xiii. Blood Source
Ako ang napapabuntonghininga habang nakatitig sa kanya. Akala ko talaga, nagbibiro na naman kanina. Siguro, kagagawan ito n'ong black smoke. Baka hindi pa talaga nawawala ang epekto sa kanya. O baka kasi ilang araw din siyang hindi kumilos?
Tinitigan ko ang buong bath tub. Nakadikit naman ang kalahati n'on sa dingding at may karugtong na marble platform kaya puwede akong umupo sa kabila saka sa isang dulo para mahilamusan siya.
"Sige na, panalo ka na." Binuksan ko na ang gripo sa bath tub at kinuha ang bath soap sa katapat naming toilet sink. Inilipat ko na rin sa gilid ng bath tub ang bath towel saka face towel na lagi kong pinanghihilamos sa kanya. Pagbalik ko sa kanya, nakatitig na naman siya sa akin. Pero hindi na gaya kanina, puno ng concern ang tingin niya sa akin. At least, hindi na nang-aasar. Okay na rin. "Baka kagagawan ng black smoke kaya namamanhid 'yang binti mo."
Unti-unti na siyang pinupuno ng tubig mula sa bath tub kaya binuhusan ko na iyon ng sabon.
"Kapag napuno ka na ng bubbles saka ko huhubarin 'yang pants mo. Ako na lang ang maglalaba kahit mabasa 'yan nang buo. Hindi ko alam kung sana mo dinadala yung mga labahan mo."
Akala ko pa naman, tapos na ang pagiging yaya ko sa kanya, hindi pa pala.
Pasulyap-sulyap ako sa kanya kasi ayaw talagang alisin ang pagtitig sa akin, nakakailang na. Kung makatingin pa naman, para akong malaking steak sa harapan niya. Mamaya, bigla akong kainin dahil sa black smoke kung may naiwan pa ba sa katawan niya, malay ko ba.
"Mr. Phillips, yung tingin mo, ang lagkit ha."
Nangalahati na ang tubig sa bath tub at puno na siya ng bula. Umaangat na sa hangin ang amoy ng vanilla.
Ito talaga yung amoy niya. Gawa pala 'yon ng bath soap. Hindi ko naman kasi ginagamit, nakakahiya. Hanggang Lifebouy lang ako.
"Mr. Phillips, aalisin ko na yung pants mo, ha?"
At eto na naman ako sa stress ko sa pantalon niyang kasumpa-sumpa.
Bakit ba lagi akong pinahihirapan ng mga pantalon niya? Ano bang atraso ko sa mga 'to?
Kinapa ko ang puno ng pantalon niya habang nakatitig sa kanya. Ang lagkit talaga niya tumingin! Ano ba'ng meron sa mukha ko? Mukha na ba 'kong pagkain? Nagugutom pa rin ba siya? Di kaya lunukin ako nito nang buo?
Sa bagay, ilang araw siyang walang pagkain, malamang na kulang pa ang isang steak sa kanya. Dalhan ko pa kaya ng tatlong karne? Baka gutom lang 'to e.
Sa kanya pa rin ang tingin ko kahit nahubad ko na nang tuluyan ang pants niya. Ang lagkit talaga ng tingin niya. Hindi kaya may balak 'tong lulunin ako nang buhay?
"Kukunin ko na sa labas yung bihisan mo." Tumayo na ako at isinampay sa dulo ng tub ang pantalon niya. "Maligo ka mag-is—ah!"
Hindi ko alam kung nadulas ba ako? Natisod? Hindi ko alam!
Pagtapak ko lang, bigla akong natumba at bumagsak sa bath tub.
"Hah—!" Nandidilat ang mata ko habang nakatitig sa damit kong natalsikan ng bula at unti-unti nang nabababad sa tubig. "WHAT THE F—?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kamay at braso kong puno ng bula. Lumingon pa ako kay Mr. Phillips na kinabagsakan ko—o kung bumagsak nga ba ako sa kanya? Hindi ko naramdamang bumagsak ako sa katawan niya.
Nakatingin lang siya sa akin na parang nagtataka na natatawa pa.
"Nakaligo ka na ba, Chancey?" tanong pa niya at napansin kong nagpipigil siya ng ngiti.
"NAKALIGO NA AKO! Argh! Nakakainis!" Humawak ako sa magkabilang gilid ng tub para umahon na.
"Hey, I asked you to help me take my bath."
"What—?" Pinandilatan ko agad ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko para pigilan akong umahon. "Mr. Phillips, paano kita paliliguan, nakalublob ako rito! Aalis na ako, lalo akong mababasa!"
"Aren't you wet already?"
"Wet na wet na ako, okay? Bitiw na!"
Naramdaman ko na naman ang paggalaw ng katawan niya habang natatawa.
Ack! Nakakabanas na 'tong bampirang 'to. Feeling ko, ito ang may kagagawan kaya ako nalublob dito sa bath tub e!
Pumaling agad ako paharap sa kanya at saka siya pinaningkitan ng mata. Sabi na, hindi ito makaka-survive nang hindi nanghaharot e.
"Hindi ka na nakakatuwa, Mr. Phillips," banta ko sa kanya habang dinuduro siya.
"Say my name."
"Ayoko."
"Say it."
"Ayoko nga."
"Say it or I'll tell Eulbert not to give you your salary next week."
"Huwag mo nga akong bina-blackmail, Donovan Phillips!"
"Hahaha!" Ang lakas ng halakhak niya na pumuno sa buong banyo. Lalo tuloy akong nangilabot kasi hindi talaga siya tunog demonyo kapag tumatawa nang malakas. Parang doon lang siya nagiging tao sa bawat tawa niya.
Pero hindi ko pa rin gusto ang dahilan kung bakit siya tumatawa!
"Gusto mong ibalik ko yung black smoke sa katawan mo, ha?" banta ko na naman.
"Go on, do it."
ACK! Bakit siya naghamon? As if namang kaya kong gawin 'yon! Lalong naningkit ang mga mata ko sa kanya, ang sama rin talaga ng ugali niya kahit na kailan.
"Bahala ka diyan, maligo ka mag-isa." Inahon ko na naman ang sarili ko, pero bago ko pa maiangat ang katawan ko, hinatak niya ang kuwelyo ng basang T-shirt ko at hinatak ako palapit sa kanya.
"Hoy!" Itinukod ko agad ang kamay ko sa haligi ng bath tub sa gilid ng ulo niya bago pa ako tuluyang masubsob sa labi niyang nakangisi na naman. "Mr. Phillips, kanina ka pa, ha. Nakaka-stress ka na."
"I miss you."
Natigilan ako.
Sisigaw na naman sana ako pero hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. May kung anong pumigil sa paghinga ko habang nagwawala na naman ang puso kong papansin.
I miss you.
Bakit gusto ko rin siyang sagutin?
Para akong nawala sa sarili kong katawan at naanod ng tubig ang huwisyo ko. Napaupo na lang ako sa hita niya nang umayos siya ng upo sa tub.
"I'm thirsty."
Tinitigan ko lang siya nang hawiin niya ang buhok sa bandang leeg ko. Napalunok na lang ako habang pinanonood siya.
Kapag ganito siya, traydor talaga ang katawan kong hinahanap ang bawat paghawak niya sa akin. Paano ako lalaban kung katawan ko naman ang may gusto n'on sa umpisa pa lang?
Pakiramdam ko talaga, may ginawa siya sa akin kaya nagkakaganito ako kapag sinasabi niyang nauuhaw siya. Parang kusang hinahabol ng dugo ko ang uhaw niya.
Napahugot na lang ako nang malalim na hininga nang lumapit na siya sa akin at naramdaman ko ang paghinga niya sa bandang leeg ko. Napapikit na lang ako at hinintay siyang kagatin ang leeg ko gaya ng ginagawa niya kapag naglalapit kaming dalawa.
"I can smell your blood, Chancey . . ."
Alam ko.
Lalo akong napalunok nang ipadaan niya ang dulo ng ilong niya sa ilalim ng tainga ko na para bang may inaamoy siya roon.
Naiilang ako sa ginagawa niya. Lalong umiinit ang pakiramdam ko.
"Ah—!" Napasinghap agad ako nang makaramdaman ako ng kirot sa leeg ko. Kalaunan nawala na rin at napalitan ng masarap na pakiramdam. Biglang bumigat ang paghinga ko at napatingin sa kisame ng banyo. Napahawak na naman ako sa likurang parte ng buhok niya habang pinauubaya ang leeg ko.
Kapag talagang ginagawa niya ito, para akong nakakainom ng alak. Bigla akong nalalasing nang hindi umiinom.
Gumagapang ang init sa buong katawan ko, parang bumubuo ng ugat sa pakiramdam.
Naririnig ko ang pag-ungol siya sa leeg ko, at ang sarap pakinggan ng pag-ungol niya. Parang hinihipo ang buong katawan ko gamit ang tunog. Naririnig ko ang sunod-sunod niyang paglagok, at wala akong ibang magawa kundi suklayin ng daliri ang malambot niyang buhok.
Napasinghap ako nang kumirot na naman ang leeg ko. Paglipat ko ng tingin sa harapan, nagtagpo na naman ang tingin namin ng pulang mga mata ni Mr. Phillips.
Bigla akong kinabahan sa tingin niya. Hindi ko masabi kung gawa ba ng takot ang kaba o ibang dahilan pa. Nangingilabot ako sa pag-alon ng tubig sa bath tub.
Bumaba ang tingin ko sa labi niyang may ilang mantsa ng dugo. Pinunasan ko agad iyon ng gamit ang kaliwang hinlalaki ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng suot kong singsing. Parang humigpit nang kaunti ang pagkakayakap ng gintong katawan n'on sa daliri ko.
"I can feel my body now," bulong niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya nang isubo niya ang hinlalaki kong may dugo.
Naninindig ang balahibo ko sa titig niya. Parang hinuhubaran ako sa isipan.
"Ah!" Saglit akong napatili nang bigla niya akong hatakin padikit sa katawan niya.
Sa huling tili ko, nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo na sa karugtong na bahagi ng bath tub pasandal sa malamig na dingding. Pinandilatan ko ang namumungay niyang mata.
Ayos na ba siya? Nakakagalaw na siya nang maayos.
"Okay ka na ba?" tanong ko habang nakatitig sa kulay dugong mga mata niya. Ito na naman siya sa mga tingin niya na parang may sinasabi pero hindi ko naman naririnig.
"I just need to consume more blood," sagot niya. Kapa-kapa na naman niya ng dila ang kaliwang pangil niya habang nakatitig sa akin—o sa labi ko.
Bakit ba parang gusto niya akong kainin nang buo?
Nakatitig lang din ako sa pangil niya hanggang sa mapapikit ako paglapat ng labi niya sa akin.
Nalasahan ko agad ang lansa ng dugo mula sa kanya. Pero dumoble lang lalo ang init na nararamdaman ko mula pa kanina.
Bakit ganoon? Ang pakiramdam ko, parang lahat ng dugo ko sa katawan, hinahabol siya.
Saglit siyang lumayo sa akin at tinitigan na naman ako nang matiim.
Wala siyang sinasabi. O kung may sinasabi man siyang hindi ko naririnig, hindi ko rin masabi kung ano 'yon.
Inilibot ko na lang ang tingin ko sa buong mukha niya at idinampi ang kaliwang hintuturo ko mula sa noo niya, patuloy sa malalago niyang kilay, kasunod sa tangos ng ilong niya hanggang mahawakan ko ulit ang labi niyang malambot.
Bakit ba ang sarap niyang titigan sa malapitan?
"Mr. Phillips . . ."
"Say my name."
Napahugot ako ng hininga habang nakatitig sa mga mata niyang kulay pula.
"Donovan . . ."
Nagpakita na naman ang mahaba niyang pangil pagkangiti niya sa akin.
Ang sarap titigan nang matagal ang ngiti niya. Kahit buong maghapon siyang ngumiti, hindi ako magsasawang tumingin sa kanya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at ako na ang nagkusang humalik sa kanya.
Napupuno ang laman ng damdamin ko. Pakiramdam ko, may umaapaw roon na emosyong hindi ko alam kung saan nanggagaling.
At nangingibabaw sa lahat ang pakiramdam na gusto ko siya sa lahat ng aspektong maiisip ko.
Pinalalim ko pa ang halik at nararamdaman ng labi ko ang pagngiti niya. Napalalim ang paghinga ko nang dahan-dahan niyang hubarin ang damit ko.
Seryoso lang akong nakatitig sa kanya dahil parang ginagayuma ako ng mga mata niyang nagbago ang kulay dahil sa akin.
Nararamdaman ko ang lamig ng inuupuan ko at ng tubig pero ang init sa loob ng katawan ko. May kung anong tumataas sa dugo ko na gusto kong mawala.
Bumaba ako sa tubig at hindi inalis ang pagkakatitig sa kanya.
"Turn around," utos niya na hindi ko agad nasagot. "I don't want you to see me doing this."
Napalunok agad ako at saka tumango. Tumalikod ako sa kanya at dumoon sa dulo ng bath tub na karugtong ng pader.
Inalalayan niya ako paluhod doon at hinawi ang lahat ng buhok ko palipat sa kanang balikat.
"This will probably hurt you, Chancey," bulong niya sa punong tainga ko.
Masyado na akong nadadala kaya hindi na ako nakasagot. Kung ano man ang gusto niyang gawin, gusto kong gawin niya na lang—kahit pa masaktan ako.
"Ah—" Naputol ang tili ko nang maramdaman kong ipinasok na naman niya iyon sa katawan ko. Naitukod ko agad ang mga kamay ko sa dingding at mabilis na naghabol ng hininga.
"Are you alright?"
Kinakabahan akong tumango sa tanong na iyon habang nakatitig sa dingding.
Gumalaw na naman ang tubig habang nararamdaman ko ang paggalaw niya sa loob ko. Putol-putol ang pag-ungol ko sa bawat alon ng tubig. Parang pinupunit ang balat ko sa sobrang hapdi.
Napatingala ako nang hawakan niya ang ilalim ng panga ko mula sa likuran. Ipinaling niya iyon sa kanang gilid at lumakas ang pag-ungol ko nang kagatin na naman niya ang leeg ko.
"Oh God . . . Oh God . . ."
Lahat ng sakit ng katawan ko, biglang nawala matapos niyang kagatin ang leeg ko. Wala na akong ibang nararamdaman kundi init na lang—isang masarap na init. Napapikit na lang ako habang hinahayaan siya sa ginagawa niya.
Kahit ang pag-alon ng tubig sa bath tub, hindi ko na nararamdaman ang lamig. Para akong ibinabad sa maligamgam na tubig sa gitna ng malamig na lugar habang hinihingal.
Hindi ko alam kung gaano katagal, o kung ano na ang mga sumunod na nangyari. Nakapikit lang ako buong oras habang walang ibang nasa isip kundi para akong lumulutang sa maligamgam na tubig.
"Chancey."
Namumungay ang mata ko nang dumilat. Para akong inubusan ng lakas sa katawan. Dumulas na ako sa bath tub dahil sa panghihina.
"Mr. Phillips . . ." Nanlalabo ang tingin ko sa kanya. Nakailang pikit-pikit din ako para lang maaninag siya nang maayos.
"I'm feeling better now."
Nginitian ko lang siya bilang sagot. Ako naman ang hindi feeling better ngayon.
Bigla na namang uminit ang pakiramdam ko nang maaninag kong balutan niya ako ng tuwalya.
"Okay ka na ba . . ." nanghihinang bulong ko.
Hindi siya nakasagot. Para akong lumulutang. Sa bawat pagpikit ko, nakikita kong gumagalaw ang paligid ko. Unang dilat ko, nasa banyo pa ako. Kasunod, nakikita ko na ang kuwarto. Kasunod, mukha na niya ang nakikita ko.
"Take your rest, Chancey." Sandaling uminit ang noo ko matapos niyang dampian ng magaang halik. "Thank you for lending me your energy."
Sinubukan kong tawanan iyon nang mahina bago ako tuluyang mawalan ng malay gawa ng pagod.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top