xxxix. Numen
Sinabi ko kay Mr. Phillips na gusto ko siyang makasama sa pagtulog ko kasi hindi ko na alam kung kailan ulit kami susunod na magkikita. Pumayag naman siya. At gaya ng nakasanayan, gumising ako nang alas-singko nang madaling-araw para lutuan siya ng almusal.
Gusto kong maging okay kami . . . ulit. Kahit na hindi ko pa rin matanggap ang desisyon niyang pag-alis.
Para nga akong tanga. Hindi naman siya mamamatay pero kung makaaiyak ako, parang wala nang bukas.
Ipinagluto ko na lang siya ng steak at natigilan ako kasi isa na lang ang natira maliban pa sa iluluto ko para sa almusal. Isa na lang din ang carton ng Red Water doon. Gusto ko sanang itanong kina Mrs. Serena kung sinadya ba nilang huwag nang magdagdag ng excess supply kasi alam nilang aalis na si Mr. Phillips kaso baka ako naman ang pagbuntunan ng sisi at sabihing kasalanan ko kaya mapapaalis itong isa sa Cabin.
"You should stay in your bed, Chancey."
"Ayos lang. Hindi ko naman alam kung kailan ulit kita maipaghahanda ng breakfast mo."
Inilipat ko na sa plato ang steak at binalikan ko na si Mr. Phillips sa palaging puwesto niya na ilang araw din niyang hindi tinambayan.
"Magre-request sana ako ng video call kaso hindi nga pala kayo nagre-register sa camera," sabi ko at itinapat na ang karne sa bibig niya. "Ah."
"I'll still call you daily. Don't worry about it." Kumagat siya nang malaki at tinitigan na naman ako habang ngumunguya siya.
Gusto ko sanang ngumiti nang matamis pero nahihirapan ako. Lalo na kapag naiisip kong bukas nang umaga, hindi ko na siya makikita rito. Hindi na rin ako bababa rito sa kitchen para magluto para sa kanya. Hindi ko na rin siya masusubuan gaya ng ganito.
"Nagsisisi ka bang nakilala mo 'ko?" tanong ko habang malungkot na nakatitig sa mga mata niya.
Kumagat na naman siya at nakangiting ngumuya. "Why would I?"
"Kasi hindi ka mahihirapan nang ganito kung hindi mo 'ko nakilala."
Hinawi lang niya ang buhok ko sa mukha at inipit sa likod ng kanang tainga ko. "I will regret it if I've never got a chance to know you in this lifetime."
Gusto ko sanang matuwa pero alam kong pampalubag-loob lang niya iyon sa akin kasi aalis na rin siya pag-uwi ko rito.
"It's an honor to meet you. Aside from the fact that you're the child of the First. You're such a wonderful person, Chancey."
Kinagat na niya ang huling piraso ng karneng nasa hawak ko at hinatak niya ako papuntang lababo.
"Hindi mo ba—"
"I'm just giving myself a reason to go back here."
Napatingin na lang ako sa kamay kong binabanlawan niya ng tubig sa gripo.
"Hindi ka ba mahihirapan sa south?" tanong ko pagtingala ko sa kanya.
"We can't avoid the adjustments. But I can handle it." Hinalikan niya lang ako sa pisngi at hinatak na ako paalis sa kusina kahit hindi pa ako nakakapag-imis ng mga ginamit ko.
Naiiyak ako sa loob-loob ko habang nakikita ko siya. Nangingilabot ako.
Binuksan niya ang pinto ng mansiyon tapos umupo kami sa sahig. Medyo maliwanag na pero hindi pa sumisikat ang araw. Mangasul-ngasul nga lang ang paligid at nakikita naman na.
Sabay kaming napabuntonghininga nang matulala kami sa may damuhan. Unang beses kasi kaming tumambay sa may pinto ng mansiyon. Wala naman kasing tambayan rito. Ang madalas kong upuan, doon pa sa kaharap naming hagdan, sa dulo ng lilim ng verandah.
"I have never loved the sun," pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa. "It'd be ironic if a vampire would love it."
Ibinaling ko ang tingin sa kanya sa tanong na iyon. Bawal kasi siya sa araw, masusunog siya. Although hindi naman sobrang sunog na combust talaga, pero umuusok siya roon at sigurado akong masakit din iyon.
"How can you love something that will eventually hurt you once you come near it?"
Bumaba ang tingin ko sa balikat niya at doon natulala.
Paano mo mamahalin ang isang bagay na sasaktan ka lang din naman kalaunan kapag lumapit ka roon?
Ibinalik ko ang tingin sa damuhan.
"Pero maganda naman ang araw," paliwanag ko. "Kapag sumisikat ang araw, happy kaya ako."
Napakutkot ako ng bago kong pulang slides na ipinasuyo kong bilhin ni Lance para magamit ko. Puro kasi may fur yung sleeping slippers namin. Bawal mabasa. Pinabilhan ko rin si Mr. Phillips kaso mukhang hindi na niya magagamit.
"I will only see how beautiful the sun is every time I stay in the dark, Chancey. If I adore the sun and go near it, I must endure the pain to appreciate its beauty."
Sinulyapan ko siya. "Hindi ka naman si Icarus. Hindi mo kailangang lumapit sa araw kung masasaktan ka lang naman."
"If you weren't able to see the sun again, would you risk your life to witness it rise and wait for it to set?"
Natawa ako nang mapait doon habang tinutusok-tusok ang gilid ng slides ko.
"Depende naman sa risk 'yon. Ikaw, hindi mo naman kailangan ng araw kaya okay lang na wala kang abangan sa umaga at hintayin bago gumabi. Kung kaya mo namang mabuhay nang wala 'yon, bakit mo pa kailangang makita?"
Malalim na buntonghininga lang ang ginawa niya at hindi na siya nagsalita. Napasulyap tuloy ako sa kanya. Tumanaw lang siya sa malayo. Ibinalik ko na lang ang tingin sa tsinelas ko.
"What about you, Chancey?" Sinulyapan ko na naman siya kahit saglit lang bago ko ibalik ang tingin sa damuhan. "Do you love the sun?"
Natawa na naman ako nang mahina. "Kailangan ko ng sun, siyempre. Lahat naman ng living things, kailangan ng sun. Pero yung love na parang willing to die ako para doon, hindi naman ganoong level." Nagbuntonghininga ako at nakasimangot na tiningnan ang mga puno sa kakahuyan ng Helderiet.
"So, you only love the sun when you need it."
"Hindi naman sa gan'on. Noong nasa labas pa kasi ako, hindi ko gaanong na-a-appreciate ang araw kasi tulog ako kung minsan. Lalo na, noong tumutugtog ako ng piano, 7 p.m. hanggang 1 a.m. akong magtatrabaho. Wala kasing trabaho na bagay sa akin kapag umaga kaya nasanay akong gabi kumikilos."
Saka ko lang siya nilingon ulit kasi ang layo na ng napupuntahan ng topic namin, lalo nang lumiliwanag sa paligid kasi sumikat na nang tuluyan ang araw.
"Sabi mo, may way naman para makita mo yung araw, di ba?" Kinatok ko ang inuupuan namin. "Sumikat na ang araw. Hindi ka naman mukhang nasaktan dito sa puwesto natin. Siguro, occasionally, puwede kang tumanaw muna sa lilim para makita mo rin ang sunrise tapos matulog ka na lang kapag satisfied ka na."
Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng dulo ng labi niya habang nakatanaw siya sa damuhang maganda ang pagkaka-green dahil sa sikat ng araw.
"I have never looked forward to see the sun . . . I see no reason to see it, though."
Tumawa na naman ako nang mahina saka nakitanaw na rin ulit sa damuhan. "Pero inabangan mo ngayon yung sunrise, ha."
"I don't want to miss this chance to see how beautiful the sunrise is. By tomorrow, I won't get a chance to witness it rise."
Saglit na natigil ang paghinga ko roon. "Bakit? Maaga kang matutulog?" tanong ko pagsulyap sa mukha niya.
"I lived in the middle of the woods. The sun can't reach some parts of the land so I can walk freely during the daytime. Yet, I seldom go outside since hunters usually hunt in the middle of the day and I need to avoid casualties."
Dito na naman kami mapupunta sa usapang ito. Habang nagkukuwento siya ng tungkol sa bahay niya sa south, mas lalo ko siyang gustong pigilang umalis.
"Kung nasa gitna ng gubat ang bahay mo, paano ka dadalhan ng pagkain?"
Imbis na sumagot, hinawakan lang niya ako sa kanang gilid ng ulo ko saka ako dinampian ng halik sa kaliwang sentido. "All my worries are reserved for you, Chancey. I lived in this Cabin for twenty years, and a hundred years in the south. I know what I should do once I get there."
Tumayo na siya kasi papalapit na sa amin ang araw. Kailangan na niyang pumasok sa loob.
Tumayo na rin ako para bumalik sa kusina. Ayokong maabutan nina Mrs. Serena na makalat doon. Kahit pa sabihing ako na ang magiging may-ari nitong Cabin at buong Helderiet bukas, hindi pa rin naman niya ako paliligtasin sa sermon niya.
****
Kung may powers lang ako para hindi matapos ang araw, ginamit ko na. Maagang nagising si Mr. Phillips kaya maaga rin akong nagluto ng dinner niya. Ayoko siyang sabayang kumain kasi iiyak lang ako kasi alam kong aalis na siya kaya sinabi ko na lang na maliligo ako at doon ko na lang iniyak lahat ng luha ko sa ilalim ng shower.
Alam ko namang magkikita pa rin kami pero kasi sana alam ko kung gaano katagal. Hindi 'yong pareho kaming walang sagot sa kung hanggang kailan siya sa south at kung hanggang kailan ako mag-isa sa Cabin.
Kinalma ko ang sarili ko kahit kalahating oras lang para hindi ako mukhang umiyak. Pupunta kami ulit ng Prios at ayokong magmukhang mahina sa harap ng mga halimaw roon.
Hindi ko favorite color ang black, pero pinili ko talaga ang dress sa closet na mukha akong a-attend ng libing. May casual high-waist black dress na binili si Mr. Phillips noon para sa akin na unang beses ko pa lang gagamitin sa labas. Manipis ang strap n'on at tineternuhan talaga ng blazer kaya naghanap pa ako ng puting blazer pamares doon. Malamig sa Prios, lalo na sa conference room at ayokong manginig dahil baka mapagkamalan nilang natatakot ako kahit hindi naman.
Isinilid ko agad sa blazer ang phone at wallet ko kasi hindi ko alam kung ano na ang mangyayari pag-uwi ko.
Sisinghot-singhot pa ako pagbaba ko at naabutan ko roon si Lance na hinihintay ako.
"Nasa sasakyan na si Mr. Phillips, Miss Chancey."
Nginitian ko na lang siya nang matipid bago niya ako inaya palabas.
Sa totoo lang, ayoko na ngang lumabas ng Cabin. Kasi kapa lumabas kami, hindi na ulit makakapasok si Mr. Phillips dito.
"Pumasok na kayo sa loob."
Tinitigan ko pa nang matagal si Lance—nakikiusap ang tingin ko na baka puwedeng huwag na lang kaming umalis.
"Miss Chancey, walang magbabago sa desisyon ng pamilya kahit pa mahuli tayo ng dating."
Nangilid na naman ang luha ko nang banggitin niya iyon. Tumango na lang ako at sumakay sa backseat nang walang sinasabing kahit na ano.
Pagsara ng pinto ng sasakyan, lumapit agad ako kay Mr. Phillips at ipinalibot ang mga braso ako sa balikat niya saka ko isinubsob ang mukha ko sa black coat niya.
Hindi pa naman siya umaalis pero nami-miss ko na siya agad.
"Chancey." Umayos siya ng pagkakapaling at hinagod-hagod ang likod ko. "We'll get through this."
Kung puwede lang na bumaba sa sasakyan, bababa talaga ako kasama si Mr. Phillips tapos babalik kami sa Cabin. Pero sabi ni Lance, wala rin namang magbabago kung gagawin ko 'yon.
Buong biyahe, pinigil kong huwag umiyak kahit na humahagulgol na ako sa loob ko. Yakap-yakap ko lang si Mr. Phillips kasi hindi ko alam kung hanggang kailan ko lang iyon magagawa hanggang matapos ang gabi.
Alam ko namang mabilis ang biyahe mula Cabin hanggang Prios pero naiinis ako sa bilis na iyon. Kung sana lang hindi nauubos ang kalsada.
"Be strong, alright?" malambing na paalala sa akin ni Mr. Phillips bago kami bumaba.
Tumango lang ako sa kanya at pinauna na ako ni Lance bago si Mr. Phillips.
Madilim na nang makarating kami sa Prios. Isang linggo na rin mula noong manggaling kami rito tapos narito na naman kami. Habang tumatagal, lalo lang akong naiinis sa building na 'to. Lahat kasi ng kinabubuwisitan ko, makikita ko na naman dito.
Ayokong makita nilang malungkot ako dahil sa kagagawan nila. Kasalanan naman talaga 'to mula pa noong una e. Wala namang babawiin kung umpisa pa lang, wala namang kinuha.
Alam kong walang kasalanan si Mr. Phillips doon at wala akong kinalaman doon, pero bakit naman kasi kami ang nahihirapan ngayon?
Pagsakay namin sa elevator, ang lalim ng paghinga ko. Tinatapangan ko na lang ang sarili ko kasi lahat ng dahilan ng stress at sakit ng damdamin ko, naroon at pupuntahan na namin. Kung puwede ko lang sumpaing lahat na naroon, talagang gagawin ko kasi nabubuwisit talaga ako sa kanila, noong nakaraan pa.
"Mr. Phillips . . ."
"Mm?"
Humarap ako sa kanya at itinapat sa mukha niya ang kamay kong nakakuyom. "Gusto kong pumunta ka sa meeting na bampira ka."
Kumunot agad ang noo niya sa akin bago hawakan ang galang-galangan ko. "Chancey, you don't have to do this. I'm still a vampire—"
"Pero mahina ang tingin nila sa hindi pula ang mata, di ba? Ayokong mahina ang tingin nila sa 'yo mamaya."
Nakipagtagisan pa siya ng tingin sa akin, pero kung desidido siyang tumira sa south, desidido rin ako sa gusto ko.
Ayokong makikita nila kami sa meeting room na parang hopeless kami sa paghihiwalay naming dalawa dahil sa kanila. Ayokong makita nilang mahina si Mr. Phillips. Ayokong makita nilang mahina ako.
Siya ang naunang sumuko kaya sumaglit siya ng pagyuko saka nagbuntonghininga.
"Alright." Tumango lang siya at ibinalik ang tingin sa mga mata kong desidido sa inuutos ko sa kanya. "But I don't want to cut your wrist. You can't go to a meeting with bleeding arms."
Binitiwan na niya ako at inipon lahat ng buhok ko palipat sa kaliwang balikat. Bahagya pa siyang yumuko para maabot ako kaya pumaling na ako sa kaliwa at inalok ang kanang gilid ng leeg ko.
"Are you sure about this?" tanong pa niya pagtapat ng mukha niya sa gilid ng mukha ko. Tumango agad ako roon.
Unti-unti, naramdaman ko na ang init ng paghinga niya laban sa malamig na loob ng elevator.
"Ah—" Napangiwi ako at nakagat ang labi nang maramdaman kong may bumaon na naman sa balat ko na sobrang sakit. Saglit pang huminto ang paghinga ko at naramdaman ko na naman ang dahan-dahang paggapang ng init mula sa leeg ko papunta sa ulo sa dibdib hanggang sa buong katawan. Napahawak ako sa likod ng ulo niya habang nakatitig lang ako sa metal na dingding ng elevator.
Napapalunok na lang ako habang naririnig ko rin ang matunog na paglunok niya—hindi ko alam kung gaano karami na ang naiinom niya galing sa leeg ko pero sunod-sunod kasi ang lagok.
"Mm!" Nagulat ako nang bigla niya akong ilapit sa kanya at halos tumingkayad na ako nang bahagya niya akong buhatin.
Mabigat at sunod-sunod ang paghinga ko habang nararamdaman kong mas lalong uminit sa loob ng elevator—o baka katawan ko lang iyon.
Wala namang masakit, pero ang init nang lalo kaya halos masabunutan ko na siya dahil hindi pa rin siya tapos.
Parang unti-unti akong nanlalambot at ang bagal na ng sumunod kong pagkurap. Gusto ko na lang matulog bigla. Hindi na ako napagpigil, nagbuka na ako ng bibig at doon huminga nang malalim dahil hindi na kayang padaanin lang basta sa ilong.
Naramdaman ko nang parang may dahan-dahang hinuhugot mula sa leeg ko na nakabaon doon. Namumungay ang mata ko nang salubungin ang tingin ni Mr. Phillips.
Sa isip ko, ngumiti ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nagawa ba ng labi ko. Pulang-pula na kasi ang kulay ng mata niya—gaya ng mata nina Edric.
"Are you alright, Chancey?"
Nanghihina akong tumango habang ngumingiti—kung nagawa ko nga ba.
Noon ko lang naramdaman ang kirot sa leeg ko nang dampian niya ng panyo. Unti-unti ko nang nararamdaman ulit ang katawan ko.
Hindi ako makaayos ng tayô kaya yakap-yakap niya ako habang hinihintay naming umakyat sa 40th floor ang elevator.
Kapag kinakagat niya ako, hindi naman masakit pero nakakapanghina nga lang. Sumasakit lang kapag tapos na.
Kung puwede lang matulog sa elevator, sumalampak na lang ako roon at natulog. Ang tapang-tapang ko pang mag-alok na inumin ni Mr. Phillips ang dugo ko tapos ito akong lulugo-lugo pagkatapos. Parang tanga lang.
"You sure you okay?" Hinawakan pa ni Mr. Phillips ang magkabilang pisngi ko habang pinatitingin ako nang deretso sa kanya.
"Uhm-hmm." Tumango naman ako sa kanya kahit na gusto ko na lang matulog.
"Alright." Tumango lang din siya at binuksan na ang malaking pinto ng conference room.
Ewan ko ba kung inantok lang ako gawa ng pagsipsip ni Mr. Phillips sa dugo ko kaya sobrang liwanag sa loob, para na akong tinatawag ni Lord. Ilang segundo pa ang inabot bago naging plain white at hindi na blinding light ang tingin ko sa conference room.
As usual, puno na naman ang conference room at walang lumingon para sa amin. Dumeretso si Mr. Phillips sa unahang upuan, sa lagi niyang puwesto. Naabutan ko ring naroon na si Poi pero isa rin sa hindi rin lumingon. Para silang nakikinig lang at nakikiramdam sa paligid kung may bago bang dating ba.
"Shall we start?"
Si Helene palagi ang nangunguna sa mga meeting kaya malamang na siya palagi ang facilitator. Inisip ko ngang dapat, alam ko ang schedule nitong meeting pero gaya nitong mga kahilera ko na namang mga sekretarya siguro na mga tulala, kung ako rin ang ganito, aanhin ko naman talaga ang schedule kung tutulala lang din naman ako?
May hawak na papel si Helene at ipinaliwanag niya ang tungkol sa transferring of rights. Hindi ako makapag-focus sa kanya kasi iniisa-isa ko ang mukha ng mga nakaupo sa mahabang table kada row. Ito kasi ang lahat ng kailangan kong tandaan kapag nagkaroon ng problema maliban pa sa mga bampirang nasa itaas na row.
Pansin kong bihira silang tumingin sa gilid—as if namang importante ang mga nasa gilid lang. Palagi silang nasa gitna nakatutok.
Naibalik ko ang tingin kay Helene nang may basahin siyang hindi ko naintindihan—literal na hindi ko naintindihan dahil hindi familiar ang language. Kahit anong isip ko sa binabanggit niya, never ko talagang narinig ang salitang gamit niya. Hindi English, hindi rin Roman o Deutsch. O kahit Russian o German. May certain accent naman kapag French pero hindi.
Ilang saglit pa, may dahan-dahan nang nabubuong pedestal sa gitna ng stage na mula sa kumikinang na bagay sa hangin at unti-unting umawang ang bibig ko habang nakikita ang luma at malaking libro na unti-unti ring nabubuo roon. Ang weird na parang nakita ko na yung book. Hindi ko lang matandaan kung saan.
"Donovan," pagtawag ni Helene. Nalipat ang atensiyon ko kay Mr. Phillips na tumayo na at naglakad papunta sa stage.
Sobrang seryoso ng mukha niya at nagbabago talaga ang aura niya kapag narito sa conference room.
Pagtingin ko sa ibang nasa room, napansin kong nagtaasan ng mukha ang mga bampira sa upper row at nagkrus ng braso ang iba. Nakita ko ang gulat sa iba habang nakatingin sa kanya.
Si Mr. Phillips pa yata ang magbabasa n'ong librong biglang sumulpot sa gitna.
Napatingin agad ako sa braso kong balot naman ng blazer kasi wala pa mang nangyayari, nagtitindigan ang balahibo ko mula sa loob ng damit. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.
Itinapat ni Mr. Phillips ang magkabilang palad niya sa ibabaw at bandang gilid ng libro. Halos dumipa siya kasi halos kasinlaki yata ng dresser ko sa kuwarto ang libro.
"Asheasta heste ultima clauza a primulo . . ."
Napalunok ako kasi ibang language na iyon kumpara sa ginamit ni Helene, pero may kahawig nang salita na kaya kong maintindihan kahit paano—hindi ko lang ma-pinpoint kung ano. Basta ang sinabi niya, iyon na ang last clause ng First.
Akala ko, babasahin sa amin ang sinasabi nilang transferring. Hindi ko naman inaasahan na ang magbabasa pala ay si Mr. Phillips mismo.
Alam ba niyang siya ang magbabasa n'on?
Alam ba niyang sa kanya mismo manggagaling na pinalalayas niya ang sarili niya sa Cabin?
Hindi ko maintindihan ang iba sa mga sinabi niya pero yung context ng kabuuan, ang laman ay ipagkakatiwala sa anak ng Ikauna ang buong nasasakupan ng Helderiet—sakop ang malaking pader ng Helderiet Woods papasok sa The Grand Cabin, lahat ng sakop ng lupang kadikit ng gubat na nakahiwalay sa city, hanggang sa Helderiet Town at ang town hall sa kabilang dulo ng Helderiet na, pati ang Historical Commission na nasa kabilang dulo naman.
Hindi papayagang makapasok sa lupang sakop ng Helderiet ang mga Vanderberg at sinumang miyembro ng pamilya ng mga bampira—maliban sa mga miyembrong may pahintulot ng Ikauna.
Matapos ipagkatiwala sa anak ng Ikauna ang buong Helderiet, isasalin nito ang karapatan sa mga Dalca para maibalik sa mga bantay ang buong kakahuyan.
At kapag nilabag o hindi pumayag ang kahit isang kasapi ng Prios na lumagda sa kasunduang 'yon, masisira ang selyo at bubukas ang karsel sa iba pang nilalang na ikinulong ng Ikauna para paslangin silang lahat.
Well . . . hindi ko nakuha kung para saan ang huling part pero sure akong death threat 'yon.
Wala akong idea sa First's Testament, pero mukhang may kinatatakutan nga talaga ang board members ng Prios para sundin 'yon. At tingin ko, hindi lang basta tao—o salamangkero ang Ikauna, or let's say, si Papa sabi nila.
May mga ikinulong siyang nilalang na papatay sa kanilang lahat?
Kung master level na si Papa, hindi na ako magtataka. Pero para matakot ang buong Prios sa testamento niya, nagdududa na ako kung ano'ng content ng testamento mismo.
Ang laki ng Helderiet. Sobrang laki ng sakop n'on para lang ibigay sa akin.
Sino nga naman kasi ako? Napadpad lang ako rito bilang sekretarya. Malay ba naming lahat na bigla palang isasalin sa akin yung buong gubat?
Pagkatapos magsalita ni Mr. Phillips, dahan-dahan na namang nilamon ng kumikinang na liwanag ang malaking libro damay na ang pedestal.
"Helene," pagtawag ni Mr. Phillips. Nagtanguan lang sila at bumalik na siya sa upuan niya. Hindi talaga siya tumingin sa puwesto ko. Parang walang ibang tao sa paligid kundi sila lang.
"The suspension of Donovan Phillips and Edric Vanderberg will end two days from now," pagbabalik ni Helene sa stage bilang speaker. "The vampires are not allowed to enter the Helderiet Woods or anywhere inside the land occupying it, unless with the seal of the First."
Paano pa magkakaroon ng seal e matagal nang patay si Papa?
"The First's child is obligated to transfer the land to the last existing blood of the Dalcas. Once the transferring of rights is done, the First's child will be classified as numen—a godhead of a particular place."
Napalunok na lang ako nang marinig ko 'yon. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa tuwa o kikilabutan.
Doon pa lang sa sinabing "the First's child will be classified . . ." gusto ko nang umiyak. Kung ako nga ang First's child na 'yon, ibig sabihin . . .
Tulo lang nang tulo ang luha ko habang nakikinig sa sinasabi ni Helene. Wala siyang ibang binanggit kundi ang pagtanggap ng Prios sa anak ng Ikauna bilang bahagi ng pamilya.
Wala namang umaalma. Parang inaasahan na nila. Wala rin naman akong pakialam kung tanggapin man nila ako, pero kasi . . .
Sa dami ng sinabi ni Helene, ang tumatak lang sa akin ay sa wakas, classified na rin ako. Ewan ko kung maganda ba ang classification ko o ano. Binigyan kasi ako ng label bilang literal na diyosa. Ayoko sanang tanggapin hangga't hindi ako nagiging kasingganda ni Helene, pero kaysa naman wala akong label, umoo na lang ako.
Halatang ayaw ng mga bampira sa naging desisyon kasi wala pa mang dismissal, nauna na silang umalis.
Wala akong natanggap na congratulations sa ibang taga-Prios. Si Poi, kinindatan lang ako. Akala ko, may sasabihin pa o kaya babati man lang, pero umalis din agad at hindi man lang ako hinintuan.
Si Helene, ngumiti lang nang matipid sa akin tapos umalis na rin. Nakasunod sa kanilang lahat yung mga nasa hilera sa may pader na mga tulalang sekretarya.
Pinanood ko silang umalis lahat . . . at ni isa man lang sa kanila, walang nagsabi sa aking "Welcome to the family."
Hindi ko naman talaga gustong batiin nila, pero naramdaman ko kasing walang may gusto sa lahat ng sinabi ni Helene sa meeting.
"Chancey."
Noon ko lang nalingon si Mr. Phillips na itinapat ang kamay sa likod ko at akma akong igigiya paalis ng conference room.
"Ayaw talaga nila sa 'kin," malungkot kong sinabi habang nilalakad namin paakyat ang hagdang palabas ng conference room.
"Don't mind them."
"Dederetso ka na ba sa south?"
Matipid siyang ngumiti sa akin. "I'll take you home first."
Isinilid ko na lang ang sarili ko sa kanang gilid niya paglabas namin ng conference room. Ipinalibot ko ang kaliwang braso ko sa likod niya at idinantay ang pisngi ko sa coat niya.
Gusto ko sanang sabihing sa wakas natapos na rin, pero alam kong simula na ng araw na mag-isa na lang ako sa Cabin.
Nag-ipon-ipon sila sa tapat ng elevator at ayokong makisabay.
Ayokong makisabay sa kanilang lahat matapos ang pag-alis nila sa conference room.
Pero sobrang awkward kasi talagang nagtagal pa kami ni Mr. Phillips kung saan sila naghihintay lahat. Ewan ko ba kung magpapasalamat akong wala ang mga bampira doon.
Anim ang elevator pero ginagamit lahat at naghihintay pa ng hihinto sa 40th floor.
"I didn't know the First had a child with a Dalca," sabi ng isang babaeng may gray na mata. Isa siya sa mga nasa kabilang dulo nakapuwesto at puting-puti ang buhok niya—hindi naman uban o kinulayan. Mukha kasing natural. Akala ko, nagpaparinig lang, pero nakaharap naman sa akin.
"Looks like the First groomed two kinds of a creature for his amusement. A mortal with a divine rank and vampire with mortal blood."
"Alba," pag-awat ni Mr. Phillips. At mas mabigat ang boses niya kaysa natural. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko na parang itinatago ako sa ibang naroon.
"We respected the First's Testament because we owe that man our life and the next generations after us. But you can't disregard his manipulative behavior, Donovan. You don't call it destiny if it was planned to happen. Ruena's ring chose the First's Child because it was planned before you came here."
May bumukas na dalawang elevator. Sumakay roon ang iba.
"You know what's the curse behind the First's Testament, Donovan. You read the last clause, you should know."
Ako ang huling tiningnan ng Alba na 'yon bago siya sumakay sa elevator kasama ng iba pa. Hindi naman siya nagtaray, nginitian pa nga ako nang matipid.
"The vampires won't come running after you, First's Child. You're cursed, and they won't probably try to fly too close to the sun. Unless . . ." Inilipat niya ang tingin sa bahagyang itaas ko. ". . . one of them will attempt to do so."
Nakangiti pa siya nang tuluyan nang sumara ang elevator.
At . . . hindi ko siya naintindihan. Ang naunawaan ko lang ay hindi na ako hahabulin ng mga bampira kasi isinumpa ako.
Feeling ko rin, isinumpa ako. Ang malas ko kasi, lagi akong pinalalayas sa mga tinutuluyan ko. Pero mukhang tapos na 'yon ngayon kasi mukhang magtatagal talaga ako sa Cabin.
"Don't mind her. Come on."
Ang gulo ng pamilya ni Mr. Phillips. Parang ang dami nilang alam na ayoko nang alamin kasi ito pa nga lang na pag-classify sa akin, ang sakit na sa ulo.
Sumakay na kami sa kabubukas lang na elevator. Nagpapasalamat ako kasi walang lamang iba.
"Ihahatid mo 'ko sa mansiyon?" tanong ko habang yakap-yakap si Mr. Phillips sa kanang gilid niya.
"I'm not sure if I can do that but I'll try." Nginitian niya ako at hinalikan ako sa noo.
Ayokong mag-assume na parang may mali pa rin kahit tapos na ang meeting. Wala kasing nagreklamo.
Hindi naman sa gusto kong magwala silang lahat, pero parang ayaw nila ng desisyon pero napilitan lang kasi may death threat palang kasama yung First's Testament.
Kung puwede lang hindi ko na bitiwan si Mr. Phillips, hindi ko na talaga siya bibitiwan. Kahit pagbaba namin sa lobby ng Prios, yakap ko pa rin siya. Kumalas lang ako ng yakap noong pagbuksan na kami ni Lance ng pinto ng sasakyan.
Sabi naman ni Alba, hindi na raw ako hahabulin ng mga bampira. Aalukin ko sana si Mr. Phillips na samahan siya sa south, kaso naalala ko ang sinabi niyang baka magaya ako kay Mama na namatay kasi malayo sa bahay. Grabe namang homesick 'yon, deadly.
Kung paano ko isinumpa ang bilis ng biyahe papunta, ganoon ko rin isinumpa ang bilis pag-uwi.
Gaya ng ugali ni Lance, huminto na naman siya sa tapat ng iron gate.
"Sigurado ka bang dederetso ka na sa south?" tanong ko pa habang hatak-hatak ang kamay ni Mr. Phillips papasok sa gate. "Di ba, ten hours ang biyahe papunta roon?"
"Lance will take me to the train station after this."
"May pamasahe ka ba? Wala ka bang dadalhing maleta? Ten hours, e di hindi ka na makakapag-breakfast. Gusto mo bang ipagluto muna—ah!"
Mabilis akong tumalsik sa kabila ng gate at parang may kumoryente sa kamay ko.
Kunot na kunot ang noo ko nang tingnan si Mr. Phillips na nakalapat ang kamay sa hangin—doon sa may gate. Gaya ng kung paano ang itsura ni Zephy noong hindi siya makapasok sa kuwarto ko.
Pero hindi siya nagtataka. Nakangiti lang siya na parang tanggap na niya ang nangyayari.
Wala sa oras na bigla akong naiyak habang nakatingin sa kanya.
Ibig sabihin . . . hanggang doon lang siya?
Madali kong nilakad ang palabas ng gate at patulak siyang niyakap habang humahagulgol ako.
"Tatawag ka palagi, ha! Pagdating mo sa bahay mo sa south, tumawag ka agad! Sabihin mo kapag nahihirapan ka na r'on. Uutusan ko si Eul para puntahan ka. Huwag kang kakain ng tao, ha! Tapos sabihin mo kung kailan mo 'ko bibisitahin dito para mapapagluto agad kita ng pagkain."
Umiiyak ako pero natawa lang siya. Hinawakan niya ako sa balikat at nakangiti lang siya nang hawakan ako sa magkabilang pisngi.
"I'll come back soon. Don't worry." Siya na ang nagpunas ng pisngi kong basang-basa na naman.
"Hindi ko naman kasi alam kung kailan yung soon mo e!"
"Trust me. It won't be long. And once I came back, I promise to give you your dream wedding." Lalo lang tumulo ang luha ko pagkakita ko ng matamis na ngiti niyang hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita.
"Kahit wala na yung wedding, basta bumalik ka lang," naluluha kong sinabi habang nakatitig sa pulang mga mata niya.
"I will, Chancey . . ."
Hinawakan ulit niya ako sa pisngi at hinalikan sa noo.
Sunod sa labi.
". . . I love you."
to be continued. . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top