Chapter 13: Chosen Prisoners II
TAHIMIK lang akong nakaupo sa kama, hindi mawala sa isip ko na isa sa amin ang gumawa ng pagpatay kay Cholo. Nasa iisang lugar lang kami ng killer! Puwedeng-puwede siyang pumatay ng ibang prisoners ano mang oras.
Isa pang pinoproblema ko ay ang nalalapit na dare. Malaki ang tiyansa na isa ako sa mga lalaro ngayong gabi. Ayokong mamatay.
Ayoko man sabihin ngunit nagkakaroon ako ng hinala na posibleng si Marco ang gumawa nang pagpatay kay Cholo. Bakit may dugo ang tracksuit niya?!
"Ayos ka lang, Jude?" Nabalik ako sa huwisyo noong bigla akong tanungin ni Ruri. Inabutan niya ako ng tubig at gamot para mabawasan ang sakit ng aking ulo. Napalitan niya na rin ng henda ang aking ulo. I feel a lot of better now.
"M-Mas ayos na kumpara kanina. Salamat dito." Tinanggap ko ang gamot at tubig. Mabilisan ko itong ininom.
Napatingin ako muli kay Marco na maayos na nakaupo sa kaniyang kama at tahimik na nagbabasa.
"Saan ka galing kanina, Marco?" Tanong ko sa kaniya.
Inilipat niya sa sunod na pahina ang librong binabasa niya bago ako tingnan. "Nakinig ka ba sa sinabi ko kanina? Kumuha ako ng bagong libro na mababasa." Ipinakita niya sa akin ang cover at bagong libro nga ito.
Kumuyom ang kamao ko para maayos na masabi sa kaniya ang naiisip ko. "Ang timing naman. Kung kailan umalis ka ay saka namatay si Cholo." Pagsabi ko nang naiisip ko.
Isinara niya ang librong binabasa niya at natawa siya na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "If I will recall clearly. Hindi lang ako ang nag-iikot noong oras na 'yon. Maraming Prisoners ang gumagala sa buong Underground Prison. Maging si Ruri nga ay lumabas at iniwan ka mag-isa. Hindi ba?"
"Dahil alam kong hindi iyon magagawa ni Ruri." Napatayo ako at galit siyang tiningnan. "Samantalang ikaw, ilang beses mong bunanggit na handa kang pumatay para lang maka-survive sa larong ito?"
"Mag-isip ka nga. Why would I kill somebody at that moment? Nalagay ba sa alanganing sitwasyon ang buhay ko?" Depensa niya. "As a detective wannabe that is trying to solve Cholo's death. Ang selective mo sa mga taong ini-interrogate mo. You are pinning that I killed him pero wala ka namang ebidensya. What a dumb move."
Naputol ang pagtatalo naming dalawa noong isang matinis na ingay ang maririnig sa cell area. Napatakip ako ng tainga dahil ang sakit nito pakinggan.
Nag-flash muli ang screen ng TV at muling lumabas ang Game Master. He is smiling widely na parang natutuwa siya sa nangyayari ngayon sa Underground Prison. The viewers probably enjoy the game right now, limang tao na ang namamatay sa laro.
"Good evening players! I hope you are getting used and enjoying the game at the moment. First of all, I want to congratulate everybody for surviving the first day of the game... pero hanggang kailan kayo tatagal sa Prisoner Game?" Lumaki ang ngisi sa labi ng game master. Napahawak ako sa rehas at mahigpit na napakapit dito.
Ang dali sa kanila para paglaruan ang mga buhay namin para lang sa entertainment nila.
"Again, simple lang ang rule ng dare natin ngayong gabi. Five random prisoners will be chosen to do the dare. Each prisoners that will successfully finish the dare will receive 50,000 pesos cash at may tiyansa pang maging isa sa mga prisoners na makatatakas dito sa Underground Prison." Paliwanag niya sa amin.
Tinutumbasan lang nila ng pera ang mga buhay namin.
Naramdaman ko na naman ang kaba kagaya noong unang gabi na ginawa ito. Ayokong lumaro. Ayokong malagay sa alanganin ang buhay ko para maka-survive.
"We will now choose the fuve lucky players that will play tonight and have a chance to win 50,000 pesos!" The game master laughed at nabago ang naka-flash sa screen— listahan muli ito ng mga pangalan namin.
Nagsimulang gumalaw ang random picker at tutok na tutok ang lahat sa kung sino ang lalaro. Walang may gustong lumaro! Fuck! Sa oras kasi na hindi mo magawa ang dare, buhay mo ang kapalit. Fuck this Prisoner Game.
Until-unting bumagal ang takbo ng random picker— Prisoner 13 (Sandra).
Napatingin kaming lahat sa kaniya. Sandra just breathed in and breath out like she just accepted the fate that she will play tonight. May mga Prisoner Guard na pumasok sa cell area at binuksan ang Cell# 5 para makalabas si Sandra.
Muling umandar ang random picker— Prisoner 21 (Paco).
"Tangina, ayoko!" Malakas na sigaw ni Paco.
"Ang arte mo!" Sigaw ni Irene at tinulak papalabas ng Cell# 7 si Paco. "Napili ka, Paco, wala kang choice kung hindi laruin 'yan o mamamatay ka."
Tatlo na lang. Napakakagat na ako sa ibabang labi ko dahil sa kaba. Ayokong lumaro, I want to continue my days here without playing this stupid dare.
Muling umandar ang random picket. Palakas nang palakas ng kabog ang dibdib ko. Lahat kami ay tutok sa kung sino ang mapipili. Until-unting bumagal ang takbo ng random picker hanggang tumigil ito sa isang pangalan.
Prisoner 11 (Jude).
Noong makita ko ito ay para bang gusto kong sumigaw sa takot at galit. Bakit ako pa!? Tangina malalagay sa delikadong sitwasyon ang buhay ko. Napatingin ako kay Ruri at Marco. "Ayokong lumaro." Mahina kong bulong habang may luha na unti-unting namumuo sa mata ko dahil sa takot.
Akala ko ay handa na ako mentally. Pero iba pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na.
"Kaya mo 'to, Jude. Huwag kang mamamatay, please." May pangungusap sa bawat salitang binitawan ni Ruri. Hinawakan niya ang kamay ko and she assured that I will be okay. May nilagay si Ruri sa palad ko at napatingin ako rito— isang maliit na rosaryo.
Nilagay ko ito sa bulsa ko. Hindi ako 'yong tipo ng tao na sobrang banal o madalas magsimba pero malaking bagay itong ibinigay sa akin ni Ruri. It somehow cleared my mind.
"Focus on the game. Find your strength, don't let your fear cloud your mind, lalo ka lang maiipit sa sitwasyon." Sabi naman ni Marco sa akin.
Binuksan na ng mga Prison Guard ang pinto ng cell namin at naglakad na ako palabas. I stand beside Paco, ngayong malapitan ko silang nakita ay pansin ko ang panginginig ng mga kamay nila. Hindi lang ako ang takot sa gabing ito.
Muling umandar ang random picker. Para bang nabibingi na ako at wala ng naririnig dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ko at mahigpit na hinawakan ang rosaryo.
I want to live.
Unti-unti muling bumagal ang takbo ng random picker hanggang sa mahinto ito sa isang pangalan— Prisoner 14 (Haku).
Nagulat kaming lahat dahil isa na naman si Haku sa lalaro ngayong gabi. Maging si Haku ay nabigla din pero napangiti lang siya at tinanggap ang kapalaran niya.
"Dating gawi, kung mamamatay man ako ngayong gabi ay kayo na bahala sa mga aso ko." Mensahe niya sa mga kasama namin. He is starting to warm up and stretches his muscle na ginaya ko rin.
Kung physical activity man ang magiging laro ngayong gabi ay paniguradong may dusadvantage si Sandra lalo na't siya ang nag-iisang babae sa ngayon.
Muling umandar ang random picker. We are all waiting sa kung sino ang huling player na makakasama namin sa laro. Ang hiling ko lang ay kahit sino basta huwag lang isa kanila Ruri at Marco.
Marco is smart enough to be my opponent while Ruri... she's kind enough para lumaro sa ganitong klaseng setup. She deserves to live.
Unti-unting bumagal ang random picker at huminto sa isang pangalan na mas lalong nagpakaba sa aming lahat— Prisoner 18 (Benjo).
He just smiled at confident na lumabas ng Cell 6. Sa dami-dami nang posibleng makatapat sa laro ay bakit si Benjo pa? He is physically strong at mukhang tuso din siya pagdating sa mga laro. He is more than willing to kill somebody just for his own safety.
Malakas na napasigaw ang ibang prisoners na hindi napili sa laro. They are all happy na hindi nila kailangan ilagay sa alanganin ang buhay nila para magpatuloy sa Prisoner Game.
"Sisiguraduhin kong mabubuhay ako sa laro at hahayaan kayong mamatay." Benjo warned us.
"Hoy lalaking malaki lang ang katawan," matalim siyang tinitigan ni Sandra. "Sa oras na hindi pisikalan ang magiging laro ngayong gabi ay tapos ka na. Malaki lang ang katawan mo pero walang laman ang utak mo."
"Anong sinabi mo?!" Akmang lalapitan siya ni Benjo ngunit mabilis namin nagawakan ni Paco si Benjo. "Pasalamat ka at babae ka.
Sandra rolled her eyes. "As if naman na ginagamit ko ang gender ko para lang hindi mo ako saktan. Bobo."
"Awat na. Focus tayo sa laro." Haku said habang pilit pinapakalma ang dalawa.
"The five players who will play tonight are now completed— Sandra, Paco, Jude, Haku, and Benjo are the lucky prisoners tonight who have a chance to win 50,000 pesos. I am expecting that you will entertain our viewers tonight by trying to finish the dare." Ngumiti ang Game Master habang ako ay sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko.
Tama si Marco, okay lang na kabahan ako pero huwag kong hayaan na umakyat ang kaba sa ulo ko dahil hindi ako makapag-iisip ng maayos.
"For our second dare, this dare was requested by Mr. Caranza na siyang highest gift sender nating today. Mr. Caranza sent 8 million pesos para sa dare na ito. Nakatutuwa lang na pataas nang pataas ang perang sine-send ng mga nanonood sa atin and this is all because of you Prisoners. You really made our game interesting." Napakuyom ako ng kamao ko habang nakikinig sa sinasabi noong Game Master.
Fuck this game na kung saan laruan lang kami ng mga mayayaman. Ma katumbas lang na pera ang mga buhay namin.
Pinapangarap kong magkaroon ng malaking pera para makatulong sa pamilya ko. But not in this way! Hindi ko ginustong ilagay sa alanganing sitwasyon ang buhay ko para lang sa ilang libo o milyon.
Lord, ibalik ninyo na ako sa dati kong buhay.
Napalagok ako ng laway ko hanggang sa may ibang Prison Guard ang pumasok sa loob ng silid. Isang malaking bagay ang hawak nila na hugis pinggan at may isang maliit na pole. Gumilid kami para maayos nila ma-setup ang mga gamit.
They carefully place the plate at the top of the pole.
Mayroon mga small figurines na kasing laki lamang ng braso ko at may disenyong parang naka-tuxedo na nakasuot na mask. Hinihilera ito ng mga prisoner guard sa isang gilid. Ngayon pa lang ay nagkaka-ideya na ako sa kung ano ang posibleng lalaruin namin ngayong gabi.
"For our second dare. Mr. Caranza dare you to balance those small figurines on the top of the plate. Kung sino man ang player na bigong mababalanse ang mga figurines at maibabagsak ang plate ay ang siyang ma-e-eliminate sa laro natin ngayong gabi." Paliwanag ng Game master sa amin.
Laking pasasalamat ko na lang din na hindi pisikalan ang naging challenge ngayong gabi dahil kasama namin si Benjo, sa laki ng pangangatawan niya ay kayang-kaya niya kaming talunin lahat.
Labanan ito ng utak sa kung paano namin mababalanse ang mga figurines na hindi nawawala ang balanse ng plate. At the same time, suwertihan lang din talaga ang labanan dito.
"The players have one hour to play the game. Each players will take turns and only have two minutes para pag-isipan ang magiging move nila sa kung saan ipapatong ang isang figurine. Player who will failed to comply in our two minutes rule will receive a punishment." Nakatingin na lang ako sa plate at nag-iisip ng posibleng strategy na gagawin ko para hindi ma-eliminate sa laro.
"Our Prisoner Game second dare will now begin." Anunsyo ng Game Master at napalitan ng timer ang screen ng TV.
I will not let this game kill me. I am gonna survive this fucking Prisoner Game.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top