xxxiii. Dominant and Submissive
Damang-dama ko talagang binabagabag si Mr. Phillips tungkol sa sinabi niya. At mukhang napagod talaga siya sa nangyari sa Prios. Hindi naman kasi siya usually natutulog sa gabi, pero nakatulog siya kahit ala-una pa lang ng madaling-araw.
Ako, oo. Oras talaga ng tulog ko nang ganitong oras, pero siya?
Ako tuloy ang hindi makatulog. Nakatitig lang ako sa mukha niya kahit medyo madilim. Nagbukas lang ako ng lampshade kasi wala naman kaming trabaho, tapos suspended pa siya.
Hindi ko alam kung maaawa ba ako o ano. Kung tutuusin naman kasi, puwede naman siyang mag-stay rito. Although, delikado kasi para ko na ring sinabing welcome na rin sina Edric dito sa Cabin, pero kasi . . .
Ayoko rin namang mag-isa rito. Sa totoo lang, nandito lang naman ako kasi nandito siya. Kung wala siya rito, aalis din naman ako at baka lumipat ng ibang apartment. Nakita ko nga sa bagong phone ko yung bank account ko sa online. Legit na may sahod na 'ko. May pera na 'ko para makarenta ng bahay sa labas.
Kung huwag ko kayang sabihin sa kanyang titira ako sa labas? Magagalit kaya siya?
Hindi ko naman kailangang tumira dito sa Cabin kung wala naman na 'kong gagawin dito. Kasi sabi niya, kapag nailipat na sa 'kin itong Helderiet, hindi na rin niya 'ko sekretarya. Ibig sabihin, wala na rin akong trabaho.
Wala na naman akong trabaho.
Hindi naman na niya 'ko mabibigyan ng trabaho kung sakali. Kailangan ko na nga talagang maghanap ng bagong pagkakakitaan.
***
Pakiramdam ko, pagod talaga si Mr. Phillips. Nauna kasi akong bumangon sa kanya. O baka hindi lang ako nakatulog nang maayos kasi nasanay na ang katawan kong gising sa gabi at tulog sa araw. Alas-tres pa lang, nakaligo na 'ko. Alas-kuwatro, kumain na 'ko ng almusal. After thirty minutes, bumaba na agad ako sa kusina para magluto ng almusal ni Mr. Phillips habang hindi pa siya bumababa.
Pagbukas ko ng ref, bigla kong naisip na hindi ko na pala malulutuan si Mr. Phillips ng steak niya kapag umalis na siya sa Cabin. Hindi na rin siya makakapag-demand na subuan ko siya.
Ano kaya'ng itsura ng bahay niya sa south? Kasinlaki kaya ng Cabin 'yon? Mansiyon din kaya gaya ng bahay nina Eul? Mukha naman kasi siyang mayaman. Baka malaki rin ang bahay niya.
Pero sino ang mag-aasikaso sa kanya roon? May mga maid ba siya? Kung meron nga, pakakainin ba nila siya gaya ng ginagawa ko?
Paano kung mga babae yung mga maid niya? Tapos magaganda? O kahit hindi na maganda, kahit babae na lang. Paano kung kailangan niya ng dugo ng tao? E di babalingan niya yung mga maid niya?
Ay, hindi naman ako papayag sa sa ganoon. Ibang usapan na 'yon. Ano? Gagaya siya kay Edric? Pagkainom ng dugo, hahayaan na lang yung biktima niya? Hindi puwede 'yon.
"Chancey."
Mabilis akong tumalikod at bumungad agad si Mr. Phillips sa pintuan ng kusina. Suklay-suklay niya ng daliri ang magulo niyang buhok. Pagtingin ko sa wall clock sa itaas niya, alas-singko na pala ng umaga.
"Ilan yung maid mo sa bahay mo sa south?"
Natigilan siya at tinaasan agad ako ng kilay. "Excuse me?"
"Gaano kalaki yung bahay mo sa south? Sino'ng mga kasama mo roon? May mag-aasikaso ba sa 'yo?"
"Chancey, why are you asking all of a sudden?" Lumapit siya sa puwesto niya sa mesa, doon sa gitna ng kusina, pero natigilan siya nang ibagsak ko sa table ang platong may steak.
Tiningnan niyan yung plato tapos mukha ko.
"What's the matter?"
"Anong 'What's the matter' ka diyan? Doon sa south, may kasama ka ba ro'n? May sekretarya ka? May personal alalay ka?"
"Does it matter?"
Nagpamaywang agad ako. Anong does it matter ang pinagsasasabi nito e hindi nga ako mag-a-apply rito kung may personal assistant na siya!
"Hoy, Donovan Phillips, mag-usap nga tayo nang mabuti rito."
"Can you let me eat my breakfast first?"
Akma na niyang kukunin ang plato pero binawi ko agad. "Sagutin mo muna ang tanong ko. Sinong mga kasama mo sa south?"
"Chancey . . ." Sinubukan niyang abutin ang plato sa 'kin pero nilayo ko agad.
"Sino nga? Tao ba? Monster? Vampire din ba? Imortal gaya ni Mrs. Serena?"
"Chancey, I used to live alone in the south."
"Paano ka nakakakain?"
"I hunt deers. I hunt humans."
"Hunt humans?!" Ibinagsak ko ulit ang plato sa mesa saka ako nagkrus ng mga braso. "Wala kang iha-hunt! Hindi ka pupunta sa south!"
Nagbuntonghininga pa siya at saka umiling. Kung hampasin ko kaya ng plato 'to. "Chancey, we already talked about it."
"Dito ka lang! Kung ayaw mo rito, sasama ako sa south!"
Napakamot pa siya ng ulo. Bakit?
"I already told you, it's dangerous for you."
"Pake ko?" Itinuro ko ang kaliwang gilid ko. "Doon, manghuhuli ka ng hayop? Manghuhuli ka ng tao? Dito ba, ikaw pa ang pinahuhuli ko ng pagkain mo?"
"I can request for my food, Chancey."
"Sinong magluluto, aber?"
"I can eat raw meat."
"E di kumain ka ng hilaw. Itatapon ko na 'to." Kinuha ko agad ang plato pero inawat niya agad ang kamay ko.
"Hey, hey. Don't."
"Bakit mo ba kasi kailangang umalis!" Hinayaan ko na sa kanya ang platong inaagaw niya.
"I told you the reason why, Chancey." Ibinalik niya nang mas mahinahon sa mesa yung platong kanina ko pa binabagsak doon. Iilag sana ako sa kanya pero nahuli pa niya 'ko ng yakap. "It won't be long, I promise. After the transferring, I'll ask Willis to stay with you until I came back."
"Ayoko kay Eul."
"I thought you like him because he's nice?"
"Hindi naman si Eul yung asawa ko e! Saka anong gagawin ko kay Eul, di naman ako nagtatrabaho sa kanya!"
Bigla siyang tumawa nang mahina kaya siniko ko agad siya sa sikmura. Kaso hindi yata siya nasaktan. Parang mas nasaktan pa yung siko ko kaysa sa kanya.
"I can still see you once a week?"
Tumingala ako sa kanya saka siya sinimangutan. "Huwag ka na kasing umalis. O kaya lipat ka sa mas malapit na lang."
"Chancey, it's the family's decision."
Grabeng stress na ang ibinibigay ng pamilya niya sa 'min, ha. Pati ba naman ito, pamilya pa rin niya ang masusunod?
Hindi na ako nakasagot. Pumaling siya sa may mesa at kinuha roon ang karne. Siya na ang humawak n'on imbis na ako gaya ng lagi niyang request. Iyon lang, hindi niya naman ako binitiwan sa yakap niya.
Ayoko talaga ng ganito siya. Pakiramdam ko, may iba pang mali maliban dito sa problema niyang pagpunta sa south.
Pagkatapos niyang kumain, umakyat ulit siya sa taas para maligo at magbihis. Naglinis na lang ako ng mga ginamit ko at nagpaiwan ako sa labas sa pagsikat ng araw.
Hindi na ako nakakalabas ng Cabin sa araw pero may gusto talaga akong malaman sa limit ng mga pinapapasok na bantay slash assassin ng mga bampira dito sa Helderiet.
Feeling ko naman, may hidden barrier or something dito na kapag nalampasan ko, doon lang nila ako aatakihin.
"Huy, Reed!" Sinalubong ko agad si Reed na patakbo mula sa direksiyon ng pond. "Nanggulo ka na naman ba sa mga gansa? Ikaw, papaluin na kita! Ang tigas ng ulo mo."
Lumapit siya sa 'kin at umikot-ikot sa paanan ko. Tumalungko ako at kinamot-kamot ang leeg niya. Napapikit naman siya sa ginawa ko. Tiningnan ko ang paligid. Kahit nasa gilid na ako ng mansiyon, wala pa akong nararamdamang kakaiba gaya noong nakaraang muntik na 'kong tamaan ng palaso.
"Reed, makinig ka. Maaamoy n'yo ba yung mga nilalang sa loob ng gubat na hindi taga-Helderiet?"
"Awoo! Awoo!" matinis na alulong niya. Para pa siyang tumango nang dalawang beses. Hindi ko alam kung naintindihan ba niya ako o ano.
"Kaya mo bang sabihin sa lahat ng hayop sa gubat na tulungan akong dalhin dito ngayon yung mga sinasabi ko na hindi taga-Helderiet?"
"Awooo!" Lumakas ang alulong niya at saka siya tumakbo papuntang gubat.
Tumayo na rin ako nang tuwid at saka tumingin sa langit na may mga makakapal na ulap.
Ngayon ko na naiintindihan kung bakit parang ganito lagi si Mama noong bata pa 'ko. Parang laging nag-aabang sa langit, laging nagtatanong sa mga hayop, laging nasa gubat, laging nagmamasid na parang may nakasunod sa 'min palagi.
Sumipol ako nang malakas-yung sipol na pantawag ni Mama ng mga ibon-habang nakatingin sa hangganan ng Helderiet na abot ng tanaw ko.
"Whoah." Napaatras ako nang biglang kumalat sa hangin ang mga ibon na mula sa kakahuyan na abot hanggang sa dulo. Nagdilim nang kaunti sa puwesto ko nang takpan nila ang itaas ko. Mukha silang mga nag-aabang ng kung ano sa 'kin.
Bigla naman akong na-pressure dito. Ang dami nila, OMG. Akala ko, kalapati lang ang pupunta. Mga hindi ko kilala yung mga ibon na dumating, nakakaloka! May ibang ibon pa na masyadong malaki, hindi ko alam kung agila ba o ano.
"Uhm . . ." Paano ko ba sila uutusan? Naiintindihan naman siguro nila ako kasi si Reed saka yung ibang aso, naiintindihan ako e. "Pasuyo naman. Pakihanap sa loob ng gubat ngayon ang lahat ng nilalang na hindi taga-Helderiet at dalhin n'yo sila rito. Thank you!"
Nagkanya-kanya na silang lipad at ilang saglit lang ang inabot bago lumiwanag ulit ang paligid gawa ng sikat ng araw.
Wow.
Kung ganito pala ang ginawa ni Mama dati, ang dami pala niyang friends na hayop. Grabe naman. Magtayo kaya ako ng circus?
Naglakad na ako pabalik sa mansiyon habang inoobserbahan ang paligid. Nagdududa na kasi ako kung paano ba talaga gumagana yung barrier-barrier dito sa Helderiet. Yung mga vampire last time, hindi lang nakapasok sa Cabin, pero nakatapak pa sila sa loob ng Helderiet. Kung hindi sila makakapasok sa iron gate, masyado nang malawak na sakop 'yon. Ibig sabihin, pati si Mr. Phillips, hanggang doon lang din.
Wala pa akong nararamdamang kakaiba, baka walang kung sino rito ngayon maliban sa amin.
Nag-stretching ako sa may verandah habang inaabangan ang pagdating nina Mrs. Serena. Kakausapin daw ni Mr. Phillips si Eul kaya inaasahan ko na siya kasabay nina Lance.
"Chancey, what are you doing outside the Cabin?"
Napalingon agad ako kay Mr. Phillips. "Gusto kong malaman kung anong klaseng entity yung mga assassin ng pamilya mo."
Nagpamaywang agad siya at talagang ipinarinig pa sa 'kin yung buntonghininga niyang pagkalalim-lalim.
"You know it's dangerous for you-"
"Mr. Phillips-"
"I am considering your own welfare as my secretary, as my wife, and as a person with free will none of us can't control. Chancey, I am glad I can't control you and none of my family could. But for this case, I really wish I can control you not to do reckless things that could harm your life."
Ako naman ang napabuntonghininga sa kanya. Naiintindihan ko naman 'yon, pero dapat iniintindi rin niya na hindi naman puwedeng ginagawa niya 'kong preso dito sa Cabin.
Ano? Buong buhay ko, nakakulong lang ako rito? Hindi ako lalabas sa araw, sa gabi lang ako makakagala. Tapos kahit gabi, hindi rin ako makakalabas sa malayo?
"Hindi mo pa rin kayang labanan ang pamilya mo," dismayadong sabi ko.
"Chancey . . ."
"Di naman sa di ko kino-consider ang pamilya mo, pero bakit lahat na lang, desisyon nila? Kung sinong pakakasalan mo? Kung anong klaseng nilalang ba ang pakakasalan mo? Kung saan ka titira? Kung hanggang saan ka lang? Hindi na nila kailangang kontrolin ang utak mo kasi nagpapakontrol ka na sa kanila. At ayoko n'on. Kaya ka nila natatawag na mahina kasi ganito ka."
"I'm just protecting you from my-"
"Pinoprotektahan mo rin yung pamilya mo! 'Yan ang problema rin sa 'yo e. Pareho mong pinapanigan. Kahit mali yung isa, pinapanigan mo pa rin. Lagi mong sinasabi, desisyon ng family, desisyon ng family."
"It's complicated, alright?"
"Sila ang nagpapa-complicate nito, hindi ako. This time, ako ang magdedesisyon para sa 'kin. Ako ang magdedesisyon para sa 'yo. Kapag umalma ang pamilya mo, saka ka mamili: sila o ako. Tutal, ganoon pa rin naman ang labas nito. Aalis ka, maiiwan ako."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top