xxii. Paragon
Akala ko, gawa lang ng pagkakaistorbo ko sa pagtulog ang pananahimik ni Mr. Phillips. Kabadong-kabado pa naman ako na parang maling-mali na namasyal ako sa Cabin habang natutulog siya kahit na sinabihan na niya akong huwag lalabas.
Pero habang tinitingala ko siya, mukhang hindi tungkol sa paglabas ko at pag-istorbo sa tulog niya ang dahilan kaya siya nagagalit. Mukhang balisa siya sa mas seryosong bagay, at pakiramdam ko, pamilya niya ang dahilan n'on.
Hindi naman ako sanay na magulo ang pamilya ko. Mahal na mahal ako ng mama ko. Si Papa, binibigay naman ang gusto at kailangan ko kapag kaya niya. Hindi komplikado ang buhay ko pagdating sa pamilya di gaya ng buhay ni Mr. Phillips. Kaya nga hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanyang magiging okay rin sila ng pamilya niya kung sila mismo ang may ayaw sa kanya.
Nasa 40th floor kami ng Prios building. Mataas na para puntahan ng gaya ko kasi for executives lang naman itong lugar. Marami pa ring salamin sa dingding ng hallway, pero black naman. At compare sa elevator, nakikita ko na si Mr. Phillips sa reflection. Hindi ko alam ang pagkakaiba ng puting salamin sa itim na salamin para mag-reflect siya.
Dumiretso kami sa dulong office na may malaking pinto. Siya na ang nagbukas n'on kasi nang sinubukan kong mauna, kahit anong tulak ko, hindi talaga bumubukas.
Kakaiba ang lamig sa conference room na pinasukan namin. Chilling na ang air-con sa labas, pero doble sa loob. Kahit naka-suit na ako, tumatagos pa rin sa baga ang lamig.
Akala ko, malawak na ang labas ng isang floor. Pagpasok doon, para akong nakatingin sa isang mini theater na kulay puti lang ang pintura sa paligid.
Maliwanag kahit nakasara ang mga kurtinang kulay puti rin naman. May malaking curved screen sa harapan at may stage doon na may stand sa gitna para sa speaker. Pa-curve din ang itsura ng mahabang table na may kanya-kanyang elevated platform, at ang dami na nilang naroon. Pagpasok namin, wala namang lumingon. Kahit yung mga nakatayong mga tao sa may dingding—mga secretary din siguro.
Sinundan ko lang si Mr. Phillips. Ang ine-expect ko, mahabang mesa na parang dining table ang meeting table nila, pero mas mukha silang may film showing. Wala man lang upuan para sa chairman. Itinuro lang ni Mr. Phillips ang dulo ng hilera ng mga secretary sa dingding kaya dumoon na lang ako. Umupo lang siya sa dulong upuan sa harapan. Yung katabi niya, kulang-kulang isang metro din ang layo sa kanya sa laki ng distansya. Ganoon din naman sa iba.
Nakatayo ako nang deretso, ginagaya ko ang ayos ng mga katabi ko. Deretso lang din ang tayo nila at mukha silang mga tulala. Ewan ko ba. Parang yung mukha ni Nielsen noong unang beses ko rito sa Prios. Nakatingin sa kung saan pero walang tinatanaw.
Pasulyap-sulyap ako sa mga katabi ko at sa buong board na nakaupo.
Sana hindi matagal, baka mahilo ako sa tagal ng pagtayo ko.
May magandang babaeng pumunta sa harapan. Tiningnan ko pa kasi parang pamilyar.
"Si Helene," mahinang bulong ko nang makilala ko siya.
Hindi siya mukhang diyosa ng kagubatan this time. Naka-bun ang buhok niya at naka-formal suit pa. Naka-white midi dress na pinatungan ng white coat. Bagay siya sa lugar na puting-puti. Para siyang yung may-ari ng buong conference room.
"Ladies and gentlemen, we will now start our meeting," paunang bungad niya sa lahat.
Mukhang si Mr. Phillips lang talaga ang hinihintay.
Ang seseryoso nilang lahat, lalo akong kinakabahan. Nagpapaliwanag si Helene ng tungkol sa status ng Prios Holdings saka ng subsidiaries. Wala pa akong naririnig na bad news sa kanya, lahat ng sinasabi niya, positive naman.
"The valuation shows a higher growth rate of earnings for the recent monthly reports. It is 4 percent higher than the previous ten-year metrics."
Hindi ko gaanong naiintindihan ang ibang sinasabi ni Helene. Wala namang problema sa math, pero kasi hindi ko pa nababasa ang ibang reports sa table ni Mr. Phillips kaya wala akong idea sa history ng financial reports ng Prios noong mga nakaraang buwan at taon. Pero higher daw sabi ni Helene, ibig sabihin, stable at maganda ang status ng Prios.
"We see that the company is stable, and I don't see any reason for Mr. Phillips' relegation as the chairman of Prios Holdings. He's been handling the company for the past 57 years, and changing the hierarchy at this point won't do good for the mother company."
Sabi na, nag-aabogado pala si Helene kay Mr. Phillips. May nabanggit si Eul na ikokonsulta niya lahat sa mama niya. Malamang ito na 'yon.
At ang tagal na pala ni Mr. Phillips sa Prios. Wow.
"But according to the confirmed reports, he is keeping a human inside the heart of the Woods. You know that we're not allowing a human to stay longer than a week inside that chest."
Sinulyapan ko ang nagsalita kasi malamang na ako ang tinutukoy n'on. Nasa dulo, yung matandang lalaking mahaba ang balbas. Para siyang si Johnny, pero nakaka-intimidate nga lang. Mukha siyang tao pero duda akong tao siya. Nanenermon siya tungkol sa pagiging tao ko e.
"That human is not a human, Mr. Welsch," paliwanag ni Helene.
"Not a human. Just a mortal with a blood of a Dalca."
Pinandilatan ko si Edric na nagsalita—naroon siya sa tuktok ng mga upuan. Naroon din sina Morticia.
Kompleto silang pamilya niya na naroon sa Cabin noong nakarang gabi!
Malamang na sila ang gustong mapatalsik si Mr. Phillips sa puwesto.
"Quirine was the reason why the last Helderiet died, Helene. You should know better how Dalcas do their curses," sagot ni Edric.
"The mortal is innocent, and so is Mr. Phillips. I see no reason to do the relegation of the Prios' chairman because of that mortal."
"Ah! That mortal made a barrier for us not to enter the Woods," sabi ni Edric, at sobrang sarcastic na niya kahit natatawa siya sa sinasabi niya. "How innocent she is, Helene?"
Ako pa pala ang may kasalanan e sila nga ang sumugod doon? Saka paanong ako ang gumawa ng barrier? Wala nga akong ginagawang masama. Sila ang may ginagawang masama roon, hindi ako!
"That mortal is not a good sign, Helene," sabi ng isa sa mga nasa gitnang upuan. "We can't let a fae to stay in Helderiet Woods. Or even inside this place—"
"Pardon me, Mr. Siegfred?" pagputol ni Helene. "You are talking about my family."
"But the Dalcas are different than your kind, Helene. You may be greater than that Dalca, but you can't control those shifters inside the Woods. None of us can, and even immortals can't deal with them."
Pinag-uusapan na nila yung mga monster sa labas ng Cabin. Kung titingnan ngang mabuti, mukhang mas mabait pa yung ma-attitude na shifter kaysa sa kanilang mga narito.
"But Mr. Phillips is taking control inside the Woods," paliwanag ni Helene. Gusto ko nang makisali sa usapan nila kung hindi lang nakakabastos.
"But he wasn't able do it for the past few days, Helene," nang-aasar na sinabi ni Edric. "He was trapped in his own body. He was sleeping for the whole week."
Kontrabida talaga sa buhay 'tong bampirang 'to. Inaano ba namin siya? Bakit? Kasi hindi na siya nakakapasok sa Cabin? Ano naman ngayon? Hindi nga siya nakatira doon! Ano siya, batang inagawan ng candy?
"He's not doing his work, Helene—"
"Excuse me! Sinong may sabing hindi nagtatrabaho si Mr. Phillips?" sabad ko agad sa sinasabi niya.
Naglingunan silang lahat sa direksiyon ko. Isa-isa ko silang tiningnan at kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha nila.
"What is happening here?!" sigaw ng isa at tumayo pa sa upuan niya.
"What is she?"
Dumami ang bulungan nila. Tiningnan ko si Mr. Phillips. Nakapikit lang siya at kalmado lang sa upuan niya kahit na ang ingay na sa buong conference room.
Nagtataka na ako.
Bakit tahimik siya?
Bakit hindi siya umiimik sa upuan niya?
"This is room is under control! No human should—"
"She's not human," mabigat na sinabi ni Mr. Phillips . . . sa wakas.
Siya talaga ang may pinakamababang boses sa lahat ng narinig ko sa loob ng conference room. Intimidating na silang lahat tingnan, pero ibang kilabot ang dala ng boses ni Mr. Phillips.
Ewan ko, parang nababagay lang ang boses niya sa loob kung nasaan kaming lahat.
Puno ng authority, seryoso, nakakatakot.
"She's that mortal, ladies and gentlemen," pakilala sa akin ni Edric.
Hindi siya ang pinakamatanda sa kanila pero nagtataka talaga ako kung bakit parang siya ang may hawak ng kontrol sa lahat—ultimo kay Mr. Phillips.
"You let a Dalca came inside this building?!"
Lumakas na naman ang bulungan nila.
Ano na naman bang problema nila sa mama ko? Bakit parang lahat na lang ng nakapaligid sa akin, issue siya lagi? Ano bang ginawa niya maliban sa siya raw ang dahilan ng pagkamatay ni Marius Helderiet e si Edric din naman ang pumatay roon?
"This is unacceptable!"
Bago pa ako makapag-react sa mga reklamo nila, nakakita na lang ako ng liwanag na papalapit sa akin.
"Chancey!"
"Mr. Lionel!"
Nanlaki lang ang mga mata ko kasi palaki nang palaki ang liwanag.
"Shit!"
Pag-atras ko, biglang sumabog sa harapan ko ang liwanag na parang magandang fireworks.
Saglit na nahinto ang paghinga ko habang nakatitig sa maliliit na sparks sa harapan ko.
Hindi iyon nakalapit sa akin. Sumabog lang sa harapan ko pero hanggang doon lang.
Ano'ng nangyari?
Nagpapa-fireworks sila sa loob ng conference room?
Biglang naupos ang liwanag sa harapan ko at bumungad na naman silang lahat.
"Uh . . . okay?" Nakangiwi ako sa kanilang lahat.
Nakatayo na sila at nakatitig sa akin. Tiningnan ko ang mga kahilera kong mga sekretarya. Hindi talaga sila umiimik. Kung ano ang puwesto nila noong dumating kami, ganoon pa rin hanggang sa mga sandaling ito.
"Chancey," pagtawag ni Mr. Phillips. Parang kahit siya, nagulat din.
Kahit ako rin naman, nagulat sa pailaw effects, hello? Meeting ang ipinunta namin dito, hindi fireworks display.
"Faes can't do that," sabi ni Edric. Akala ko, ako ang kausap niya, pero binalingan niya si Helene na isa ring nagulat sa nangyari. "Can they, Helene?"
"This . . ." Napaisang iling si Helene sa akin. "This is not part of our abilities." Tiningnan niya ang mga ka-meeting niya. Mukhang pati siya naghahanap din ng sagot sa ikinalilito niya.
Nalilito rin naman ako, lalo na sa pailaw. Pero bakit parang sabay-sabay yata kaming nalilito?
"Chancey." Nilapitan na ako ni Mr. Phillips at mabilis niya akong niyakap. Pag-angat ko ng tingin, nakakunot na ang noo niya sa kanilang lahat. Na-realize kong hindi niya ako niyakap kasi nag-aalala siya.
Tinatago niya ako sa kanilang lahat.
"What is she, Donovan?" mabigat nang tanong ng isang babae sa kanila. "Even the Great Fae is not aware of what she is."
"She's Chancey," paliwanag ni Mr. Phillips.
At first time kong mahiya sa katotohanang hindi nila ako tinatawag na tao, at ayoko ring tawagin nila akong tao dahil baka ikapahamak ko pa iyon.
Buong katawan ko na ang tumitibok sa sobrang kaba. Parang trumiple na ang lamig pero namamaawis ang mga palad ko.
"You don't know what she really is, Van!" sigaw ni Edric.
Napahigpit ang pagkakakapit ko sa suit ni Mr. Phillips nang biglang umangil yung bampira sa taas at naglabas na ng pangil niya.
Umangil din si Mr. Phillips at bahagya akong napalayo nang maramdaman kong humaba na naman ang mga kuko niya sa kamay. Napatingin ako sa balikat ko at hindi nga ako nagkamali.
"Mr. Phillips, huwag . . ." Hinatak ko na naman siya para awatin siya.
Pero hindi siya nakikinig, pagbuka niya ng bibig, nagpakita na naman ang mga pangil niyang dumoble ang haba kaysa normal na pangil niya.
"Mr. Phillips, huwag mo nang patulan!" Lalo ko pa siyang hinatak paharap sa akin. "Mr. Phil—"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang may itim na usok nang nasa harapan namin at biglang lumitaw roon si Edric.
"Not this time, Van."
Kitang-kita ko ang panggigigil kay Edric paglapit niya sa amin.
"HUWAG!"
Sinakal niya si Mr. Phillips at hindi ko na sila nahabol pa nang lumayo sila sa puwesto kung nasaan ako.
"Edric!"
"Donovan!"
Nagpa-panic na ang lahat sa loob ng conference room, at nanginginig ako sa puwesto ko.
Naaalala ko ang nangyari noon sa Cabin. Pinalilibutan na naman ng itim na usok si Mr. Phillips habang nasa gitna siya ng stage.
"Tama na! Huwag n'yo siyang sasaktan, parang awa n'yo na!"
Tinakbo ko na ang kinaroroonan ni Mr. Phillips at hindi ko alam kung anong nangyari pero kusang umangat ang braso ko at pagpaling ko sa kaliwa, nandidilat ang mata kong nahuli ang leeg ni Edric.
"Hindi, hindi, hindi . . ." paulit-ulit kong binubulong habang nalilito ako kung bakit ko siya sinasakal. "Tulong!"
"Edric!"
"Chancey!"
"Tuloooong!"
Lalong lumakas ang pag-angil ni Edric habang sakal-sakal ko siya.
"Shit, shit, shit, shit! Tulungan n'yo siya!" Dumoble ang pagpa-panic ko kasi hinihigop ng kamay ko ang itim na usok mula sa katawan ni Edric. "Tulungan n'yo kami!"
"Chancey!"
Bigla na lang akong tumalsik at bumangga agad ang likod ko sa may-katigasang bagay. Pagtingala ko, kay Mr. Phillips pala bumangga ang likod ko.
Hawak-hawak niya ang kaliwang kamay kong grabe ang panginginig at binabalot pa ng itim na usok na mula pa yata kay Edric.
Hindi lang pala kamay ko ang nanginginig. Pati na ang buong katawan ko.
Anong nangyayari? Ano ang nangyari? Hindi ko alam kung anong nangyari.
Nakikita ko silang lahat na nakatitig sa akin.
Ayoko ng mga tingin nila. Ganoon ang tingin sa akin ng buong bayan noon nang palayasin ako pagbalik ko sa bayan.
Yung tingin na parang hindi ako tao.
Yung tingin nila na parang halimaw ako.
Naramdaman ko na lang na tinuluan na ng mainit na luha ang pisngi ko, at mula sa puwesto namin sa harapan . . . nakita ko ang itaas ng entrance ng conference room.
Lalong lumakas ang panginginig ko nang makita ko ang malaking painting sa itaas ng pinto, katabi ng iba pang painting ng mga naka-formal suit doon.
Tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha ko nang makita ko ang mukha ng seryosong lalaking may maamong mata sa painting.
Yung painting na iyon . . .
"Papa . . ."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top