xxvi. Dalca's Descent

Unang beses kong naabutang galing si Mr. Phillips sa meeting nang siya lang mag-isa mula nang mag-stay ako sa Cabin. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko, parang na-miss ko si Papa kapag galing siya sa bayan at nakauwi na siya.

Angkla-angkla ko ang kamay ko sa braso niya habang paakyat kami sa third floor. Hindi na siya amoy-vanilla. Malamang dahil sa suit. Amoy-aquatic na cologne siya. Amoy-lalaking bagong ligo. Di ko tuloy maiwasang sumimple ng singhot sa manggas ng suit niya habang naglalakad kami.

"Mr. Phillips, anong pinag-usapan n'yo sa meeting kanina? Patatalsikin ka na raw ba sa Prios?"

"The whole Prios is perfectly fine, board members have no valid reason to remove me on my position. However, they asked me to kill you-or if that is not possible, I need to throw you out of Helderiet Woods."

Eh?

Ayan na naman. Kung hindi ako gustong patayin, gusto na naman akong palayasin. Wala talaga akong mapaglugaran dito sa mundo e.

"Sabi mo, inaako ako ni Helene, di ba? Ibig sabihin, fae na ako?" Sinilip ko pa ang mukha ni Mr. Phillips nang nakangisi.

"Unfortunately, they didn't buy Helene's reason. No fae can do what you did to Edric. That was unacceptable for them."

"Pero secretary mo lang naman ako, di ba?"

"The family knew you have Ruena's ring. That means we're married. You are my wife and they already know that. They still don't want you here or anywhere related to Prios."

"Oo, sige, naroon na nga tayo. E hindi ko naman nanakawin yung Prios sa inyo, di ba? Tagaluto nga lang ako rito ng breakfast saka dinner mo. Bakit kung makapagpalayas sila sa 'kin, parang kaaway ako."

Itong pamilya ni Mr. Phillips, hindi ko alam kung ano bang issue sa akin. Kailangan ko lang ng bahay, trabaho, pantustos sa pangangailangan ko. Iyon lang. Hindi na ako maghahangad ng kompanya na malaki. Pero bakit kung magwala naman sila, parang nanakawin ko lahat ng pagmamay-ari nila?

"Chancey, that is the case. It's not about your intention. It's about what you are."

"E ano nga ba kasing problema ko sa kanila?"

"The Dalcas are respected nature guardians, we're on that point. Yet, even the Great Fae know that the Dalcas were overpowered inside their territory."

"Pero wala akong territory maliban dito sa Cabin."

"Precisely. You are here. And this is already yours."

Sabay kaming huminto pagtapak namin sa harap ng pintuan niya.

"I don't want to bring this news to you but the family planned to throw your family out of Helderiet's lone town."

Umawang agad ang bibig ko habang sinusundan ng tingin si Mr. Phillips pagbukas niya ng pintuan.

Ano'ng sinabi niya?

Ibig sabihin . . . yung pamilya ni Mr. Phillips . . . sila ang nagpalayas sa amin sa dati naming bahay?

"Mr. Phillips, sila ba? Sila ang nagpalayas sa amin?" mabigat na tanong ko sa kanya paglapit ko.

Bigla akong nahirapang lumunok habang pinipigilan kong huwag maluha.

"Mr. Phillips . . . bakit . . .?"

Ang lalim ng pagbuga niya ng hininga kaya lalo akong nag-alala. Kinuha niya ang kamay ko at nanghihina akong naupo sa kama sa tabi niya.

Pamilya niya ang nagpalayas sa amin sa bahay noon?

Bakit? Anong kasalanan namin sa kanila?

"Chancey, trust me, I want to know the truth as well."

"Yung pamilya mo . . ."

"Listen carefully." Nagbuntonghininga muna siya bago ako tiningnan sa mga mata. Ayoko ng nakikita ko. Hindi ko gusto ang timpla ng gintong mata niya ngayon. "I got no problem with the family as the Prios' chairman, but they wanted you out of Helderiet. But I can't do that. Once I let go of you, they will kill you. Once they kill you, I will die. I need you here, I need you to stay with me. I defended that part because of my mother's ring."

Tumango naman ako habang nakatitig lang sa kanya.

"Now, this is the case . . ."

Kinakabahan ako. Ano ba talaga ang gusto nilang palabasin?

"Quirine Dalca was the last of her kind. Marius was the only Helderiet living. And she was with Marius long before you were born."

Saglit akong napapikit. Iniisip kong mabuti ang sinabi niya.

Si Mama . . . at si Marius . . .

Bigla kong naalala ang ipinakita ng shifter noon sa akin na nangyari noong pinatay ni Edric si Marius habang tumatakas si Mama.

"Si Mama at si Marius ba-"

"I don't want to assume, Chancey, but the family thought that Quirine was trying to steal the Helderiet's land using Marius."

"Paano nanakawin ng mama ko ang Helderiet?!" galit ko nang tanong sa kanya.

Walang kasalanan ang mama ko! Kami ang pinalayas nila! Hindi kasinlaki ng pamilya nila ang pamilya ko, pero bakit ba nila kami pinagtatabuyan?

"Chancey, the Vanderbergs are greedy. My family is worse than you can imagine."

"Alam ko! Kung may worst pa sa worst, pamilya mo na 'yon! Pamilya ba ang tawag mo sa Edric na 'yon na halos patayin ka na? Na siya nga ang pumugot kay Marius tapos isisisi nila sa Mama ko, bakit? Hindi ko makita yung logic, Mr. Phillips! Bakit nila isisisi sa mama ko ang pagkamatay ng isa sa inyo samantalang sila rin naman ang pumatay sa sarili nilang kadugo?"

"We're on it, alright? I got your point, Chancey. Calm yourself down."

Paano ako kakalma? Pinalalayas ako. Pinalayas nila kami. Pinalayas nila ang pamilya ko sa sarili naming lupa, bakit?

"Mr. Phillips, ang gusto kong malaman, bakit ba kami pinag-iinitan ng pamilya mo? Ano ba'ng kasalanan ng mama ko sa inyo para halos isumpa kami at palayasin dito?"

Napahimas siya ng sentido at nagbuntonghininga na naman.

Kung nasi-stress siya sa topic namin, puwes mas nasi-stress ako. Kasalanan pala nila kaya nawalan kami ng tirahan tapos gusto nilang mag-chill lang ako? Kami na ang napalayas, kasalanan pa namin? Bakit?

"Chancey, I am respecting the Dalcas. We are respecting the Dalcas."

"O, tapos?" naiirita kong tanong.

"The Dalcas are too powerful and dominant, Chancey. And we don't keep them inside the family. Even Helene couldn't keep the Dalcas because of their autonomy. Either we kill them or they control us. Hawak ng mga Dalca ang kontrol sa mga shifter, at ayaw ng pamilya ng kalaban sa kapangyarihan. Ang mga halimaw sa labas tuwing gabi, kayang-kaya nilang ubusin ang pamilya ko sa isang kumpas mo lang ."

Ang lalim ng buga ko ng hangin at napahilamos na lang ako ng mukha.

"Mr. Phillips, wala akong pakialam sa kapangyarihan!" naiinis ko nang sinabi sa kanya. "Ang kailangan ko, bahay, trabaho, allowance! Ipaliwanag mo 'yan sa pamilya mo!"

"Chancey, they just don't want you here in Helderiet. You can go wherever you want, but not here. They already assume that you will control the shifters sooner or later-and you already did, actually. They just don't know about that."

"Pero walang ginagawang masama yung mga shifter. Pamilya mo ang masama rito, okay? Ako nasi-stress na 'ko, ha. Kapag ako, nainis, gagawin ko talaga 'yang sinasabi mo. Dadalhin ko sa labas yung mga monster dito tapos iisa-isahin ko 'yang mga taga-Prios pati yung mga bampirang kadugo mo."

"Chancey, that's exact the reason why they want you out. You want your revenge, you annihilate my family using those monsters, we're gone. Of course, the family won't let that to happen so it's better to prevent the worst-we need to kill you before you do that."

Diyos ko naman. So, iyon pala ang bottomline kaya pala ako gustong patayin. Kasi kapag nautusan ko yung mga shifter sa labas na patayin sila, mapapatay talaga sila.

Ah! Okay? Sige, ganoon pala ang labanan dito e. Magpatayan na kaming lahat tutal doon din naman pala ang bagsak ko.

"Hindi ako aalis dito sa Helderiet," matigas kong sinabi sa kanya. "Kung gusto nila akong patayin, sabihin mo sa pamilya mo, pumunta sila rito, kami ang mag-uusap."

"Chancey-"

Tumayo na ako sa kama nang hingal na hingal dahil sa galit.

"Wala yung mga bantay ng pamilya mo rito tuwing gabi, di ba? Kakausapin ko si Bin. Kung kinakailangang buong gubat ang tawagin ko para lang matahimik 'yang pamilya mo, gagawin ko."

"Chancey, I was trying to protect you. Can't you just-"

"Yung pamilya mo ang nagsimula nito, Mr. Phillips, at alam mo 'yon! Tama nang paninisi nila sa mama ko! Tama nang pinag-iinitan ka dahil sa 'kin! Kasi kahit paikot-ikutin mo man ang paliwanag mo, isa lang naman ang ibig sabihin ng lahat ng 'to-natatakot sila sa pamilya ko. 'Yon na 'yon! At magpasalamat lang sila dahil wala pa akong alam sa lahat ng 'to dahil oras na malaman ko ang lahat, uunahin kong paluhurin sa lupa yung pinsan mong intrimitido!"

Mabilis akong lumabas ng kuwarto at hindi ko na hinintay ang paliwanag niya.

Ano pang paliwanag ang gagawin niya e matagal nang illogical ang katwiran ng pamilya niyang bampira?

Pinatay nila si Marius Helderiet, bakit? Kasi close sila ng mama ko? Iniisip nilang ginagamit ng mama ko yung Marius na 'yon para kunin itong Helderiet Woods?

Hindi naman nakuha ng mama ko itong gubat a? Tapos pinatay nila si Marius para ano? Para palabasin na mama ko ang may kasalanan? Tapos isusumpa kami ng lahat kasi yung natitirang Helderiet, namatay dahil sa mama ko?

Ganoon ba sila natatakot kay Mama para gawin 'yon? Na ultimo sa sarili naming lupa, palalayasin kami?

Namatay ang mama ko pagkatapos naming mapalayas sa lone town. Ibig sabihin, sinadya nila 'yon?

Ibinagsak ko ang pinto ng kuwarto ko pagpasok ko sa loob. Kinuha ko agad ang phone ko sa dresser at tinawagan si Eul.

"Hello, Miss Chancey. Ano'ng maitutulong ko sa inyo?"

"Eul, may gusto lang akong itanong."

"Go ahead."

"Mama mo si Helene, di ba?"

"Yes."

"Kilala mo si Quirine Dalca?"

"Kilala ko siya, yes."

"Sino'ng mas malakas sa kanilang dalawa?"

Biglang natahimik sa kabilang linya. Napapikit ako at lalong lumalim ang paghinga ko. Madaling sabihin na si Helene. Sobrang daling sabihin na ang mama niya.

"Miss Chancey-"

"Eul, tinatanong kita. Sino?" mariing tanong ko.

Natahimik na naman siya. Ayoko ng mga ganito nila. Sila ni Lance. Hindi sila sumasagot nang deretso sa mga tanong ko.

"May dahilan kung bakit kailangang mawala ng mga Dalca, Miss Chancey."

"At alam mong pamilya ninyo ang dahilan kaya napalayas kami sa sarili naming bahay sa lone town. Tama ba, Eul?"

Hindi na naman siya nakasagot.

Sabi na. Alam nila lahat pero tinatago nila. Bakit? Kasi ito ang gusto ng pamilya nila? Kaya mangunguha sila ng pagmamay-ari ng ibang pamilya para manatili sila sa taas?

Sa pagkakaalala ko, nakatira lang kami sa maliit na bahay. Wala kaming bakod doon. Bukas ang bahay namin sa lahat. Walang mananakaw sa amin. Tumutugtog lang ng violin ang mama ko, painter lang ang papa ko. Kuneho lang ang madalas naming hapunan. Hindi kami mayaman. Paanong naging nakakatakot para sa kanila 'yon?

Hindi ko maintindihan!

"Walang kinalaman ang pamilya sa pagkasunog ng bahay ninyo sa lone town, Miss Chancey. Ipinaliwanag sa iyo ng Mama na ganoon ang nangyayari sa tahanan ng mga bantay ng gubat kapag namatay sila."

"Hindi ko tinatanong kung sino ang sumunog sa bahay namin, Eul," matigas kong sagot sa paliwanag niya. "Ang tinatanong ko, alam mo ang ginawa ng pamilya ni Mr. Phillips at ng mga nasa Prios sa pamilya ko."

"Natatakot lang ang pamilya sa maaaring mangyari, Miss Chancey."

"Natatakot saan? Ano ba ang puwedeng mangyari para manira sila ng buhay nang may buhay, ha? Bakit sila natatakot kung wala naman kaming ginagawang masama?"

Natahimik na naman siya. Lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko sa bawat pananahimik niya.

"Miss Chancey, sana maintindihan mo-"

"Paano ko iintindihin, Eul? Pinalayas kami. Pinalayas ako! Hanggang ngayon, pinalalayas ako ng lahat nang hindi ko alam kung bakit! Paano ko iintindihin 'yon kung wala naman akong ginagawang masama? Hindi lang ito tungkol sa hindi ako nakabayad ng renta, Eul! 'Yon, maiintindihan ko pa kasi may responsibilidad ako! Pero hindi ito, Eul. Hindi ito. Tungkol na 'to sa pamilya ko na sinira ng mga tagarito!"

"Pasensiya na, Miss Chancey. Nahihirapan din kaming kumbinsihin ang pamilya sa kaso mo. Alam kong sinubukan kang ipaglaban ni Mr. Phillips sa kanila. At sinusubukan din ng pamilya ko ang lahat ng makakaya namin para tulungan ka."

Bumuga ko ng matunog na hininga at matalim ang tingin nang tingnan ang nakabukas kong bintana.

"Bigyan mo 'ko ng malaking pabor, Eul. Next time na ipatawag na naman si Mr. Phillips sa Prios patungkol sa 'kin, sabihin mo sa lahat ng mga naroon na sasama ako sa meeting nila, ha? At kung magreklamo sila sa presensya ko, ngayon pa lang, sinasabi ko na: kung kinakailangan kong ilabas ang mga halimaw ng Helderiet Woods para harapin sila, gagawin ko, huwag lang nila kaming pag-initan dito."

"Miss Chancey, nakikiusap ako-"

"Nakikiusap din ako, Eul," mariin kong putol sa kanya. "Ito na ang magiging una at huling pakiusap ko para dito. Isang beses pang palayasin nila ako at mapahamak si Mr. Phillips dahil sa kagagawan nila, buong Prios ang babalikan ko. Walang mawawala sa akin, pero sisiguraduhin kong may malaking mawawala sa inyo. Naiintindihan mo naman ako, di ba?"

"Naiintindihan ko. Makakarating sa pamilya ang mensahe ninyo."

----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top