xv. Unofficial Couple
Ilang araw ko ring inaasikaso si Mr. Phillips habang tulog siya, at dahil gising na siya, panonoorin ko na lang siya habang nag-aayos ng sarili.
"Chancey."
"Yes, Mr. Phillips."
Nagbuntonghininga siya at tiningnan ako habang sinisimulang isara ang pagkakabutones ng asul na long-sleeved shirt niya.
"Why are you standing behind the door?"
"Po?" Tiningnan ko naman ang sarili ko. Nakatayo kasi ako sa may pintuan, nakalapat ang mga palad ko sa ibabaw ng tiyan gaya ng mga maid, saka ibinalik ang tingin sa kanya. "Bakit?"
Nagbuka siya ng bibig at akmang may sasabihin, pero imbis na sabihin, idinaan na lang niya sa buntonghininga na naman.
"Come here," utos niya.
Sumunod naman ako. Come there daw e.
"Ano'ng gagawin, Mr. Phillips?" tanong ko pa pagtayo sa gilid niya.
"Fix my shirt."
"Po?"
Itinuro lang niya ang damit niya.
"Ako?" Itinuro ko naman ang sarili ko.
Tumango naman siya. Itinuro ulit niya ang damit niya.
"Di ba, nagbibihis ka na?"
"Fix it."
Nginiwian ko agad siya.
Nagbibihis na siya, ako pa uutusan? Ito, katamaran level nito, ibang klase na e.
"Mr. Phillips, kulang ka ba sa atensiyon?" naiinis na sinabi ko habang inaayos ang butones niya mula sa ibaba.
"Remember, you're not just my secretary."
"Ano? Kasi asawa mo 'ko?"
"You already said yes."
"Oo nga. E akala ko, may wedding thingy pang magaganap. Di ko naman alam na pagsuot ko ng singsing mong maraming alam na pakulo, magiging asawa mo na pala ako."
"You were frantic when you wore it. I thought you were happy."
"Happy nga ako! Nag-transform tapos naging diamond e!" Tiningnan ko na siya nang diretso. "Malay ko ba na mabilis lang pala lahat. Ganoon lang, kasal na ako. Wala man lang bonggang ceremony na naka-gown ako tapos maglalakad ako sa aisle."
"Do you want that kind of ceremony?"
"Siyempre! Dream ko kaya ang bonggang wedding. Tapos di pala ganoon." Dismayado akong ngumuso habang nakasimangot. "Ayan, okay na."
"Thank you."
Pinanood ko siyang ayusin ang cuff ng sleeves niya.
"Bukas, hahanapin ka sa Prios. Kailangan mong pumunta," paalala ko agad.
"I'll go. And you need to be there."
"Sasamahan kita?"
"You're still the chairman's secretary, remember?"
"Sabi ko nga."
Sinundan ko siya ng tingin pagkaupo niya sa kama. Bumaba lang ang paningin ko sa harapan ko para titigan siya at ang gagawin niya.
"Hindi ka na ba makakaakyat sa kuwarto mo sa taas?" tanong ko kasi gising na siya kaya baka puwede na siyang umakyat doon.
"Are you gonna allow me?" tanong niya pag-angat niya ng tingin sa akin.
"Ano ka ba? Kuwarto mo 'yon! Siyempre, papayagan kita!" Ako na ang kumuha ng kamay niya para itayo siya. "Tara, babalik ka na sa kuwarto mo."
Sa akin pa nagpapaalam para sa kuwarto niya. Ano? Lahat na lang, may approval ko? Ako na ba ang boss sa amin? Aba, wala akong ipapasahod sa kanya. Ako nga ang dapat na sumasahod dito, ano?
Dumiretso na kami sa spiral staircase paakyat sa third floor habang hatak-hatak ko pa rin siya sa kamay.
"Mr. Phillips—"
"Don't call me Mr. Phillips if you're not working."
"E pero—"
"Please."
Ano ba 'yan? Di ako sanay. Tinatawag ko lang naman siyang Donovan kapag namimilit siya.
"Okay . . . Donovan."
"Van is enough."
Ay, taray, may pa-nickname. Pero Van ang tawag sa kanya ng pamilya niya. So, Van talaga ang itatawag ko?
"Van," pagdidiin ko. "Okay, Van. Sabi mo, inilipat mo itong ownership ng Cabin sa akin. Anong mangyayari n'on?"
"No vampire could enter this mansion unless you welcomed them."
"Pero wala akong proof na akin itong Cabin. Di kaya palayasin ako ng historical commission nito?"
"Willis got my last will and testament. Once my family killed me, my wife will inherit my wealth."
Napasinghap agad ako at huminto sa kalagitnaan ng hagdan saka hinarap siya.
"Alam mong papatayin ka ng pamilya mo?" gulat kong tanong sa kanya.
"They beheaded my mother. They won't let humans get involved with the family."
Lalong nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ganyan din ang ginawa nila kay Marius! Pinugutan nila ng ulo yung pinsan mo!"
Inaasahan kong magugulat siya sa sinabi ko pero hindi. "I heard you last time. You said they killed him. I am not surprised. Marius got involved with a mortal, too."
"Paano pala kapag nakita ka ulit nila? Papatayin ka nila?"
"We can't cancel that possibility."
"Di ako papayag!" Hinatak ko agad siya paakyat.
Ang kapal naman ng mukha ng pamilya niya. Kasalanan ba niyang pumili siya ng hindi bampira? Bakit? Ikamamatay ba nila kung tao o hindi ang pakakasalan niya? O kahit yung Marius na 'yon at ang mama ni Mr. Phillips?
Ano lang ba kami? Pagkain nila?
"Di ako papayag na makita ka ulit nila," sabi ko ulit sa kanya pagtapak namin sa third floor. "Bumalik ka na rito sa kuwarto mo."
Akala ko, magagaya siya kay Zephy, pero hindi. Tuloy-tuloy kaming lumakad hanggang makarating kami sa kuwarto niya.
"O, kita mo? Welcome ka pa rin dito kasi bahay mo 'to!" Ako na ang nagbukas ng kuwarto niya saka siya nginitian pagpasok namin doon.
Umaasa pa naman akong may sasabihin siya pero tiningnan lang niya ako, at naroon na naman siya sa tingin niya na parang may sinasabi pero wala naman akong naririnig.
"Why are you still here, Chancey?"
"Ha?" Tiningnan ko ang sahig bago ibalik ang tingin sa kanya. "Si-Sige, lalabas na ako." Babalik na sana ako sa may pintuan, pero hinarang niya ang braso niya sa daan ko.
Hala, ang gulo naman niya. Akala ko ba, pinalalayas na niya ako?
"Why did you come back that night? You could escape from my family, you know that?"
Natigilan ako.
Tinitigan ko na lang din siya at para bang naghihintay pa siya ng sagot mula sa akin.
Bakit nga ba ako bumalik?
Kasi sinabi ni Helene na bumalik ako. Sabi niya, kailangan kong bumalik e.
"May nagsabi kasi sa aking kailangan kong bumalik," sagot ko.
"You almost died. My family almost killed you. You went back here alone."
Napahugot ako ng hininga at napaiwas ako ng tingin. Alam ko namang mamamatay ako. Pero hindi ko rin naman kasi alam kung anong gagawin ko kung hindi ako bumalik para sa kanya.
Nakakabanas naman. Naiiyak na naman ako kahit wala namang nakakaiyak
"Hindi naman ako nagsisising binalikan kita rito," sagot ko sa kanya habang nakatingin ako sa kuko kong kinutkot ko na lang para makaiwas. "Kung di ko 'yon ginawa, baka kumain ka na talaga ng tao."
Kapag naaalala ko yung nangyari noong gabing iyon, natatakot pa rin ako, pero masaya ako kasi unang beses ko siyang narinig kahit wala siya sa sarili niya.
"Tulog ka na. Seven na o." Itinuro ko ang orasan ng kuwarto niya. "Inayos ko na pala yung mga document na dala ni Eul noong nakaraang linggo. Wala nang naiwang papers diyan sa table mo. Si Eul, di na nagbigay ulit ng folders."
"My family is part of the Prios' Board Members, Chancey."
Eh?
So, magkikita-kita ulit sila bukas sa board meeting?
"Mr. Phi—Van. Paano bukas?"
"I'll let them see us."
"Di ka ba mapapahamak?"
"Some of the board members are not vampires. But my family's influence to ask for their votes is higher than mine. They can't wreak havoc inside the conference room, but they will definitely be a challenge for me to deal with."
"Kasama mo naman ako, di ba?"
"You need to."
"Magbabaon ako ng spray na may holy water tapos ii-spray ko sa kanila kapag inaway ka nila."
"Chancey." Tinawanan lang niya ako habang umiiling.
Seryoso kaya ako. Akala ng pamilya niya, papayag pa akong i-bully nila si Mr. Phillips. No way!
"Tulog ka na. Maya-maya lang, narito na sina Mrs. Serena."
Napaayos siya ng tayo nang marinig ang sinabi ko. "Ah! I'll wait for her."
Siya na ang kumuha ng kamay ko at tinangay na naman ako palabas ng kuwarto.
"Uy! Akala ko ba, matutulog ka na? Seven na!"
"I'll tell Serena not to harass you."
"Uy, okay lang, Mr. Phillips!"
"Van."
"Okay, Van! Okay lang talaga!"
"That is not okay with me. You were crying last day because she threw you out of this mansion."
Hala! Narinig niya pa 'yon?! Akala ko ba, tulog siya sa araw? E halos tanghaling-tapat ko pa yata nireklamo 'yon!
"Magagalit sa akin si Mrs. Serena! Sasabihin niya, nagsusumbong ako!" Hinatak ko siya kaya sabay kaming napahinto sa gitna ng hagdanan. "Kapag ako, lalong pinagalitan n'on."
"You own this place. This is your home. You are my wife. How am I supposed to let her threw you out of my own place?"
Ay, grabe. Talagang kine-claim na niyang akin itong Cabin e nagdududa pa nga ako kasi kahit gusto kong maging akin ito, wala akong hawak na katibayan na akin itong malaking bahay.
Saka talagang paninindigan na niyang asawa niya ako? Ano ba'ng perks kapag naging asawa si Mr. Phillips?
OMG, baka hindi na niya talaga ako susuwelduhan next week!
Wala pa akong pera. Hindi pa naman niya ako binibigyan ng pera maliban sa inilagay niyang one thousand dollars sa bank account ko.
Manghingi na kaya ako kahit sampung libo lang? Tapos kapag nagtanong kung saan ko gagamitin, sasabihin ko, bibili ako ng pagkain ko.
"Mr. Phillips—"
"Van."
"Sabi ko nga, Van." Kusang umikot ang mga mata ko roon. "Bale secretary mo pa rin ako?"
"Yes. Gusto mo bang mag-hire ako ng panibago?"
"Paano kung magha-hire ka ng panibago?"
"Siya na ang magtatrabaho ng trabaho mo."
"Na alin? Pagsisilbihan ka?"
"Yes."
"Ano na'ng gagawin ko kung sakali?"
"Well . . . I don't know."
"E di siya yung susuwelduhan mo kung sakaling mag-hire ka ng bagong secretary?"
"Of course."
"Hindi mo na ako sasahuran?"
"Yes. Hindi naman na kita sekretarya, hindi ba?"
Eh? Wala na nga akong gagawin, wala pa akong pera? Aba! Hindi naman ako papayag doon.
"Ako na lang mag-stay as secretary mo. Baka lalo akong mawalan ng pakinabang dito sa Cabin."
Ang hirap-hirap pa namang maghanap ng trabaho sa labas. Tapos bihira lang yung 200 dollars na sahod per day.
Nakababa na naman kami sa ground floor at tinangay niya ako sa living room.
Sa mga araw na inilagi ko rito sa Cabin, unang beses niya akong sinamahan sa receiving area ng mansiyon. Naninibago tuloy ako. Katabi niya ako tapos himas-himas ko ang tuhod ko habang nakarus naman ang mga braso niya.
"Alam mo, ganitong oras, nag-jo-jogging na ako sa labas tapos binibisita ko yung gansa sa pond. Kalaro niya yung swan doon na nakakasalubong ko kapag naglilinis ako ng mga pinapatay mong shifter."
Sumampa ako sa couch at humarap sa kanya. Ipinatong ko ang siko ko sa sandalan ng upuan para itukod doon ang kamao ko sa sentido.
"Tapos pinapakain ko sa mga red wolf yung mga karne ng mga malalaking aso na pinipilas mo. Sila yung kasama ko noong bumalik ako rito habang nandito yung pamilya mo. Mababait sila, lalo na yung maliit. 'Yon yung lagi kong kausap."
"You're talking to them?" tanong niya at tiningnan ako na parang curious na curious sa kinukuwento ko.
"Di naman sa conversation talaga. Kinakausap ko pero di naman sila sumasagot na parang tao."
"And all the animals in the wild are listening to you."
"Mabait naman silang lahat. Di naman sila mahirap tawagin. Kahit nga yung mga shifter, nakakausap ko rin."
Bigla siyang nagtaas ng mukha habang naniningkit ang mga mata. "You do?"
"Alam mo kasi, hindi naman talaga sila masasama. Ang bait nga n'ong malaking aso noong nakaraan. Although may isa sa kanilang ma-attitude na naging tao. Hindi ko lang naitanong ang pangalan niya."
"And what did he say?"
"May kayamanan daw sa kuwarto ko."
"Walang laman ang kuwartong iyon."
"Alam ko. E sabi nga kasi n'ong shifter, kaya sila nangangalampag doon gabi-gabi kasi may kayamanan daw doon. Tapos may mark daw 'yon gaya ng nasa dibdib ko. Tapos 'yong kayamanan ang babawi ng buong Helderiet Woods sa mga bampira. Tapos ikaw raw yung ginoong binigyan ng marka ng salamangkero para bantayan ang kayamanan ng Ada sabi niya."
Inabangan ko ang sasabihin niya sa haba ng sinabi ko. Umasa pa naman akong magtatanong siya kung bakit ako kumakausap ng shifter o kaya bakit ako lumabas habang tulog siya e hindi naman safe sa labas ng Cabin kapag gabi. Kaso tinitigan lang niya ako nang mabuti.
"Sabi ko nga, hindi na ako magkukuwento." Umayos na ako ng upo at hinimas-himas ko ulit ang tuhod ko.
"You said you went here when you were seven."
"Oo. Kasama ko nga ang papa ko, di ba? Naghatid kami ng painting."
"Have you seen me before?"
"Eh!" Napaurong agad ako paatras habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya. "Noong pumunta kami rito ng papa ko, ang narito lang . . ." Sino ba yung mga narito noon? Hindi ko halos matandaan. Tingin kasi ako nang tingin sa buong Cabin. "Hindi ko matandaan e. Basta may tao rito noong pumunta kami ni Papa."
"I'm sure, Willis was here that time. Yet he never heard the name of Fabian Revamonte. And I doubt that. That's impossible. He could draw out memories out of people's mind."
"Si Eul?" gulat ko pang tanong. "Kaya niyang kumalkal ng memory ng ibang tao?"
"He came from a Seer's blood. He's more than what he looks like."
"Single ba siya until now?"
"He's a eunuch. He's not allowed to love anyone or have a relationship to anybody. I told you, he's a mere servant."
Ay, ang sad naman ng buhay ni Eul. Bawal mag-asawa? Bawal magka-jowa? Tapos hundred years old na siya? Grabe, ang hard naman ng buhay niya.
"Sayang naman si Eul, gentleman pa naman siya. Tapos ang guwapo pa niya saka ang bait pa. Tapos lagi pa siyang nakangiti."
"I'm a gentleman. Saka nagsi-smile naman ako sa 'yo, right?"
"Mr. Phillips, ang—"
"Van."
"Sabi ko nga, di ba, Van? Saka ang topic, si Eul, hindi ikaw."
"But you're canceling me out."
"I'm not canceling you out, duh? Sabi ko lang, gentleman si Eul."
"And you didn't consider me."
"Bakit kita iko-consider? Si Eul ang tinutukoy ko."
Bigla siyang sumimangot saka inirapan ako.
Hala! Inaano ko naman 'to? Si Eul ang usapan, paano napunta sa kanya?
"I'm your husband already, and you're telling me Willis is more gentleman than I am?"
"Hoy, hindi ko sinabi 'yan! Ang sinabi ko, gentleman si Eul, pero hindi ko sinabing hindi ka gentleman. Ang layo naman!"
"But you still didn't consider me."
"Bakit nga kasi? Ikaw ba ang topic?"
Inirapan na naman niya ako at lalo pang tumingin sa pader.
Problema na naman nito ang aga-aga?
"Sige na, gentleman ka na. Saka guwapo ka rin saka mabait. Okay na?"
"You don't like my smile?"
Ano ba 'yan? Demanding?
"Like ko yung smile mo. Huwag ka nang maarte kasi, wala ka namang makikita diyan sa dingding! Dito ka humarap sa 'kin!"
Kalalaking bampira, napakaarte. Siya naman ang nag-bring up ng topic kay Eul, tapos siya may ganang magpalambing ngayon? Batuhin ko kaya ng display na espada 'to?
"Uy, wala pang 9. Matagal pa tayong maghihintay kay Mrs. Serena."
Tumango naman siya nang tingnan ako. "You promised you'll play piano for me."
"Oo nga. E hindi ka naman nagising last time."
"Can you play for me?"
Biglang lumapad ang ngisi ko sa kanya. Natural, magpe-play ko kahit hindi siya mag-request! Piano 'yon e! Kung hindi lang niya ako secretary, gugustuhin ko na lang tumugtog ng piano rito sa Cabin para sa kanya. Si Mama nga, tumutugtog ng violin para kay Marius Helderiet.
Ako na ang naghatak sa kanya patayo.
"Doon tayo sa labas maghintay kay Mrs. Serena habang tinutugtugan kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top