36. Torn


May mga pulong ang Prios na hindi gustong nilalahukan ni Zephy, at isa ang importanteng meeting na iyon ng pamilya na kinailangan siyang ipatawag para magpaliwanag.

Damang-dama niya ang tingin ng lahat mula sa puwestong may pandalawahang upuan sa dulo ng mesa. Katabi niya si Edric at malamang na silang dalawa ang pag-iinitan ng mga ito. Malamig sa loob ng meeting place sa 30th floor ng Prios, at hindi niya alam kung ipagpapasalamat pa bang wala sila sa conference room kung saan ang mga ito ay tipikal na nagpupulong.

Ang bigat ng buntonghininga niya nang himas-himasin ang palad na magkasabay na nagpapawis at nilalamig. Napahinto lang siya nang hawakan iyon ni Edric. Paglingon niya rito, seryoso lang itong nakatingin sa harapan.

Samantala, mukhang mas mabigat ang lahat sa pananaw ni Edric kung ito ang tatanungin.

"Nakatanggap kami ng report galing kay Poi," panimula ng isa sa mga nasa mesang may dalawampung nilalang na dumalo. "Ginamit ng Itinakda ang kapangyarihan ng mga Dalca sa pagtawag ng bantay sa dambana."

Si Edric na ang sumagot tungkol doon. "He's a Dalca, what do you expect? He'll use the power of a seer?"

"Vanderberg," babala ni Priscilla na isa sa mga pinunong mata ng Augur.

"That child is a monster," paliwanag na naman ni Edric sa walang-kamatayang linya niya mula pa noong nabubuhay ang numen. "I vowed to protect that kid from anything, but with that kind of power? He has the ability to summon all nature guardians and wipe the whole north clean. As for what all the Dalca should be doing, right?"

"Hindi ipagagamit sa Itinakda ang kapangyarihan ng mga Dalca," utos pa ng isa.

"How can you tell that to a kid whose blood is from that kind?" naiiritang sagot ni Edric. "He can run around the north and call for the guardians' hand, and he'll do the cleansing. That was what Adeline did a hundred years ago. Why can't he do that right now?"

"Dahil bagong testamento ang dapat niyang gawin gaya ng Ikauna, hindi kung ano pa man!" matigas na singhal ng isa. "Kung makokontrol niya ang mga bantay ng gubat, makokontrol niya rin tayo!"

"Ah! So, that's the point of this discussion," sarkastikong tugon ni Edric at ibinagsak ang likod sa sandalan ng upuan. Nabitiwan na rin niya ang kamay ni Zephy bago nagkrus ng mga braso habang nakataas ang mukha. "You want to limit what that child should do for this family. He will create another testament, and the rest will be handled by us. Because you don't want him calling the nature guardians of the woods, or worse, the guardians residing on the sacred shrine of the Dalcas. Still afraid of your self-made nightmare?"

"Ito ay tungkol sa pamilya at sa kahaharapin ng lahat sa susunod na dalawampung taon, Edric," matigas na tugon ng isa, at sunod-sunod na bulungan na ang nangyari.

"Edric," mahinang pagtawag ni Zephy at hinawakan na siya sa balikat. "Huwag ka nang sumagot."

"Sigmund is doing his best to learn everything," paliwanag ni Rorric sa lumalakas na bulungan. "We are doing our very best to tell him what he needs to do and what he should not."

"Hindi mapipigilan ang Itinakda sa nararapat niyang gawin, gamitin man niya ang kapangyarihan ng uring mayroon siya," dagdag ni Gaspar na nakapagpatahimik sa kanilang lahat na nagbubulungan. "Tandaan nating lahat na ang Itinakda ay hindi natin pinili. Ito ay kagustuhan ng tadhana, at kahit sino sa atin ay hindi maaaring pilitin ang batang iyon na gawin ang kung ano sa tingin niya ay dapat niyang gawin. Ang kamatayan natin ay matagal nang inukit at ang kinabukasan ng hilaga ay matagal nang nasa kamay ng batang pinag-uusapan."

"Ngunit isa siyang Dalca," katwiran ng isa.

"At noong pinili ninyong mabuhay ang batang iyon para sa bagong testamento ay tinanggap na rin dapat ninyo ang katotohanang isa nga siyang Dalca, hindi ba?" ganti ni Gaspar.

"Isa rin siyang bampira," mabilis na sagot ng isang naroon.

"Maihihiwalay ba natin ang kanyang dugo at sabihin na manatili siyang bampira dahil lang ayaw natin ang kanyang pagiging Dalca?" mapanghamong tanong ni Gaspar. "Isa rin siyang anak ng salamangkero. Hindi ba't pinapaslang ng pamilya ang mga gaya nila? Bakit hindi natin isali ang kanyang pagiging dugong tao."

"Kapakanan ng aming pamilya ang pinag-uusapan natin dito, Gaspar. At hindi ko iaasa sa isang Dalca ang lahat," sabad ng isa.

"Kapakanan ng buong hilaga ang pinag-uusapan dito. Huwag mong ipakita sa amin kung ano lang ba ang prayoridad mo bilang bahagi ng pamilyang ito," mahigpit na sagot ni Gaspar. "Ipagpasalamat ninyong matagal nang pumanaw ang dakilang ada ng gubat na si Adeline dahil kung maririnig niya ang salita mo'y paniguradong hindi pa man dumarating ang unos ay matagal ka nang naging alabok sa hangin."

Napapalunok na lang si Zephy dahil isa ang ganoong meeting ng pamilya na ayaw na ayaw niyang nasasamahan. Nakikita niya ang mga itong nagkakagulo at pakiramdam niya ay wala naman siyang kinalaman doon pero napapasali siya.

"Pagbobotohan ang ukol dito sa susunod na pulong," paliwanag ng isa sa dulo ng mesa. "Sa ngayon ay hindi maaaring gamitin ng Itinakda ang kapangyarihan niya bilang Dalca. Zephania."

"Yes?" Napaangat ng mukha si Zephy at inatake agad ng katakot-takot na kaba.

"Pansamantalang ihihinto ang pagsasanay niya. Mananatili lang siya sa pag-aaral at pagtuturo ng mga dapat niyang malaman sa Komisyon ng Kasaysayan. Hanggang doon lang ang maaari niyang gawin at wala nang hihigit pa roon."

Hindi  nakasagot si Zephy, tahimik na pagtango na lang ang nagawa niya, at natapos ang pulong na dismayado siya sa takbo ng usapan ng pamilya.

Habang papunta sa office ni Edric, halatang-halata sa mukha ni Zephy ang pagkabalisa, at alam niyang hindi niya iyon madaling maitatago kay Edric.

"We're expecting this," panimula ni Edric para pagsabihan siya. "He's a Dalca, after all."

"Gusto nilang iligtas sila ni Sigmund pero ayaw nilang pagamitin si Sig ng kapangyarihan. Ano'ng gusto nilang mangyari?" dismayadong sagot ni Zephy.

Bumukas ang elevator sa 19th floor at nauna nang lumabas si Zephy bago si Edric na nakasunod sa kanya.

"You might not understand this, human, but this is very critical to the family."

Pabagsak na naupo si Zephy sa couch na nasa gitna ng opisina ni Edric at matamlay na tiningnan ang lalaki. "Alam ko naman. Kung natatakot sila sa mga nature guardian, I know, reasonable kung bakit. Pero kung ganoon lang din pala ang gusto nila, huwag na lang nilang pilitin si Sig na gawin ang gusto nila. Kasi hindi natin puwedeng sabihan si Sig na huwag gagamit ng powers niya bilang anak ni Chancey, kasi kung 'yon lang ang kaya niyang gamitin, mapipigilan mo ba 'yon? Para na rin nilang sinabing kailangang maging bampira ni Sigmund pero dapat wala siyang mahabang pangil saka pulang mata."

"They're still deliberating. I must leave for the other city by tomorrow. Two of the gates have opened again, and we're running out of time. I can't be in two different places at the same time, you know that."

Ang bigat ng buntonghininga ni Zephy at napailing na lang. Hindi na niya naiintindihan ang buong pamilya. Hindi na rin niya alam kung paano pa niya maaasahan si Edric kung madalas itong wala.

"Human." Maging si Edric ay naramdaman ang pagkabagabag niya kaya naupo ito sa tabi niya at kinuha ang magkabila niyang mga kamay. "I'm doing my best to keep everything as peaceful as possible. This is not an easy battle. We don't know what's going to happen tomorrow, next week, or in the next few years."

Natatahimik si Zephy. Hindi niya alam ang isasagot dahil lahat ng sinasabi ni Edric ay sinabi na rin nito noon pang nakaraang mga taon. Paulit-ulit, parang kada taon na lang, kailangang ipaalala iyon sa kanya na walang may alam sa kanila ng mangyayari sa mga susunod na araw o taon na kahit ang pinakamagaling na seer ng Prios ay wala ring masabing malinaw na sagot sa mga ganoong usapan.

"We will work this out, all right?" mahinahon nang tanong ni Edric. Pagtango na lang ang naisagot ni Zephy kahit na hindi niya masabi kung paano pa ba magiging maayos ang lahat sa kanila. Pakiramdam niya, walang pamilya sa sinasabi nilang pamilya. Hindi na rin niya maramdaman na pamilya sila. Maliban sa katotohanang kasal sila ni Edric, pakiramdam niya ay nagtatrabaho na lang siya sa Prios bilang isa sa mga assistant, at walang ibang mga naroon kundi mga katrabaho na lang kahit pa kay Edric.

"I need to stay here in Prios, we will travel tomorrow before dawn," paliwanag ni Edric nang ihatid siya nito sa entrance ng building. Tell Sig that I might return home next week.

Matipid na ngumiti si Zephy at tumango. Wala pang buong dalawang araw si Edric sa kanila pero kailangan na naman nitong umalis. Naiintindihan ni Zephy ang ganoong setup nila, matagal na panahon na, dahil kung si Edric lang ang tatanungin, alam niyang ayaw nitong nagtatrabaho nang mabigat. Pero hindi rin biro ang responsabilidad na nakaatang dito dahil kung ano ang pinapasan nito ay siya ring papasanin ni Sigmund balang-araw.

"Once I'm done with this, I'll stay with you again," pangako ni Edric bago siya dinampian ng magaang halik sa labi at pagbuksan siya ng pinto sa service nitong minamaneho ni Lance.

"Tumawag ka kapag uuwi ka, ha?" huling paalala ni Zephy.

"I will," matipid na sagot ni Edric at isinara ang pinto ng sasakyan.

Ganoon na matatapos ang araw nilang dalawa ni Edric. Makikita ang galit ng pamilya, magpapaalam ito para sa trabaho, uuwi siyang mag-isa. Sa isang banda, iniisip ni Zephy kung mas mabuti bang pumayag na lang siyang burahin ang alaala niya para mamuhay bilang normal na tao kaysa mapasok sa ganoong gulo.

Hindi pa lumulubog ang araw, nakapasok pa si Lance sa loob ng Helderiet Woods. Pagbaba niya roon, naabutan niya si Sigmund na kalaro ang mga hayop sa gubat.

"Zephy!" masayang pagtawag nito at tumakbo papalapit sa kanya.

Masayahing bata si Sigmund. Halos lahat ng nakikita nito, para bang magandang bagay para sa bata. Matalino ito, mabilis ding matuto, makulit din. Matanong ito pero hindi mapaghanap ng atensiyon. Kapag may hindi nalalamang sagot sa isang tao, lilipat ito sa iba para sa sagot. Hindi ito nagtatampo gaya ng nararamdaman ni Zephy sa lahat ng bahagi ng Prios, kaya naaawa siya sa bata.

"Zephy, nasaan si Daddy?" tanong nito nang yakapin siya sa baywang.

"Nasa work pa si daddy mo. Nagmeryenda ka na?" tanong niya nang hagurin ang malambot na buhok nito. Naglakad na sila papasok sa loob ng mansiyon.

"Kanina, ginawan ako ni Serena ng salad bago sila umalis."

"Buti naman. May assignment ka ba?"

"Vacation na namin kaya. Wala na akong assignment. Tutuloy ba tayo sa practice?"

Napahugot ng hininga si Zephy nang maalala ang tungkol sa paalala sa kanya sa meeting.

"Pansamantalang ihihinto ang pagsasanay niya. Mananatili lang siya sa pag-aaral at pagtuturo ng mga dapat niyang malaman sa Komisyon ng Kasaysayan. Hanggang doon lang ang maaari niyang gawin at wala nang hihigit pa roon."

Sinilip ni Zephy ang mukha ni Sigmund at hinagod uli ang buhok nito. "Oo. Tutuloy tayo sa practice mamaya."


♦♦♦


Sanay nang pinaghahandaan ni Zephy si Sigmund ng pagkain para sa hapunan. Ganoon ang tungkulin niya bilang tagapangalaga nito pagsapit ng gabi lalo na kapag wala si Edric. Pero madalas ay kasama niya ito sa pagluluto dahil likas kay Sigmund ang maging mapag-usisang bata.

Nasa kusina silang dalawa at nagluluto ng mixed vegetables at salmon. Bihira silang magkarne kapag wala si Edric sa mansiyon.

"Zephy, nagtatanong sila sa school, sino daw mama ko kasi hindi daw ikaw ang tunay kong mama," nakangusong tanong ni Sigmund habang pinanonood si Zephy na maggisa ng gulay.

"Ang mama mo, siya yung naka-paint diyan sa may second floor."

"Si Florine?" inosente nitong tanong.

"Hmm, yeah," sagot ni Zephy at tumango-tango para sumang-ayon na lang dahil bawal sa kanilang banggitin ang pangalan ni Chancey kay Sigmund.

"Mabait ba siyang mama?"

"Mabait siya. Medyo slow, pero mabait siya."

"Bakit hindi siya kinukuwento sa akin ni Daddy?"

"Kasi . . ." Kumunot ang noo ni Zephy at naningkit habang nag-iisip ng isasagot. Maliban sa alam niyang madalas magkaaway ang dalawa, hindi niya masabi ang tunay na dahilan kung bakit nga ba. "Next week daw, uuwi uli si daddy mo. Siya na lang ang tanungin mo, okay?"

"Okaaaay," mahabang sagot ni Sigmund at tumutok na lang sa niluluto ni Zephy.

Hapunan ang isa sa mga bonding nilang dalawa. Bihira silang kumain sa mesa. Madalas ay sa sala, sa hagdan, sa balkonahe, at ang hapunan nila sa gabing iyon ay sa may veranda ng mansiyon.

Naka-indian sit silang dalawa sa labas habang umaasa sa liwanag ng chandelier sa loob ng Grand Cabin.

"Sig," tawag ni Zephy nang malapit nang maubos ang pagkain niya.

"Yep?"

"Magpalakas ka, ha?" matipid ang ngiting pakiusap ni Zephy. "Para matulungan mo ang daddy mo someday sa work niya. Para hindi siya laging nasa malayo."

Malawak ang ngiti ni Sigmund nang tumango. "Kapag malakas na ako, Zephy, dito na lang palagi sa atin si Daddy?"

Tumango rin si Zephy at pinilit ang matamis na ngiti. "Siyempre. Hindi na siya aalis para protektahan tayo kasi dalawa na kayong malakas."

"Magpapalakas pa ako, Zephy, tapos tatawagin ko yung bagong friend ko sa gubat para tulungan ako. Sabi niya, puwede raw nila akong tulungan basta raw magsasabi lang ako."

Napahinto sa pagsubo sa huling kutsara si Zephy nang marinig iyon. "Sinong bagong friend mo sa gubat?" tanong niya agad dahil wala siyang ibang kilalang kaibigan ni Sigmund maliban sa mga shifter na kilala rin niya."

"May nagpakilala sa akin kanina. Sabi niya, nakatira din daw siya sa dulo ng gubat. Kapag kailangan ko daw ng tulong, dumalaw lang daw ako sa kanya tapos tatawagin niya ang mga friend din niya para tulungan ako."

Nagsalubong ang mga kilay ni Zephy dahil doon. "Kilala ko ba 'yang bagong friend mo?"

Nagkibit lang ang bata. "Ipapakilala kita sa kanya kapag bumalik ulit siya, Zephy. Mabait siya. Kilala daw niya ako kasi matagal na daw nila akong inaasahan."

Nakaramdam agad ng kaba si Zephy at nailapag na ang pinagkainan sa sahig. "Ano pa ang sinabi niya sa 'yo?"

"Sabi niya, kapag daw binuksan ko ang gubat, lalabas daw silang lahat kasama ko. Gusto ko ng gano'n para marami akong friend sa labas, Zephy!"

Napatayo si Zephy at napalingon-lingon sa paligid na pinaliligiran ng mga rumorondang taong putik at mga itim na aso bilang bantay. Hindi niya kilala kung sino ang nakausap ni Sigmund at sigurado siyang walang shifter ang magsasabi ng ganoon kay Sigmund kahit si Bin.

"Hindi muna tayo magpa-practice ngayong gabi, Sig, ha?" Isinilid niya ang mga palad sa may kilikili ni Sigmund at binuhat ito patayo. "Wala kang ibang kakausaping friend sa gubat. Hindi sila puwedeng lumabas kasi delikado."

At kung maaari lang niyang idadagdag, sasabihin niya kay Sigmund na oras na mangyari iyon, madadamay ang buong Prios sa binabalak nito.


♦♦♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top