1. Mourn


Nakapikit lang ang mga mata ni Edric habang nakikiramdam sa paligid. Nakaupo siya sa puno ng mahabang mesa, nakaposas ang mga kamay ng pilak at at bakas na bakas sa dibdib ang tila ba sinunog na markang pabilog ang hugis at may kakaibang simbolo sa gitna.

Namumuo na ang bawat hibla ng gintong buhok niya gawa ng magkahalong pawis at ulan. Puting-puti ang paligid, siya lang ang namumukod-tanging may kulang sa loob ng silid na iyon. Nakapaninindig ng balahibo ang lamig mula sa gumaganang AC malapit sa pintuan.

"Vanderberg."

Agad na nagmulat ng mata si Edric ngunit nasa puting mesa lang ang tingin. Hindi inabalang tingnan ang boses ng babaeng may buong tinig sa may pinto.

"Kompirmado nina Gaspar at Poi na gawa ng numen ang marka sa iyo at sa kanyang anak. Subalit hindi sila pamilyar kung ano ang ibig sabihin ng marka."

"That symbol means 'die, you filthy prick,'" puno ng ngitngit niyang sinabi na tila ba nasa mesa ang kausap.

"Na kay Alastor pa rin ang anak ng numen. Palalayain ka lang dito oras na makausap na namin ang pulang hari."

Sumara na naman ang pinto at naiwan na naman siyang mag-isa roon. Namumungay ang mga mata niya pagtingala sa kisameng puti. Halos panawan ng buhay ang mga pulang mata niya habang naaalala ang nangyari ilang oras pa lang ang nakalilipas.

Dahan-dahan, humugot siya ng hininga habang sinasariwa ang naganap sa gabing iyon. Nagawa pa niyang paliguan si Chancey. Naasikaso pa niya ito dahil sa pag-aakalang matagal pa itong manganganak. Ngunit sa isang iglap, bigla niyang nagamit ang isinumpang espada ng pamilya at walang pagdadalawang-isip niyang pinugutan ng ulo ang halimaw na nasa katawan ni Chancey.

Panibagong paghugot ng hininga, kinakapa ang sariling damdamin kung may pagsisisi ba. Ngunit wala. Wala ni katiting na pagsisisi sa loob-loob niya na pinatay niya ang babaeng iyon nitong gabi lang.

Kilala niya ang numen—at hindi ang numen ang nakita niya.

Parang isang masamang bangungot habang dilat, mabilis na pinalaya si Edric matapos pagkasunduan ng pamilya na konektado ang binatang bampira at ang anak ng numen.

Imbes na umuwi sa Winglov at magpahinga, dumeretso siya sa bahagi ng ospital kung saan naroon ang batang ipinanganak nang di-oras nang gabing iyon. Sa isang pasilyo, may silid at mahabang bintana roon para sa mga bagong silang na sanggol. Buong magdamag na nakatitig si Edric sa kabila ng salamin. Hindi niya inalis ang tingin sa batang lalaking mahimbing ang tulog dahil baka kung malingat siya ay kunin na naman ito ng kahit sinong miyembro ng pamilyang naroon.

Anim na araw pa dapat.

May anim na araw pa dapat silang hihintayin sa panganganak ni Chancey.

Planado na iyon. Hinahanda na nga ang lahat.

Para siyang pinanawan ng ulirat na kahit nakatingin sa loob ng silid para sa mga sanggol ay wala naman siyang nakikitang iba.

Kausap lang niya si Chancey noong nakaraang gabi. Ni hindi siya nakapagpaalam nang maayos.

Sa lalim ng iniisip niya, habang tumatagal ay lalo lang siyang nabablangko.

Isa na namang importante sa buhay niya ang ginamitan niya ng espadang iyon. Mabigat sa loob niya ang patayin si Chancey, pero hindi siya nagsisising pinatay ang halimaw kagabi na nasa katawan nito.

Nailapat niya ang kanang palad sa salaming bintana at tinanaw ang batang naroroon sa kabila at pinaiinitan sa isang maliit na makina.

"I will protect you this time."


****


Malaking bagay ang kamatayan ng chairman ng Prios para sa pamilya. Apat ang itinalagang bantay ng Testamento ng Ikauna mula pa noong mabuo ang ugat ng Prios. Nabawasan na sila ng isa nang magdesisyon ang pamilya na patawan ng parusang kamatayan si Helene. Inasahan na nilang makakaya pa iyong panatilihin ng tatlong bantay matapos mawala ng Dakilang Ada ng norte. Ngunit huli na ang lahat. Ang punong saserdote at ang halimaw ng hilaga na lang ang natitirang bantay. Nararamdaman na nila ang paghina ng puwersa ng Testamento.

At dahil malaking problema ang kailangan nilang kaharapin, muling nagtipon-tipon ang pamilya para muling buhayin ang usapan tungkol sa Hinirang.

Sa conference room, naroon na naman ang natitirang bahagi ng pamilya upang pag-usapan ang pagkawala sa posisyon ng chairman. Alam nilang lahat na pinili ito ng Ikauna sa maraming

dahilan na hindi rin nila kayang salungatin—pabor man sila o hindi.

Mula sa masiglang gubat na pinalilibutan ng malalagong puno, nakikita nilang lahat sa gitna ng stage ang nakalabas na malaking aklat. Nawala na ang dating kapangyarihang bumabalot dito. Ang iniisip ng lahat ay dahil iyon sa pagkamatay ng chairman.

Hile-hilera ang mga punong bahagi ng pamilya sa bawat upuan. Nasa tuktok na naman ng hilera ang mga bampira at kitang-kita ang pagkabalisa ni Edric habang nakatitig sa upuan sa harap—doon sa dalawang upuan na dating pagmamay-ari ng mag-asawang Phillips.

Inaalis niya sa isipan ang katotohanang nakararamdam siya ng lungkot sa pagkawala ng dalawa, dahil din sa katotohanang hindi niya dapat nararamdaman iyon. Pero naiitindihan nila kung bakit niya nararanasan ang ganoong emosyon dahil pagmamay-ari ang kaluluwa niya ng numen. Iyon nga lang ay wala na ito kaya wala na dapat iyong bisa.

Kompleto ang natitirang bahagi ng pamilya, wala silang pagpipilian kundi ang sumama sa meeting na iyon. May labing-siyam na miyembro pang natitira at lahat ay may karapatang bumoto kung sakaling may pagbobotohan man.

"Gaspar, siguro naman ay panahon na para seryosohin mo ang usaping ito," mabigat na paalala ni Priscilla habang deretso lang ang tingin sa harap. "Wala na ang numen. Pumanaw na rin ang Hinirang. Kailangan ng papalit sa posisyon."

"At hindi ako iyon, maging si Poi," kampanteng sagot ng punong saserdote sa dulong upuan sa harapan.

Sabay-sabay ang buntonghininga ng lahat na pare-parehas din nilang napansin dahil sa lakas.

"Wala na bang ibang pagpipilian?"

"Mayroon naman . . ." sagot ng matandang saserdote.

"Masyado pang bata ang anak ng numen, Gaspar," sagot ng isa sa mga naroon.

"Hindi ba't natupad naman na ng tunay na Hinirang ang kanyang tadhana? Simula't sapul pa lamang, alam na nating lahat na ang panganay ng Pulang Hari ang nakatakdang pumaslang sa wawasak ng buong rehiyong ito at manggagaling ang nilalang na iyon sa dugo ng mga Dalca."

"But Edric is not the Chosen One, Gaspar," sagot din ng isa sa bandang gitna.

"Hindi nga ba?" Tumayo na ang punong saserdote at tinanaw si Edric sa itaas na upuan. Deretso man ang upo ngunit nakatingin naman ang mga mata sa kanya.

"The First chose the son of Ruena Vanderberg, Gaspar," paalala ni Rorric Vanderberg sa hilera ng mga bampira.

"Pinili ng Ikauna si Donovan dahil iyon ang napagkasunduan nila ni Adeline, kapatid," tugon ng saserdote sa matalik na kaibigan. "Kinikilala pa rin ng isinumpang espada si Edric bilang Hinirang. At alam ng buong pamilya ang katotohanang iyon."

"If we die, we die," mariing sagot ni Edric at pairap na tiningnan si Gaspar. "I will save nobody from this place aside from my family—"

"Tigilan mo na ang pagiging makasarili mo, Edric!" sigaw ng mata sa ibaba.

"Shut your filthy mouth, you useless seer! I can kill all of you right here, right now, if I want to!" Padabog na tumayo si Edric at nanlilisik ang pulang mga matang tiningnan si Priscilla sa ibaba. "How dare you say that straight to my face when all you ever wanted is to throw the numen out of her land, huh? All of you!" Pinagtuturo niya ang lahat. "The Dalcas owned this land, and you selfish and greedy beast forsaken them! We all know who was the great fae of this land, aren't we? Scared of the strongest among your kind? Scared that after all their deaths, none of you forget about their curse? Scared that their deaths will always be . . . always be . . . the death of yours."

Naging sarkastiko na ang ngiti niya sa lahat. "The numen . . . died . . . in front of me. Now mourn," pagdiriin niya sa salitang iyon.


♦ ♦ ♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top