xxxi. Vampire's Dilemma
Ayokong makita si Edric. Kahit na anong dahilan ko para gantihan siya, ayoko pa rin siyang makita, lalo na ang makalapit sa kanya.
Kaya hindi mawala-wala ang kilabot ko habang nakikita siya sa harapan ko. Lalo na't pinalilibutan ako ng itim na usok mula sa kanya kaya hindi ako makagalaw.
"You got me last time, mortal." Kinumpas-kumpas niya sa 'kin ang hintuturo niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Kalmado lang siyang magsalita, hindi siya sumisigaw, hindi siya nagagalit. "You see, it will not going to happen if you died prior this meeting."
"Mmm—!" Nanakit agad ang braso kong nakadikit sa pader na sinasandalan ng buong katawan kong hindi makagalaw. Kahit anong pilit kong kumilos, hindi ako makakilos nang maayos. Kahit ang bibig ko, hindi makapaglabas ng kahit anong salita.
Ngayon ko kailangang ulitin ang ginawa ko noong nakaraang meeting pero hindi makagalaw ang kamay kong may singsing.
"Van is really weak. And we don't need any weakling in the family." Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko. Pinagdarasal ko na since nasa restroom naman niya ako dinala, sana may pumasok na ibang tao—o kahit sinong nilalang na lang na puwede siyang pigilan.
Mr. Phillips . . . tulungan mo 'ko.
Hindi ko alam kung paano ba gumagana ang telepathy niya. O kung naririnig ba niya 'ko, o nararamdaman niyang nasa panganib nga ako gaya ng sinasabi niya.
Ang tagal niyang dumating.
Bakit sobrang tagal niyang dumating?
"Humans are food. And I don't think you're a food, mortal." Lumapit na naman siya sa 'kin at tumayo sa harapan ko. "I thought . . ." Tumingin pa siya sa itaas at lalo akong nainis kasi pinaglalaruan na lang niya 'ko. ". . . Van's pet would be a nice prey so I let him eat you alive. And then, there was you throwing us outside our land."
Hindi sa inyo ang Helderiet Woods! Tumahimik kang bampira ka!
"Ah, I love that look in your eyes. The overflowing disgust, the brimming terror . . ." Ngumisi siya at nakita ko ang nakakainis niyang pangil na gusto kong bunutin lahat.
Kapag talaga nakatakas ako rito, hinding-hindi ko siya patatawarin.
"We really thought that Van was just being so sentimental about his pets. But then there's you . . ."
"Mmm! Mmm!"
Layuan mo 'ko, buwisit ka!
Hinawakan niya 'ko sa pisngi at pinagapang ang kamay niya pababa sa leeg ko.
"Van has a food beside him and he's not eating it. I loathe abstinence. What a shame."
"Mmm!"
Pilit kong iniwas ang sarili ko kahit wala naman akong ibang matatakbuhan.
Napapikit ako nang mariin nang ilapit niya ang sarili niya sa 'kin at inamoy ang leeg ko.
"I smell fear . . ." Lalo lang akong nanigas habang pinipigilan kong huminga. ". . . and power."
Hindi ko na napigilang maiyak sa sobrang takot.
Nasaan na ba si Mr. Phillips? Bakit hindi pa siya dumarating dito?
"Did Van tells you how beautiful you are, mortal?"
Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng labi ko habang mariing nakapikit. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang maramdaman. Gusto ko na lang mawalan ng malay para hindi ko siya marinig at malaman ang ginagawa niya sa 'kin.
Ayokong marinig ang mahinang tawa niya. Kinikilabutan ako, para akong binabangungot nang gising.
Naramdaman kong binababa niya ang manggas ng damit ko kaya lalo lang dumiin ang pagpikit ko.
Ayokong makita ang ginagawa niya. Gusto ko nang umuwi.
"Look what we have here . . ."
Napahugot ako ng hininga nang padaanan ng daliri niya ang peklat sa dibdib ko.
Kahit ayokong dumilat, napadilat ako para tingnan ang ginagawa niya.
"The Cabal's sigil."
Kusang tumaas ang tingin ko at nagtagpo ang mga mata namin. Napalunok ako nang makita ko ang pulang mga mata niyang kalmado para sa bampirang gumagawa ng masama.
"What are you . . .?" bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Tulo lang nang tulo ang luha ko habang tinititigan ko ang mga mata niyang puno ng pagtatanong.
Gusto ko siyang saktan. Gusto kong ulitin ang ginawa ko noon at kung kaya ko siyang patayin gamit 'yon, gagawin ko ulit para lang makaganti. Sobra na 'tong ginagawa niya.
"Who did this you?" tanong niya na akala naman niya, masasagot ko e kinontrol nga niya ng usok ang katawan ko kaya hindi ako makapagsalita!
Mamuti na ang mata niya, hindi ko siya sasagutin!
"You can't be a sorcerer, mortal . . ." Ibinaba niya ang tingin sa labi ko at hinawakan niya iyon ng hinlalaki.
Pilit kong iniwas ang mukha ko. Ayokong hawakan niya 'ko, naiirita ako sa kanya.
"No fae can be that powerful, but Cabal's sorcerers can. Yet, you're no greater than those magic users."
Wala akong pakialam sa sinasabi niya! Sila lang naman ang namomroblema sa mga 'to, hindi naman ito ang ipinunta ko rito sa Prios! Napakasama talaga ng ugali niya kahit na kailan!
"You're still weak, mortal."
"Mmm!"
Mas dumiin ang pagkakapikit nang bigla niyang ilapat ang labi niya sa labi ko.
Gusto ko na talagang lumaban pero hindi ko magawa dahil sa mga usok sa katawan ko.
Nanlaking bigla ang mga mata ko nang maramdaman ko na naman ang mainit na bagay sa bibig ko—kaparehong init noong hinalikan ko si Mr. Phillips habang natutulog siya. 'Yong nakakapaso sa loob ng bibig.
Dahan-dahang lumayo sa akin si Edric at parehong nakabuka ang bibig namin nang magharap ulit kaming dalawa.
May itim na usok na nagdudugtong sa mga bibig namin na lalong ikinalaki ng mga mata ko.
Shit! Ano'ng ginawa niya sa 'kin?!
Hingal na hingal akong tiningnan ang mga pulang mata niya at—hindi na pula ang isa niyang mata. Kulay asul na ang kanan.
Mabilis siyang lumayo sa akin at punas-punas niya ang bibig. Parang sinisinop ang usok mula roon. Naglaho rin agad ang mainit na pakiramdam sa bibig ko paglayo niya.
"Ah!" Napatili na lang ako nang bumagsak ako sa tiles na sahig ng restroom at malaya na akong nakakagalaw. Napatingala agad ako sa kanya mula sa pagkakasubsob ko. "Napakasama talaga ng ugali mo!"
Hindi siya sumagot. Kunot na kunot lang ang noo niya nang titigan ako. Yung tingin niya, parang ako pa ang may ginawang masama samantalang siya nga itong h-in-ostage ako rito sa restroom!
"Chancey!"
Napatingin agad ako sa may pintuan at doon ko lang na-realize na kaya pala tahimik kanina pa, hinaharangan pala ng itim na usok ang entrance ng restroom.
"Mr. Phillips!"
Napaatras agad ako sa kinalulugmukan ko nang biglang may nabasag sa mga salamin. Nagtakip pa ako ng mukha para makaiwas sa mga bubog.
"How dare you?!"
Pag-alis ko ng takip sa mukha, isang sink ang nabasag at nakadiin na si Edric sa salaming puno ng crack habang sinasakal ni Mr. Phillips.
Ayoko na rito. Gusto ko nang bumalik sa Cabin.
Pinalilibutan ng itim na usok sa katawan si Edric, pero alam kong kaya niyang makatakas dahil doon. Ang hindi ko lang malaman ay kung bakit hindi niya magawa.
"Get your hands off me, Weak!"
Hindi ko na sila nakita pa nang biglang humarang ang maputing bagay sa harapan ko.
"Awooo!" Napuno ang buong restroom ng alulong ng isang aso.
"Poi?" Napaiwas ako nang bahagya nang itulak-tulak niya ng nguso ang braso ko—inuutusan yata akong tumayo, o hindi. Inaayos pala niya ang manggas ng damit kong nakababa.
Mabilis naman akong tumayo, at parang lalo pa siyang lumaki. Halos kasingtaas ko na siya.
"Awooo!" Bahagya siyang bumaba at nilingon ako. Gaya ng ginagawa niya noon kapag kailangan ko nang sumakay sa kanya kasi pupunta kami sa gubat kasama si Mama.
Napatingin ako kina Mr. Phillips at Edric na nasisira na ang dingding ng restroom dahil sa paglalaban nila.
"Awooo!"
Kahit ayokong iwan si Mr. Phillips, gusto ko na talagang umalis dito. Hindi ko na kayang magtagal dito sa Prios.
Sumakay ako kay Poi at hindi ko na nilingon pa si Mr. Phillips paglabas namin.
***
Buong buhay ko, naniwala akong wala namang espesyal sa 'kin. Kasi kung espesyal sana ako, e di sana hindi ako namroblema sa buhay ko. Pinalayas kami sa dating bahay, namatay ang parents ko, kinailangan kong maghanap ng matinong trabaho—at wala akong mahanap na matinong trabaho. Kinailangan kong magpalipat-lipat ng apartment kasi palagi ang napapalayas.
Kung special ba 'ko, mararanasan ko ba 'yon? E di sana kung special ako, buhay-Paris Hilton ako at hindi buhay-poor girl.
Ibinalik ako ni Poi sa Cabin. Gaya nang dati, sinakyan ko pa rin siya para makauwi ako. Hindi ko alam na kaya pala niyang palakihin ang asong katawan niya. Akala ko, maglalakad na naman ako sa kalagitnaan ng gabi.
Bumaba ako sa may verandah pero hinawakan ko agad ang tainga niya para hindi niya ako iwan.
Wala akong kasama sa loob, natatakot pa rin ako sa nangyari sa Prios at kay Edric.
"Dahil ba kay Edric kaya hindi kayo nakapasok kanina sa restroom?" malungkot na tanong ko.
Pumuwesto sa likuran ko si Poi at doon siya umupo. Iniyakap niya ang buntot niya sa may baywang ko at hinayaan niya akong gawin siyang unan at higaan.
Siya lang naman ang alaga ni Mama na nagagawa kong higaan noong bata pa ako kaya nakaka-miss na nagagawa ko na ulit iyon kahit malaki na ako. Lalo pa, ang tagal ko ring nawala sa gubat.
"Poi, bakit lahat sila pinaaalis ako?" tanong ko sa kanya habang hinihimas-himas ko ang balahibo ng buntot niyang nasa baywang ko. Ang sarap yakapin ni Poi, ang fluffy niya. Puwede ko ba siyang itago sa Cabin?
"Iniwan pala natin si Mr. Phillips doon sa Prios. Okay lang kaya siya?"
Mabilis kong kinapa ang bulsa ng slacks ko. Hindi naman nawala ang phone ko kaya tiningnan ko agad kung maayos pa ba.
Mukha ngang maganda ang quality ng phone, okay pa rin kahit hindi ako okay kanina. Tinawagan ko agad si Lance.
"Miss Chancey?"
"Lance, naiwan ko si Mr. Phillips si Prios."
"Alam ko, Miss Chancey. May gulo sa building dahil sa kanya at sa isa sa mga Vanderberg."
Napapikit agad ako at ito na naman ang malalakas na kalabog sa dibdib kong hindi ko alam kung paano aawatin.
Kasalanan ko 'yon. Kasalanan ko talaga 'yon.
"Okay lang ba siya?" malungkot kong tanong.
"Walang ibang pamilyang nadamay kaya hindi ito magiging problema ng board. Pero nagpasya ang pamilya na suspindehin ang mga Vanderberg at si Mr. Phillips sa bawat pulong ng pamilya habang inaayos pa ang kaso ninyo."
"Pero paano ang trabaho niya?"
"Si Helene ang inatasang aayos ng problema sa pamilya, Miss Chancey. Tuloy pa rin ang trabaho ng mga kompanya sa ilalim ng Prios Holdings, pero lahat ng trabaho ng chairman at ng mga Vanderberg ay ihihinto muna pansamantala habang hindi pa naaayos ang tungkol dito. Pag-uusapan pa ng board kung kailan sila ibabalik."
Ang lalim ng buntonghininga ko dahil sa sinabi ni Lance.
Pati tuloy si Mr. Phillips, suspended na. Ilang araw na nga siyang hindi binibigyan ng trabaho; ngayon, suspendido na agad siya.
"Lance, paano ako? Sekretarya pa rin ako ni Mr. Phillips?"
"Base sa kontrata na kailangang sundin ng Prios, may trabaho pa rin kayo, at kailangan pa rin ninyong magtrabaho. Maibibigay pa rin sa inyo ang mga dokumentong kailangang asikasuhin ni Mr. Phillips bilang chairman. Hindi nga lang siya puwedeng pumunta sa Prios hangga't walang sinasabi ang board."
"So, kung bawal siya sa Prios, sino'ng magdadala diyan ng mga document?"
"Bilang sekretarya ng chairman, tungkulin n'yo 'yon."
Ano ba 'yan? Suspended siya tapos kailangan ko pa ring bumalik doon para sa trabaho.
"Narito na si Mr. Phillips, Miss Chancey. Ihahatid ko na lang siya sa may iron gate ng Helderiet pag-uwi."
"Sige," malungkot kong sagot. "Susunduin ko na lang siya sa may gate. Bye."
Ang lalim ng buntonghininga ko at natulala na lang ako sa may damuhan.
"Poi, susunduin ko lang si Mr. Phillips sa may gate." Tumayo na 'ko at hinawakan sa ulo ang malaking aso sa tabi ko. "Dito ka lang muna, ha. Huwag ka munang aalis."
"Awooo!" Umalulong lang siya. Akala ko, sagot niya 'yon sa utos ko, pero pagharap ko sa daanan ko papuntang gate, may dalawang malaking itim na aso na agad ang nakaabang sa akin at dalawang malaking itim na ibon sa ibabaw nila.
Nginitian ko lang nang matipid si Poi na nakaupo pa rin sa may verandah ng mansiyon.
Nilakad ko na ang daan papuntang iron gate habang ginuguwardiyahan ng dalawang malaking itim na aso sa magkabilang tabi at dalawang malaking itim na ibon naman sa ibabaw.
Sana naman hindi malala ang lagay ni Mr. Phillips. Kahit din naman gusto ko siyang tulungan kanina, hindi ko magagawa. Hindi ko nga nalabanan si Edric matapos niyang kontrolin ang katawan ko gamit ang usok niya.
Pero nagtataka talaga ako sa mata niyang naging asul. Si Mr. Phillips, gold kasi ang mata. Nagiging pula lang kapag nakakainom siya ng dugo ng tao. Pero hindi naman niya ininom ang dugo ko. Di kaya may sakit 'yon si Edric?
Ayoko pa rin ng ginawa niya pero . . . akala ko talaga papatayin niya 'ko o kaya gagawa pa ng mas malala kaysa inaasahan ko. Hindi ko talaga makalimutan ang itsura niya noong lumayo siya sa 'kin. Ewan ko ba, para siyang natatakot na nagtataka. O baka imagination ko lang 'yon.
Mabilis lang ang biyahe mula Prios hanggang iron gate. Binilisan ko na rin ang paglalakad para maabutan ko si Mr. Phillips doon.
Lalo lang akong pinakakaba ng katahimikan sa paligid. Nate-tense ako. Mabuti sana kung wala akong iniwang gulo sa Prios e. Kasalanan talaga 'to ng Edric na 'yon. Wala talaga siyang magawang maganda.
Hindi na nakalampas sa sign board ang mga kasama kong aso at ibon. Kahit yung mga alitaptap. Higit sampung metro pa iyon sa iron gate. Mag-isa na lang tuloy akong lumabas kahit madilim.
Alam kong mabilis lang ang biyahe mula Prios hanggang Helderiet, pero wala pa rin sina Lance.
"Nasaan na ba sila?"
Nagpalakad-lakad na lang ako sa may tapat ng iron gate habang himas-himas ang braso kong naninindig ang balahibo.
Ayoko na talagang um-attend ng mga meeting sa Prios. Hindi yata puwedeng walang gulo kapag pumupunta kami. Kaysa ma-stress kaming pare-pareho, huwag na lang talaga kaming um-attend para peace na lang lahat.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko sa dulo ng kalsada ang sedan na minamaneho ni Lance.
"Dito!" Kinaway ko agad ang kamay ko para sabihing nasa gate na ako.
Huminto ang sasakyan sa harapan mismo ng gate at nauna nang bumaba si Lance para buksan ang pinto sa back seat.
"Mr. Phillips!" Tinakbo ko agad siya at tiningnan ang ayos niya.
Wala na ang coat niya. Naiwan na lang ang itim niyang long sleeves at bukas pa ang dalawang butones sa itaas. Kahit yung necktie niya, wala na rin.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko habang tinitingnan kung may malalang sugat ba siyang natamo dahil sa away nila ni Edric.
"I'm fine," malamig niyang tugon at hindi man lang ako tiningnan. "Lance."
"Yes, Mr. Phillips?"
"Tell Willis to come tomorrow morning. I need to talk to him."
"As you wish, Mr. Phillips." Pagsulyap ko kay Lance, yumuko lang siya sa 'kin. "Have a good night, Miss Chancey."
Hindi ko makita ang good sa night, pero tumango lang ako kay Lance bilang sagot. Nakalingon lang ako sa kanya nang kunin ni Mr. Phillips ang kunin niya ang kanang braso ko.
Malakas na ang kabog ng dibdib ko, pero trumiple pa 'yon pagpasok namin sa iron gate. Pakiramdam ko, mas malala pa ang nangyari pag-alis namin ni Poi.
"Mr. Phillips, may mga sugat ka ba?" natatakot kong tanong kasi hindi siya umiimik. "Mr. Phillips . . ."
"I will never let this happen again."
"Hoy, sandali!" Nagulat na lang ako nang bigla niya akong binuhat. Hinampas na naman ako ng malakas na hangin at halos lahat ng buhok ko, napunta na sa mukha ko.
Ibinaba na rin niya ako at doon ko lang nahawi ang buhok ko. Pagtingin ko sa paligid, nasa verandah na pala kami.
Nagagawa pala niya 'to, e di sana hindi na niya 'ko pinapagod sa paglalakad.
Tiningnan ko si Poi na hindi pa rin bumabalik sa pagiging tao niya. Nakatayo lang siya at nakatingin sa amin.
"Awooo!" Malakas na alulong lang ang ginawa niya at naglakad na papalapit sa direksiyon kung nasaan kami. Huminto siya sa harapan ko at idinampi ang nguso niya sa kamay kong may suot na singsing. Umikot siya sa puwesto at umalulong na naman saka mabilis na tumakbo paalis, papunta sa kabilang panig ng gubat.
Hindi man lang siya nagpaalam. O baka 'yon na yung paalam niya. Kaso puwede naman siyang maging tao, hindi man lang niya ginawa.
"Mr. Phillips," pagtawag ko na naman pagtingin ko sa kanya.
Seryoso lang ang tingin niya sa 'kin. Ginto pa rin naman ang mga mata niya, pero ganoon kasi ang aura ng tingin niya kapag pula rin ang mga mata niya.
Ewan ko ba pero natatakot ako. Kaparehong takot na naramdaman ko kay Edric. Ako na ang nag-iwas ng tingin.
Pumasok na kami sa loob ng mansiyon. Gusto kong mag-usisa ng nangyari sa Prios pero hindi ko alam kung tama bang magtanong agad.
Nag-stay siya sa living room kaya tumabi na lang ako sa kanya para tingnan kung may hindi ba ako nakitang sugat sa kanya na dahilan ng pananahimik niya.
"Mr. Phillips, may masakit ba sa katawan mo?" Hahawakan ko na sana ang pisngi niya pero hinatak niya agad ang kamay ko. At hindi talaga ako masanay-sanay sa lakas niya dahil para lang akong manikang hinatak niya nang walang kahira-hirap.
Saglit na naputol ang paghinga ko nang magulat akong nasa kandungan na naman niya ako.
"Ah—!" Napasinghap agad ako kasi bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. Klase ng higpit na hindi na ako makahinga nang maayos. "Mr. Phillips . . . hi-hindi ako . . . ma-makahahinga." Marahan ko pang tinapik ang balikat niya para tigilan ang ginagawa niya.
Nagbuntonghininga lang siya at niluwagan na rin nang bahagya ang pagkakayakap sa akin, pero hindi talaga siya bumitiw. Isinubsob lang niya ang mukha niya sa may leeg ko.
Inaasahan kong kakagatin niya 'ko, pero hindi. Wala akong ibang maramdaman kundi mainit lang niyang paghinga.
Kating-kati akong magtanong kung anong nangyari pag-alis namin ni Poi sa Prios kaso mukhang wala sa mood si Mr. Phillips.
"Chancey . . ."
"Ha?"
"Promise me, you'll never leave me."
Ano raw? Bakit naman?
"Anong sinabi ng taga-Prios sa 'yo?"
"Just promise me you'll stay."
Bakit ba ganito ang mga tanong niya? Ano bang nangyari sa Prios? Ano ba ang sinabi sa kanya roon sa Prios para magkaganito siya?
"Mr. Phillips . . . ano'ng sinabi nila?"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top