Chapter 12: Who Done It?

"BAKIT ganyan ang mga mukha ninyo? Hindi ba kayo nasarapan sa luto nila boy labo?" Tanong ni Benjo habang malalaking subo ang ginagawa sa kanin at adobo.

"Hindi ako si Boy Labo, Kennard." Sabi ni Kennard.

"Oo na, boy labo, ganoon din 'yon." Sabi ni Benjo na tuloy pa rin sa pagkain. Kumunot ang noo niya. "Bakit kayo ganiyan makatitig lahat? Mauubos na ang oras natin, kailangan may lakas ako kung sakaling mapili ako sa dare." Dugtong pa niya.

Nagulat kami noong makarinig kami ng malakas na kalampag sa lamesa mula sa kabilang lamesa. "Ganiyan ka ba ka-insensitive, Benjo?!" Galit na tanong ni Thea sa kaniya. "Namatay si Cholo! Somebody killed him tapos kung umasta ka ay parang nasa outing ka lang ngayon?!"

Napatigil si Benjo at ibinaba ang kutsara't tinidor na kaniyang hawak. "Oh, namatay si Cholo, anong gagawin ko? Magmumukmok din? Huy, feeling lider, kahapon pa may namamatay sa larong ito. Hindi ka pa ba nasanay?"

"Ganiyan ka ba talaga ka-walang pakialam sa ibang tao, Benjo?" Thea shouted. "Ayaw mo bang makaalis tayong lahat sa impyernong ito ng buhay?"

"Pakialam ko sa inyo?" Bahagyang natawa si Benjo at matalim na tinitigan si Thea. "Kahit mamatay ka ngayon sa harap ko ay wala akong pakialam. Ang iniisip ko ay sarili ko lang dahil putangina, sa totoo lang hindi ko naman kayo kilala lahat! Nagkataon lang na magkakasama tayo rito at hindi ko kayo kadugo. So, bakit ako magkakaroon ng pakialam sa inyo?"

"Ang lala mo." Thea said.

"Stop it." Irene shouted. "Kung magtatalo kayong dalawa, maluwag ang pinto. Sa labas ninyo gawin. Hayaan ninyong makakain ng maayos ang mga gustong kumain, my God."

Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang pagkaing nasa harap ko. Hindi ko na alam ang nangyayari. Parang sa bawat oras na lumilipas ay pagulo nang pagulo ang lahat. Isa sa amin ang namatay at isa rin sa amin ang may gawa nito.

"Jude," tawag sa akin ni Ruri at napatingin ako sa kaniya. "'Yong ilong mo. Dumudugo." Turo niya. Napahawak ako sa ilong ko at naramdaman ko nga ang pulang likido mula rito. "I will get some tissue."

Tumayo si Ruri at bahagya akong tumingala. "Huwag kang tumingala." Sabi ni Gabbi (Prisoner 9). "Let the blood flow out of your body."

Inabot sa akin ni Ruri ang tissue at pinunasan ko ang ilong ko. "Are you okay?" She worriedly asked.

"Oo, ganito lang talaga ako kapag nai-i-stress." Sagot ko sa kaniya. Hindi na 'to bago sa akin dahil kapag may mga exam man na kinakailangan kong magpuyat para mag-review ay dumudugo man ang ilong ko.

Maya-maya lamang ay may isang prisoner guard ang pumasok sa loob ng cafeteria at nakuha no'n ang atensiyon ng lahat. Muli, may hila-hila itong utility cart at lumapit sa isa sa mga players— kay Benjo.

"Anong mayroon?" Nagtatakang tanong ni Benjo.

"This is a food gift for you from one of the game viewer." Binuksan noong Prisoner guard ang laman ng utility cart. Isa itong buong lechong manok na may maraming sauce at isang bote ng wine.

"Ayos 'to, ah! Pero sana pinalitan na lang 'tong wine ng red horse o kaya gin bilog. Hindi naman pangsosyal-sosyal 'yong dila ko pagdating sa alak." Malugod na tinanggap ni Benjo ang pagkain. "Pero hindi naman ako nagrereklamo, next time kamo red horse na lang. medyo mura pa kumpara rito."

"Please be advised that this is a personal gift from one of our viewer and you are not allowed to share this food to any prisoner. Enjoy your meal." Naglakad na papalabas ang Prisoner Guard.

"Bakit pinadalhan 'tong kupal na 'to?" Bulong ko sa sarili ko dahil bakit padadalhan ng pagkain itong si Benjo samantalang wala naman dulot na maganda itong taong 'to.

"Oh, nakatingin na naman kayong lahat?" Inis na sabi ni Benjo na sarap na sarap sa pagkain ng lechong manok.

"Bakit ka may ganyan?" Tanong ni Thea sa kaniya.

Napabuntong hininga si Benjo. "Lahat na lang napapansin mo—"

"Bakit kay may ganyan, Benjo?!" Mas malakas na tanong ni Thea kung kaya't napatigil muli kaming lahat. Tumataas na naman ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Malay ko!" Sigaw pabalik ni Benjo sa kaniya. "Ako ba ang nagpadala para sa sarili ko? Alam ko ba ang pinaggagawa ng mga manonood at pinadalhan nila ako?!"

"Imposibleng wala kang ginawang kagaguhan Benjo kaya ka nagkaroon ng ganiyang klaseng pagkain. Ikaw ba ang pumatay kay Cholo?" Tanong ni Thea.

"Puta naman." Inis na ibinato ni Theo ang baso at nabasag ito sa sahig. "Matapos mong maglider-lideran ay tamang bintang ka naman ngayon na ako ang gumawa nang pagpatay? Detective naman ang role mo?"

"Benjo, we know how heartless you are. Capable kang gawin ang pagpatay." Thea said.

"Hindi porke't kaya ko ay gagawin ko. Kung may gusto man akong mawala sa laro na ito ay ikaw 'yon! Paepal ka, eh!" Napailing-iling si Benjo at uminom ng wine. "Hindi ba puwedeng naging paborito lang ako ng mga burgis na nanonood sa atin dahil nakitaan nila ako na kaya kong mag-survive sa larong ito kumpara sa inyo."

"Stop it already!" Kennard shouted at napatigil muli ulit ang dalawa. "We only have 10 minutes left bago matapos ang open hours. Kumain muna tayo para may lakas tayo bago magsimula ang laro mamaya."

"We are still not done." Thea said at padabog na umupo.

Sarap na sarap naman si Benjo sa kinakain niyang lechong manok. "Sige daldalita, ipilit mo." Ganti ni Benjo.

Nagpatuloy kami sa pagkain pero hindi ko maiwasan na isipin na si Benjo nga ang gumawa no'n kay Cholo. Tama naman si Thea, capable si Benjo dahil 'di hamak na mas malakas siya kaysa sa ibang prisoners na nandito. Pati na rin kung paano siya umakto, sobrang vocal ni Benjo na wala siyang pakialam kahit ilang players ang mawala sa larong ito.

Natapos ang pagkain namin at naglakad na kami pabalik sa kaniya-kaniya naming cell. Habang naglalakad sa pasilyo papunta sa cell area ay umikot ang paningin ko sa paligid. "May hinahanap ka?" Curious na tanong ni Ruri.

"Wala, naisip ko lang na baka may ibinigay na clue ang game master sa atin para makaakyat sa Basement prison. Baka na-overlook lang natin kasi busy tayo sa paghahanap ng susi at nandoon lang ang atensyon natin." Paliwanag ko sa kaniya. So far ay ang napansin ko lang ay ang mga tagas ng tulo mula sa itaas na bahagi ng prison. Mga vandal. Mga kagamitan sa bawat cell area.

"Umaasa ka talagang mag-iiwan ng clue ang game masters?" Tanong sa akin ni Jia (Prisoner 17) na nakikinig pala sa usapan namin. "Kung ikaw, magpapalaro tapos sampung milyon kada ulo ang nakataya? Will you leave a clue para makalabas ang mga players?" She questioned.

"If lahat tayong 19 na natitira ay makakalabas ng buhay dito, that will be equivalent to 190 million, maglalabas ka ba nang ganoong kalaking pera? Of course as much as possible, business wise ay paliliitin ko ang cash prize by eliminating the players in the game. So why would they leave a clue?" She asked once again at nakuha ko ang punto niya.

Iniisip ko lang din naman na baka para isang itong escape room na may mga clues na hindi namin napapansin.

Pagkarating namin sa cell area ay nakita namin si Anya (Prisoner 02) na tulalang nakaupo lang sa kama niya. Maghapon siyang hindi umalis sa cell area nila at mukhang apektado talaga siya sa pagkamatay ni Gela.

"Maghapong hindi kumain 'yang si Anya, ah. Baka wala 'yang lakas mamaya para sa game?" Tanong ko kay Ruri. I mean, hindi ka naman kasi puwedeng magpakalugmoknsa pagkamatay ng isa sa mga kasama namin, you also need to survive on your own. You also need to fight for your own life.

"Do not worry about her." Pagpasok ni Kennard sa usapan namin.  "Nagdala ako ng mga tinapay kung sakaling magutom si Anya. Ako na ang bahala sa kaniya. You should think yourselves for the meantime. Malapit na magsimula ang laro." Sabi nito at pumasok na si Kennard sa cell 1.

Maging kami nila Ruri at Marco ay pumasok na rin sa kaniya-kaniya naming cell. Sumara na automatically ang pinto at napabuntong hininga ako dahil sa kaba kung ano ang posibleng laro na ipagawa sa amin. Napabaling ang atensyon ko kay Marco na kumukuha ng damit sa maliit na kabinet.

One thing I noticed is there is a bloodstain sa laylayan ng orange tracksuit niya. I mean, natalsikan naman na talaga ng dugo ang mga tracksuit namin dahil sa mga nawala naming kasama but this time... the blood look fresh.

"Nasugatan ka?" Tanong ko sa kaniya.

"No." He answered pagkakuha niya ng damit ay pumasok na siya sa CR upang maligo. Bigla akong kinutuban kay Marco na baka siya ang may gawa no'n kay Cholo dahil matagal-tagal din siyang nawala kanina.

Ipinagsawalang-kibo ko muna ang lahat at bumuntong hininga. Magsisimula na naman ang gabi kung saan limang prisoners na naman ang posibleng maglaro ng dare na ibibigay ng mga viewers.

Posible din sa gabing ito, may mga prisoners na naman na mawala sa laro... at maaaring isa ako roon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top