xxxii. Promises
Ayoko talaga ng mood ni Mr. Phillips kapag depressed siya. Mabuti sana kung siya yung tipong nagwawala at nagbabasag ng gamit, pero hindi e. Mananahimik lang siya saka magmumukmok. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ilulugar ang pag-aalala ko kasi ayaw magsalita.
Ilang oras pa ang inabot bago ko siya napilit na umakyat sa kuwarto niya. Sabi ko, babalik ako sa kuwarto ko para maligo at magbihis, pero sabi niya, gusto niya roon sa makikita niya ako. Malay ko kung anong topak niya, kaya ang ginawa ko na lang, kumuha ako ng damit—habang nanonood siya—saka ako pumunta sa kuwarto niya at doon na ako naligo. Hindi na rin ako nahirapang magbaba ng damit kasi may bagsakan siya ng damit direkta sa laundry room.
Akala ko nga, magsasabing sasabay siyang maligo, pero mabuti na lang at hindi. Natuwa na sana akong hindi siya maharot, pero paglabas ko ng banyo, dayukdok na naman siya sa office table niya. At hindi pa rin nagbibihis kahit gusot at marumi na ang damit niya.
Puno na ako ng negativities dahil sa pinsan niyang war freak kahit kailan, tapos ganito pa siya.
"Mr. Phillips, ayos ka lang ba?" Nilapitan ko na siya at hinawakan siya sa balikat bago sinilip.
Ang lalim ng buntonghininga niya saka siya umayos ng upo saka sumandal sa swivel chair niya. Ni hindi man lang niya ako tiningnan, nakatulala lang siya sa harapan.
"Ano ba kasing sinabi nila sa Prios bago ka umuwi?"
"Poi brought up the First's Testament earlier before Edric took you from the conference room."
"Tapos ano pa? May problema ba roon?"
"This land . . . was bought according to the First's Testament. The whole Helderiet doesn't belong to me."
"Ibig sabihin, kukunin na ng pamilya mo 'tong Cabin?"
Nagbuntonghininga na naman siya at kinuha ang kanang kamay ko. Malungkot lang niyang hinimas-himas 'yon kaya lalo akong nag-alala. Ang weird na naman niya. Ganito rin siya noong inalok niya yung lifetime contract niya sa 'kin.
"Palalayasin na ba tayo?" tanong ko pa.
"It's already time for the Dalcas to take this place from the vampires."
"Ano'ng mangyayari?"
"I need to go back to south. This is not my place anymore. It's all yours."
"Pero asawa kita, di ba? Kung akin talaga 'tong lugar kasi lupa 'to ng pamilya ng mama ko, puwede akong mag-decide na mag-stay ka rito, di ba?"
"The transferring requires all vampires to leave this place. If you let me stay here after the formal transferring of rights, it will apply to all the Vanderbergs. Either I'll stay outside Helderiet and you'll stay safe here, or you'll welcome my family to enter this place. I'm still a child of a Vanderberg after all."
Hindi ako nakasagot.
Ibig sabihin, kung siya pala ang aalis . . .
"Paano 'yon? Mag-isa na lang ako rito?"
Tumango naman siya habang nakatitig sa kamay kong hawak niya.
Hindi puwede 'yon! Kaya lang naman ako nandito, kasi wala akong bahay at trabaho! Hindi ko naman sinabing sasakupin ko 'tong buong Helderiet tapos lalayas silang lahat!
"Pero, Mr. Phillips, paano ako magtatrabaho sa 'yo?"
"The Prios will terminate the legal contract between you and the Chairman's office once they transfer all the rights to you."
"Paano 'yon, asawa kita, di ba?"
"You can still visit me once I go back to south."
"Ayoko! Gusto ko, dito ka lang! Ano'ng gagawin ko rito, mag-isa lang ako?"
Wala naman sa plano kong kunin 'tong buong lugar na 'to! Gusto ko lang ng trabaho, hindi ito!
"Bakit naman naisipan ng Prios na ibigay sa 'kin 'tong Helderiet?"
Nagbuntonghininga lang si Mr. Phillips at tumayo na. Nilakad niya ang kuwarto at saka lang hinubad ang itim niyang long sleeves na may bakas pa ng alikabok sa likuran. Ibinato niya agad iyon sa velvet chair saka niya ibinagsak ang sarili sa kama. Nagtakip na lang siya ng braso sa mata at hindi na naman umimik.
Mukhang malaki nga ang problema. Ni hindi man lang ako tinangay para magdrama.
Pumunta na lang ako sa kuwarto ko saka kinuha sa kama yung teddy bear niyang ayaw niyang patambayin sa kuwarto niya. Dinala ko na lang iyon pabalik sa kuwarto niya saka ako sumampa sa kama.
"Huy, Honeybunch. Huwag ka nang sad. Hug mo na lang si Teddy."
Nag-alis siya ng braso sa mata at kunot ang noo nang tingnan ako. "I thought you chose to call me Honeypie."
"Honeypie ba? Hayaan mo na, pareho lang namang may honey." Inalok ko na si Teddy sa kanya. "Ito, yakapin mo para hindi ka nade-depress."
Kunot pa rin ang noo niya nang kunin si Teddy sa 'kin. Parang nagdududa pa kung ako pa rin ba ang katabi niya o hindi na.
"Di pa ako makakahiga. Basa pa yung buhok ko," sabi ko agad kaya sumandal na lang ako sa headboard.
At talagang sinasamantala niya ang pagiging gloomy niya kasi inilagay niya ang pulang unan sa kandungan ko at doon na nahiga habang yakap yung bear niya.
Ayoko sanang gawing big deal ang sinabi niyang akin na itong buong Helderiet, pero nagsisimula na rin akong kabahan sa mga sinasabi niya.
Hindi naman kasi siya nagkakaganito nang walang mabigat na dahilan.
Noong huling nagkaganito siya at sinabi niyang kailangan niya akong protektahan sa pamilya niya, sumugod dito ang pamilya niya at ilang araw siyang hindi nagising.
Ayoko namang maulit iyon.
"Wala na bang ibang option?" tanong ko agad at saka sinuklay ang buhok niya. "Gusto mo, i-welcome natin family mo rito?"
"No!" galit niyang sagot na ikinalaki ng mata ko at natigil pa 'ko sa pagsuklay sa buhok niya.
"Bakit galit ka?"
"Edric almost killed you earlier!"
Lalong nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang nangyari sa restroom.
Paano ko ba i-e-explain sa kanya ang nangyari?
I mean, hindi naman sa pinagtangkaan akong patayin kasi . . . hindi ako napuruhan? O baka hindi lang talaga natuloy ni Edric ang plano niya?
Kasi kahit habang naliligo ako, inisip ko yung nangyari. Maliban sa pinalibutan ako ng black smoke, ibinaba ni Edric ang damit ko nang kaunti—na ang ine-expect ko, wawasakin niya ang damit ko kasi nga, bad guy siya, at doon sa ginawa niyang paghalik sa akin na nagpalabas ng black smoke sa bibig ko? O sa bibig niya? Di ko alam e. Malamang na kanya 'yon kasi di naman ako sumusuka ng itim na usok. Ayoko namang mag-compare kasi magkaiba naman sila ni Mr. Phillips, pero wala nga akong sugat sa labi ko after ng nangyari. Kapag si Mr. Phillips ang humahalik sa akin, doon bumabawi ng dugo sa labi ko kaya nagkakasugat kung minsan.
Ayokong ipagtanggol si Edric dahil lang hindi niya ako sinaktan nang bongga. Masama pa rin ang ginawa niya at hindi ko talaga siya mapapatawad ever, pero may mali talaga akong naramdaman noong pinakawalan niya 'ko.
"Ano pala'ng nangyari sa inyo ni Edric? Suspended daw kayo," pagbabago ko na lang ng topic.
Nagbuntonghininga na naman siya at saka ibinaling ang titig sa akin. "He had a hard time using his vampire abilities. I don't know how it happened. He's the strongest among us, and fighting him tonight was a lot different. I've never heard him beg to let him go until tonight."
"Meaning . . . humina ba siya?"
"Morticia said something's wrong with him. And I don't care." Nag-iwas na naman siya ng tingin at lalong hinigpitan ang yakap kay Teddy.
"Ayokong umalis ka rito," sabi ko at pinadaan na ang hintuturo sa kaliwang kilay niyang malago. "Baka puwede ngang i-welcome dito ang family mo. Magdadala na lang ako ng holy water spray para di sila makalapit sa 'kin."
"Chancey."
"Mag-isa lang ako rito? Ayoko n'on. Nakakatakot kaya rito kapag mag-isa ako."
"I doubt that. You stayed here with me when I was asleep. You're 'almost' alone."
"Kahit pa! O gusto mo, sama na lang ako sa lilipatan mo."
"That's dangerous. Welcoming my family here and staying with me outside have no difference."
"Puwede bang wala nang transferring of rights? Inyo na lang 'tong Cabin, kailangan ko lang ng bahay. Di ko naman kailangan ng buong gubat."
"Chancey, as much as I wanted to do that, the First's Testament will overrule my decisions."
"Di ako papayag na umalis ka."
"I don't want to leave as well." Inilapag na niya sa paanan ko yung bear niya saka siya umurong palapit sa akin at isinubsob ang mukha niya sa tiyan ko. Binitiwan pa talaga niya yung bear niya para ako naman ang yakapin. Ano ba naman 'to? E di sana, di ko na lang dinala yung bear, ganoon din pala.
"Puwede bang magkaroon ng exemption na ikaw lang yung maiiwan dito?" tanong ko habang pinaglalaruan ang buhok niya.
"I hope they have that kind of rule. Barriers don't give exemptions. Once the family finalizes the ruling, whether we like it or not, the barriers won't let me enter this place anymore—not unless you allowed my kin."
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga dahil nararamdaman ko na ang bigat nitong usapan namin. Tapos ganito pa siya.
Akala ko, pamilya lang niya ang magde-decide. Yung barrier . . . parang yung nangyari kay Zephy kaya hindi siya nakapasok sa kuwarto ko rito sa Cabin.
Hindi ko makokontrol 'yon. Hindi rin makokontrol 'yon ni Mr. Phillips. O kahit ng pamilya niya—mas lalo na ang pamilya niya.
"Kapag nag-transfer ba ng rights . . . pupunta ulit tayo ng Prios?"
Tumango naman siya kahit nasa tiyan ko pa rin nakabaon ang mukha niya.
"Kahit suspended ka?"
"The family decided the suspension. They can make an exemption for the transferring of rights."
"Kung pupunta ka at na-approve na 'yon, hindi ka na makakabalik dito sa loob. Puwede bang hindi na lang tayo pumunta? Dito na lang tayo."
"How I wish I can do that, Chancey." Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin. "If I have a choice, I'll stay here with you."
Natatahimik ako.
Para siyang batang ayaw pumayag na iwan siya.
Kapag ganito siya, nakikita ko talagang sobrang layo niya sa buong pamilya niyang bampira. Ang helpless niyang tingnan. Parang kailangan ng alaga at security. At ang lungkot na ganito siya. Na nahihirapan din siya sa desisyon ng pamilya niya kasi wala siyang choice kundi sumunod na lang palagi.
Kung sumama na lang kaya ako sa kanya sa south? Parang mas okay pang i-welcome ko ang pamilya niya kaysa pumunta siya sa south kung ganoon lang din naman ang mangyayari.
Pero alam kong hindi siya papayag sa kahit alin doon kasi sobrang delikado talaga. Lalo na, ang usapan ay Helderiet. E mukhang makikipagpatayan ang mga bampirang 'yon para lang dito sa gubat.
"Mr. Phillips, pumayag ka na. Papasukin natin ang pamilya mo rito sa Helderiet kapag nangyari nga 'yang transferring of rights na 'yan."
"I said no!" Bumitiw agad siya sa 'kin at bumangon pa para harapin ako. "I can't afford to lose you, alright?"
"Alam ko namang nakasalalay sa 'kin ang buhay mo kaya ayaw mo 'kong mamatay—"
"That's not it, Chancey!" sigaw niya na nagpatahimik sa akin.
Binawi ko agad ang kamay ko at ikinuyom sa may dibdib ko dahil sa takot. Pero nawala rin naman agad nang kumalma na siya.
"I was alone in this place for two decades, dealing with monsters every night, and sleeping with fresh wounds in the morning. No being will wish for that kind of life, Chancey. I'm living in this world for more than a century. You don't know how many times I wished to die. You don't have any idea how many nights I hoped not to wake up anymore. And I have never been afraid to die until you came."
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil nasasaktan ako habang nakatingin sa kanyang nahihirapan din sa mga nangyayari.
"I have never loved the sun, but I always look forward to it every day. Because the sun rising means new a day beginning. And seeing your smile every morning means another good day for me."
Yumuko siya at idinantay niya ang noo niya sa balikat ko.
Hindi na naiwasan ng mata kong maluha at niyakap na lang siya—na mas tamang sabihing mas kailangan ko kaysa kailangan niya.
"Promise me, you'll keep yourself safe here, Chancey, until I came back. I don't want to risk the only sunshine I loved just because she's not afraid of the night."
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top