xix. Half Bloods


Naka-survive na ako sa first week ng trabaho at buhay pa rin naman ako habang ine-enjoy ang bago kong bahay at buhay kasama ni Mr. Phillips sa Cabin. From secretary to part-time maid to wife to master real quick.

At kasalanan niya kung bakit hatinggabi na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Natulog ako maghapon dahil lang sinabi niyang baka patayin ako sa labas ng mga monster sa araw, pero duda ako. Feeling ko, gusto lang nito ng katabi sa pagtulog niya.

"Bukas, itong teddy bear na ang yakapin mo, ha?" sabi ko habang hinahagod ang ulo ng teddy bear. "Binilhan kita nito para may nayayakap ka. Dapat pinakikinabangan mo."

Nagkasundo na raw sila n'ong mga monster sa labas, kaya okay na sila at ang blank room. Hindi na siya makikipagpatayan sa mga shifter every night kasi nga, tapos na ang pinaka-agreement niya kay Edric, at may bagong agreement na sila ni Bin. Alam na raw ng mga monster na nasa Cabin na ang hinahanap nila, at ako raw iyon. Ang issue ko naman, paanong ako? Ang sabi naman ni Mr. Phillips, basta raw mag-stay lang ako sa Cabin, wala akong magiging problema.

As if namang may choice akong iba, di ba?

First time naming tumambay sa balcony sa second floor na nasa itaas ng verandah sa entrance. Parati kasing nakasara yung pinto roon. Nakaupo lang kami sa wooden bench habang nakatingin sa buwan na malapit nang mabuo sa susunod na Friday. Siya ang maayos ang upo, ako ang naka-indian seat.

"Are you really serious about this bear?" tanong niya habang yakap ang stuff toy na regalo ko.

"Uhm-hmm!" Nginitian ko lang siya nang malapad. "Para kahit wala ako sa tabi mo, may kayakap ka, di ba? Hindi yung lagi mo 'kong ginagawang manika."

"Chancey, do you still see things like that between us?"

Napakamot ako ng sentido dahil doon.

Sa totoo lang, ayokong bigyan ng malisya itong mga nangyayari sa amin. Ewan ko ba, parang hindi ko lang maisip na hindi na ako nagtatrabaho bilang sekretarya buong araw kundi may iba pa maliban doon.

Malinaw naman na ang label naming dalawa ngayon. Hindi ko lang siya boss at sekretarya niya ako. Asawa ko na kasi siya.

At nag-asawa ng, maliban sa hindi ko sobrang kilala, isa pang bampira. Gusto ko rin naman ng love life, pero hindi naman kasing-weirdo nito na ultimo wedding ring, may sariling mundo.

"Van . . ."

"Mmm?"

"Yung dati mong asawa, love mo 'yon?"

Tiningnan ko siya nang maigi, gusto kong malaman ang sagot niya.

"I did." Tumango naman siya, pero seryoso lang siya sa pagsagot doon. Hindi lang seryoso, parang dismayado pa.

"No'ng pinatay siya ng pamilya mo, nagalit ka ba sa pamilya mo?"

Hindi siya agad nakasagot. Nagbuga lang siya ng hangin at niyakap niya nang mahigpit ang teddy bear.

Mahirap sigurong sagutin yung tanong. Tungkol sa dati niyang asawa e. Ayoko naman sanang itanong, pero alam naman naming dalawa na wala pa kami roon sa ganoong stage.

"Okay lang kahit di mo sagutin," sabi ko at tinapik-tapik ang tuhod ko. "Ako kasi, single ako since birth. Di ako maka-relate sa hugot mo. Wala kasi akong naging asawa. Kahit nga boyfriend." Pilit akong tumawa sa kanya saka ako naiilang na sumeryoso. Tinapik-tapik ko na naman ang tuhod ko habang nakatingin sa langit na maraming stars. "Alam mo, yung unang lalaking dinala ko sa bahay namin, hindi ko na nakita ulit. Crush ko 'yon e. Matalino kasi. Kinausap si Mama, paglabas ko ng kuwarto, wala na."

"Your mother was a Dalca."

"Ano naman?"

"They are nature guardians, Chancey. Nararamdaman nila kung sincere ba ang tao at hindi. If that man was not, guardians will do everything to get rid of them."

"Sincere naman si Tim," sabi ko habang nakanguso. "Ang bait nga niya e."

"Probably, your mother sensed that he wasn't as sincere as you thought."

Lalo akong nalungkot sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi maramdaman talaga kung sincere ba ang tao o hindi. Wala naman kasing nagtatagal sa buhay ko nang higit pa sa isang taon maliban kung talagang may halaga sila.

"Doon sa mga nag-apply as secretary mo, wala kang nagustuhan?" pagbabago ko ng topic.

Natawa siya nang mahina saka ako sinulyapan. "I asked them to kill themselves, and they almost did."

"Kasi naman, pinagti-trip-an mo. Nakokontrol mo sila e."

"But you didn't do it. Sinabi mo pang hindi ka nakikipagbiruan sa akin." Natawa na naman siya nang mahina.

"E hindi naman talaga! Ikaw kaya alukin kong magpakamatay sa application, matutuwa ka ba? Naghahanap ako ng trabaho, hindi shortcut sa langit." Inirapan ko agad siya.

Naghahanap ako ng trabaho, tatanungin ako kung puwede ba akong magpakamatay. Tama ba naman 'yon? May baliw bang gagawa n'on? Baka yung ibang applicant, oo. E hindi ko nga ginawa. Saka bakit ko naman gagawin? E di namatay naman ako.

"Do you remember when you told me you want to quit?" tanong niya kaya napalingon na naman ako sa kanya. "When I asked you to sing for me that moment you learned that I am a vampire."

Tumango naman ako nang marahan doon habang inuugoy ko ang sarili ko. "Naliligo ka kasi sa dugo tapos puro ka pa ng sugat. Sino bang hindi matatakot?"

"But you went back and cooked for my dinner."

"Wala kasing magluluto ng dinner mo kung di ako bumalik."

Natawa na naman siya nang may kalakasan.

Ano naman kayang nakakatawa roon? Bakit? Gusto ba niyang kumakain ng hilaw?

Sa bagay, nakakaanim nga siya ng steak na hindi luto.

Kakatapik ko sa tuhod ko, napansin ko na naman yung wedding ring sa daliri kong ang ganda ng itsura. Parang humihigop ng liwanag doon sa buwan.

"Di ba, tao yung papa mo, Van?" tanong ko sa kanya. "Alam mo kung paano sila nagkakilala ng mama mo?"

"Hmm . . ."

Inabangan ko ang sasabihin niya, mukha kasing nag-iisip siya ng isasagot.

"My father was a preacher here before it was declared as the town of Helderiet."

"Parang pastor, gano'n?"

"Somehow." Tumango lang siya na parang umiiling. Hindi pa yata sure. "Actually, he used to hunt vampires way back then. That time, kapag nalaman ng mga tao sa bayan ang lahi ng isang pamilya, susunugin nila ang bahay at huhulihin ang isa para sunugin naman sa harapan ng town hall."

"Kailan 'yon?"

"Two centuries ago."

"Ang tagal! Grabe, ang tanda mo na pala talaga."

Kung matanda na talaga si Mr. Phillips, siguro, panahon pa ng mga dinosaur, buhay na si Mrs. Serena.

"Kung hunter ng vampire yung papa mo tapos vampire yung mama mo, hindi ba niya pinagtangkaang patayin yung mama mo?"

Natawa na naman si Mr. Phillips at saka ako binalingan ng tingin. "He was hunting my mother for a decade. Ang sabi ng Mamá, nahuli siya ng Papá. Pagkatapos, tinangkang sunugin sa gitna ng gubat."

"Ang sama ng papa mo! Grabe, paano ka ipinanganak?"

"This ring . . ." Kinuha niya ang kamay kong nakalapag sa tuhod ko. "This saved my mother from the fire."

Napatingin naman ako sa singsing na suot ko. "Ito?"

"My father wasn't able to kill my mother, so he kept her inside the woods in the South. Walang nakahanap sa kanila at inisip ng pamilya na patay na si Ruena."

"Kaya pala hindi ka tagarito . . ." Napatango na lang ako sa kuwento niya. "Paano nalaman ng pamilya mo ang tungkol sa 'yo?"

"My father was a human. He died when I was twenty-three."

"Ay, relate. Namatay rin ang papa ko noong twenty-three ako. Tapos?"

"My mother and I came back from the family and she officially introduced me as one of them. Pero nalaman nila na may iba akong dugo."

"Di ba, pinatay nila ang mama mo? Hindi ba siya naprotektahan nitong singsing?" tanong ko habang nakatingin sa kamay kong hawak niya.

"She gave up the ring before she died. Kalahati ng kaluluwa niya ang nasa singsing, at ibinigay niya ang singsing sa akin para iligtas ako sa pamilya. Kaya siya namatay kasi hindi na siya pinoprotektahan nito kundi ako na."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Malungkot siyang nakatingin sa kamay kong himas-himas ng hinlalaki niya.

"Kung nagkasya sana 'to sa asawa mo dati, naligtas sana siya, 'no?" sabi ko. Kasi inisip ko na hindi siguro mamamatay yung asawa niya kung pinili siya ng singsing.

"She was a mere mortal. She was a good lady. But she was as weak as the others."

"Huwag mo namang sabihing ganyan, uy. Mortal din naman ako."

"But you're a special kind, Chancey."

Nag-angat siya ng tingin at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Ang ganda ng pagkakakinang ng gintong mata niya gawa ng buwan. Ang sarap titigan, parang alahas sa jewelry stores.

"Hindi ba magagalit ang pamilya mo sa 'yo kasi nagpakasal ka na naman sa gaya ko?" malungkot kong tanong habang inuunawa ang kuwento niya.

"You already saw the tribulation few days ago, and you did too much to agitate the whole family, Chancey. You removed Edric's curse in me-the strongest curse amongst other curses given to some of us. And I am now your servant and your lover. You are changing the game. If Helene knew this, tomorrow's meeting will be a huge chaos."

Eh?

Ang seryoso ng titig ko sa kanya sa huling sinabi niya. Bakit parang may ginawa ako sa pamilya niyang hindi ko dapat ginawa? Kasalanan ko bang pakasalan ko siya nang hindi ko naman alam na kasal na pala kami? O kahit yung paghigop ko sa black smoke e gusto ko lang naman siyang magising?

"You can control these shifters, Chancey. That Bin knew you will take this whole woods from my family." Hinawakan niya ako sa pisngi at seryoso akong tiningnan. "I know, you are naïve about what you really are and what you can do, Chancey. And if your parents didn't tell you the whole truth, they probably knew what's gonna happen once you learned about it."

"Mr. Phillips . . ."

"Just do what I say, alright? I need to keep you alive. You need to be safe. So, please, Chancey. Always . . . listen to me."


****

Hindi ko alam kung anong oras na ba ako nakatulog. Pero nagising pa rin ako pagpatak ng alas-singko ng umaga. Kusina agad ang una kong pinuntahan at naabutan doon si Mr. Phillips na umiinom ng usual drinks niya.

"Good morning," bati niya sa akin habang namumungay pa ang mata ko gawa ng antok.

"Good morning," tinatamad na bati ko at kusang bumagsak ang ulo ko dahil sa bigat. Wala pa yatang apat na oras ang tulog ko. Mukhang kailangan kong bumawi ng tulog mamaya sa tanghali. "Gutom ka na?" Dumiretso ako sa ref at nakapikit pang dumampot ng steak doon. Napahikab ako at saglit na itinukod ang noo sa pinto ng ref para umidlip nang kaunti.

Ang sarap pang matulog. Kaso yung katawan ko, sinasabing dapat ko nang pakainin ang boss slash asawa ko na pala slash alipin ko raw spiritually.

"Chancey, come here."

"Mmm."

"Chancey."

"Five minutes."

Napadilat ako nang kaunti nang maramdaman kong umalis sa kamay ko ang hawak kong styroplate.

"Come here, please."

"Mmm." Bigat na bigat ako sa sarili ko nang maglakad ako papalapit sa kanya. "Bakit?"

Bigla niya akong hinatak at hinayaan ko na lang ang sarili kong masubsob sa dibdib niyang matigas at wala na namang damit.

"Idlip muna ako saglit tapos gisingin mo 'ko after five minutes," sabi ko at niyakap muna siya pang-alalay para hindi ako matumba.

"Alright."

"Thank you, Mr. Phillips."

"Van."

Natawa ako nang mahina at wala sa sariling dinampian ng halik ang dibdib niya. "Yeah, Van."

Sanay naman akong napupuyat dati, kaso kasi nasanay na akong natutulog nang maaga. Tapos biglang nasira ang body clock ko gawa ng pagtulog ko sa kuwarto niya.

Ang sabi ko, iidlip lang ako nang kaunti at gisingin niya ako after five minutes.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang sinabi kong idlip dahil napamulat ako nang marinig ko siyang ngumunguya na.

Nakasimangot akong tumingala at naniningkit ang mata nang maabutang pinapapak na naman niya ang sarili niyang daliri.

"Shit!" Napalayo agad ak sa kanya at binalingan ang kalan. May bakas na ng kaunting mantika at sunog ang cooking pan, may mantsa na rin ang plato, pagbalik ko ng tingin kay Mr. Phillips, kagat-kagat na niya ang hinlalaki niya habang nakatitig sa akin.

"You're awake."

"Hindi mo 'ko ginising?! Kumain ka na agad?"

"I don't want to ruin your good dreams."

"Kahit pa! Hindi kita nalutuan!"

"It's alright, I'm already done eating."

"Sana ginising mo pa rin ako. Ano ba 'yan?" naiinis kong reklamo sa kanya habang nagkakamot ng ulo papalapit sa kanya. "Ikaw na nagluto mag-isa?"

"I'm okay with it. You're sleeping in my arms. Who am I to disturb you in your sleep?"

Napangiwi agad ako sa kanya. Sabi ko, five minutes. E kinse minutos na akong nakatulog, sana ginising man lang niya ako kahit saglit lang. Hindi naman ako magagalit. Concern na concern palagi na aabalahin ako sa pagtulog ko e kaya nga ako bumaba rito kahit inaantok ako, para nga paglutuan siya ng almusal.

"Don't feel bad about it." Siya na ang lumapit sa akin at saglit akong dinampian ng halik sa noo bago tumungo sa lababo. "It was just a breakfast."

"E nag-promise akong lulutuan kita lagi ng breakfast, di ba?"

"But it's fine with me. I enjoyed eating while feeling your warm heartbeat."

Eh?

Pati ba naman tibok ng puso ko, ginagawa niyang appetizer?

"Do you want to get some sleep?"

Natural, inaantok pa ako e.

"Sleep in my room."

"Hoy, anong sleep in your room ka diyan? Kung ano-anong nahahawakan ko sa room mo!"

"I'm not mad about it."

"Anong mad ka? Ako nga yung mad! Kung ano nang nahihipo ko sa kama mo kapag katabi ka!"

"Hahaha! Oh, dear. You are so cute."

Imbis na matuwa, lalo lang akong sumimangot pagkakita ko na naman sa pangil niyang kinakapa na naman niya ng dila.

"It's fine with me. Touch all you want, I don't mind at all."

"Hoy, ang manyak mo! Tigilan mo 'ko, ha. Ang aga-aga."

Napaisang hakbang ako paatras pagkaangkla niya ng kaliwang braso sa baywang ko nang magharap kaming dalawa.

"Hoy, Mr. Phillips, isa-"

Inilapit lang niya ang mukha niya sa akin saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Since you didn't cook for me this morning, kailangan mong bumawi."

"Anong babawi? Sabi ko, gisingin mo 'ko, di ba?" reklamo ko habang nanduduling na ako katitingin sa mga mata niyang tumingkad ang pagkaginto.

"Matutulog ka lang naman sa kuwarto ko."

"Binilhan na kita ng teddy bear, di ba?"

"Ayoko sa teddy bear."

"E anong gusto mo?"

"Ikaw."

EH?

Ano ba 'yan? Hindi ba 'to makaka-survive nang isang araw nang hindi nagiging maharot?

"Master mo 'ko, di ba?" sagot ko agad habang pinaniningkitan siya ng mata.

"But I'm still your boss, Chancey."

"Bakit ba kasi pinag-iinitian mo na naman ako?"

Bumitiw na siya sa akin at nagtaas ng mukha. "Then, no allowance for you this week. I'm fine with it. Ciao."

Aba, talagang-!

"Eto na nga, di ba!" Ako na ang naghatak sa kanya. "Tara sa kuwarto mo! Hindi ka matahimik?"

Nakakaloka. Lahat na lang, ipamba-blackmail?

Bahala siya diyan, matutulog ako. Kapag nangharot siya, bubuksan ko talaga ang bintana niya at tatapat ako sa araw para di siya makalapit, akala niya, ha.

"Huwag mo 'kong hahawakan mamaya, ha," banta ko pa sa kanya.

"Tell that to the lady who touched my-"

"Oo na!"

Buwisit. Kinakalimutan na, binabalik pa e.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top