarship, I couldn't afford alone 'yong gastos sa tuition... parehas tayo, nabulag lang din sa pera." Kuwento niya at napangiti.

"Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit bida-bida ako sa paningin ng ibang tao dahil student leader ako noon. All I want is mabuhay tayong lahat and unfortunately, anim na buhay na ang nawawala sa laro." Kuwento ni Thea at mas naintindihan ko siya ngayon.

"Hindi ka bida-bida," I assured to her. "Ginawa mo lang mas systematic ang galaw natin sa Underground Prison at tingnan mo naman, lahat tayo ay alam ang kaniya-kaniya nating dapat gawin." Paliwanag ko sa kaniya.

"Iba talaga ang nagagawa ng pera." Naiiling na sabi ni Kennard habang hinahango ang mga naluto niyang itlog. "Kayang-kaya niyang tuksuhin ang mga kagaya natin na nasa laylayan ng lipunan."

Naputol ang usapan namin noong pumasok si Ruri sa cafeteria. "Kumusta si Anya?" Tanong ni Kennard.

"Natulog ulit. Iniwan ko muna siya mag-isa para maayos na makapagpahinga. Tutulong na lang muna ako sa inyo dito sa kitchen." Sabi niya at naghugas ng kaniyang kamay. "Anong maitutulong ko?"

"Palinis na lang ng lamesa na kakainan natin." Wika ni Kennard na ginawa naman ni Ruri.

Hindi naman din matagal ang naging pagluluto namin lalo na't mga pagkain lamang ito na mabilis ihanda.

"Kami nang bahala ni Thea sa pag-aayos ng lamesa. Kayo na ni Ruri ang mag-ikot para tawagin ang mga kasama natin." Sabi ni Kennard at um-oo naman kaming dalawa ni Ruri.

Naglalakad kaming dalawa sa corridor noong makasalubong si Dale at Fendi. "Kakain na raw." Sabi ni Ruri sa kanila.

"Sige papunta na kami." Sagot ni Fendi.

"Nakita ninyo ang susi?" Tanong ko.

"Negative." Dale answered. "Baka mabulok na tayo sa underground prison dahil ang hirap hanapin sa kung saan man nila itinatago ang susi."

Well, that's the goal of the game, ang walang makaligtas sa aming lahat. The rich people na nanonood sa amin ngayon... gusto lang nila kaming makita na nahihirapan para sa kanilang entertainment.

Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paghahanap. Isa-isa na namin nakita ang lahat at pinapunta sa cafeteria. Huli naming nakita sina Sandra at Drake.

"Kakain na raw." I informed them. "Bilisan ninyo na dahil isang oras na lang ang mayroon tayo bago ulit tayo pabalikin sa kaniya-kaniya nating cell."

"Nakita mo si Haku?" Tanong ni Drake sa amin at napakunot ako ng noo sa pagtataka. Unti-unti akong napailing. "Kanina pa siya nagpaalam sa amin na may kukuhanin lang siya pero hanggang ngayon ay hindi pa namin siya nakikita."

Bigla akong kinabahan para kay Haku. "H-hindi puwede, baka matulad siya sa nangyari kay Cholo kahapon."

Bumilis ang pagkilos naming apat at malakas na nagsisigaw sa paligid. Isa-isa naming binuksan at hinalughog ang bawat silid.

"Haku! Haku!" Malakas kong sigaw. Nakuha naman no'n ang atensyon ng mga taong nasa cafeteria.

"A-Anong nangyayari?" Tanong ni Thea sa amin.

"Si Haku... nawawala." Sagot ko at tumulong ang lahat sa paghahanap. Haku is one of the strongest player that I know pagdating sa game.

Napatigil kami noong marinig ang matinis at malakas na sigaw ni Jia. Kumaripas nang takbo ang lahat sa kung saan ito nanggaling— sa storage area.

Nakita namin si Jia na nakaturo sa isang sulok habang nanginginig ang ibabang labi niya sa takot. Bumaling ang tingin namin sa kaniyang itinuturo.

Sa likid ito ng malalaking kahon, nakita ko na lang ang dugong umaagos mula rito. Although, may kutob na ako sa nangyari kay Haku pero ayoko pa ring maniwala. Naglakad kami tungo sa likod ng mga kahon.

"H-Haku..." bulong ko noong pinagmamasdan siyang nakahiga sa sahig, walang buhay.

Nakadapa ang kaniyang katawan at may kutsilyong nakabaon sa kaniyang ulo na animo'y pinatay si Haku na wala itong kamalay-malay.

Ngayong umaga, isa na naman sa mga kasama namin ang nawala sa larong ito. Nabuhay ang TV na nakadikit sa pader ng storage room at lumabas ang listahan ng mga pangalan namin.

Nakita na lamang namin na nag-gray out ang pangalan ni Haku.

Prisoner 14: Haku
Eliminated

Nagkatinginan kaming lahat at bigla akong nawalan ng tiwala sa kahit isa sa kanila. "I-Isa sa atin..." nanginginig ang labi ko. "May killer sa atin."

***

Prisoners List

Prisoner 1- Gela (F) ELIMINATED
Prisoner 2- Anya (F)
Prisoner 3- Kennard (M)
Prisoner 4- Awi (F)
Prisoner 5- Thea (F)
Prisoner 6- Cholo (M) ELIMINATED
Prisoner 7- Renz (M)
Prisoner 8- Lorraine (F) ELIMINATED
Prisoner 9-  Gabbi (F)
Prisoner 10- Marco (M)
Prisoner 11- Jude (M)
Prisoner 12- Ruri (F)
Prisoner 13- Sandra (F)
Prisoner 14 - Haku (M) ELIMINATED
Prisoner 15 - Drake (M)
Prisoner 16- Coby (M) ELIMINATED
Prisoner 17- Jia (F)
Prisoner 18- Benjo (M)
Prisoner 19- Irene (F)
Prisoner 20- Duke (M)
Prisoner 21- Paco (M) ELIMINATED
Prisoner 22- Dale (M)
Prisoner 23- Sam (F) ELIMINATED
Prisoner 24-Fendi (F)

Remaining Prisoners: 17

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top