xvi. Master and Slave
Masaya naman akong gising na ulit si Mr. Phillips at nakakapang-inis na naman siya kahit ang aga-aga pa. Nag-request siyang tugtugan siya ng piano at inubos namin ang isang buong oras sa kaka-request niya ng kanta.
"You said you wanted to play piano than to work as a secretary," sabi niya habang tinitipa ang ilang keys sa lower keys habang nasa kabilang dulo naman ako sa high keys.
"Oo nga. Kasi mas masaya akong tumutugtog."
"If ever you got a chance, will you leave this place to play piano than to work with me?"
Tinawanan ko naman siya sa tanong niya. Nakangiti ko siyang tiningnan.
"Mahirap mabuhay sa labas," sabi ko. "Alam mo, bago ako mag-apply as secretary mo, walang tumatanggap sa applications ko bilang pianist. Trend kasi ngayon ang bands saka may technology na rin. Speakers at downloaded music lang ang katapat ng service ko." Binalikan ko ang pagtipa ng mas soft nang music pampakalma.
"How are you able to earn money?"
Natawa na naman ako. "Wala nga akong pera e. Si Zephy, pinauutang na lang ako kapag may allowance siya galing sa parents niyang nasa Regina. E ako, wala na akong parents. Ako na lang lahat. Kaya kailangan ko ng pera kasi kailangan kong mabuhay. Kailangan ko ng pera para makabili ng bahay, ng pagkain, ng damit, ng mga gamit." Sinulyapan ko siya. "Ikaw, mayaman ka. Hindi mo problema 'yong mga basic needs. Ang problema mo naman, security sa position. Kasi ako yung nasa bottom of the chain, ikaw ang nasa taas. May hihila sa iyo palagi pababa kaya kailangan mong i-maintain ang superiority mo kundi babagsak ka."
Nagpatuloy lang ako sa pagtugtog ng calming music habang hindi siya nagsasalita. Ilang minuto pa ang lumipas, bigla niyang hinawi ang buhok sa balikat ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko pagkatapos.
Napatingin tuloy ako sa kanya dahil sa gulat. Pati ang pag-piano ko, nahinto rin.
"You're beautiful, Chancey."
"Ha?"
Kasabay ng pag-angat ng hangin sa dibdib ko ang pag-init ng pisngi ko. At ito na naman ang kabog sa dibdib kong parang may fiesta sa loob kung magwala.
Tama ba ang dinig ko? Sinabihan niya akong maganda?
"I'm glad I don't have to compete to anyone for you."
Eh? Kanino naman siya makikipag-compete e wala ngang nanligaw sa akin ever.
"Alam mo, Mister—Van—ewan ko lang, ha? Hindi ko alam kung may sumpa ba ako o pangit lang talaga ako kaya wala akong naging boyfriend ever since. May mga lumalapit, pero ilang araw lang, hindi ko na sila nakikita ulit. Kaya nga iniisip ko na baka ayaw lang talaga nila sa akin kasi di ako maganda."
"But you are."
"Bolero ka, ser?" Tinawanan ko siya at binalikan ko ang pagtipa sa piano. "Pero, alam mo, dream ko talaga ng magandang wedding sa lalaking mamahalin ko nang sobra-sobra. Kahit hindi naman pangmayamang wedding. Yung klase lang ng wedding na pinaghandaan." Saglit akong sumulyap sa kanya saka ngumiti saka ako bumalik sa piano para tumugtog ng Wedding March. "Kahit parang yung mga kasal lang nina Mama saka Papa sa gubat kapag anniversary nila. Suot ni Mama ang wedding gown niya, tapos lalakad siya sa lupa na pinatungan ng flower petals. Tapos yung mga nanonood sa amin, mga hayop sa gubat."
Bigla tuloy akong nalungkot kasi winasak nga pala ni Mr. Phillips yung wedding gown ni Mama. Wala na akong isusuot na gown sa next anniversary ng town declaration. Kailangan ko nang bumili ng bago.
"Wala naman silang mga pari o kaya judge doon. Nagpapalitan lang sila ng vows. Ganoon lang, pero masaya sila."
"Ayusin ninyo ang kurtina sa itaas!"
Magkasabay pa kami ni Mr. Phillips na napalingon sa direksiyon ng pintuan ng kusina. Pagtapos, ibinalik namin ang tingin sa isa't isa.
"Nandiyan na si Mrs. Serena," sabi ko. Sabay na kaming tumayo at siya na ang naunang naglakad. Sa likod dapat niya ako pupuwesto pero hinatak na naman niya ang kamay ko para tangayin.
Feeling ko, seryoso talaga si Mr. Phillips na sesermunan si Mrs. Serena kasi halos itapon ako sa lupa noong isang araw para lang palayasin. Baka lalo akong pagalitan n'ong matandang imortal kasi sumbungera ako.
"Serena." Binalot ang buong hall ng boses ni Mr. Phillips pagbalik namin sa living room.
"Mr. Phillips!" tatlong boses ang sabay-sabay na sumagot.
Paghinto namin, napasinghap agad ako nang makita si Mrs. Serena, si Lance sa may pintuan na laging puwesto niya, saka si Eul.
Gulat na gulat silang makita kami—o baka si Mr. Phillips lang kasi wala namang shocking sa mukha ko.
"Gising na kayo?" gulat pang tanong ni Mrs. Serena habang minamata si Mr. Phillips mula ulo hanggang paa.
"Chancey said you threw her out of this mansion a few days ago."
"Hoy, wala akong sinabi!" sigaw ko agad at pinalo siya sa kamay niyang nakahawak sa akin. "Mrs. Serena, hindi ko sinabi sa kanya. Tulog siya."
Pero parang hindi ako narinig ni Mrs. Serena, nakatuon lang ang tingin niya kay Mr. Phillips na parang nakakita ng kataka-takang bagay sa harapan niya.
"Mr. Phillips, paano kayo nagising?" tanong pa niya.
Walang salitang lumapit si Eul sa amin kaya sinundan ko siya ng tingin. Sumulyap pa siya sa akin bago binalingan si Mr. Phillips.
"Mr. Phillips, may I have a private talk with you for a moment?"
Tiningnan ako ni Mr. Phillips, parang nagtatanong kung papayagan ko ba siya. Tiningnan ko naman si Eul kung bakit di pa sila umaalis o kung ako ba ang aalis.
Itinuro ko na lang ang likuran ko. "Aalis na ako."
"No. Come with us," sabi ni Mr. Phillips at hinatak na naman ako papuntang kusina.
Hala, talaga bang isasama niya ako? E private talk nga raw sabi ni Eul, private pa ba 'to?
Nakaabot kami sa kusina at takang-taka ako habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Ano ba ang pag-uusapan, bakit parang ang seryoso nilang dalawa?
"Mr. Phillips, sigurado ka bang isasama natin si Miss Chancey sa usapan?" paninigurado pa ni Eul, lalo tuloy akong kinabahan kasi parang pinalalabas niyang hindi ko sila dapat marinig.
"What's to hide, Willis?"
"I asked for the Great Fae's opinion about the family's control over you, Mr. Phillips."
"What did Helene say?"
Ang lalim ng buga ng hininga ni Eul at nag-aalala ang tingin nang sulyapan ako. "No being could remove the curse on your body brought by the family. You will still remain under the spell until your death."
OMG, wala akong nag-gets. Sinong sinumpa? Si Mr. Phillips?
"But Chancey removed the family's control over me. I'm free," sagot ni Mr. Phillips kay Eul.
Oo, tama naman. Ako naman ang nag-alis ng black smoke sa katawan niya.
"That can't be, Mr. Phillips," sagot ni Eul. "The mortal didn't remove the curse. The only way to change the control over you is to overtake your body. Hypothetically, Miss Chancey took control over you."
Biglang naningkit ang mga mata ni Mr. Phillips. "So, are you saying that I'm still under control?"
"Yes," sagot ni Eul habang tumatango. "But not under the family, Mr. Phillips."
"I'm still a slave of that curse," sabi pa ni Mr. Phillips, sinisigurado kay Eul ang sinasabi niya. "But not under Edric."
"Yes, Mr. Phillips. And the Great Fae said only powerful blood could overpower the curse's master."
"But Chancey did!" malakas na sinabi ni Mr. Phillips na nagpaatras sa akin dahil sa gulat. "Are you telling me that Chancey is more powerful than Edric?"
"It was Ruena's ring, Mr. Phillips."
Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Mr. Phillips. Mukha siyang may nalamang maganda.
"Initially, it was my mother's ring who took over the control of my body from Edric," sabi ni Mr. Phillips.
"The ring had the capability to overtake the power of the family, Mr. Phillips. But it won't work unless used by the ring's owner."
"Chancey already owned my mother's ring, Willis. Initially, I am not yet free."
Tumango lang si Eul na may malungkot na mukha. "I'm sorry, Mr. Phillips."
Ang lalim ng buntonghininga ni Mr. Phillips at napahimas na lang siya ng sentido.
Hindi ko gaanong nakukuha ang usapan nila. Sinumpa siya? Tapos nalipat lang sa iba ang kontrol sa kanya? Ano na ang mangyayari ngayon? Babalik ba ulit siya sa pagkakatulog?
"Am I going to be fine, Willis?" sumusuko nang tanong ni Mr. Phillips.
Ang lalim na rin ng buntonghininga ni Eul at pilit ang ngiti nang tingnan ako. "I don't want this to come from my words, Mr. Phillips, but Miss Chancey took over you. As long as she got Ruena's ring, you'll remain under her control."
Hindi na ako nakapagpigil, nakisabad na rin ako. "Ibig bang sabihin nito, Eul, hindi na makokontrol ng kahit sino sa mga bampirang 'yon si Mr. Phillips?"
Nakangiting umiling sa akin si Eul. "Hindi na, Miss Chancey."
"Safe na siya?"
Tumango naman siya. "Yes."
Ay, buti naman.
Ang importante naman, hindi na ulit masasaniban ng kung anong literal na masamang espiritu itong si Mr. Phillips. Wala na akong balak humigop ng kung anong nakakasunog na usok, ano ba?
Nakangiti pa ako nang tingnan siya. Ang ikinataka ko lang, kung tingnan niya ako, parang natatawa siya sa akin.
"Bakit?" tanong ko naman kasi yung tingin niya, may ipinahihiwatig na joke na di ko gets.
"I don't know if I should be thankful that you always see things differently the way we see it, Chancey." Inilipat niya ang tingin kay Eul. "She still doesn't and won't get it, Willis."
Nginitian lang siya ni Eul kaya lalong hindi ko na-gets.
Ano'ng meron? Bakit hindi ko nakukuha ang topic nila?
Ano? May naririnig ba silang hindi ko naririnig?
"I'll talk to Serena alone." Nauna na si Mr. Phillips na lumabas at hindi na niya ako hinatak.
Naiwan tuloy kami ni Eul sa kusina.
"Hala, Eul, ano'ng meron?" tanong ko agad pagharap ko sa kanya.
Nagpakita na naman ang super cute na smile ni Eul sa akin. "Sinabi ko lang na ligtas na si Mr. Phillips sa pamilya, Miss Chancey."
"E bakit parang nag-aalala siya kanina?"
"Dahil unang beses itong nangyari. Masyadong makapangyarihan ang pamilya para bawiin sa kanila ang bagay na kinokontrol nila."
"Pero sure kang okay na si Mr. Phillips?"
Nakangiti na naman siyang tumango. "Alagaan mong mabuti si Mr. Phillips, Miss Chancey. Ikaw na ang magmamay-ari sa kanya magmula ngayon."
Sa totoo lang, hindi ko sila nakukuha. Hindi ko na alam kung ano na ba ako sa Cabin na ito sa buhay ni Mr. Phillips.
Sekretarya? Asawa? O . . . baka may iba pa.
Ayokong makinig sa kanila ni Mrs. Serena, at eksaktong paglabas namin ni Eul sa living room, bagsak na bagsak ang mukha ng mayordoma ng Cabin habang nakasunod kay Mr. Phillips.
"Serena's not gonna do again what she did to you last day, Chancey. I'll make sure of that," paliwanag ni Mr. Phillips. "Serena."
Biglang yumuko si Mrs. Serena sa akin. "I deeply apologize, Madame."
EH?!
Ano raw? Madame? Tinawag niya akong Madame? Oh shoot, kinikilabutan ako, my God. Para akong ginapangan ng maraming ipis sa katawan.
"Tell the board Chancey and I will be going tomorrow, Willis."
"Yes, Mr. Phillips," sagot ni Eul.
"Lancelot, pick us up tomorrow at six."
"Yes, Mr. Phillips," sagot ni Lance sa pintuan.
"And you?"
"Po?" tanong ko agad pagbaling niya sa akin.
"Come with me upstairs. We need to talk."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top