xxiii. Confusion
Ang lamig sa loob ng conference room pero namamawis ako nang sobra.
Unti-unting hinigop ng singsing na suot ko ang itim na usok mula kay Edric.
"Chancey, look at me."
Napapikit-pikit na lang ako habang sapo-sapo ni Mr. Phillips ang pisngi ko paharap sa kanya.
"Wala akong kasalanan . . . Hindi ko sinasadya . . ."
"Ssshh. It's okay. It's okay." Niyakap na naman niya ako at hinawakan ako sa likurang parte ng ulo para hindi ako makalingon pa.
Malamang na tinatago na naman niya ako sa kanila.
"Donovan, what is that mortal you're keeping?"
"She needs to die."
Lalo lang dumami at lumakas ang bulungan nila. Puro sila reklamo. Ang daming reklamo.
"Enough, all of you!"
Lalo akong napakapit kay Mr. Phillips dahil damang-dama ko ang bigat ng paghinga niya. Kahit yung boses niyang sobrang lalim, lalo pang naging nakakatakot.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, pero parang mas malakas ang kanya.
"Mr. Phillips, no nature guardians can do that," narinig kong sinabi ni Helene mula sa likuran ko. "I should know."
"It is not her fault!" depensa ni Mr. Phillips sa ginawa ko.
"Then whose fault was that?"
"You don't even know what she is!"
"She's not a human!"
"She's not even a fae!"
"She has a blood of a Dalca, and that's already unacceptable! She will steal our land!"
"Mr. Phillips," pagtawag ni Helene. "I will ask for Eulbert's assistance. We need to know what she is."
Biglang humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Mr. Phillips at may malakas na hangin na namang dumaan sa amin. Pagbitiw niya, wala na kami sa loob ng conference room. Nasa ibang lugar na kami, pero mukhang nasa loob pa rin kami ng Prios.
Lalong lumakas ang panginginig ko nang iupo niya ako sa isang single-seat sofa. Iniluhod niya ang kanang tuhod niya sa harapan ko at natanggap ko ang tingin niya sa akin na parang nadidismaya siya sa mga ginawa ko.
"Sorry, Mr. Phillips." Umiiyak ako sa loob ko pero walang tumutulong luha sa mata ko habang nakatingin sa kanya. "Hindi ko alam kung anong nangyari kanina."
"I know. That's not you." Pinunasan niya ang pisngi ko at hinawi ang mga buhok kong dumikit sa mukha kong namamawis. "I'll handle them later."
Wala naman akong kasalanan. Gusto ko lang naman silang pigilan sa ginagawa nila sa kanya. Hindi ko rin naman ginustong sakalin si Edric.
Kung ako lang, ayoko nga siyang hawakan kasi nakakatakot siya. Baka gawin pa niya sa akin yung ginawa niya sa babaeng nakahubad sa opisina niya.
"Mr. Phillips, yung painting sa itaas ng pinto ng conference room . . ."
"What about that?"
"Sino 'yon . . .?"
Imbis na sagutin ako, tinitigan lang niya ako nang mabuti. Yung tingin niya, nagtatanong kung bakit ko tinatanong ang tungkol sa painting na kamukha ng papa ko.
Di ko naman siya masisisi, hindi naman kasi iyon ang punto ng pag-iyak ko.
"What do you mean?"
"Yung . . . yung painting . . . sa itaas ng pinto? Yung katabi ng mga naka-suit . . ."
Kumunot pang lalo ang noo niya. "You mean that man?" Itinuro pa niya ang dingding sa likuran niya.
Noon ko lang napansin na nasa lugar pala kami na maraming painting din, gaya ng kanina sa conference room pero mas maliliit naman na nakasabit sa dingding.
Tumayo ako para lumapit sa tinuturo niya.
Nanginig pang lalo ang labi ko at tuluyan na akong naiyak.
Yung lalaking nakasuot ng itim na tuxedo at nakangiti nang matipid . . . kamukha talaga ng nasa painting ang papa ko.
"Mr. Phillips . . ." Nilingon ko siya habang tinuturo yung painting. "Sino siya . . .?"
"He's the First."
"First . . .?"
"That was his name. He was one of the founders of the family. One of the pillars of Prios. He was the only friend of my mother and the counselor of every family. Why are you asking?"
"A-Anong tunay niyang pangalan?"
Umiling si Mr. Phillips. "He did not tell anyone his name aside from he's the First. He died hundred years ago. Long before I stepped my foot in this land."
Binalingan ko na naman ang painting.
Namatay siya . . . isandaang taon na ang nakalilipas?
Tinitigan kong mabuti ang painting, baka magkamukha lang sila ni Papa.
Pero yung nunal sa gitna ng noo, yung peklat sa dulo ng isang kilay, pati yung marka sa leeg—yung palagi kong tinatanong kay Papa kung masakit ba kasi mukhang namumulang sugat—naroon din sa painting.
"Paano siya namatay?"
"Naglaho na lang siya. A hundred years is enough to consider him dead, Chancey. Why are you even asking me about him?"
Ang lalim ng buntonghininga ko at nagpunas na naman ako ng mukha. "Kamukha niya yung papa ko. Mr. Phillips, kahit yung nunal, saka yung mga peklat, parehong-pareho."
Hindi nawala ang pagtataka sa mukha niya. Kahit din naman ako, nagtataka kung bakit may ganitong painting dito sa Prios.
"Chancey, are you sure?"
Mabilis akong tumango. "Kamukha talaga niya."
"But that's impossi—" Saglit siyang natigilan at napasapo sa bibig. "Willis stayed here for almost a hundred years and he didn't know any Revamonte living around the vicinity. That's impossible."
Inakay na naman niya ako papunta sa sofa na inupuan ko kanina.
"I'll ask for Eulbert's presence. Stay here."
***
Kumalma na ako sa lobby kung saan ako iniwan ni Mr. Phillips. Mahigit twenty minutes na rin siyang hindi pa bumabalik. Hindi gaya sa conference room, hindi ganoon kalamig doon. Malamig pa rin naman pero hindi na parang freezer ng ref ang lamig.
Blangko ang lobby, at walang ibang laman kundi mga mahahabang upuan, sofa, at mga painting sa dingding. Para akong nasa loob ng isang museum o kaya art exhibit.
Tinititigan kong mabuti ang painting na kamukha ni Papa. Nakalagay sa ilalim n'on ang isang tag.
The First
Co-Founder of Prios Holdings
year 1910
Sobrang tagal na ng 1910. Isandaang taon na rin mahigit.
Pero imposibleng siya ang papa ko kung matagal na pala siyang nabubuhay—o matagal na siyang patay.
"Miss Chancey."
Napalingon agad ako sa likuran at nakita si Eul na nakangiti nang matipid sa akin. Nasa likuran din niya si Mr. Phillips.
"Eul . . ."
"Nakausap ko si Mr. Phillips at ang Mama tungkol sa nangyari kanina sa conference room."
Lumakad na ako papalapit sa kanya at inakay na rin niya ako papaupo sa sofa na inupuan ko.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong malaman. Parang ayoko na lang alamin. Mas gusto ko na lang na matulog ako o di kaya bumalik sa Cabin at kumausap ng mga halimaw roon na di-hamak na mas mababait kaysa mga halimaw rito sa Prios.
"Ginagamot nila ngayon si Mr. Vadenberg."
"Edric," sagot agad ni Mr. Phillips bago pa ako magtanong kung sino ba 'yon.
"Hindi ko sinasadya yung nangyari, Eul," depensa ko. Kasi kahit anong isip ko sa nangyari, alam ko namang ako ang sisisihin nila. Sinakal ko siya tapos nahigop pa ng kamay ko yung black smoke galing sa kanya.
"Alam ko, Miss Chancey."
Wala na akong naiintindihan. Hindi naman ganito ang buhay ko sa labas at bago ko pa sila makilala.
Gusto ko lang naman ng trabaho, hindi ng ganitong buhay.
"Sinabi ni Mr. Phillips na kamukha ng papa mo ang painting ng isa sa co-founder ng Prios."
Tumango lang ako sa sinabi ni Eul.
"Ako ang tumanggap ng painting ni Fabian Revamonte twenty years ago, Miss Chancey. Hindi iyon ang lalaking kumausap sa akin." Itinuro niya ang painting na kamukha ng papa ko. "Isang matandang lalaki ang kumausap sa akin noon na may dalang batang babae."
"Pero iyon mismo ang mukha ng papa ko pagpunta namin sa malaking bahay! Eul, nagsasabi ako ng totoo! Nasa 40 lang ang papa ko pagpunta namin sa Cabin, hindi pa siya matanda!"
"Miss Chancey, huminahon ka."
Paano ako hihinahon, iba ang sinasabi nila sa alam ko? Bakit ayaw nilang paniwalaan lahat ng sinasabi ko e iyon naman talaga ang totoo?
"Eul, hindi ako nagsisinungaling . . ."
Tumayo lang siya nang deretso at tiningnan si Mr. Phillips.
"I was trying to analyze everything, Willis," sabi ni Mr. Phillips habang nakapamaywang. "Chancey got a mark on her chest. It came from a Cabal's sorcerer. The First didn't inform anybody what he really was aside from my mother. You know how powerful the Prios Pillars were, and he was one of them."
Nagbuntonghininga si Eul at tumango. "I looked at her memories few days ago, Mr. Phillips. Hindi ko nakita ang mukha ni Fabian Revamonte. I guess that's intentional."
"Is that even possible, Willis?"
"Miss Chancey's father sure knew how to hide. He made a barrier inside people's memory and camouflaged himself to create another human form. Alam ko na kung bakit iba ang nakikita ni Miss Chancey sa nakikita ng lahat. Typical of the mortal sorcerers. Ayaw nilang mahanap sila."
"But he's dead, as she said."
"We're not sure about that, Mr. Phillips."
Binalingan nila ako kahit na hinahanap ko pa rin ang meaning ng mga sinasabi nila.
Bakit ba parang issue ng lahat ang mga magulang ko?
Ano ba kasi sila para sa kanila?
"Chancey, I know you may not getting it, but your truth is different than our truth," paliwanag ni Mr. Phillips. "We're not telling that you're lying to us. It's just that what you know is not what we know. And we understand you. If everything was intended to keep you from harm, we understand why your parents didn't tell you the truth."
Natahimik na lang ako. Nagpapalitan sila ng tingin ni Eul na parang may masamang balita silang nalaman tungkol sa akin.
"You think the First planned all this?" tanong ni Mr. Phillips. "I'm starting to think that he really did plan all this. Everything was falling into their right places, Willis. I remembered him telling me why I needed to be here in this place."
"The Great Fae said this day will come. But not as complicated as this."
Unang beses kong makitang napahilamos ng mukha si Eul na para bang sobrang stressful ng pinag-uusapan nila ni Mr. Phillips.
Kasalanan ko ba? Ako ba ang dahilan ng stress nila?
Sa anong dahilan naman? Wala na akong naiintindihan.
"Eul, gusto kong malaman ang totoo, puwede n'yo bang ipaliwanag sa akin lahat nang dahan-dahan?" pakiusap ko sa kanila.
Kasi kahit anong isip ko, hindi ko na talaga sila nasusundan.
***
Gusto ko nang bumalik sa Cabin para magpahinga pero hindi raw makakapunta sa gabi si Eul kaya pumunta kami sa Jagermeister, doon sa isa sa mga meeting room, para mag-usap-usap.
Inalok ako ng mainit na chocolate ni Eul dahil alam niyang nilalamig ako. Nasa dulo ng mesa si Mr. Phillips, nasa kanan niya ako at nasa kabilang panig ng mesa si Eul na katapat ko.
"Matagal nang nakatayo ang Prios, matagal nang established ang pamilya. Ang Prios, binubuo pa ng iba't ibang sangay ng pamilya. Bawat pamilya ay may hawak na kompanya at iyon ang bumubuo sa Prios Holdings. Iyon ang hierarchy. Hawak ng mga imortal ang insurance company ng Jagermeister kaya ako narito."
Tumango naman ako sa paliwanag ni Eul. Naiintindihan ko ang parteng iyon. Iba ang pamilya ng mga bampira, gaya ng pamilya ni Mr. Phillips. Iba ang pamilya nina Helene na mga bantay ng iba't ibang teritoryo. Iba ang pamilya nina Mrs. Serena na nabubuhay para maglingkod. Naipaliwanag niya nang maayos iyon. Bawat subsidiaries, may kanya-kanyang industry na hinahawakan. Related naman sa farming at agriculture ang sa main company ng Prios—naipaliwanag na rin iyon ni Mr. Phillips kasi doon niya nakukuha yung steak saka stock niya ng Red Water sa ref. Alam ko na iyon dahil ako ang umaayos ng mga papeles n'on.
"Isa sa mga founder ng Prios ang Ikauna. Isa siya sa pillars ng Prios, at walang kumukuwestiyon ng posisyon niya kahit wala sa ibang board member ang may ideya sa kung ano ba talaga siya."
"Puwede ba 'yon?" nakasimangot na tanong ko habang nakatitig sa iniinom kong chocolate na umuusok pa. "Puwede palang hindi kuwestiyunin, e bakit kinukuwestiyon nila si Mr. Phillips?"
"Magkaibang bagay iyon, Miss Chancey. 110 years ago, nawala nang walang paalam ang Ikauna. Nakapag-iwan siya ng isang testamento na nagsasabing ipalit sa posisyon ni Sir Jandre Helderiet ang panganay ni Ruena Vanderberg—iyon si Mr. Phillips. Pero tinanggap lang ng buong pamilya ang testamento 57 years ago dahil walang nakakaalam na may anak sa isang tao si Madame Ruena."
Naalala ko ang sinabi ni Eul na sabay lang silang nalagay sa posisyon ni Mr. Phillips. Ibig sabihin, 57 years na pala siyang nagtatrabaho sa JGM.
Ganoon na katagal? Doble na ng edad ko.
"Walang naghanap sa Ikauna. Walang nakaalam kung paano siya namatay. Sinubukang alamin ng pamilya kung ano ba siya dahil kilala siya bilang isa sa iginagalang na parte ng Prios noon. Alam niya lahat, at siya ang isa sa kumokontrol ng mga transaksiyon ng pamilya."
"But he went down south," sabad ni Mr. Phillips. "I got a chance to talk to him when I was young."
Napatingin tuloy ako sa kanya. Ibig sabihin, nakausap niya yung First na 'yon.
"He said I need to guard something important for the family. I was thinking about being the chairman of Prios. But I guess, that was not what he really meant. He was gone without any explanation."
"No one saw his corpse. No sign of him. Even the greatest Seers and Hunters didn't see his soul for the past hundred years," paliwanag ni Eul. "But if Miss Chancey is his daughter, and she's got a Cabal's mark—"
"My mother probably knew that the First was the last of the Cabal's extinct sorcerers. She knew the family would kill the First once they learned about him. He was too powerful to handle."
"But a Cabal's sorcerer could travel through time, Mr. Phillips. He could hide from . . . them."
Sabay silang natigilan.
Biglang nagbuntonghininga si Mr. Phillips at sumandal sa swivel chair niya at tumulala sa kisame ng meeting room. "He's not immortal, Willis. The Cabal's clan can travel through time. His corpse was here at this time. No Seer could search for him if he wasn't even there during that time hundred years ago!"
Bumalik siya sa pagkakalapit sa mesa at tiningnan si Eul na parang isa rin siya sa naguguluhan sa pinag-uusapan namin.
"Consider this, Eulbert. The First assigned me to this position. He told me that something will take everything from the family one day and I need to guard that thing. Was it coincidental that Marius' death and my wife's death happened for the same reason and at the same year? I was hiding Charina from the family. Marius was hiding Chancey's mother. And all of a sudden, they learned about them."
"Sinasabi ba ninyong may kinalaman ang Ikauna sa pagkadiskubre sa kanila at sa lahat ng ito?"
"Then explain to me why an unknown old man came into that mansion saying he painted Marius Helderiet as a death gift, as if he was expecting it for a very long time? He even asked for my presence, yet I wasn't able to talk to him. You know no one in Helderiet knew who I am since I came from the south. And soon after that, no vampire can enter the Cabin aside from me. You know we were all asking the same question that time— Of all vampires, why me?"
Kahit paano nasusundan ko na ang pinag-uusapan nila habang unti-unti kong naririnig ang palitan nila ng salita.
Napapagdugtong-dugtong ko ang sinasabi ni Mr. Phillips sa mga alam ko na.
Ano ba?
Ibig bang sabihin, kung papa ko nga ang pinag-uusapan nila, papa ako ang may kagagawan ng lahat ng ito?
Alam ni Papa ang tungkol sa kanya bago pa namin ihatid yung painting sa malaking bahay?
"Was it all coincidental, Willis? And what about Chancey? Was is it coincidental that you have no idea about his father even if you stayed in this place for more than a hundred years? Was it coincidental that the family was considering the Grand Cabin a treasure chest, and those nature guardians calling Chancey the treasure? Was it coincidental that Ruena's ring fits in Chancey, and she used it to almost kill Edric like he was as weak as the other vampires I know? Was it coincidental that I can't control her but now she controls me? Was it coincidental that I was guarding her right now as if it was meant to happen? I don't think it is, Eulbert."
Sumulyap ako kay Eul para sa sagot niya pero napalingon agad ako kay Mr. Phillips nang hawakan niya ang braso ko.
"Chancey, listen to me. If Fabian Revamonte and the First was the same, meaning, kaya niyang lumipat ng magkakaibang panahon. At kung sa panahong ito siya namatay, maniniwala na kami roon."
Napalunok ako habang nakikinig sa kanya.
"Sorcerers are not shapeshifters, but they can change their appearances using their abilities. Then, if we saw a different person aside from what you know, probably he was using his abilities to hide from everyone. He could do that to you or to someone else. Kung gusto niyang magmukhang matanda o bata, magagawa niya iyon para hindi siya makilala."
Ibig bang sabihin nito, kaya ba walang nakakakilala sa akin sa town? Dahil ba roon?
Dahil sa ginawa ng papa ko?
"Chancey, hindi puwedeng malaman ng pamilya kung sino o ano ka talaga ng Ikauna. Papatayin ka nila."
"ANO?" Napatakip agad ako ng bibig sa sinabi ni Mr. Phillips.
Bakit lahat na lang, gusto akong mamatay?! Ano bang ginawa kong masama sa mundo?!
"Walang maghihinala na may natira pang dugo ang mga salamangkero ng Cabal kung matagal na panahon nang walang trace nila, Mr. Phillips. Kailangan nilang patayin si Miss Chancey dahil oras na magkaanak siya ng lalaki, mabubuhay muli ang linya ng mga sinumpang salamangkero. Magiging problema siya ng pamilya sa darating na panahon."
Napangiwi agad ako sa sinabi ni Eul. So, papatayin ako para hindi ako magkalat ng lahi ko?
What the hell?!
Saka, hello? As if namang magkakaanak—ay, shit.
Napandilatan ko agad ng mata si Mr. Phillips na takip-takip ng palad ang mukha. Matunog ang buntonghininga niya nang alisin iyon. Balisa lang siyang nakatingin sa mesa habang tumatango.
"Upon thinking about that Eulbert, I will definitely bet that it was all planned by the First. Vampires will kill those sorcerers if ever they still exist. And if one of those sorcerers do have a vampire blood, the family would ask for a truce between the two clans."
Biglang natawa nang mahina si Eul pero paglingon ko sa kanya, bigla siyang napahinto.
Ano naman kaya ang nakakatawa roon e nag-uusap kami tungkol sa possible assassination sa akin, hello?
Si Eul, minsan hindi rin nakakatuwa e.
Ako, gusto akong patayin ng lahat, tapos tatawanan siya? Paano ba pumapatay ng imortal?
"Any recommendation, Willis?" seryoso nang tanong ni Mr. Phillips.
"You need the family's armistice, sir. Or else, they will hunt Miss Chancey until they confirm her death."
"Any other options?"
"Declare a war, sir. The families need to choose their side."
Eh?
Kinuha ko agad ang braso ni Eul para klaruhin ang tungkol sa lagay ko. Diyos ko, ako yung papatayin tapos tutunganga lang ako? Tapos ano? Makikipagpatayan si Mr. Phillips para sa akin?
Huwag na, uy!
"Eul, maliban sa war-war na 'yan, wala na bang ibang option? Yung mas madali naman! Yung hindi kailangang may mamatay. Yung matinong option, ha."
Nginitian na naman niya ako nang matipid. "May pagpipilian naman kayo ni Mr. Phillips maliban sa paglalaban-laban ng pamilya."
"Ano?"
"Kailangan mo ng lalaking anak."
EH?!
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top