Chapter 14: Second Dare
UMAANDAR ang oras, nakatayo kaming lima at pinagmamasdan ang malaking plate na nakabalanse sa isang pole. Kung tutuusin ay madali lang ang laro ngayong gabi dahil ang goal lang naman ay huwag matumba ang plate. It is easy, pero ang nagpapakaba sa aming lahat ay sa oras na magkamali ay buhay namin ang kapalit dito.
"Sinong mauuna?" Tanong sa amin ni Haku.
"Let us go with the arrangement kung paano tayo tinawag kanina." Suhestiyon ni Paco at napatango-tango ako. Less conflict kapag ganoon na lang ang ginawa namin.
"Magandang ideya, dahil diyan ay ako ang mauuna." Nabigla kami noong kumuha na si Benjo ng isang figurine at pinagmasdan ang plate sa kung saan niya maaari itong ilagay.
Inis kaming apat na tumingin kay Benjo. "Ganyan ka ba talaga, Benjo, lahat na lang bagay na napag-uusapan ay sisirain mo?!" Galit na sigaw ni Sandra sa kaniya.
"Pakialam ko sa inyong lahat." Sagot ni Benjo sa kaniya. "Kung susundin natin 'yong arrangement kanina ay ibig sabihin ay ako ang mahuhuli, mahirap na magbalanse kung ganoon." Depensa niya.
Lahat naman kami ay gustong mabuhay sa larong ito. Sino bang gustong mamatay? Pero iba itong si Benjo, sobrang self centric ng mga desisyon niya. Ipakikita niya talaga na wala siyang pakialam sa aming lahat. Handa niyang tapakan ang lahat ng tao mabuhay lang siya.
Ipinuwesto ni Benjo ang figurine malapit sa gitna upang hindi gaano gumalaw ang plate. Nanginginig na pinagmasdan ito ni Benjo hanggang sa mabalanse ang figurine na inilagay niya.
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang plate. Namumuo rin ang butil ng pawis na gumagapang mula sa aking noo. Everybody is cheering for all of us.
Sunod na kumuha ng figurine si Sandra.
"It will be best if ilalagay mo 'yang figurine sa katapat nang inilagay ni Benjo. In that way ay mababalanse ulit ang pole. Maka-counter ang bigat sa kabilang side." Haku advised to Sandra habang pinagmamasdan man ang plate.
One thing that I noticed to Haku is that he is just really going with the flow. He really does not mind dying and just playing the game. Pero kahit ganoon ang mindset niya, he is really acing every game. Magaling si Haku pagdating sa mga laro.
"Alam ko, okay? Huwag mo akong pinagmumukhang tanga." Sandra said pero sinunod niya pa rin naman ang sinabi ni Haku.
Turn na ni Paco.
I am pretty sure na sa bandang gitna rin ito ilalagay ni Paco dahil iyon ang mas malapit sa pole. Mas madaling mababalanse ang plate kung doon niya ito ipupuwesto.
Tahimik lang akong nag-oobserba sa mga nangyayari. Pinagmasdan ko ang kamay ko na walang tigil sa pagnginig. "Tangina naman, Jude, hindi ito ang tamang oras para mabaliw ang katawan mo." Hinampas-hampas ko ang kanang kamay ko.
"Jude, kaya mo 'yan!" Malakas na sigaw ni Ruri ang narinig ko at napatingin ako sa kaniya. Pilit akong ngumiti. Wala naman akong choice. It's either kayanin ko o mamamatay ako rito. Iyon lang naman ang dalawang pamimilian dito.
"Focus." Simple naman na sabi ni Marco. Isang word lang pero ramdam kong sinusuportahan niya rin ako. He really wants us to survive pero at the same time, hindi pa rin nawawala ang hinala ko na siya ang pumatay kay
Ipinuwesto ni Paco ang figurine sa bandang gitna man. Bahagya itong gumalaw at kinabahan kaming lahat. Ironic how we all want to survive pero ayaw namin may mamatay sa amin (puwera kay Benjo na sarili niya lang ang iniisip niya).
"Kinabahan ako doon, ah." Kabadong napatawa si Paco.
Turn ko na at kumuha ng figurine. Bago ako mag-proceed ay binuhat ko rin ang ibang figurine at may napansin ako— magkakaiba sila ng bigat.
I don't know if the other prisoners also noticed it pero may mga figurine na iba ang bigat kumpara sa iba. May ibang mas mabigat.
Tumingin ako sa kanila. "Jude, bilisan mo, umaandar ang two minutes mo." Paalala sa akin ni Haku.
Huminga akong malalim at kinuha ko ang isang figurine na sa tingin ko ay pinakamagaan. I also place the figurine katapat sa pinaglagyan ni Paco. Gumalaw ang plate na nagpakabog ng dibdib ko ngunit huminto rin naman ito.
Apat na magkakatapat ang mga figurines pero kapansin-pansin na mas naka-slant ito sa bandang kanan kung saan naglagay si Benjo.
It just proved that I am right na hindi magkakaparehas ang bigat ng figurine. All I need to do is to pick up all the light figurines para mas madaling ipatong sa plate at lumiit ng bahagya ang tiyansa na tumumba ito.
Turn na ni Haku at kumuha siya ng figurine.
Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi ang natuklasan ko pero kung sasabihin ko... mawawalan ako ng edge sa larong ito.
Napatingin ako kay Marco. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi niya sinabi ang naging plano niya kahapon tungkol sa game rules. It is his advantage sa game.
Nagdesisyon akong huwag sabihin sa kanila ang tungkol dito.
Totoo nga, mas nagiging selfish ka kung nakabaon na ang isa mong paa sa hukay. I am playing the game fairly na hindi ko sinasabi sa kanila ang nalaman ko. In that way, hindi ako ang mawawala sa laro ngayong gabi.
Haku placed the Figurine sa bandang gilid at napasinghap lami lahat sa gulat noong malaki ang naging paggalaw ng plate. Lahat kami ay akala ay mababagsak na ito ngunit napanatili nito ang balanse sa pole.
"Tangina akala ko mamamatay na ako. Kawawa ang mga aso ko kung nagkataon." Haku said and sighed as a sign of relieve.
Kung si Haku ay naginhawaan, mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib naming lahat. Habang tumatagal ang laro at mas maraming figurines ang naipapatong sa plate ay mas lalong tumataas ang tiyansa naming mamatay.
It is Benjo's turn once again. "I hope he will be eliminated." Narinig kong bulong ni Sandra at nagkatinginam kaming dalawa. "Totoo naman, wala naman magandang dulot 'yang si Benjo. Pabigat at panggulo lang dito sa laro."
"Alam mo, babaeng puro dada, kung magsasalita ka ay siguraduhin mong hindi ko maririnig." Ganti ni Benjo at ngumisi kay Sandra.
Sandra rolled her eyes. "Bakit? Sinikreto ko ba? Mas mainam na mawala ka na sa larong 'to."
"Wishing somebody's death? Sa tingin mo ba ay mapupunta ka sa langit niyan?" Tanong ni Benjo havang pinagmamasdan ang plate.
"Hindi ko hiniling na mapunta sa langit." Sagot ni Sandra sa kaniya.
"Itigil ninyo na 'yan. Can you chill down kahit sa laro lang muna para makapag-focus ang lahat?" Reklamo ni Paco sa kanilang dalawa. "Sinisira ninyong dalawa ang momentum dahil sa bangayan ninyo, eh."
Benjo carefully placed the figurine sa kabilang parte ng plate para malabanan ang bigat na ginawa ni Haku kanina. We all watched the plate move hanggang sa mas bumalik sa gitna ang balanse ng plate.
Nakatahimik lang akong nakatingin sa plate. I just want this to be finish already. Gusto ko nang mawala ang kaba sa dibdib ko.
Turn na ni Sandra. She carefully observed the plate. Ang dami ng figurines na nakapatong sa plate. One wrong move ay paniguradong babagsak na ito.
"Galingan mo. Sana maibagsak mo." Nakangising mensahe ni Benjo kay Sandra.
"Putak ka nang putak. Daig mo pa ang babae." Ganti ni Sandra sa kaniya at kumuha ng isang figurine.
Ang isang dapat bantayan ay ang figurines na inilagay ni Benjo at Haku na nasa magkabilang dulo. Sa oras na tumumba ito ay babagsak panigurado ang tower.
Hindi ako gaano kumikibo at nagbibigay mg advise sa mga kasamahan ko. Why would I do that? Buhay ko rin ang nakataya rito.
Sandra placed it in the safest possible place, sa bandang gitna malapit sa pillar. Gumalaw ng bahagya ang plate pero hindi naman ito tuluyang tumumba.
Turn na ni Paco. Palakas na nang palakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa tagal na iniabot ng laro at isa pa. Dumadami na ang figurines sa plate. Tutumba na ito anytime. Kung sino na lang ang masaktuhan sa amin.
Hopefully it's not me.
Paco successfully placed the figurine at katapat ito ng inilagay ni Sandra upang malabanan ang bigat.
Napabuntong hininga ako noong turn ko na. I can the loud cheer from other prisoners na hindi napili sa larong ito. Isa-isa kong hinawakan ang mga figurines at hinanap ang pinakamagaan na figurine na makakapa ko.
"Why are you doing that?" Haku asked.
Saglit akong natigil ay pinag-isipan ko kung sasabihin ko sa kaniya ang rason. Tumingin ako sa plate dahil pakiramdam ko naman ay tutumba na ito anytime soon at hindi na aabot sa susunod kong turn.
Also, sigurado din naman ako na gagawin na rin ni Haku na kapain isa-isa ang figurine sa turn niya.
"Magkakaiba sila ng bigat." Sagot ko sa kaniya. "May mga figurines na mas magaan kumpara sa iba. Iyon 'yong kinukuha ko dahil mas madaling ibalanse, hindi prone sa pagbagsak." I honestly answered and watch their expression.
"So you are telling us that information ngayon lang?" Taas kilay na tanong ni Sandra.
"Akala ko ay na-figure out ninyo na kanina. At isa pa, wala naman nagtanong sa akin." Honest kong sagot sa kanila at ibinaling ang tingin ko sa plate. Wala akong oras makipag-argumento sa kanila dahil umaandar ang dalawang minuto na turn ko.
Sandra hissed. "Magka-cell nga talaga kayo ni Marco, parehas tuso pagdating sa mga laro."
Naintindihan ko na si Marco ngayon kung bakit ganoon ang inasta niya during the first dare. This is still a game of survival. We need to save our ass before saving other people's ass.
Maingat kong ipinuwesto ang figurine at gumalaw ang plate. Napatigil ang lahat dahil sa nangyari. In this game, we just need to balance the figurines sa kaliwa't kanan. Ilang segundo ang naging paggalaw nito hanggang sa mag-steady ito sa puwesto nito.
Medyo tagilid man ang plate pero nakahinga ako ang maluwag. Hindi ko na problema kung ano mang posisyon niyan. Ang mahalaga ay hindi siya tumumba sa turn ko.
Tumataas na ang tensyon. Ano mang oras ay tutumba na ang plate. Malas na nga lang kung sino ang matatapatan nito. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko, hangga't hindi natutumba ang plate ay hindi pa ligtas ang buhay ko.
"GG, ah. Hirap nito." Sabi ni Haku habang nakaupong pinagmamasdan maigi ang plate. Kinakalkula niya sa kung saan niya maaaring ilagay ang figurine.
Mahigit labing-limang minuto nang tumatakbo ang laro.
Pumili si Haku sa figurine. Humarap siya sa amin, "Kung sakaling ako ang ma-eliminate. Kayo na bahala sa mga aso ko, low maintenance naman sila huwag kayong mag-alala."
I do not know if Haku is just using his dog para mawala ang kaba niya o concern talaga siya sa mga aso niya.
Bumaling amg tingin niya sa akin. "Tama ka nga, Jude, magkakaiba ang bigat ng figurines. Salamat sa information." Kumuha na siya ng isang figurine. Sigurado naman ako na hinanap niya rin ang pinakamagaan dito.
"Ibagsak mo na 'yan boy aso. Ako na bahala sa mga alaga mo." Ngumisi si Benjo.
"Well, thank you for courtesy Benjo. Pero hindi ko ipagkakatiwala ang mga aso ko sa 'yo. Selfish ka, eh. But thank you for the offer, highly appreciated." Bahagya kaming natawa sa kung paano nabara ni Haku si Benjo. Maigi niyang pinagmamasdan ang plate.
Pumili siya ng parte sa kung saan ipapatong ang Figurine. Lahat kami ay kinakabahan para kay Haku.
Unti-unti na niyang binaba ito. Gumalaw amg plate at lahat kami ay animo'y napatigil sa paghinga. Parang anytime ay babagsak na ang plate.
But Haku made it. He successfully placed the figurine nang hindi bumabagsak ang plate. Napasuntok sa hangin si Haku at napatingin kay Benjo. "Turn mo na, Benjo, sana sa 'yo na bimagsak 'yang plate para mabawasan naman ang kupal sa larong ito."
"Anong sinabi mo?!" Benjo shouted at akmang lalapit siya kay Haku. Mabilis naman siyang pinigilan ni Paco na makalapit.
"Benjo, umaandar ang two minutes mo. Focus sa laro." Paalala ni Paco sa kaniya.
"Huwag mo akong hawakan!" Reklamo ni Benjo sa kaniya at inis na tinanggal ang kamay ni Paco. Naglakad siya tungo sa mga figurines at pumili.
Napatingin ako sa plate. Tutumba na ito sa oras na may maglagay pa.
"Do it, Benjo." Nakangising sabi ni Sandra kay Benjo. "Kahit saan mo 'yan ilagay ay tutumba na ang plate. Ikaw ang ma-e-eliminate sa larong ito."
"Ang daldal mo." Sabi ni Benjo pero pansin ko ang pagpapawis ng kaniyang noo. Maging siya ay hindi niya na alam ipapatong ang figurine.
"Tama 'yan!" Sigaw ni Thea na nakakulong sa cell nila. "Siya ang pumatay kay Cholo kung kaya't nararapat lang mawala sa laro ang gagong iyan!"
Tumingin ako sa oras at may halos trenta segundo na lang si Benjo para ipatong ang figurine. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Alam niyang sa oras na ibaba niya ang figurine ay babagsak na ito.
Hindi ako kinakabahan para kay Benjo dahil mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhan na bumagsak na ang plate. Gusto ko nang matapos ang laro.
"Ibaba mo." Sabi ni Sandra."
Labing limang segundo.
Tumingin sa aming lahat si Benjo. "Hindi ninyo ako matatanggal sa larong ito." Binitawan niya ang figurine na hawak niya. Sumuko na ba siya?
Nabigla kami noong bigla niyang hinawakan si Paco at itinulak sa plate. Nawalan ng balanse si Paco.
Bumagsak ang plate at kasabay noon ay ang pagtunog ng device na nasa leeg ni Paco. "A-Anong ginawa mo?!" Malakas niyang sigaw at mabilis na bumabangon. Pinagmasdan niya ang nakabagsak na plate at mga figurines. "Putangina mo, Benjo! Anong ginawa mo?!"
"Lumayo na kayo!" Sigaw ni Marco ang marinig namin kung kaya't lumayo kaming apat kay Paco.
Isang malakas na pagsabog na lang ang narinig namin at may pulang likido nang dumampi sa balat ko. Nanginginig ang ibabamg labi ko sa nasaksihan ko.
Bumagsak na ang katawan ni Paco sa sahig na wala ng ulo at wala ng buhay. Umagos ang pulang likido mula sa kaniyang katawan.
"Anong ginawa mo Benjo?!" Sigaw ni Sandra.
"Iniligtas ang buhay ko." He answered at maging si Benjo ay hindi makapaniwala sa nangyari. "A-Ang sabi sa rule ay kung sino ang makakatumba ng plate. W-Wala akong choice." Dugtong niya pa.
"Congratulation Prisoner 11, Prisoner 13, Prisoner 14, and Prisoner 18 for surviving the second dare. Each one of you will receive 50,000 pesos and may continue your days here in Prisoner Game! Congratulation!" Anunsyo noong Game master at may mga prisoner guard na lumapit sa amin upang iabot ang isang maliit na pouch.
Tiningnan ko ang pouch na naglalaman ng pera. This is not how I wanted to earn money.
Bumaling ang tingin ko sa katawan ni Paco na hinahatak na ng Prisoner Guard papalabas ng cell area. Matapos ang araw na ito ay isa na naman sa amin ang nawala.
One of the prisoners killed another prisoner just to survive.
Patunay lang ito na gagawin naming lahat na nandito ang lahat para mabuhay lang at makatakas sa Prisoner Game na ito.
***
Prisoners List
Prisoner 1- Gela (F) ELIMINATED
Prisoner 2- Anya (F)
Prisoner 3- Kennard (M)
Prisoner 4- Awi (F)
Prisoner 5- Thea (F)
Prisoner 6- Cholo (M) ELIMINATED
Prisoner 7- Renz (M)
Prisoner 8- Lorraine (F) ELIMINATED
Prisoner 9- Gabbi (F)
Prisoner 10- Marco (M)
Prisoner 11- Jude (M)
Prisoner 12- Ruri (F)
Prisoner 13- Sandra (F)
Prisoner 14 - Haku (M)
Prisoner 15 - Drake (M)
Prisoner 16- Coby (M) ELIMINATED
Prisoner 17- Jia (F)
Prisoner 18- Benjo (M)
Prisoner 19- Irene (F)
Prisoner 20- Duke (M)
Prisoner 21- Paco (M) ELIMINATED
Prisoner 22- Dale (M)
Prisoner 23- Sam (F) ELIMINATED
Prisoner 24-Fendi (F)
Remaining Prisoners: 18
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top