xxx. Vanderberg's Revenge

Si Mr. Phillips, may mga pagkakataon talagang nagiging conceited, may pagkakataong nagiging seloso. Pero feeling ko, hindi lang talaga niya gusto si Poi.

Gusto ko sanang panooring sumunod si Poi sa amin kasi naka-husky mode siya at sumasabay lang sa sasakyan gawa ng pagtakbo. At dahil hindi naman ma-traffic sa kalsadang dinaanan namin, nakahabol siya. Minsan pa, nauuna siya at hihinto o babagal na lang kapag napapansing bumabagal din si Lance sa pagmamaneho, lalo na sa mga likuan. Kaso, si Mr. Phillips, ayaw talaga ako padikitin sa may bintana. Ang laki siguro ng galit nito kay Poi.

Mabilis kaming nakarating sa Prios. Paglubog ng araw, naroon na kami.

Pagbaba ko ng sasakyan, inalalayan agad ako ni Lance. Nauna sa amin si Poi paakyat sa hagdan ng entrance ng building at pagtapak na pagtapak niya sa unang baitang, lumusong ang ulo niya sa hangin at dahan-dahan siyang naging tao at nakatindig nang buo patayo ang katawan niya sa ikatlong baitang.

Sanay na akong nagta-transform ang mga itim na aso roon sa Cabin, pero iba talaga si Poi. Siguro kasi puti siya at hindi siya taong putik. Ang magical talaga niyang tingnan.

"Chancey, where are you going?"

"Ha?" Nilingon ko agad si Mr. Phillips na nakatayo sa may pinto ng sasakyan. Napatingin naman ako sa kinatatayuan ko. Nasa ibaba na ako ng hagdan paakyat ng entrance. Ibinalik ko ang tingin ko kay Mr. Phillips.

Shocks, hindi ko napansin, nakasunod pala ako kay Poi.

Bagsak na bagsak ang mukha ni Mr. Phillips nang lapitan ako. Napaurong ako ng mukha dahil mukhang bad mood siya.

"Stay with me, alright?" utos niya na lalo kong ikinasimangot.

Yung tono niya, parang may ginawa akong masama e.

Kinuha niya ang kamay ko at inakay na ako papasok sa building.

Feeling ko talaga, may something sa bawat meeting sa Prios na pinalalabas yung aburido mode ni Mr. Phillips e. Ganito rin siya last time. At sure naman akong wala akong ginawang masama this time. Moody lang talaga siya.

Sinalubong na naman kami ng mga nakahilerang babae't lalaking naka-suit pagpasok sa magarang building.

Kapag talaga pumapasok ako sa Prios, nanliliit ako. Mukha kasi talagang mamahalin lahat.

Naabutan namin si Poi sa may elevator area.

At mas hunk siyang tingnan sa Prios kaysa sa Helderiet Woods. Ewan ko ba. Parang nire-reflect ng lahat ng glass sa paligid ang katawan niya. Si Mr. Phillips, hindi ko makita e. Siya, nakikita ko.

Kumikinang sa liwanag ng ceiling lamps yung silver hair niya, tapos ang dashing pang titigan ng blue eyes niya. Mukha talaga siyang yayamanin sa white tux niya, nakakaloka. Kung wala lang si Mr. Phillips, parang gusto kong magkaroon ng boss na gaya niya. Parang ang bait-bait kasi niya kahit kapag nagsi-smile siya, para talaga siyang nagpapa-cute.

"What are you waiting for?" masungit namang tanong ni Mr. Phillips paghinto namin sa tapat ng mga elevator. Pagtingala ko sa kanya, nakataas lang ang kilay niya kay Poi.

"Narito ako para kay Chancey." Inilahad naman ni Poi ang kamay niya sa 'kin.

"She doesn't need you here."

"Sabi ng hindi man lang naipagtanggol siya sa pamilya."

Ding!

Napatingin agad ako sa floor indicator saka sa pabukas na pinto ng elevator pagkatapos n'on.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa kasi wala pang pumapasok.

Ang ine-expect ko, magkakampi silang dalawa, hindi magkaaway. Kung bakit naman kasi ang wa-war freak ng mga taga-Prios.

"Huy, yung el—"

Magkasabay pa nilang pinigilan ng kamay ang magkabilang panel ng elevator at hinila agad nila iyon pabukas.

Nagpalipat-lipat na naman ako ng tingin sa kanilang dalawa. Kulang na lang ng lightning sparks yung mga tinginan nila, nakakaloka.

"Get inside," seryosong utos ni Mr. Phillips kaya nauna na ako sa loob habang nagdududang nakatingin sa kanilang dalawa.

Ano bang history nilang dalawa maliban sa magkalaban ang mga bampira at mga shifter?

Si Bin, okay naman e. Pero si Poi?

Pumuwesto sa kaliwa ko si Mr. Phillips na pinindot ang floor paitaas. Si Poi, sumandal naman sa kanang dingding ng elevator. Nagkrus siya ng mga braso at nginitian kami na parang may ginawa na naman siyang hindi nakakatuwa.

"Gusto ko talaga kung paano ginawa ang building na 'to ng Prios para sa inyong mga bampira," nakangising sinabi ni Poi. Tiningnan naman niya ako at itinuro ng ulo ang pinto ng elevator. "Hindi ka nagtakang hindi mo siya nakikita rito sa elevator noong unang punta mo rito?"

Napangiwi agad ako. "Sa Jagermeister ko siya unang nakasabay sa elevator. Wala rin siyang reflection."

"Chancey," pag-awat sa akin ni Mr. Phillips, at hinawakan na ako sa balikat para idikit ako sa katawan niya.

"Hindi sila makakalaban sa loob ng elevators. May halong silver ang materyales dito kaya hindi rin sila magre-reflect."

Ay, talaga?

"Hindi mo man lang ipinaliwanag kay Chancey kung bakit ganito ang building ng Prios, Donovan?"

"Why would I?"

"Pinakamagaling mangaso sa gubat ang mga Dalca, Donovan. Kung hindi lang nakapangasawa ng nirerespetong tao si Quirine, matagal nang naubos ang lahi ninyong mga bampira. Huwag mong isiping hindi kayang mangaso ni Chancey dahil lang natutuwa siya sa 'yo. Ilang uri ko na ang nahuli niya, baka lang hindi mo nalalaman."

"Poi . . ." malungkot na pagtawag ko sa kanya. Alaga kasi siya ni Mama. At alam kong bago pa ako ipanganak, magkasama na sila. Lumaki akong kasama si Poi, at nawala lang ako sa gubat nang magtagal ako sa bayan para mag-aral at sa siyudad para magtrabaho. Kahit siya, alam niyang nangangaso kami sa gubat ni Mama dahil siya ang madalas maghatid sa akin noon sa loob at labas ng gubat.

"Chancey needs protection. She doesn't need to hunt," mariing sinabi ni Mr. Phillips, at nakita ko agad ang kamay niya sa balikat kong nagsipaghabaan na ang mga kuko.

"Mr. Phillips!" malakas kong bulong sa kanya. Tinapik ko agad siya sa dibdib para umawat. "Behave ka nga!"

Natawa lang si Poi. Paglingon ko sa kanya, umiiling lang siya at nakatingala lang sa floor indicator.

Mukhang chill lang naman si Poi, si Mr. Phillips ang hot e.

Bumukas na naman ang elevator at itinulak ko na si Mr. Phillips para mauna na kaming lumabas.

"Ano bang ginagawa mo? Itago mo nga 'yang mga kuko mo," utos ko sa kanya habang pinapalo ang kamay niyang naglalabasan pa ang mga ugat.

Mahaba ang hallway papuntang conference room, at mukhang walang silver sa paligid gaya ng sinabi ni Poi kasi nakikita ko ang reflection ni Mr. Phillips sa dark glass wall.

Yung kaba ko para sa meeting, naging kaba na para kay Poi. Feeling ko, aawayin siya ng lahat sa loob e. Kung si Mr. Phillips ngang mabait na, nagagalit sa kanya. Paano pa kaya yung mga halimaw roon?

Natatakot ako. Kung alam ko lang talaga, nagdala na lang din sana ako ng pana at palaso para naman tututukan ko na lang lahat ng mang-aaway sa amin.

Nakasunod si Poi sa amin at nararamdaman ko ang tensiyon kay Mr. Phillips.

Hindi ko kayang itulak ang pinto ng conference room na gawa sa kung anong mabigat na metal na bawal pa yata sa mahihinang nilalang kaya hinayaan ko nang si Mr. Phillips ang magbukas n'on para sa 'kin.

Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa loob, nanampal na ang lamig sa mukha. Makapal naman ang suot ko, kaso sumisigaw ang air-con na sana nag-jacket na lang ako.

Hindi marurunong lumingon ang mga entity sa loob ng conference room kaya tuloy-tuloy lang kami ng lakad pababa sa dulong upuan sa harap sa left side ng mahabang mesa.

Puti ang loob ng conference room, halos lahat nga, puti. Sa sama ng ugali ng mga taga-Prios, ang ironic na white ang napili nilang kulay ng interior.

Si Helene, nakita ko na namang naka-white habang pababa kami, pero paglingon ko sa bandang entrance ng conference room, natulala na lang ako roon sa pababa sa puwesto namin.

Nilingon ko si Poi at segundo pa ang lumipas bago ko namalayang nakanganga na pala ako sa kanya.

Lalo siyang kuminang sa loob gawa ng interior. Ang weird. Kapag nagtabi sila ni Helene, mahihiya siguro silang lahat kasi ang sasama ng ugali nila.

"Poi?"

"Poi . . ."

Sunod-sunod ang pagtawag nila sa pangalan niya habang pababa siya sa puwesto namin. Umurong agad ako sa may dingding katabi ng mga nakatulalang sekretarya doon.

Ang inaasahan ko pa naman, magkakasigawan sila at sasabihing "Palayasin n'yo ang nilalang na 'yan!" kasi gano'n ang ginawa nila sa 'kin last time, pero pagharap ni Poi sa kanila pagtapak niya sa harapan, nagsipag-iwas sila ng tingin na parang nahihiya silang masalubong ang tingin niya. Ang hindi lang umimik ay yung mga bampira sa huling row.

Bakit gano'n? Shifter si Poi at kaaway raw sila ng pamilya pero bakit parang natatakot sila sa kanya?

"Poi," nag-aalalang pagtawag ni Helene sa kanya na nasa stage nang maabutan namin. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Alam mo kung bakit ako narito, Helene." Naglakad na siya papasok sa unahang mesa at naupo sa gitna n'on na blangko talaga noong unang punta ko.

Natahimik silang lahat. Duda ako kung business pa rin ba ang topic nila kasi wala nga naman daw problema sa Prios mismo. Maganda naman kasi ang status nila, kahit yung mga na-check kong documents noong nakaraan, so tingin ko talaga, family issues ang topic ngayon.

Dinig na dinig sa mic ang buntonghininga ni Helene habang tinitingnan ang buong board.

Paano kaya nila hindi napapaimik itong katabi kong mga sekretarya? Sana ganito rin ako para patay-malisya na lang ako sa lahat kapag nagpapatayan na sila.

"What are you doing here, beast?" Napatingin agad ako sa itaas at nakita ko agad ang pagmumukha ni Edric na nakatingin lang kay Poi. "I thought you cut your ties with the family."

Hindi sumagot si Poi. Sinilip ko ang mukha niya at parang wala siyang naririnig kahit malakas ang boses ni Edric.

"Start," tanging utos lang ni Poi kay Helene.

Nate-tense tuloy ako. Ang behave nilang lahat, mas gusto ko pang nagwawala ang kahit isa sa kanila para alam kong may conflict talaga e.

"This is a family matter, everyone," panimula ni Helene. "The First's Testament keeps the armistice effective between families for almost a century. However, Mr. Phillips' now-wife is not a part of any families under the Prios' Armistice."

Ako pala ang topic.

Bakit ba parang big deal na big deal sa kanila ang existence ko e asawa lang naman ako? Mabuti sana kung gagawin akong shareholder, e hindi naman.

"You better consider killing the mortal, Mr. Phillips," suggestion ng isa. At as if namang papayag ako. Sila kaya ang mamatay?

"We're still under consideration of taking the Dalca's child, Mr. Siegfred. She's still a fae."

"But no fae can drain out vampire's ability, Helene. Even that Quirine couldn't do that. We need to follow the policy."

"All we have to do is to classify her kind."

"She's not a human and too powerful for a fae, that's we're sure of."

Nagtikom ng bibig si Helene at napayuko na lang. Mukhang stressed na rin siya kahit hindi pa umiinit ang usapan.

Grabe, nahihiya na ako. Para talagang maling-mali ang existence ko para sa kanila.

"Any opinion, Poi?" sumusukong tanong ni Helene. "I know you have something in mind."

"Bakit muna kailangang kuwestiyunin ang katayuan ni Chancey rito?" tanong ni Poi.

"She has a blood of a Dalca, Poi. That's the matter," sagot ni Helene.

Nahihilo na ako kalilipat ng tingin ko sa kanila. Pero bakit nga naman kasi parang kasalanan kong anak ako ng mama ko?

"At ano ngayon kung Dalca siya?" tanong ulit ni Poi. "Natatakot ba kayong may kunin siya sa pamilya gaya ng ginawa ninyo kay Quirine?"

"Poi," pag-awat ni Helene sa kanya.

"Kung babawiin ng anak ng bantay ng gubat ang pagmamay-ari nila, bakit ninyo pipigilan?"

"Enough!" sigaw ng isang nasa likod. Tumayo yung matandang bampirang katabi ni Morticia. "How dare you talk like that in front of us, beast?!"

"Ah." Tumawa naman nang mahina si Poi at tumayo na saka humarap sa sumisigaw sa bandang itaas. "Anong karapatan ko? Gusto ko ring itanong kung anong karapatan ng mga Vanderberg na nakawin ang lupang para sa mga Dalca?"

Sabay-sabay na nagtayuan ang mga bampira sa itaas kaya napakapit agad ako sa puting kurtinang nasa likuran ko para magtago sana.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Diyos ko naman, hindi talaga sila nakakatagal nang hindi magpapatayan e.

"Shit—"

Bigla na namang kumalat ang mga itim na usok nang matunaw ang mga bampira sa likuran.

"Chancey!"

Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Sinundan ko ang patutunguhan ng mga usok.

"Mr. Phillips!"

"Chancey, take my hand!"

"Chancey!"

Huli kong nakita si Poi na naging puting aso na naman at tumakbo papalapit sa akin.

Nagulat na lang ako nang bigla akong binalot ng itim na usok.

Naramdaman ko na lang na bigla akong umangat sa sahig at dumilim ang lahat.

Para akong hindi makahinga, may kung anong sumasakal sa leeg ko.

Wala na akong marinig na kahit ano. Ano nang nangyayari?

"Ah!"

Unti-unting lumiwanag sa paligid at naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin pasandal sa matigas na bagay.

"Sh—" Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita kong unti-unting nabubuo sa harapan ko si Edric mula sa itim na usok.

Saglit na huminto ang paghinga ko at bigla na lang akong inatake ng malalakas na tibok ng puso dahil sa sobrang takot.

"You did something unforgiveable, mortal."

Gusto kong bumagsak na lang sa sobrang kaba habang nakatingin sa pulang mga mata niya.

"I really want to know what kind of mortal are you."

Ayoko ng ngisi niya. Ayoko talaga ng ngisi niya.

"Mr. Phillips! Tulooong!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top