17. Missed
Tatlong araw na wala si Zephy sa kahit saang bahagi ng lugar na malapit sa Prios. Kinailangan niyang dumalaw sa puntod ng mga magulang para sa death anniversary ng mga ito. At dahil hindi makakasama si Edric sa kanya, tatlong araw ding naging tahimik ang buhay niya sa malayo.
Pagbalik niya sa Prios, unang-una niyang dinalaw ang anak ng numen na nasa ospital at mino-monitor pa rin ang pagkain. Nagbalik na ito sa pag-inom ng gatas at iuuwi rin nila pagsapit ng gabi para doon matulog sa mansiyon. At eksaktong pagsapit ng tanghali, dinaanan niya si Edric sa opisina nito para sabihing nakabalik na siya.
"Hi, Zephy!" masayang bungad ni Zagan sa kanya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "Kumusta ang bakasyon sa Regina?"
"Ayos naman! Ang ganda pa rin doon pero na-miss ko kayo rito. Si Mr. V?"
Itinuro ni Zagan ang itaas. "Nasa opisina niya. Marami siyang natanggap na trabaho mula pa kahapon. Nagpapadoble ng supply ng pagkain ang ibang board member. Naghahanap na rin ng makikipag-coordinate sa Historical Commission para sa magiging guardian ng Itinakda."
"Narinig ko nga kanina kay Lance pagsundo niya sa 'kin."
"Ang alam ko, isa ka sa mga pinagpipilian tutal ikaw naman ang nag-aalaga sa anak ng numen."
Napangiti si Zephy at akmang tutungo na sa elevator area. "Pinag-iisipan ko nga rin kung tatanggapin ko ba kapag inalok nila sa 'kin. Mas gusto kong magtrabaho sa Historical Commission kaysa rito. Baka kausapin ko muna si Boss Rorric kung papayag siya. Ililipat kasi niya ako kay Poi kung sakali."
"Pag-isipan mong mabuti, Zephy! Kahit saan naman, alam kong makakatulong ka sa pamilya."
"Thanks, Zagan! Talk to you later."
Dumeretso na si Zephy sa elevator at nag-check ng phone niya.
Tatlong araw siyang nawala, pero hindi siya nakalimot na magpadala ng sekretarya kay Edric bilang tanghalian nito.
Kaya nga madalas ay nagtataka ang buong Prios kung paanong nagkakasundo sila ni Chancey dahil kung ito ay kating-kati na patigilan sa pagkain ng sekretarya si Edric, si Zephy naman ang tagabigay ng sekretaryang makakain nito.
Pagbukas na pagbukas ng elevator, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakangiting babae sa tapat na mukhang naghihintay rin ng pagbukas ng sinasakyan niya.
"Good morning, Miss Zephy!" masayang pagbati nito at minata niya agad ito habang papalabas siya at papasok naman ito ng elevator.
Ang taas ng pagkakahagod niya rito ng tingin mula ulo hanggang paa dahil di-hamak na mas matangkad ito kaysa sa kanya. Ang kinis din ng kutis nitong parang nagliliwanag sa ilaw ng elevator. Napalunok na lang siya nang madako ang tingin niya sa namumutok na dibdib nito sa hapit na hapit na white tube na ipinatong sa itim na mini skirt. Ang haba rin ng binti at mas lalo lang tumangkad dahil sa suot na itim na pumps.
"Where are you going?" usisa niya rito.
"Magpapa-approve po ng signed documents for Sir Rorric sa Office of the Chairman," nakangiting sagot nito at hindi na siya nakatanggap pa ng ibang sagot nang tuluyan nang magsara ang elevator na nakapagitan sa kanila.
At pagsara n'on, bumungad sa kanya ang sarili. Nakasuot siya ng floral maxi-dress na de-tali ang strap, kitang-kita ang braso niyang malulusog at ang pisngi niyang namimilog na. Wala rin siyang panama sa tangkad ng babae kanina dahil nakasuot lang siya ng flat sandals na may design na pink na ribbon. Napaayos tuloy siya ng buhok dahil nagtitikwasan pa ang maliliit na kulot mula sa pagkakalugay nitong pinipigilan lang mapunta sa mukha niya gawa ng pink na headband.
Napabuntonghininga na lang siya nang maisip na bakit ba ang gaganda ng mga sekretarya ng Prios samantalang mukha siyang humihingang marshmallow?
Gusot ang mukha niya nang maabutan si Edric na nagliligpit ng office table nitong wala na halos laman.
"You said you'd come back home yesterday, human," sabi nito nang hindi man lang siya tinitingnan.
"'Yon ang sekretaryang kinuha ko four days ago para sa 'yo, ah?" sabi niya rito nang matapat sa glass table ng bampira. "Pinadadalhan kita ng pagkain dito, bakit hindi mo kinakain?"
Bugnot na bugnot ang mukha ni Edric nang tingnan siya.
"You said you'd come back yesterday," pag-uulit nito sa sinabi kanina.
"Traffic sa Balian Bridge. May renovation ng nasirang daan."
"Reasons."
Umirap si Edric at tinapos na ang pag-aayos sa mesa. Naiirita pa itong naghubad ng itim na necktie at dalawang butones sa itaas ng puting button-up shirt.
"Ang sexy pala n'ong secretary mo, nakasalubong ko sa elevator," malungkot na sabi ni Zephy habang nakanguso at nakatingin sa tiyan niya. "Tingin mo, kailangan ko nang mag-diet?" Pinisil-pisil pa niya ang mga bilbil na sumisilip sa suot na dress. "Ang dami ko pa namang nakain sa bahay. Puro ako matamis doon. Bumigat yata ako lalo."
"Did you?"
Paglapit ni Edric sa kanya, binuhat agad siya nito gamit ang magkabilang braso.
"Huy, sandali!" tili niya nang mapakapit sa batok ng lalaki.
Tinimbang-timbang pa nito ang bigat niya habang nilalakad ang papalapit sa higaan nito sa dulo ng opisina. "You're weightless, human. I can carry you with a single arm."
"Oo na, malakas ka na, ibaba mo na 'ko!" naiiritang utos niya rito.
Napangisi naman si Edric at ibinagsak nga siya sa malambot na pulang kama nito.
"Mr. V!" Naghahawi pa lang siya ng mga bumagsak na buhok sa mukha nang makita na agad itong nakapaibabaw sa kanya.
"You said you'd come back home yesterday," pag-uulit na naman nito sa mga salitang iyon at halatang masama
ang loob habang nakikita ang mga mata nitong sinusukat siya ng tingin.
"Traffic nga!"
"A traffic jam can last at least five hours or less. And you should have come home . . . yesterday."
Si Zephy naman ang napairap dahil alam na niya ang hinihimutok nito.
"Namasyal pa kasi ako sa Regina. May bagong bukas silang attraction doon."
"And you didn't tell me? Do you know how long those three days were?"
"Kalahating araw lang naman akong namasyal," katwiran niya sa lalaki.
"You should have informed me if you were unable to return home on time. I expected you to arrive yesterday."
Napabuntonghininga na naman si Zephy at naisip agad ang pagkakamali niya. Hindi niya talaga binalak na magpaalam dahil wala naman sa schedule niya ang pamamasyal. Ayaw niya ring ipaalam dahil baka mapurnada pa. Minsan lang siya kung makaalis sa Prios kaya sinusulit na niya ang sandaling bakasyon.
"Fine, sorry na," pagsuko niya kay Edric. "Minsan lang naman ako nakakapamasyal. Ang tagal ko ring nagtatrabaho sa Prios. Ano lang ba ang kalahating araw na pahinga ko?"
Umaasa siya ng sagot mula kay Edric, kahit pagdabugan man siya, pero imbes na magalit ito, isinilid lang nito ang mga braso sa may likod niya at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg para lang mayakap siya nang mahigpit habang nakahiga siya.
Natawa tuloy siya nang mahina rito. Ni hindi na ito sumigaw para lang sermunan siya.
"Four days kang hindi kumain?" tanong niya habang hinahagod ang gintong buhok ng lalaki.
"I ate all my lunch," sagot ni Edric na hindi niya halos maintindihan dahil nakasubsob pa rin ang mukha nito sa leeg niya.
"Kinain mo?" kunot-noo niyang tanong. "Bakit nasalubong ko kanina sa elevator?"
"I asked for a prepared meal."
Napataas ang magkabilang kilay ni Zephy dahil ang huling prepared lunch na tinanggap ni Edric ay noong si Chancey pa ang gumagawa.
"Mr. V, I'm sending you your lunch every day. Dapat kinakain mo 'yon."
"Not interested."
Marahan niya itong tinapik sa likod. "Anong not interested ka diyan? Pinilian na kita ng masarap na sekretarya, dapat kinakain mo agad."
"I'd rather eat Serena's plants. I don't want any humans aside from you."
Panibagong buntonghininga at napapailing na lang si Zephy sa inaasal ni Edric. Tatlong araw mahigit lang naman siyang nawala.
"I missed your smell," bulong nito at nangilabot siya nang idampi na nito ang labi sa leeg niya. "You should have come home earlier."
Umakyat ang mga halik nito sa ibaba ng tainga niya, patawid sa pisngi hanggang makaabot sa dulo ng labi.
"Hindi ka pa ba magla-lunch?" pabulong na niyang tanong dito habang naglalaro ang labi nito sa mga labi niya. Marahan nitong kinakagat-kagat ang ibabang labi niya at hahabol ng matagal na pagdampi.
"Have you eaten your lunch?" balik-tanong nito sa kanya.
"Not yet." Bumaba ang tingin niya nang maramdaman ang kamay nitong inaangat ang laylayan ng dress niya.
"Don't tell me, ako ang lunch mo ngayon?" natatawa niyang tanong dito nang salubungin ang tingin nitong namumungay sa kanya.
"You have the freedom to kill me if ever I attempt to drink your blood," bulong nito sa tapat ng bibig niya bago siya dinampian ng magaang halik sa labi. "You should have come home yesterday, human."
Walang kahirap-hirap siya nitong ibinangon at pinaupo sa kandungan nito.
Iniisip pa lang niya na masama ang loob nito dahil hindi agad siya nakauwi nang maaga, natatawa na siya. Walang paalam nitong hinubad ang dress na suot niya habang nakikita ang seryosong mga mata nito.
"Gusto mong mag-lunch na?" alok niya rito bilang biro.
"I'll take you out for lunch after this," sagot ni Edric sa kanya habang isa-isang inaalis ang mga damit nitong pang-opisina.
"Hindi ka ba nagugutom?"
"I do." Marahas na hinapit ni Edric ang batok niya para lang mailapit siya sa mukha nito. "And I'm craving for something better."
"Hindi ako makakakilos after nito. Sasakit na naman ang katawan ko," sagot niya, hinuhuli ang mga mata ni Edric masama pa rin ang loob sa kanya. "Mag-lunch kaya muna tayo tapos daan tayo sa Bernardina para kay Sigmund?"
Lalo lang sumeryoso ang tingin ni Edric sa kanya nang mapahinto ito sa ginagawa. "I'll seek treatment from the traitor's son. You should have come home yesterday."
"Ah—"
Ibinagsak na naman siya nito sa malambot na kama at mas naging mabigat na ang bawat paghingang naririnig niya rito. Napakapit siya sa balikat nito habang naririnig itong parang mabangis na hayop na inaangilan siya.
Lalo lang nag-init ang pakiramdam niya nang mahawakan ang namamawis na nitong likod. Parang tinutuya ang kalamnan niya sa bawat haplos nito sa katawan niya. Napapalunok na lang siya habang nakapikit. Iniisip niyang kapag dumilat siya, mahihirapan na siyang ibalik ang sarili sa tamang huwisyo.
"I thought you'd already left us," bulong nito, na kung hindi lang makatawag-atensiyon, malamang na hindi niya ito papansinin. Mahina na siyang napapaungol habang inililibot nito ang kamay sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Ibang init ang tangan ng mga palad ni Edric. Kayang-kaya siya nitong gisingin sa isang haplos lang.
Nakapitan niya ang likurang bahagi ng buhok nito nang iangat nito ang kaliwang hita niya paipit sa baywang nito.
"Mr. V . . ." mahinang pagtawag niya rito.
"Moan my name, human," utos nito habang dahan-dahan niyang nararamdaman ang pagpasok nito sa kanya.
"Ed . . . r—mm!" Hindi na niya natapos pa ang sinasabi nang doon niya iungol sa nakabukang bibig nito ang pagtawag niya.
Paputol-putol ang mabibilis niyang paghinga sa bawat galaw ni Edric. Naibaon niya ang mga kuko sa likod nito habang paulit-ulit na umuungol.
Hindi niya alam kung nasa sarili pa ba siyang katawan at pilit lang nitong hinahatak pabalik ang huwisyo niya kada pagbagal ng galaw nito.
"Wait—" pag-awat niya rito para makabawi man lang siya ng hininga.
"I did, Zephania. I did . . ." mariing sagot nito habang inaangil sa mismong mga labi niya, patungkol sa hindi matapos-tapos na sama ng loob nito sa hindi niya pag-uwi kahapon nang walang pasabi.
Pinatalikod siya nito at pinaharap sa headboard ng kama. Naitukod niya roon ang mga kamay at akma na sanang aayos ng pagkakaluhod nang hatakin nito ang buhok niya sa tamang puwersang hindi siya masasaktan nang sobra.
Narinig na naman niya ang pag-angil nito sa gilid ng kanang tainga niya. "Don't make me wait that long again, human . . ."
Napapikit siya nang maisip na nakatutok na ang mga pangil nito sa leeg niya. Tila ba sumusunod ang daloy ng dugo niya sa galaw ng pangil nito at doon naiipon ang init sa bawat pagkilos.
Napasinghap siya nang maramdaman na naman ang mararahas na paggalaw ni Edric. Inaasahan niyang
kakagatin siya nito sa leeg gaya ng ginagawa nito sa mga kinukuha niyang sekretarya ngunit wala siyang ibang naramdaman kundi ang mabibigat na paghinga nito sa gilid ng tainga niya.
Isang mahabang ungol mula sa kanya at tuluyan na siyang naubusan ng lakas habang pilit binabawi ang sapat na huwisyo.
Napadapa siya sa kama at naramdaman ang makapal at kulot niyang buhok na humawi paalis sa likod niya. Dinadama ng natitirang lakas ng katawan niya ang paggapang ng labi ni Edric mula sa batok niya paibaba. Lumilikha ng nakakakiliting linya ang paggapang ng mga kuko nito sa balat niya mula sa likod, patungo sa baywang niya.
"How dare you leave me alone with the hope that you would return home earlier yesterday?"
Namumungay na ang mga mata niya dahil sa pagod. Wala na siyang lakas para makipagdiskusyon kay Edric tungkol sa sama ng loob nito.
Pumihit siya pakanan para lang makahilata nang mas maayos. Papikit-pikit lang siya habang nanlalabo ang mga matang nakatulala sa kisame. Mabibigat ang bawat paghinga habang paisa-isang napapalunok. Napakabigat ng ulo niyang sing-init ng nararamdaman niya sa katawan.
Ilang beses na siyang nagmumura sa loob ng utak habang iniisip na baka magpatawag na si Edric ng hahatak sa kanya paalis ng opisina nito para itapon gaya ng mga sekretarya nito noon.
Pumikit siya at inisip na sana ay nagtagal pa muna siya sa bahay nila. Napadilat na lang uli siya nang maramdaman ang paggalaw ng kama at bahagyang pag-init ng katawang nadampian ng malambot na duvet.
Nanlalambot na siya at bigat na bigat sa sarili ngunit walang kahirap-hirap siyang inangat ni Edric para lang ihiga siya sa matipunong katawan nito.
Dumampi ang pisngi niya sa balikat ng lalaki at napalalim pa lalo ang paghinga niya nang ayusin nito ang pagkakatakip ng kumot sa katawan nilang dalawa.
"You should have come home yesterday," muling pag-uulit ni Edric at ibinalot nito ang mga braso sa kanya upang bigyan siya ng mainit na yakap. "Call me next time if you'll stay longer at your place, so I can pick you up personally."
Kahit pagod, napangiti na lang siya sa narinig dito.
♦ ♦ ♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top