Chapter 10: Viewers Gift
UMAGA na, simula na ng pangalawang araw namin dito sa putanginang underground prison na ito. Hindi man lang ako nakakuha ng maayos natulog kagabi dahil hindi nawawala sa isipan ko ang larong kumitil sa buhay ng dalawa naming kasamahan.
Ang bilis ng pangyayari, in just one day, apat na prisoners agad ang nawala sa laro. Iniisip ko tuloy kung hanggang kailan ako tatagal sa larong ito. Naalala ko pa, puro ako reklamo kung gaano kaputangina ang buhay ko sa labas ng larong ito pero... mas impyerno pala rito.
Why did I fucking signed up for this game?
"Malapit na ang open hours, Jude, hindi ka man lang ba maghihilamos?" Tanong sa akin ni Ruri habang pinupunasan niya ng tuwalya ang kaniyang basang buhok. "Are you able to get some sleep yesternight?" She asked.
"Hindi, paikot-ikot lang ako sa kama. Mga bandang alas-tres na ata ako nakatulog." Sagot ko kay Ruri at pumasok sa banyo upang maghilamos.
Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. "Kailangan mong maka-survive." Sabi ko sa sarili kong repleksyon.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Marco na nagbabasa ng libro. I observed him, iniisip ko pa rin kung bakit niya lang hinayaan si Gela na mamatay? I mean, he have the capacity to help him that moment!
Napatingin sa akin si Marco. "You know, it's obvious when you are staring and judging me inside of your head." Panimula niya sa akin at ibinaba ang librong binabasa niya. "Bakit? Nagbago ba ang tingin mo sa akin dahil sa nangyari kagabi? I warned you from the very beginning. Kahit utusan ako ng laro na pumatay ay gagawin ko para lang makalabas sa lugar na ito."
"Hindi mo naman papatayin si Gela, eh. You will just help him." May diin sa bawat salitang binitawan ko kay Marco. Gela can still survive that night! But he purposely said his tactics noong wala ng oras.
Napailing-iling si Marco at ngumisi. "Why would I? Anong benefit noon sa akin kung tutulungan ko siya?" He asked me. "Walang lugar ang mahihinang tao sa larong ito. They should be eliminated, dagdag ingay lang sila."
"Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa?" Tanong ni Ruri na mukhang hindi narinig ang mahinang pagtatalo namin ni Marco.
Saktong narinig namin ang ingay ng pinto, hudyat ito na muling nagbukas ang mga selda namin at simula na mg open hour ngayong umaga.
Paglabas ko ng silid namin at noong makita ang mga kasama ko, paramg lumong-lumo at hinang-hina ang lahat. Death became a regular thing in this game. Pare-parehas nakabaon ang isang paa namin sa hukay.
"So hayaan muna natin magpahinga ang Cell 1 sa pagluluto. Also, ganoon din para sa cell 8. They lost one of their cellmates." Panimula ni Thea bago kami makalabas sa cell area.
"Hindi ka pa rin ba talaga tapos sa pagiging lider-lideran mo? Sino bang bumoto o pumayag na mag-ga-ganyan ka?" Sabat ni Benjo na inis na napapakamot sa kaniyang ulo.
"Hindi ako naglilider-lideran!" Sabat ni Thea sa kaniya.
"Eh ano 'yan?" Benjo said.
"Sinong gusto mong mag-step up para mag-guide sa mga kasama natin? Ikaw?" Napailing si Thea at inirapan si Benjo. "Anong kayang gawin ng utak munggo na kagaya mo?"
"Anong sinabi mo?!" Benjo shouted.
"Hoy! Benjo! Tumahimik ka na nga!" Sabi ni Jie sa kaniya na kasama niya sa cell. "Wala ka na ngang ambag, puro ingay ka pa. Kung ano ikinalaki ng muscle mo iyon din ikinalaki ng bunganga mo sa pagrereklamo."
"Guys, tumatakbo ang oras." Paalala ko sa kanila. We can't stay here all day para lang magbangayan.
"Sino ka?" Tanong ni Irene sa akin at inirapan ako. "Minsan ka na nga lang magsalita. Si utos ka pa."
"I can cook breakfast today." Sabi ni Kennard. "But let Anya rest this day. Traumatic sa kaniya ang nangyari kay Gela."
"Arte amputa, isang araw niya lang naman nakasama." Reklamo ni Benjo.
Napapakunot ang noo ko sa ugaling ipinapakita ni Benjo. Talagang wala siyang pakialam sa aming lahat.
"Benjo, iba-iba tayo ng emotional capacity. Kung okay sa 'yo, sa iba hindi." Thea said.
"Mama mo." Ganti ni Benjo.
We walked towards cafeteria para pag-usapan ang magiging ikutan namin ngayong araw. I decided na tulungan na lang si Kennard sa pagluluto since namuhay din naman akong mag-isa sa apartment. I know how to cook simple breakfast meal. Fendi (Prisoner 24) also helped us.
Kennard has this clean look at nakasuot ng salamin. Mabait din siya sa mga kasamahan namin at mukha namang reliable siya pagdating sa mga cellmates niya. He is also a great cook.
Si Fendi naman ay ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng interactions. She has this short wavy hair at sa tingin ko ay mga 5'3 lang ang kaniyang tangkad. Maputi si Fendi na mukhang anak mayaman, hindi ko nga alam bakit nasali ang isang tulad niya sa larong ito.
We decided to cook hotdog and omelette for breakfast. We have limited time this morning. Nagsasaing ako habang si Fendi ay hinihiwa ang hotdog para mas madaling lutuin. Si Kennard naman ang nagbabati at naglalagay pampalasa sa itlog.
"Kumusta si Anya?" Tanong ko kay Kennard.
"She's crying all night." He answered. "Gustong-gusto talaga ni Gela na makaalis sa lugar na ito. We both did not expect that she will died last night."
"Pansin ko ngang gusto ni Gela na makaalis." Sagot ko. "We only have one interaction kahapon. Sinabi niya rin sa amin na huwag mawalan ng pag-asa dahil may bukas pa." Napatingin din ako kay Fendi na tahimik lang sa isang gilid. "Sorry rin sa pagkawala ni Sam."
"Hindi naman din issue sa akin. I limit myself sa pag-i-interact sa ibang prisoners para hindi ako magkaroon ng attachment issue." Fendi explained at tinapos ang kaniyang ginagawa. "Ngayon, ang kailangan nating gawin ay mabuhay. Para kahit papaano ay kung makakalabas tayo rito ay parang nailabas din natin sila sa impyernong lugar na ito."
Mabilis namin nagawa ang pagluluto at ni-ready ito sa bawat lamesa ng cafeteria. After that ay pinuntahan na namin ang mga kasamahan namin sa mga area na iniikot nila. Pinuntahan ko si Marco at Ruri na kasalukuyang naghahanap sa library area.
Pagpasok ko dito ay nadatnan ko silang nag-aayos ng mga libro sa mga shelves. "The food is ready. Puwede na tayong mag-breakfast." Anunsiyo ko at lumapit sa kanilang dalawa.
"Inaayos lang namin saglit 'yong mga books na ikinalat ng mga prisoners kahapon. Sabi ni Marco ay naaalibadbaran daw siyang makita na ganito kakalat ang library area." Sabi sa akin ni Ruri at tinulungan ko sila para mapabilis ang pag-aayos.
"Kumusta ang paghahanap ninyo?" Tanong ko pagkalagay ko sa shelf ng tatlong libro.
"Still, hindi pa rin namin mahanap 'yong susi. Hindi ko alam kung niloloko na lang ba tayo ng larong ito dahil ilang beses na kaming nagpaikot-ikot ng ilang minuto ay wala pa rin kaming susi na nakikita." Sabi ni Ruri. Pinagpagan ko ang kamay ko dahil sa alikabok at naglakad na kami papalabas ng lugar.
Nadaan kami muli sa pader na punong-puno ng vandal para makapunta sa cafeteria
"They are not storing the key sa lugar na madali nating makikita. Ang point ng larong ito ay mahirapan tayo. We should think outside the box. Plano nilang maubos tayo rito sa Prisoner Game." Nakapamulsang paliwanag ni Marco. "Those who will play the game can survive and those who can outsmart the game can escape."
Tumatak sa isip ko ang sinabi niyang iyon. "Ngayon, alin kayong dalawa doon? Sa nakikita ko ngayon ay sumasabay lang kayo sa nangyayari." Sabi niya hanggang sa marating namin ang cafeteria.
Karamihan ng players ay nandito na at nagsisimula nang kumain. We only have almost 30 minutes left para kumain. As pero iur routine, sinabi noong mga naghanap ang mga ginawa nila para mahanap ang susi. Ang ending, wala pa ring nakahanap nito.
Napapaisip na nga ako kung may susi ba talagang nakatago o plano lang nilang ubusin kami rito.
Maya-maya lamang ay may tatlong prisoner guard ang pumasok sa loob ng cafeteria na may mga hawak na utility cart na katulad sa magagarbong restaurant. Amoy na amoy namin ang mabangong dala nito. Nakatakip ang mga ito pero halata naman na mga pagkain ito.
"This is a gift from our viewer— Mr. Ching for Prisoner 10, Prisoner 14, and Prisoner 19." Nagulat at napatigil sa pagkain sina Marco, Haku, at Irene. "Mr. Ching wants to congratulate you for surviving his dare."
Lumapit ang mga Prisoner Guard sa tatlong players at tiningnan namin silang lahat. Binuksan ni Irene ang laman ng cart at naglalaman ito ng isang magarbong steak na may kasamang isang bote ng wine. "Putangina, seryoso ba 'to?!" Irene looked so happy with the gift at napapapalakpak pa siya.
Tinanggap naman ni Haku at Marco ang pagkain. "Please be advice that you cannot share the food to other prisoners. Emjoy your meal." Lumabas na ang tatlong prisoner guard.
"This is what I am talking about." Tumingin sa akin si Marco. "Kung mag-i-stand out ka sa laro, iyong mga taong iyon..." tinuro ni Marco ang mga surveillance camera sa paligid. "Ang maaaring magligtas sa 'yo."
Nagpatuloy kami sa pagkain. Nakasalalay sa mga taong ito ang kaginhawaan namin sa larong 'to. Natapos kami sa pagkain at bumalik na sa kaniya-kaniya naming selda. Ngayong hapon, this is another opportunity for us to find the key and escape the first level of this prison."
***
Prisoners List
Prisoner 1- Gela (F) ELIMINATED
Prisoner 2- Anya (F)
Prisoner 3- Kennard (M)
Prisoner 4- Awi (F)
Prisoner 5- Thea (F)
Prisoner 6- Cholo (M)
Prisoner 7- Renz (M)
Prisoner 8- Lorraine (F) ELIMINATED
Prisoner 9- Gabbi (F)
Prisoner 10- Marco (M)
Prisoner 11- Jude (M)
Prisoner 12- Ruri (F)
Prisoner 13- Sandra (F)
Prisoner 14 - Haku (M)
Prisoner 15 - Drake (M)
Prisoner 16- Coby (M) ELIMINATED
Prisoner 17- Jia (F)
Prisoner 18- Benjo (M)
Prisoner 19- Irene (F)
Prisoner 20- Duke (M)
Prisoner 21- Paco (M)
Prisoner 22- Dale (M)
Prisoner 23- Sam (F) ELIMINATED
Prisoner 24-Fendi (F)
Remaining Prisoners: 20
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top