22. Favorite Human
Inabot na ng alas-diyes bago nakauwi sa Winglov sina Edric at Zephy. Nauna na sa opisina ni Rorric si Edric habang dinaanan ni Zephy si Sigmund sa silid nito.
May kadiliman ang opisina ni Rorric nang maabutan ni Edric. Patay ang karamihan ng ilaw at ilang mga lampara lang na may malamlam na dilaw na ilaw ang nakabukas sa magkakalayong haligi.
Napakaraming nakatambak na papeles sa mesa ni Rorric na hindi pa kahit kailan naabutan ni Edric na naubos mula pa noong nakaraang isandaang taon.
"Father," bungad niya rito habang tutok pa rin ito sa binabasang dokumento.
"The Seers are on the way, son. The family is still deliberating about this."
"Are we going to locate the other gates in the north? Or are we going to wait until it opens?" naghahamon nang tanong ni Edric sa ama. "I already told them to do something about this, Father."
"They're still hoping for Sigmund's ability to save us from the incoming havoc, son." Saka lang naghubad ng madilim na salamin niya si Rorric at inilapag sa mesa ang ginagawa. "I am hoping for that kid as well."
"But Sigmund is just a little kid!" singhal niya sa ama. "How dare this family rely on an innocent child who knows nothing about that incoming disaster? We have been living in this land for more than a century, Father, and are we going to put our lives in the hands of a three-year-old child?"
"Edric . . ." may pagbabanta na sa tono ni Rorric.
"Father, I knew more than anyone else in this land, the feeling of having a responsibility I didn't even ask for. It's another destructive war! I was told I was going to die from that war!"
"Your death—"
"Father, I'm not talking about what will happen to me. I'm not scared of dying. What about my family, though? Zephania is just a powerless human. Sigmund couldn't even finish his sentence in a clear manner. Will I wait until everyone in this land dies in front of my eyes in the hopes of a little child's mercy?"
Buntonghininga lang ang naisagot ni Rorric sa hinanaing ni Edric. Maging siya ay hindi rin alam kung ano ba ang susunod na hakbang ang gagawin. Sinabihan na silang nalalapit na ang pagkawasak ng buong norte, at kung tutuusin ay hindi naman nila iyon nararamdaman sa ngayon. Ngunit hindi kahit kailan nagkamali ang mga mata ng Prios. Higit na ang pangitain ni Gaspar.
"This land won't be lost without a fight from the family, son. You should be aware that not everyone has the ability to prevent what is about to occur. We have no idea how much damage has been done. We don't know when or where it will begin. Edric, it hasn't happened yet. You can't put a halt to something that hasn't happened yet. It is impossible to kill someone who has not yet been born."
Lalo lang sumama ang loob ni Edric sa sinabi ng ama. Naiintindihan niya iyon, at alam niyang wala kahit sino sa kanila ang makakapatay ng wala pa naman doon. Wala sa kanilang makapipigil ng hindi pa naman nagaganap. Napaiwas na lang siya ng tingin at dismayadong tinanggap ang katotohanang tama rin naman si Rorric sa katwiran nito.
Wala silang ibang magagawa kundi maghintay.
"But what about Zephania . . . ?" nanlulumo niyang tanong sa kawalan.
"Son, you already heard Gaspar about her fate. The Seers predicted your death, but they never predicted how she dies."
"Does that mean I'll die before her? Who will save her once I leave this world?"
"Son . . ."
"Boss?"
Napalingon si Edric sa likuran at nakitang pasilip-silip doon si Zephy mula sa papasarang elevator ng Winglov.
Nakuyom ni Edric ang kamao at itinago ang namumuong tensiyon na namagitan sa pag-uusap nila ng ama.
"Zephania, come here," kalmadong utos ni Rorric at halos balutin ng mababang tinig niya ang tahimik at malawak na opisina.
"Hi, Boss," naiilang pang bati ni Zephy at matipid na kumaway sa matandang bampira. "Nakaistorbo po ba ako?"
"No, it's all right," may ngiting sagot ni Rorric.
Nahihiyang lumapit si Zephy patabi kay Edric habang nakatuon pa rin ang tingin sa ginoong nakaupo sa mesa.
"Sabi ng butler sa ibaba, bukas na lang daw iuuwi si Sigmund. Baka dito na lang muna ako matulog para kasama ako sa maghahatid sa mansiyon."
"Walang problema," sagot ni Rorric. "Kumusta ang bakasyon mo?"
"Ayos lang po." Naging matipid ang ngiti ni Rorric sa kanya kaya lalo siyang napangiwi. Para bang may sinabi siyang hindi nito nagustuhan.
"She's not good with that gathering, Father," sumbong agad ni Edric. "I received a message from her. She was bullied by annoying silk-clad rodents, who made her feel horrible when they called her fat."
Nanlaki ang mga mata ni Zephy at nahampas ang kanang braso ng lalaki. "Ang daldal mo!"
"Did they?" di-makapaniwalang tanong ni Rorric.
"Boss Rorric, kasi . . ." Napapasimangot na lang si Zephy nang maalala na naman ang nangyari sa kasal na iyon. "Tinawag nila akong mataba," sumbong din niya sa ginoo.
"That was a rude remark, Zephania," pakunswelo nito sa sama ng loob niya. "They are not obligated to admit what is noticeable."
Nagulat naman si Zephy at kumunot lalo ang noo dahil kahit si Rorric, inamin ding mataba nga siya.
"Boss, matabang-mataba na ba talaga ako?" nagdadamdam na niyang tanong dito dahil kahit si Rorric ay aminado sa timbang niyang tumaas.
"Zephania, your physical body is beyond our concern. If you can't fix it within a minute, we don't have to inform you about it. Unless your health is at stake and that weight of yours is dangerous for you," mahinahong paliwanag ni Rorric. "We are, after all, living in a land without the same characteristics. We will never discuss why some of us are green, have three eyes, or have four legs. Always keep in mind that we are not in a position to recognize every difference that's incompatible with our preferences because doing so would be impolite. None of us are born with the same appearance. We accepted you as that; you will never hear us giving you an unsolicited opinion about your weight."
"Pero kasi . . ." Napayuko na lang si Zephy dahil mukhang napagalitan pa siya dahil sa reklamo niya sa timbang niya.
"Those humans gave her insecurities. She wanted to get rid of her weight, Father," sabad ni Edric.
"Talk to Alastor, then. And I'll advise you to visit the Sylfaen Garden. Gaspar might give you some herbal plants to lose whatever you want to lose on your body," alok na lang ni Rorric kay Zephy. "And maybe I'll ask Poi to lessen your casual visits outside Prios. We will regulate your food intake."
Napapalabi na lang si Zephy dahil dalawang Vanderberg na ang umaming mataba na nga siya. Hindi na niya babalakin pang marinig ang opinyon ni Morticia dahil triple ang lala ng bibig nito kay Edric.
May sariling silid si Sigmund sa second floor ng kastilyo. Hindi ito maaaring isama sa ibang silid dahil kailangan nitong bantayan ng dalawang imortal na kayang gumawa ng makapangyarihang harang. Sa loob ng Helderiet Woods lang ito nagiging normal dahil kalikasan ang kumokontrol ng lakas nito kapag naroon ito sa loob ng gubat.
Katatapos lang maligo ni Zephy at pansin agad niyang hindi pa nagpapatay ng ilaw si Edric kahit alas-onse pasado na ng gabi. Punas-punas niya ang buhok habang sinasalo ang ilang patak ng suot niyang pink na bathrobe.
Naabutan pa niya si Edric na nakakrus ang mga braso habang nakatayo sa tapat ng nakabukas na balcony. Ang sama ng tingin nito sa labas kaya paglapit niya, nakisilip din siya kung ano ang tinitingnan nito at parang may susugod sa kanilang kung ano mula roon at inaabangan nito.
"Ano'ng meron?" tanong ni Zephy habang hinahanap kung ano ba ang mayroon sa labas ng balkonahe.
"You're done?" tanong ni Edric kaya napatingala siya rito.
"Hindi ka pa talaga nagbibihis?" tanong ni Zephy dahil naka-maroon shirt pa rin si Edric at ni hindi man lang nag-abalang alisin doon sa pagkaka-tuck in sa pantalon nito. Pakiramdam tuloy niya, may mali at mukhang may balak pa itong umalis sa kalagitnaan ng gabi. "Dadaan ka pa bang Prios?"
"I don't think so, why?"
Gusto sana niyang sabihing hindi pa kasi ito nagbibihis pero umiling na lang siya at nagsabi, "Wala naman. Matutulog na kasi ako."
Naupo na lang siya sa may récamiere habang nagpapatuyo ng buhok. Hindi pa man siya nagtatagal doon nang ilang segundo, pagbaba niyang saglit ng tuwalya sa buhok, pinandilatan lang niya si Edric na naupo sa sahig, sa ibaba niya, at ipinatong nito ang magkabilang braso sa may kandungan niya.
Napataas siya ng magkabilang kilay nang titigan siya nito nang may pagsusuri.
"Ano?" tanong niya kasi para itong batang nakakita ng bagong bagay sa harapan.
Wala itong sinabi. Inilapag lang nito ang kaliwang pisngi sa kandungan niya para ipatong doon ang ulo. Kinuha nito ang kaliwang kamay niya at kinagat-kagat nang marahan ang malusog niyang hintuturo.
"Okay ka lang ba?" tanong niya rito at hinagod-hagod na niya ang gintong buhok nito. "May nangyari ba?"
Nagsisimula na siyang magtaka dahil kahit paano ay kilala na niya ang ugali ni Edric. May mga pagkakataong para itong mabangis na leon na handa siyang lapain nang buo, pero may mga pagkakataon ding para itong maamong pusang nagpapalambing sa kanya.
Alam niyang masaya ito kapag inaangilan siya nito na parang mabangis na hayop na handang manakmal. Pero kapag ganoon ito na parang kating-kati itong mangagat pero dinadaan lang sa biro, alam na agad niyang may malalim itong iniisip.
"Nag-away ba kayo ng daddy mo?" tanong niya habang iniipit ang makintab na buhok nito sa likod ng kanang tainga.
Umiling lang ito habang inaamoy-amoy ang palapulsuhan niya.
"Masama ba ang pakiramdam mo?"
Umiling uli ito at dinadampi-dampian na ng magagaang halik ang parte ng braso niyang may daan ng tibok galing sa puso.
"Gusto mo bang mangagat ngayon? Tatlong taon ka nang umiinom sa bote. Magpapadala ba ako bukas ng bagong babae sa office mo para makakain ka?"
Umiling na naman ito. Kinakabahan na si Zephy. Ang lakas ng kutob niyang may dinaramdam si Edric. Nagkaganoon lang naman ito pagkatapos nilang manggaling sa opisina ni Rorric.
"Edric, tumingin ka sa 'kin." Hinawakan na niya ito sa pisngi para tagpuin ang tingin niya. "Pinagalitan ka ba ng daddy mo?"
Seryoso lang ang mga mata nito at hindi siya agad nasagot.
"Gusto mo, kausapin ko si Boss Rorric?"
"Would you be angry with me if I weren't able to save you?"
"Ha?" Nalito naman siya sa tanong nito. "Save saan?"
"The only way I can save the people I care about is to kill them . . ."
Nanlaki ang mga mata ni Zephy nang maisip ang tungkol doon. "Sinabi ba ni Boss Rorric na papatayin mo 'ko?" malakas niyang bulong dito.
"No! He didn't!" depensa ni Edric. "It's just that . . ." Naibalik na naman nito ang pagkakapatong ng ulo sa kandungan niya. "I don't know how to leave you without any help. I don't want to see another helpless moment happen in front of my eyes."
Nalilito na si Zephy sa nangyayari pero alam naman niyang may kadaldalan din si Edric at wala naman itong sasabihin sa kanyang hindi totoo. Inisip na lang niyang baka may sinabi lang si Rorric dito na dahilan kung bakit ito biglang nalungkot.
Sanay si Zephy na nakakatulog nang maayos sa gabi at magigising nang alas-tres para mag-asikaso dahil may trabaho pa siya nang umaga. Alas-dos pa lang, bumangon na siya at dumaan sa kusina para manghingi ng tubig sa mga nag-aasikaso roon na mga hindi naman marurunong dalawin ng antok.
Dumaan din siya sa second floor para saglit na silipin si Sigmund. Naabutan pa niyang gising at nagbabasa ang dalawang bantay nito. Malaki-laki na ang bata at nakapagsasalita na kahit hindi pa ganoon kaderetso. Iyon nga lang, ayaw ni Edric na matagal niyang kasama ito dahil pinagsisimulan nila iyon ng away.
Lalo pa, ayaw ni Edric na nakikitang hinahalikan niya ito at sinasabihan kung gaano niya kamahal si Sigmund. Nakakalimutan kasi nitong bata ang karibal nito sa kanya.
Pagbalik niya sa kuwarto ni Edric, naabutan niya itong nakaupo sa gilid ng kama habang nakakuba ng upo. Bagsak ang buhok nito sa mukha habang nakapatong ang magkabilang braso sa tuhod. Kitang-kita ang ganda ng katawan nito lalo na kapag walang kahit anong pantaas.
"Gising ka na agad?" tanong niya rito.
"Where have you been?" tanong nito sa basag at garalgal na boses.
"Uminom ako ng tubig sa ibaba."
"I had a dreadful dream."
Napabuntonghininga siya pagtapat dito. Mukhang hindi pa rin maayos si Edric. Hinawi niya ang buhok nitong halos dumulas na lang sa bawat daliri niya sa sobrang lambot.
"Maya-maya, ipapatawag ka na sa ibaba for family breakfast," paalala niya rito. "Bumawi ka muna ng tulog. Uuwi na tayo mamaya sa mansiyon."
Tumango lang ito at bumalik sa pagkakahiga.
Gusto man niyang mag-usisa kung bakit mukhang may dinaramdam ito ay hindi niya magawa dahil paniguradong magagalit lang ito sa kanya. Dumeretso na lang siya sa banyo ng silid at nagbabad sa bathtub habang hinihintay ang almusal niya.
Hindi siya pinasasabay sa almusal ng mga bampira para din sa kanyang kaligtasan at gana sa pagkain. Naiintindihan din naman niya iyon dahil mas madugo ang almusal ng mga ito kaysa ibang pagkain sa araw. Wala siyang balak manood ng almusal ng mga ito lalo pa't naiisip na niya ang itsura ng mga ito kapag nagsisilabasan ang mga nangungulay lilang ugat sa mukha at leeg habang lumalasap ng madugong karne at umiinom ng sariwa at malansang dugo ng tao.
Dahan-dahan na sana siyang nakakaidlip mula sa pagkakababad sa malamig na tubig nang mapadilat. Unti-unti siyang umangat sa tubig at nakapang may hindi na patag na sinasandalan.
Pagtingin niya sa ibaba, dahan-dahang nabuo mula sa itim na usok si Edric na kasalukuyan na niyang hinihigaan sa bathtub.
"O? Akala ko ba, matutulog ka?" tanong pa niya pagtingala rito.
"I called the kitchen. I told them I'd eat my breakfast with you," sagot nito at kinuha ang kanang kamay niya para saglit na lapatan ng halik.
"Sure bang hindi kayo nag-away ng daddy mo kaya ayaw mong kasabay siyang mag-breakfast?"
"We didn't have an argument. I just asked them a favor, and they told me to wait."
"Um-hmm." Napatango-tango si Zephy nang mapagtantong gawa ng inip ang ipinagdaramdam ni Edric dahil hindi ito agad napagbigyan.
"Huwag ka nang malungkot. Maghintay ka lang," sabi niya at tinusok-tusok na lang ang kanang pisngi ng lalaki.
Hindi na siya nagtaka kung bakit malungkot nga ito. Sanay pa naman itong laging nasusunod.
Nangibabaw ang katahimikan sa loob ng banyo habang nakababad sila sa tubig. Lalo pang naging tahimik dahil hindi ganoon kaliwanag sa banyo ni Edric. Magkahalong itim at pula ang interior doon at dilaw pa ang ilaw, hindi gaya sa banyo sa mansiyon na puti halos lahat.
Masasabi ni Zephy na na-miss niya ang kuwarto ni Edric sa Winglov dahil bihira lang din siyang magtagal sa kastilyo o maging sa mansiyon gawa ng pinatatrabaho sa kanya ng pamilya.
Nilalaro niya ang maliliit na pag-alon ng tubig gawa ng paghawi habang kinakagat-kagat ni Edric ang kanang balikat niyang nakahayag.
Matagal na itong hindi nakakakagat ng tao kaya hinahayaan na lang niya itong nginangata ang bahagi ng katawan niyang gusto nitong kagat-kagatin gaya ng balikat, braso, at ilang daliri niya sa kamay.
"Gusto mong idaan muna natin si Sig kina Gaspar?" tanong niya kay Edric. "Sabay tayo kina Lance pauwi sa mansiyon tutal ihahatid naman niya si Mrs. Serena para maglinis ng Cabin."
"I'll tell them." Nalipat ang magagaang kagat nito patungong leeg niya kaya naipilig niya ang ulo pakaliwa upang hayaan ito.
Kung tutuusin ay nangingilabot siya sa ginagawa ni Edric, pero kahit paano ay nakakasanayan na niya lalo't siya rin ang dahilan kaya hindi ito umiinom ng dugo ng ibang tao.
"Good thing I took you home last night. I don't have to wait for you to arrive today."
Natawa nang mahina si Zephy nang maramdaman niyang nilalaro na ng labi ni Edric ng kanang tainga niya.
"Ginagawa mo 'kong teether. Para kang batang nagpapatubo ng ngipin," tanong niya at bahagyang nilingon si Edric nang nakangiti. "Sigurado ka, ayaw mong magpadala ako ng ibang babae sa opisina mo pagpasok mo mamaya sa trabaho?"
"Not interested," sagot nito at nagsisimula nang gumala ang kamay sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. "I don't want to smell your anxiety while I'm around. It bothers me."
"Uy, hindi naman—" Napasinghap si Zephy nang mapadako ang kamay ni Edric sa pagitan ng hita niya at sa dibdib. Napakapit agad siya sa kaliwang braso nito para maghanap ng suporta.
"Those repeated remarks about how slim they are compared to you?" pabulong nang tugon ni Edric sa gilid ng tainga niya habang naglalaro ng mga daliri nito ang mga parte ng katawan niyang naiilang siyang mahawakan.
"Mmm—" Nakagat na lang ni Zephy ang labi para pigilan ang papalabas na ungol. Napapaliyad siya sa sinasandalan habang hinahabol ang hanging para bang pinipigilan sa lalamunan niya. Gumagapang ang init sa katawan niya kahit pa nakababad sila sa malamig na tubig ng bathtub. "Edric—"
"Yes, human?" pang-asar pang pagtawag nito.
Lalong lumakas ang paggalaw ng tubig sa tub. Naibaon niya ang mga kuko sa braso nitong kinakapitan niya. Habol-habol niya ang hininga sa nakabukang bibig at halos maitirik na ang mga mata dahil sa init na nararamdaman.
"If you suggest adding another human to my office, I'll follow wherever the hell you are to remind you the only human I want in my life."
Isang malakas na ungol mula kay Zephy at nanginginig ang katawan niyang naibagsak ang sarili kay Edric nang huminto ito sa ginagawa nito sa kanya.
Para na siyang tatakasan ng kaluluwa sa ginawa nito.
"We're not done yet, human."
At sa isang iglap lang din, para bang biglang binawi ni Edric ang kaluluwa niyang balak na sanang humimlay sa kung saan.
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top