xxix. Call Signs

Noong sinabi nina Eul na kulungan daw ang Cabin para kay Mr. Phillips, hindi ko talaga maintindihan kung paano naging kulungan ang maganda at malaking bahay para sa kanila. Pero noong hindi na ako puwedeng lumabas nang may araw dahil pag-iinitan ako ng mga bantay slash snipers nina Edric, sa gabi lang ako puwedeng lumabas dahil mas kasundo naman namin ni Mr. Phillips ang mga shifter kaysa sa mga assassin nina Edric.

At dahil hindi naman gabi-gabi, reliable ang moonlight, kailangan kong magpatayo ng lamp post sa labas.

"Lamp post, Miss Chancey?"

Tinanguan ko agad si Lance sa request ko. "Oo, lamp post. Yung post na may lamp. Doon sa labas ilalagay," sabi ko habang tinuturo ang labas ng mansiyon.

"Pero bawal ang liwanag dito sa Cabin," kontra agad ni Mrs. Serena. Paglingon ko sa kanya, nakataas na naman ang kilay niya sa akin. "Madame."

"Bakit ba kasi bawal?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Dahil nakakatawag iyon ng atensiyon ng mga halimaw rito tuwing gabi, Miss Chancey," sagot ni Lance. "Delikado para sa inyong lumabas."

"Delikado?" tanong ko agad habang nakangiwi. "Uhm, wait, ha. Defend ko lang ang side ko." Itinuro ko na naman ang labas. "Yung mga shifter sa labas every night, nakakausap ko sila, okay? May truce na sila ni Mr. Phillips. Okay na kami ng mga monster dito every night. Soooo . . ."

"Nakakausap mo?" putol agad sa akin ni Mrs. Serena. "Kinakausap mo ang mga halimaw ng gubat?"

Ito na naman si Mrs. Serena, mang-uusisa na naman.

Oo na, nakakausap ko yung mga monster. But compared naman sa monsters ng Prios, di-hamak na considerate ang mga shifter kaysa sa mga tagaroon, duh?

"Mrs. Serena, nagbabantay lang ng gubat yung mga shifter tuwing gabi. Wala silang ginagawang masama."

Naningkit na naman ang mga mata niya sa akin. Ito na naman siya sa judger mode niya. Lahat na lang, issue nito sa buhay? Mabuti, buhay pa 'to at hindi hina-highblood.

"Lance, bukas, pakitayo naman kahit dito lang sa harapan, malapit sa verandah."

Kitang-kita ko sa mukha ni Lance na hindi niya gusto ko ang plano ko. Lukot din ang mukha niya e. "Nakonsulta n'yo na ba ito kay Mr. Phillips?"

"Itatanong ko muna mamaya sa kanya. Pero pinapa-ready ko na rin habang maaga pa."

Nagbuntonghininga lang si Lance saka puwersadong tumango. "Susubukan ko, Miss Chancey. Ipatatayo namin kapag may permiso na ni Mr. Phillips."

Wah! "Yey! Thank you, Lance!"

Nauumay ako sa ganoong setup na nakakulong lang ako tapos para kaming nagtatago palagi.

Mabilis namang kausap si Mr. Phillips at pumayag naman siya sa lamp post sa labas kaya naitayo rin matapos ang isang oras kinabukasan.

Mukha namang okay na okay kay Mr. Phillips dahil kung hindi kami available sa umaga, e di sa gabi kami lalabas.

Four days daw ang sinabi ni Poi before ang next meeting, at nagpalipas kami ng dalawang araw na hayahay ang buhay namin ni Mr. Phillips dahil na-hold na naman ang trabaho niya dahil sa kagagawan ng pamilya niyang paepal na gusto siyang patalsikin sa puwesto. At kapag hold ang trabaho niya, hold din ang trabaho ko. Kaya nga ine-enjoy muna namin ang mga gabi bago ang meeting.

"Chancey, be careful!"

"Oo na!" Ibinato ko ang pulang frisbee sa malayo at iyon ang hinabol ng mga itim na aso. Eksaktong humabol si Reed-yung cute na red fox-paglabas niya ng gubat.

Feeling bakasyunista talaga kami sa Cabin. And since hindi makakapag-sunbathing si Mr. Phillips, nagbabad kami sa ilalim ng buwan. Nagpalatag siya noong isang araw kay Eul ng beach bed at may round table sa tabi niya. Doon nakapatong ang dalawang carton niya ng Red Water at sinasalin na lang sa water goblet na may drinking straw.

Naka-pend ang trabaho niya, pero nakatutok pa rin siya sa laptop habang nakasandal at alanganing nakahiga sa beach bed niya. Tinanong ko kung ano ang maitutulong ko, pero sabi naman niya, mag-che-check lang siya ng status ng Prios pagdating sa business part. Hindi ko naman na raw kailangang tingnan iyon. E di hindi. Nakipaglaro na lang tuloy ako sa mga monster sa gubat saka sa mga kaibigan kong hayop doon.

"Hoy, Reed," sermon ko sa pulang soro pagbalik niya sa akin kasabay ng malaking itim na aso na may dalang frisbee. "Ikaw, nakita kita kanina, inaaway mo yung mga swan sa pond, ha." Ginulo ko ang balahibo niya para pagalitan. "Huwag mong aawayin yung mga swan doon. Kapag ikaw, binalikan ng mga tropa n'ong gansa, bugbog-sarado ka talaga sa kanila. Di kita ipagtatanggol, bahala ka diyan."

Gumawa lang siya ng mahinang ingay at nagpaikot-ikot sa paanan ko. "O, salo ulit!" Hinagis ko na naman ang frisbee sa malayo saka ko sila iniwan.

Dalawang gabi na kaming nagpi-picnic ni Mr. Phillips sa labas ng Cabin, at mas nag-e-enjoy akong mag-picnic sa gabi kasi hindi puwede si Mr. Phillips kapag may araw pa at hindi rin ako puwede dahil sa mga sniper ni Edric. At least, doon, nag-meet ang schedule naming dalawa.

"Ano sa tingin mo ang pag-uusapan sa meeting bukas, Mr. Phillips?" Umupo ako sa hinihigaan niyang wooden beach bed na pinalagyan niya ng mattress. Pumuwesto ako paharap sa kanya at sinilip ang screen ng laptop.

"Can you not address me as Mr. Phillips when you are not working, Chancey?"

Nginiwian ko agad siya dahil doon. Pinipilit niya kasi yung Van e magmula nang marinig ko kay Edric 'yon sa Prios, nairita na 'ko sa pangalan niya.

"Anong gusto mong itawag ko sa 'yo? Donovan? Ayoko, nahahabaan ako."

"And you think Mr. Phillips is short?" Kunot-noo niya akong tiningnan. "I don't get it."

"Ayoko nga kasi ng Van. Si Edric ang naaalala ko."

"Then think of another name for me."

Ano ba 'yan? Pati ba naman pangalan, poproblemahin pa niya?

"Anong gusto mo? Babe? Boo? Baby boy?"

Bigla siyang nagkrus ng mga braso saka ako nginiwian. "That is not a good joke, Chancey."

"Hindi nga ako nag-jo-joke!"

"Then think of another name if you don't want to call me Van."

Ang arte talaga, nakakaloka.

"Honeybunch?"

"No."

"Sugar plum?"

"Nah."

"Pumpy-umpy-umpkin? You're my sweetie pie?"

"Chancey."

"Cuppycake? Gumdrop? Snoogums-boogums? You're the apple of my eye?"

"What?"

Pinalo ko agad ang hita niya. "Ang arte mo naman kasi! Pangalan na lang e . . . napaka-choosy pa."

"Then go with Van."

"E ayoko nga."

"Then I am not the choosy one."

Naku talaga! Kung bakit ba naman kasi pangalan na lang e hindi naman 'yon ang tinatanong ko. Noong isang araw pa niya nirereklamo ang Mr. Phillips niya sa 'kin.

"Di ba puwedeng Mr. Phillips na lang? O kaya tawagin na lang kitang Hoy, Mister."

Bigla niyang ibinaba nang kaunti ang screen ng laptop niya at tiningnan ako na parang maghahamon siya ng sapakan sa 'kin.

Ano nga kasing gusto niya? Napakaarte naman kasi!

"Ano na lang tawag sa 'yo ng ex-wife mo, 'yon na lang itatawag ko sa 'yo."

"No."

"Bakit? Para nga di ka na nagrereklamo."

"Think of something else." Binuksan na naman niya ang laptop at nagbasa na naman doon.

Hindi ko talaga siya ma-gets. Tinatanong ko lang kung anong pag-uusapan sa meeting bukas, paano naman kami napunta rito sa pangalan niya?

"Arf! Arf!"

Nakabalik na sa amin yung isang itim na aso at inilapag sa harapan ko yung frisbee. Humabol naman si Reed at nagpaikot-ikot sa paanan ko.

"Doggy, doon ka muna, sama ka sa mga ibang aso."

"Arf!"

Sumunod naman agad yung itim na aso at naiwan sa paanan ko si Reed.

"Ikaw, huwag kang manghahabol bukas kina Mr. Swan, ha?" sermon ko sa soro at tinapik-tapik ang katawan niya para umalis na. "Doon ka na sa papa mo. Manghuhuli pa kayo ng pagkain, laro ka nang laro."

Nagpatalon-talon pa siya sa harapan ko bago sumunod.

Itong mga hayop sa Helderiet Woods, kailangan talaga, araw-araw pang sinasabihan e. Kung hindi pa dadaan si Mr. Swan sa mansiyon kasama yung mga gansa, hindi ko pa malalaman na inaaway siya ni Reed. Pati ako, napapagalitan ni Mrs. Serena, ang kalat daw ng putik sa verandah gawa nila.

"Chancey, you better tell these animals not to visit you inside the Cabin," paalala ni Mr. Phillips.

Alam ko naman, e sa nagrereklamo nga kay Reed. Alangan namang katayin ko si Reed para sa kanila. Siraulo rin kasi yung fox na 'yon, napakakulit.

"Uy, pero ano nga ang mangyayari sa meeting?" sabi ko at sumampa na ako sa hinihigaan ni Mr. Phillips saka nag-indian seat sa tabi niya. "Si Poi, susunduin daw ako. Hindi mo naman daw kasi ako dine-defend sa family mo."

Ang lalim ng buntonghininga niya at isinara na ang laptop saka ipinatong sa katabing round table. Saglit niya akong sinulyapan at tumingin naman agad sa itaas para isipin yata ang isasagot sa akin.

"I don't like Poi personally, but I guess, he knew you better than you do to yourself."

"Hoy, Mr. Phillips-"

"I said don't call me Mr. Phillips when you are not working, Chancey."

Eto na naman ho kami sa problema niya sa pangalan niya.

"Ayoko kasi talaga ng Donovan o kaya Van mo," naiirita ko nang sinabi habang tinutusok ang abs niyang nakatago sa vintage blouse niyang kulang cream.

"Call me My Lord."

Hinampas ko agad ang tiyan niya dahil doon. "Kapal mo naman!"

Bigla na naman niya akong tinawanan saka hinawakan ang tiyan niyang pinalo ko. "I told you to call me on my name."

"E ayoko nga kasi! Saka Chancey nga tawag mo sa 'kin, magpapa-call sign ka pa."

"Then I'll call you My beloved."

What?

"Mr. Phillips, napaghahalataan yung edad natin, ha. My beloved talaga? Parang call sign sa diary mula 1800s. Ayaw mo ng Babyloves?"

Kung bakit naman kasi pangalan na lang, ginagawa pang issue sa buhay e. Ma-issue talaga 'tong si Mr. Phillips.

"Call me Van, alright?"

"Ayoko. Tatawagin na lang kitang Honeypie para sweet, di ba? Para di ka na magreklamo, ang arte mo naman kasi."

Lalo lang siyang ngumiwi sa honeypie na sinabi ko. Pero hindi na siya nagsalita. Nag-facepalm na lang siya.

Huwag na siyang maarte, ayoko talaga ng Van. Kasalanan ng pinsan niyang kontrabida sa buhay kaya ko inaayawan ang pangalan niya.

"You're unbelievable, Chancey. I really don't get you."

"Arte." Pinaikutan ko agad siya ng mata saka ko inabot sa round table yung tinimpla kong pineapple juice para sa 'kin. "Anyway, hindi ba magiging issue 'yon na babalik si Poi sa Prios e mukhang may problema yata siya sa pamilya mo?"

Nakatitig lang ako sa kanya habang humihigop ako ng malamig kong inumin.

Ang sarap talaga ng buhay kapag tamang pahinga lang saka bakasyon. Pa-juice-juice na lang ako kahit may problema na naman kami kinabukasan.

"Poi left the Prios twenty years ago. Since he's a shifter, the family thought he was part of Marius' death."

"Pero part pa rin naman daw siya, di ba?" Ibinalik ko sa table ang baso ko saka ko siya pinaurong para makahiga rin ako sa tabi niya.

"He just left without any notice, and we can't remove him that easily since he's still a part of the armistice inside Prios up until now. Yet, that truce only applies within Prios."

"Kaya inaaway mo yung mga monster dito gabi-gabi kasi wala sila sa Prios."

Pamilya nga talaga ni Mr. Phillips ang may problema. Kahit anong isip ko sa mali ng mga shifter, wala talaga akong makitang butas e.

Sa mga Dalca itong Helderiet, originally. Hindi naman particularly kay Mama, pero Dalca kasi siya. Ibig sabihin, kanya rin. Ang iniwan nga lang sa amin, yung lone town. Dulo na, liblib pa. Pero pinalayas pa rin kami.

Tiningala ko si Mr. Phillips. "Sabi ni Helene, mamamatay raw ang mga gaya ni Mama kapag inaalis sila sa tahanan nila. Sinadya ba ng pamilya mong palayasin kami sa lone town para mamatay siya sa city kasi hindi kami tagaroon?"

Nagbuntonghininga na naman siya at saglit na inangat ang ulo ko para isilid doon ang braso niya para maipang-unan ko.

"I don't know. And if that's what happened, I am really sorry."

"Wala talagang puso yung pamilya mo."

Hindi siya nakasagot. Dinampian lang niya ako ng halik sa sentido.

"We'll fix everything tomorrow, I promise."

***

Sinasabi ni Mr. Phillips-kahit nina Eul-na intindihin ko ang patakaran ng pamilya. Pero kapag ako naman ang nagre-request na intindihin din ang pamilya ko, walang nakikinig sa 'kin.

Hindi naman puwedeng sila na lang nang sila.

Kabilugan ng buwan daw ang next meeting, at dahil nag-adjust na ang body clock ko kakatulog ko sa araw, sabay na kaming nagigising ni Mr. Phillips sa gabi. Pero natutulog ako pagkatapos lang linis nina Mrs. Serena tuwing tanghali.

Alas-singko, naghapunan na kami ni Mr. Phillips bago pa kami pumunta sa prios. At sa dining table na kami kumain. Kunwari, mga sanay sa tinidor at steak knife kahit na kapag wala namang meeting, sabaw lang ang hindi ko nakakamay sa pagkain. Sinusubuan ko pa rin kasi siya.

"Sabi ni Poi, susunduin daw niya 'ko. Paano 'yon?" tanong ko habang ngumunguya ng kinakain kong steak din niya. Mas marami lang sauce ang akin at mas matagal kong niluto kaysa kanya.

"You'll stay with me."

"Di ba kayo mag-aaway?"

"I'm your husband."

"Wala naman akong sinabing hindi."

"Then you're coming with me."

Sinimangutan ko na lang siya saka ako sumubo ulit.

Kapag talaga may meeting, parang sinasaniban ng masamang espiritu si Mr. Phillips. Ang sungit.

Nauna na akong natapos sa pagkain at inuna ko nang puntahan si Lance na naghihintay sa labas.

Maliwanag pa rin naman, hindi pa nga lumulubog nang tuluyan ang araw.

Nagulat lang ako kasi may kausap na siya.

"Poi!" masaya kong pagtawag at tumakbo na palapit sa kanila ni Lance. "Hala, ang taray ng outfit!"

Hinagod ko siya ng tingin habang nakangiti ako nang super lapad. Naka-all white tuxedo kasi siya. Mukhang dadalo ng kasalan. Saka ang neat niyang tingnan, nakatali yung silver hair niyang mahaba na hanggang baywang.

"Ang guwapo mo naman," mahinang sabi ko pagtitig ko sa mukha niya. Akala ko, magical na siya sa gabi. Mas hunk siyang tingnan sa araw. Ang ganda talaga ng blue eyes niya.

"Kumusta?" Siya naman ang nanghagod ng tingin.

Pinagyabang ko agad ang suot kong white wrap top at black slacks. "Cute ng damit ko, 'no?"

"Mas bagay pa rin sa iyo ang nakabestida," nakangiti niyang sinabi sa akin. Noong bata kasi ako, kapag sumasakay ako sa kanya, parati akong naka-dress. Bihira akong magpantalon o kaya shorts. Sanay siguro siya sa ganoon.

Maliban siguro kay Eul, mas gusto kong makita ang smile ni Poi sa human version niya. Mukha kasi siyang cute na husky kahit hindi naman siya mukhang husky. Saka para talaga siyang may sinirang furnitures kapag ngumingiti siya.

"May sasakyan ka ba?" tanong ko. "Sabi mo sasabay ako sa 'yo, di ba?"

Nginitian na naman niya ako. "Sasabay lang ako. Si Lance naman ang maghahatid sa inyo ng bampirang kasama mo."

Ay! Speaking of Lance. "Magkakilala kayo?" usisa ko agad habang tinuturo silang dalawa.

"Naabutan ko pang naglilingkod si Poi sa Ikauna, Miss Chancey."

"Yung First?"

Nakangiti namang tumango si Lance.

Wow. Ibig sabihin, naabutan ni Lance yung First na 'yon? Hala! E di mas matagal na palang naglilingkod si Lance sa pamilya?

"Kilala mo yung First?" tanong ko agad kay Poi.

Nginitian na naman niya ako saka umiling. Pero yung iling na parang may sinabi akong nakakatawa. "Kung kilala ko siya, mas kilala mo siya." Tumalikod na siya at kasabay ng pagyuko niya ang paggapang ng balahibo sa ulo niya pababa sa katawan. Naging malaking puting aso na naman siya.

"Awooo!" malakas siyang umalulong at naglakad papunta sa gilid ng sasakyan na dina-drive ni Lance.

"Chancey."

Napalingon agad ako sa direksiyon ng pintuan at nakita si Mr. Phillips na papalabas ng mansiyon.

Nagbukas na ng pinto ng sasakyan si Lance at hinintay ko na lang makasakay si Mr. Phillips bago ako sumakay.

Naniningkit ang mga mata niya kay Poi at nakita ko pang ngumiti yung puting aso para mang-asar.

Mas cute pala si Poi kapag husky mode siya tapos bigla siyang ngingiti. Parang ang sarap niyang yakapin.

"I really don't like you," sabi ni Mr. Phillips kay Poi saka siya sumakay.

Mabuti na lang at hindi pa sila nagpapatayang dalawa. Kasi kung magbugbugan sila, malamang na wala pa kami sa Prios, duguan na siguro si Mr. Phillips. Mukha pa namang hindi nagpapatalo si Poi.

"Come here."

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa baywang at saka inilapit sa kanya.

"Bakit na naman?" reklamo ko.

Wala siyang isinagot, nakasimangot lang siya nang tumitig sa harapan.

Bakit ba kapag may meeting si Mr. Phillips, palagi siyang aburido?

Ano ba 'yan? Malakas ang kutob kong lalo pang magkakagulo mamaya sa Prios. Mukhang kailangan ko nang ihanda ang buong sistema ko sa gulo ng ma-issue nilang pamilya.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top