xviii. Agree to Disagree
Pakiramdam ko, masisiraan na ako ng ulo kapag kasama ko si Mr. Phillips. Gusto ko lang namang magkatrabaho, hindi ko naman ine-expect na ganito ang aabutin ko sa mansiyon na 'to.
Nagsumiksik ako sa sulok ng kama niya kasi talagang ang weird na katabi ko siya habang natutulog siya.
Ako, okay lang akong katabi siya kasi kapag tulog ako, gising siya. E ibang usapan naman kapag ako ang gising at siya ang tulog. Ayaw niya ngang paistorbo tapos ako pa ang patatabihin sa kanya. Buti sana kung kaya kong hindi imikan lahat ng nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako nang matagal kakaisip o gawa ng antok mula sa pagod. Basta napamulat ako nang may gumalaw sa gilid ko.
Nakarinig ako ng ungol—yung ungol ni Mr. Phillips kapag nag-iinat.
Sa totoo lang, ang sarap pakinggan kapag fresh na bedroom voice ang boses niya. Ang sexy kasi sa tainga, parang may pogi kang katabi. Although, good-looking naman talaga si Mr. Phillips, pero iba ang image niya sa imagination ko kapag hindi ko nakikita ang mukha niya.
Naramdaman kong may bumaba sa kama kaya bahagya akong bumangon para sundan ang tunog ng paa sa sahig. Papunta sa direksiyon ng pintuan.
Hindi ako nagkamali, bumukas nga ang pinto. Natural lang namang madilim sa hallway kaya hindi na ako nagtakang dilim pa rin at kaunting liwanag mula sa wall lamp ang bumungad kay Mr. Phillips paglabas.
Bakit kaya hindi ako ginising nito? Hindi naman siya mukhang babanyo kasi nasa malapit sa kama ang banyo niya.
OMG, gabi na ba?
Nagbukas agad ako ng kurtina ng bintana sa malapit sa kama at nakitang madilim na nga.
"Hala! Seryoso ba?" Maghapon akong natulog? Shit, magluluto pa pala ako ng hapunan!
Dali-dali akong tumakbo papuntang pintuan at hinabol siya. Hindi pa naman siya nakakatagal mula nang lumabas pero hindi ko na agad siya makita kahit sa hagdan.
Tinulinan ko pa ang pagtakbo pababa at nakalimutan ko na ngang magsuot ng slippers. Halos magkandadulas-dulas na ako katatakbo sa hallway habang nakapaa.
Kaya pagbaba ko sa kitchen, hingal na hingal ako pagbagsak ko sa pintuan.
"Mister . . . Phillips . . ." hinihingal kong pagtawag sa kanya. Dahan-dahan pa ang paglakad ko habang pinanonood siyang uminom ng laman ng Red Water sa carton mismo. "Dapat ginising mo 'ko."
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin habang tinutungga ang laman ng carton.
"Ang sama tuloy ng gising ko, ano ba 'yan?" Habol tuloy ako nang habol ng hangin habang nagpapaypay ng mukha. "Ilang steak ang gusto mong kainin?"
"What's your dinner?" tanong niya imbis na sagutin ako.
"Ako ang naunang nagtanong," sabi ko at nagbukas na ng ref. "Dalawa? Tatlo? Ayokong naaabutan kita ritong kumakain ng hilaw sa madaling-araw."
"I'm good with one serving."
"Sure?" tanong ko habang pinagdududahan siya ng tingin. Isa lang tapos ano? Magmemeryenda siya ng anim na naman?
"Yes," nakangiti niyang sagot.
"Sure ka, ha?" Isa lang ang kinuha kong steak at kumuha na ng cooking pan. "Alas-siyete na pala. Hindi ko napansin ang oras."
"What's your dinner?"
Nilingon ko siya habang binubuksan ang stove. "Ako'ng bahala sa dinner ko. Kakain na lang ako pagkatapos mo. Matagal pang lutuin ang pagkain ko."
Napahinga ako habang nagbubukas ng steak. Grabe ang tibok ng puso ko, dumoble na naman ang bilis. Hindi kaya magka-highblood ako ngayon dahil sa mga nangyayari sa bahay na 'to. Nakakaloka na.
Naghugas muna ako ng kamay at saka kumuha ng plato bago ko isalin doon ang hapunan ni Mr. Phillips.
"Dapat talaga ginising mo 'ko para nahanda ko yung mesa," naiinis kong sinabi kasi talagang late na yung dinner niya. Hindi naman super late, pero kasi ang preparation time ko, parating quarter to seven. E pagtingin ko sa wall clock sa kusina, 7:18 na.
"It's alright."
Inalok ko ang plato sa kanya mula sa sinasandalan niyang mesa. "Kain na."
Nginitian na naman niya ako at itinuro ang bibig niya pagkatapos ngumanga nang kaunti.
Napasimangot na lang ako kasi magpapasubo na naman.
"Magiging part na ba ng trabaho kong i-babysit ka?" tanong ko at kinamay na naman ang karne. "Ah."
Tinawanan na naman niya ako at kumagat sa karne.
Kailangan ko na sigurong masanay na sinusubuan siya. Babawi talaga ako ng reklamo sa kanya kapag hindi ito kasama sa sahod ko.
"Bakit di mo 'ko ginising?" tanong ko habang pinanonood siyang ngumuya.
"I don't want to disturb you on your sleep."
Nginiwian ko agad siya. Karapatan naman niyang gisingin ako. Trabaho ko kaya itong pinag-uusapan namin.
"Paano kung hindi ako nagising, kakain ka na naman ng hilaw?" naiirita kong tanong saka sinubuan na naman siya. "Ah."
"I'll wait for my real dinner, of course."
"Eh? May real breakfast na, may real dinner pa? Pauso ka?"
Ang sama talaga ng gising ko, nakakabanas. Yung kamumulat mo lang, tapos para kang nag-panic kahit wala namang ka-panic-panic na nagaganap, ang heavy tuloy sa feeling, parang may nakadagan sa dibdib kong mabigat.
"O?" Napaangat ako ng tingin sa mata niya nang suklayin niya ang buhok ko gamit ang daliri. "Alam kong magulo 'yan, tinakbo ko mula third floor hanggang dito sa baba. Hayaan mo 'yan."
Pero hindi siya nakinig, talagang pinanindigan niya ang pag-ayos sa buhok kong kasinggulo ng buhay ko.
"Paano pala 'to, wala akong trabaho ngayong gabi. Walang iniwan si Eul na gagawin sa table mo."
Imbis na sumagot, nguya lang siya nang nguya habang sinusuklay ang buhok ko.
"Huy, Mr. Phillips, ano na?" Hinawakan ko siya sa panga at pinaharap sa akin. "Wala akong gagawin sa kuwarto mo. Tapos pinatulog mo pa ako maghapon, e di gising ako nito buong gabi."
"Gusto mong may gawin tayo?" sabi niya saka kinagat ang huling karneng hawak ko.
"Ano nga ang gagawin natin, wala na ngang laman ang table mo."
Nakangisi na siyang ngumuya kaya pinaningkitan ko agad siya ng mata kasi alam ko na 'yang mga ganyang tingin niya. May masama na namang binabalak 'tong bampirang 'to kapag ngumingisi e.
"A, alam ko na! Para hindi ka nakikipagbugbugan sa labas tuwing gabi, makikipagbati ka sa mga monster sa labas."
Napahinto siya sa pagnguya at biglang tumaas ang kilay niya sa akin.
E di nawala rin ang ngisi niya ha-ha!
"Para clear na tayo na hindi mo kailangang maligo ng dugo every night, okay?" paliwanag ko. "Kasi ayokong naaabutan kitang puro sugat paggising ko. Ang tigas-tigas ng ulo mo, sabi nang huwag makikipag-away."
Hindi na naman siya sumagot, pinag-initan na naman ang mga daliri kong mamantika.
Si Mr. Phillips, minsan ang tino kausap. Minsan, ang sarap batuhin ng kutsilyo kasi di marunong sumagot.
Pinanood ko na naman siyang papakin ang daliri ko. Ang weird talaga ng ginagawa niya, hindi siya naiilang na subo-subo niya ang daliri ko. Nangingilabot pa rin ako sa ginagawa niya kahit minsan, napapalunok na lang ako. Ewan ko ba, para talagang ang sarap ng mantika sa daliri ko para papakin niya parati. Awkward ang ginagawa niya, pero mas awkward kapag naaabutan ko siyang nakatitig sa akin habang subo-subo ang daliri ko. Pakiramdam ko, kakainin ako nang buo. Mabuti ngayon, talagang doon lang ang focus niya sa kamay ko.
Habang tumatagal ko siyang pinanonood, naiinggit tuloy ako. Masarap naman kasi talaga yung steak niya, pero kapag nakikita ko siyang kumakain, pakiramdam ko, mas masarap pa 'yon kaysa sa nalasahan kong malansa.
"Okay ka na?" tanong ko nang masimot niya ang mantika sa daliri ko.
Tumango lang siya sa akin. Kinuha ko na lang ang plato niya saka ako pumunta sa lababo para maghugas.
"Hihintayin kita sa living room," sabi niya.
"Magdi-dinner pa ako."
"I'll still wait for you."
"Okay?" Nagkibit-balikat na lang ako. Bahala siya, maghintay siya roon. Maghahapunan na ako.
Habang tumatagal, nakakasanayan ko na ang araw-araw namin ni Mr. Phillips. Pero kasi talagang mas komplikado pa ang mood niya sa music sheet ni Mozart. Minsan, madaldal siya. Minsan, sina-silent treatment ako. Minsan, inaasa na lang sa facial expression ang sinasabi at ginagawa akong manghuhula.
At dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya, tinangay ko na lang ang niluto ko sa microwave na sausage and tomato pasta na inilagay ko na lang sa mug. Pagdating ko sa living room, doon na siya nagbabasa ng diyaryo.
"Are you going to eat . . . in a mug?" tanong pa niya habang sinusundan ako ng tingin patabi sa kanya.
"Oo. Bakit ba? At least, di ako sa palad kumakain, di ba?" Sumubo agad ako ng hapunan ko habang nakatingin sa kanya.
"Is that enough for you?"
"Oo naman! Ang bigat na nga nito sa tiyan. Saka bihira lang akong makapag-sausage. Nakabili ako no'ng nilagyan mo yung account ko ng one thousand dollars." Kinindatan ko siya saka ako sumubo ulit.
Komportable akong sumandal sa couch habang tahimik naman siyang nagbabasa ng diyaryo.
Puwede naman pala kaming mabuhay nang ganito. Yung tahimik kami sa living room at walang inaalalang monster sa labas.
Puwede pala akong mabuhay nang ganito. Yung hindi na ako worried kung may magpapalayas pa ba sa akin ulit.
"Mr. Phillips—"
"Van."
Bigla ko agad siyang binalingan ng tingin saka ko isinampa ang kaliwang hita ko sa couch paharap sa kanya. Sumubo pa muna ako habang nakatitig sa kanya na nagbabasa pa rin.
"Okay lang sa 'yong tawagin kitang Van?"
"Bakit kailangang itanong kung ako ang nagsabing tawagin mo ako sa pangalan ko?" tanong niya habang tutok pa rin sa diyaryo.
"Hindi naman. Kasi boss pa rin naman kita, di ba?"
"Call me Mr. Phillips during your work. But now, let me remind you that you are my wife."
"Hindi ka ba natatakot na baka perahan talaga kita?"
"Chancey, the moment I told you that you can have my wealth once I died, you just asked me about my possible death and my safety. What's to fear from someone who was more concern about my welfare than my wealth?"
"Curious lang naman ako?" sabi ko saka sumubo ulit.
Hindi naman sa hindi big deal sa akin ang sinabi niyang mapupunta sa asawa niya ang lahat ng yaman niya kapag namatay siya. Mas nakaka-bother kaya ang ma-imagine na para yumaman ako, dapat pa pala siyang mamatay. Paano naman ako makakapayag sa ganoon? E di maghirap na lang ako kaysa naman may pera nga ako pero galing naman sa patay na asawa ang pera ko. Kailangan ko ng pera, pero hindi naman ako ganoon kamukhang pera na talagang magse-celebrate pa ako na mayaman ako habang may namamatay sa paligid ko. Higit sa lahat, asawa ko pa. Ang tanga kaya pakinggan.
"Pero may sahod pa rin ako next week?" tanong ko ulit saka sumubo na naman.
"Chancey, you are working as the chairman's secretary. Of course, Prios Holdings will give you your salary as long as you work according to the company's signed contract. I can give you your allowance, yet your salary is Prios' responsibility to provide."
"WAH!" Napaayos ako ng upo habang kumikinang ang mata habang nakatingin sa kanya. "Ibig sabihin, may allowance ako sa 'yo tapos may sahod pa ako sa Prios?"
"I thought you read the contract carefully, Chancey. I asked you about that, right?"
"Oo nga! E wala namang sinabi roon na pakakasalan kita e."
"Yes, I understand. But legally, you are still working under Prios Holdings."
"E di marami akong sasahurin pagdating ng next week?" nakangiti ko pang tanong. "Sabi mo, bayad yung OT ko every morning na lulutuan kita ng breakfast e."
"I will shoulder that starting from now."
"E di ikaw magbibigay ng sahod sa akin?"
"Don't mind your account. Take my cards."
OMG. Talaga ba? Ack! Feeling ko, ang daming laman ng cards ni Mr. Phillips. Mauubos ko kayang gastusin 'yon?
Ano bang bibilhin ko kung sakali? Hmm . . .
"Ay." Biglang bumagsak ang mukha ko nang maisip kong kaya lang naman ako nagpapakahirap sa trabaho ay dahila kailangan ko ng bahay at gamit saka pagkain. May bahay na ako, may mga gamit naman ako, saka yung pagkain, hindi ko naman puwedeng bilhin lahat sa isang bilihan lang.
"What's the matter?" tanong niya.
Sumubo na lang ulit ako at sumandal sa couch habang ngumunguya. "Wala na pala akong maisip na bibilhin."
"Are you sure?"
"Uhm-hmm." Tumango naman ako. "Siguro, manghihingi na lang ako ng pera kapag wala nang laman ang ref ko sa taas."
"Aren't you going to buy things that could make you happy?"
Hmm . . . ano bang makakapagpasaya sa akin na mabibili ng pera?
Masaya naman na ako sa buhay ko ngayon. Nagka-instant asawa na nga ako kaya hindi ko masasabing love life naman ang kulang.
Kailangan ko ba talaga ng pera?
"Feeling ko, kailangan ko na lang mag-stay rito sa Cabin. Okay naman na ako rito," sabi ko sa kanya.
"No regrets?"
Tinawanan ko siya habang sinisimot ang laman ng mug. "Sa totoo lang, baka kapag umalis ako, doon pa ako magsisi." Binangga ko siya nang mahina sa kanang balikat. "Ikaw nga lang yung palagi kong binabalikan dito sa Cabin e." Nagtaas-taas pa ako ng kilay habang nakangiti sa kanya.
Tinawanan lang din niya ako at nakita ko na naman ang pangil niyang mahaba.
"Dito ka lang, ha. Mamamasyal tayo sa labas mamaya," sabi ko at saka ako bumalik sa kusina para hugasan ang kinainan ko.
Sanay kami na kapag tapos ng hapunan, patay na lahat ng ilaw sa mansiyon tapos nasa kuwarto kami at inaayos ko ang mesa ni Mr. Phillips, pero iba ngayong gabi.
Wala kasing naiwang trabaho sa mesa niya at ilang araw na rin akong hindi nagpapatay ng ilaw sa mansiyon tuwing gabi. And this time, mamamasyal naman kami.
"Are you sure it's safe for you, Chancey?" tanong pa niya habang hawak-hawak ko ang kamay niya paglabas namin ng mansiyon.
"Ako pa ba?" mayabang kong sagot sa kanya. "Batas kaya ako rito. Huh!"
Narinig kong tumawa siya nang mahina kaya dinala ko na siya sa damuhan.
Naabutan na naman namin ang mga taong putik doon na naglilibot na naman.
"Sabi ng isa sa kanila, binabantayan nila itong buong area," paliwanag ko kay Mr. Phillips na para bang ako ang matagal na sa lugar na ito at siya ang bagong tapak lang. "Every night, rumoronda sila, tapos hinuhuli nila yung unusual entities na threat sa buong Helderiet Woods."
Pagtingala ko kay Mr. Phillips, lalong kuminang ang gintong mata niya at tumalim iyon.
"Huy, ano 'yan?!" singhal ko agad sa kanya at hinawakan siya sa panga paharap sa akin. "Mr. Ph—Van. Makikipagbati ka, okay?"
Seryoso lang ang mukha niya nang tingnan ako.
Ano ba naman 'to? Paano makikipagbati, mukha siyang papatay?
"Safe sila, okay?" paliwanag ko. "At saka—" Napatingin ako sa kamay naming maghawak nang maramdaman kong biglang humaba ang mga kuko niya. "Donovan Phillips!" galit ko nang singhal pag-angat ko ng tingin sa kanya. "Sabi nang—" Napalingon agad ako sa tinitingnan niya. May mga itim na aso na naman na umaangil sa gilid.
"Hoy! Saglit, ha! Saglit lang!" Pinuntahan ko muna yung malaking aso at mabilis na hinimas ang noo para paamuhin. "Hindi siya mananakit! Walang mananakit sa inyo." Lalo ko pang hinimas ang malambot niyang balahibo pero lalong lang lumakas ang pag-angil niya.
Hala, kinakabahan ako rito. Baka magsuguran itong mga ito, hindi ko alam kung sino ang una kong aawatin.
Pagtingin ko kay Mr. Phillips, ang dumoble na naman ang haba ng pangil niya at mas malakas na ang angil niya habang pinanlilisikan ng mata ang inaamo kong shifter.
"Mr. Phillips, behave!"
Napahinto siya sa pag-angil at hindi makapaniwala nang balingan ako ng tingin. "Excuse me?" malalim ang boses niyang tanong.
"Behave ka lang kasi! Kaya ka inaangilan e."
"What?!"
Bumulong na lang ako sa asong hinihimas ko ang balahibo. "Tawagin mo naman yung kasamahan n'yong puwede kong kausapin. Yung nakaraan na ibon."
"Awoooo!"
Pagkatapos niyang umalulong, binalikan ko na naman si Mr. Phillips na kunot-noong sinusundan ako ng tingin.
"Makikipagbati tayo, okay? Huwag ka ngang war freak," naiiritang bulong ko sa kanya.
"You told me to behave? How dare you?"
"Kasi mukha ka na namang makikipag-away!"
"Hmp!" Umirap lang siya sa akin at nagkrus ng mga braso.
Ang arte talaga ng bampirang 'to. Spoiled ba 'to? Hapurasin ko na kaya 'to ng tsinelas nang matigil sa pag-iinarte niya?
"Ewan ko sa 'yo," pag-irap ko rin at eksaktong paglingon ko, kalalapag lang ng ma-attitude na shifter na nakausap ko last time. "Hey! Ang bilis mo namang nakarating."
"May kailangan ka?"
Ang attitude talaga niya, nakakaloka! Kung pagsabayin ko kaya silang sampaling ng tsinelas nitong katabi ko?
"Narito kami ni Mr. Phillips—"
"Van."
"—pa . . ." Napabuntonghininga tuloy ako paghinto ko sa sinabi ko. Ayaw talaga patawag ng Mr. Phillips, nakakaloka. "Narito kami ni Van para makipagbati."
"Para sa anong dahilan?" tanong ng ma-attitude na shifter na mukhang naistorbo ko pa yata sa night date niya.
"Para hindi na kayo nagpapatayan tuwing gabi. Wala naman kasing kayamanan sa kuwarto ko."
"Ikaw ang kayamanan, baka hindi mo pa nalalaman."
"Ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko. Paano ako magiging kayamanan e ang poor ko nga! "Hoy, monster, hindi ako nakikipagbiruan, ha."
"May pangalan ako, anak ng Ada."
"E di sana sinabi mo last time, di ba? Saka ako si Chancey. Hindi ako Anak ng Ada."
"Bin ang ngalan ko. Ako ang bantay sa dulong norte ng gubat. Alam na ng mga kasamahan ko na binabawi mo na ang lugar na ito sa mga bampira."
Binalingan ko agad si Mr. Phillips dahil wala akong matandaang binabawi ko ang Helderiet sa mga bampira gaya ng sinasabi nito ni Bin.
"Binabawi ni Chancey?" tanong ni Mr. Phillips na nakatitig lang sa shifter na kausap namin. "Sa paanong paraan?"
Aba, same question!
"Nakarating na sa Dakilang Ada ang balita, bampira ng mansiyon. Inaasahan na nilang ibabalik na sa mga Ada ang pagmamay-ari ng lugar na ito sa lalong madaling panahon."
"Si Helene?" tanong ng katabi ko.
At ito na naman ako na hindi nakakasunod sa kanila.
"Mananatili kaming bantay ng gubat, bampira ng mansiyon. Sa iyo ipinagkatiwala ng Ada at ng salamangkero ang kayamanang babawi sa lugar na ito. Umaasa kaming ikaw ang mag-iingat sa kanya sa sarili mong pamilya," sabi ni Bin habang nakatingin sa akin.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko naiintindihan ang topic. Ang usapan, makikipagbati. Hindi naman kasama sa usapan na may ipinagkakatiwala na pala sa kung sinuman.
"Uh, guys?" Sinubukan kong makisingit sa topic nila pero parang hindi ako nag-e-exist sa paligid kung mag-usap sila ng tingin. "Peace talk pa rin ba tayo?"
"Babantayan namin ang gubat sa gabi, bantayan mo ang kayamanan ng Ada. Maliban kay Marius Helderiet, ikaw lang ang bampirang hindi gagalawin ng mga kasamahan ko. Iyon ang kasunduang panghahawakan ng uri ko sa pagitan natin," seryosong sabi ni Bin. "Magkakasundo ba tayo?"
"May mapagkakasunduan tayo ngayong gabi, halimaw ng gubat," seryosong sagot ni Mr. Phillips na nagpanindig lalo sa balahibo ko. Bihira ko lang kasi siyang marinig sa ganoong tono, parang life and death situation ang usapan nila.
"Balita sa buong gubat ang pagkakabuo ng harang nitong bahay mula sa pamilya," sabi ni Bin habang naglalakad na paatras. "Ingatan mo siyang mabuti. Hangga't walang pormal na kasunduan, hahanapin at hahanapin nila ang kayamanang babawi ng lugar na ito mula sa kanila. Huwag mong hintaying malaman nilang narito na pala sa lugar na ito ang matagal na nilang hinahanap."
Tumalon na naman siya sa hangin at mabilis siyang binalot ng itim na balahibo bago pumaling pakaliwa nang tuluyan nang maging ibon.
Pinanood ko lang siyang lumipad palayo. At hindi ko alam kung nagkasundo na ba silang hindi mag-aaway o ano.
"Mr. Phillips?" Binalingan ko na ang katabi kong nakatingala lang din sa direksiyon kung saan lumipad si Bin. "Okay na ba kayong dalawa saka yung ibang monster?"
"We have an accord," seryoso niyang sinabi at saka lang ako binalingan ng tingin. "But we need to deal with another monsters starting tomorrow."
"Ha?!" Halimaw na naman? At bago na naman?
"Just stay with me, alright? I'll keep you safe. Let's go back inside.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top