vii. Sleeping Beauty
Sayang-saya na ako kanina kasi may sagot na sa lahat ng issue ko sa buhay tungkol kay Mr. Phillips dahil sa sinabi ni Johnny, tapos bigla siyang bumanat ng "Sa katunayan, wala akong idea kung paano mo gagawin 'yon. Wala pa kasing nakagagawa."
Like, hello? May way, pero walang may alam kung paano yung exact way?
Hindi nga raw kasi normal na nake-cleanse ang singsing, pero aware sila sa history n'on. E di ganoon pala kahirap humanap ng mabait sa Earth.
Wow, ang bait ko pala, ha-ha!
Pero hindi ko pa rin alam kung paano aayusin si Mr. Phillips!
Nakakaloka na 'to, ha. Kung kailan naman nalaman ko na ang sagot, saka pa ako tinanong ng bagong tanong.
Ewan ko na mundo. Ang daming issue sa buhay, dinadamay ako. Gusto ko lang namang magkatrabaho, kung bakit naman kasi ganito ang kinabagsakan ko. Sana talaga, nag-apply na lang akong service crew sa McDo.
Alas-singko, bumalik ako sa Cabin. Walang tawag kay Mr. Phillips, at pagpasok ko sa kuwarto niya, kung paano ko siya iniwan, ganoon ko pa rin siya naabutan.
Inilapag ko ang bag ko sa upuan sa dresser at sumampa ulit sa kama. Inilapat ko na naman ang palad ko sa dibdib ni Mr. Phillips at naramdamang may tibok pa rin naman doon.
Nagbuntonghininga na lang ako at humiga sa tabi niya.
"Mr. Phillips, nakausap ko na si Johnny. Shifter pala siya. Kanina ko lang nalaman." Ipinatong ko ang kaliwang pisngi ko sa kanang balikat niya at pinalakad ko na naman ang dalawang daliri ko sa dibdib niya para maglaro. "Mabait si Johnny. Di siya gaya ng shifters na laging umaaway sa 'yo gabi-gabi."
Sumaglit ako ng tingala sa mukha niyang tulog pa rin.
"Para sa kanila, masama kayong mga bampira. Para sa 'yong bampira, masama silang monsters. Paano 'yon? E di palagi kayong mag-aaway kapag nagkikita-kita kayo?"
Ang bigat ng buga ko ng hininga. Nakaka-stress naman ayusin 'tong problema ni Mr. Phillips. Ang akala ko pa naman, Beauty and the Beast ang peg namin, bakit naman naging Sleeping Beauty na?
"Bukas, pupunta ako ng Prios. Ipapasa ko yung documents na napirmahan mo noong nakaraan saka yung pipirmahan ko ngayon. Nag-check ako ng copy ko ng contract ko sa 'yo. Sabi roon, authorized pala akong pumirma ng mga pinipirmahan mo. Kakausapin ko na lang si Eul. Sasabihin ko na i-double check lahat ng documents para hindi ka magkaproblema paggising mo."
Tumayo na ako at inayos ulit ang kumot niyang nagusot paghiga ko.
"Aakyat lang ako sa taas, kukuha ako ng damit mo."
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang trabaho ko ngayon.
Sekretarya? Nurse? Housekeeper?
Naninibago tuloy ako sa kuwarto ni Mr. Phillips. Papalubog na kasi ang araw at nakabukas ang bintana. Ganitong oras, hindi pa ako puwedeng pumasok sa loob kasi may araw pa at tulog pa siya. Ngayon, kailangan kong pumasok at mangialam ng gamit para asikasuhin siya.
Hindi ko naman ine-expect na magbe-babysit ako ng bampira.
"All my bags are packed, I'm ready to go . . . I'm standing here outside your door . . . I hate to wake you up to say goodbye . . ."
Binuksan ko ang walk-in closet niya at para akong sinasampal ng amoy niya pagbukas ko ng pinto. Amoy matamis na dessert talaga ang pabango niya. Ewan ko, parang ang sarap palaging papakin.
"But the dawn is breaking, it's early morn . . . The taxi's waiting, he's blowing his horn . . . Already I'm so lonesome I could die . . ."
Ang dami niyang damit. Karamihan, de-butones. Nagsusuot ba siya ng T-shirt? Parang hindi uso sa kanya ang mga damit na hindi komplikadong isuot.
"So kiss me and smile for me. Tell me that you'll wait for me . . . Hold me like you'll never let me go."
Humatak na lang ako ng vintage blouse niya at inamoy-amoy nang kaunti.
Malay ko ba kung amoy luma yung vintage blouse niya. Siyempre, dapat inaamoy para sure.
Amoy sweet vanilla talaga yung mga damit niya. Paano kaya nalalabhan itong mga gamit niya kung walang nagbababa ng mga labahan niya sa laundry?
Kumuha na lang din ako ng cotton pants niyang maluwang-yung lagi niyang suot pambahay.
Siyempre, dapat inaamoy rin para sure na bagong laba, di ba? Malay ko ba kung amoy something na di maganda sa ilong.
Pero mabango rin e. Amoy vanilla rin. Di kaya nagde-dessert ng bark ng vanilla 'to si Mr. Phillips?
At kahit ayoko, kailangan. Ilang araw nang walang ligo si Mr. Phillips kaya kailangan ko siyang bihisan man lang, kung hindi man paliguan.
"Puro towel? Nasaan na yung mga brief ng bampirang 'yon?"
Kinalkal ko na lahat ng drawer, pati sa glass box niya ng mga necktie at handkerchief, pero wala talaga.
"OMG. Don't tell me . . ." Pinandilatan ko ang sahig nang maisip kong baka hindi siya nagsusuot ng undies.
O.M.G.
I-check ko nga!
Tangay-tangay ko yung vintage blouse saka yung pants niya pababa sa second floor. Alam ko namang hindi sanay si Mr. Phillips na nagta-top, pero kailangan niyang magdamit. Malamig kaya sa kuwarto niya.
"Hoy, Mr. Donovan Phillips. Nasaan yung mga brief mo, ha?"
Nanlalaki ang ilong ko nang lapitan ang kama at ibalibag sa tabi niya ang mga dala kong bihisan.
"Ako, nagmamalasakit lang ako. Ginagawa ko 'to kasi umaasa ako sa sahod ko next week."
Sumampa na ako sa kama at bumuga ng hangin sa ilong.
"Mr. Phillips, gusto ko lang na malinaw tayo, okay?" Inilapat ko ang kamay ko sa dibdib ko bago magsalita ulit. "Ito, ginagawa ko 'to because I care for you and I care for my suweldo, okay? Okay." Tinapik ko naman ang braso niya. "Tapos ikaw, alam ko namang may nangyari na sa ating dalawa, pero kasi naka-blindfold ako that time. So, technically, hindi ko pa nakikita ang katawan mo. Although, nakita ko nang topless ka pero di ko pa talaga nakikitang bottomless ka." Sumilip pa ako sa mukha niya kung iimik. "Mr. Phillips, kung naririnig mo 'ko, pakigalaw ng buong kama."
At . . . hindi gumalaw ang buong kama. So, go na ako sa pagbibihis sa kanya.
"Mr. Phillips, wala 'tong malisya, ha. Ako'y nagmamalasakit lamang bilang sekretarya mong may pakialam sa 'yo dahil ilang araw ka nang hindi pa nagbibihis. Huwag kang dadalaw sa panaginip ko, ha? Baka pagdaan mo sa panaginip ko, ako naman ang nakahubad, talagang aawayin kita kahit di ka pa gising, bahala ka diyan."
Inalis ko na ang kumot at huminga na naman ako nang malalim.
Inhale.
Exhale.
Game.
Kinapa ko muna ang pants niya sa tagiliran. Kumunot agad ang noo ko nang wala akong makapang makapal na parte.
"Seryoso, wala kang underwear? OMG. Tipid ka rin sa labahin, Mr. Phillips?"
Tinitigan ko nang nakangiwi ang katawan niya. Seryoso ba, bibihisan ko siya?
Eeeeh! Ang awkward.
Pero hindi! Kailangan ko siyang palitan ng damit. Kapag nangamoy patay pa siyang lalo, baka paggising niya, mawalan na ako ng lugar dito sa Cabin. Sabihin niya, pinababayaan ko siya.
"Mr. Phillips, yung stress level ko, tumataas, ha! Ito na, bibihisan na talaga kita!"
Inipit ko ang mga daliri ko sa puno ng pantalon niya.
"Mr. Phillips, di tayo aabot sa ganito kung gising ka lang, alam mo 'yan. Ito na talaga, this is it na talaga."
Shit naman kasi, eto na naman yung dibdib kong kinakalampag na naman ng laman n'on. Kapag ako, nainis sa puso kong laging nagwawala, sasaksakin ko na rin 'to ng punyal e. Papansin masyado, di ko naman sinasabing magdoble siya ng tibok.
"Mr. Phillips, kung ano man ang makikita ko rito, hindi ko gusto 'to, ha." Dahan-dahan ko nang ibinaba ang pantalon niya. "Alam mo namang nirerespeto kita at malaki ang ti-"
Nanlaki na ang mga mata ko sa nakikita ko at napaiwas agad ako ng tingin pagkatapos ng nakita ko.
Shocks, ang laki ng ti . . . wala ni Mr. Phillips sa akin kaya kailangan kong gawin ito, Diyos ko, mahabagin! Ayoko na sa Earth!
Yung stress level ko, nag-raise na to the nth level, ha! Ang init na ng pisngi ko, anak ng pusang malaki talaga.
Lord God, lead us not into temptation, but deliver us from evil, Amen.
Pagbaba ko sa pantalon niya, tinakluban ko agad siya ng kumot saka ako umalis sa kama habang nagpapaypay ng mukha.
"Whooh! Okay, tapos ka na, Chancey. Good job, you do better job, that's good. Yes, that's good." Palakad-lakad ako sa puwesto ko habang pinapaypayan ang pisngi.
Shocks. So, ganoon kalaki . . . 'yon? Akala ko, pakiramdam ko lang!
"Mr. Phillips, siguro aside sa pagiging fighter sa underground, baka puwede pala kitang ipasok sa less dangerous job kapag pinalayas tayo rito, 'no? Baka puwede kang pornstar. Ay, kaso baka hindi ka rumehistro sa camera. Pag-isipan nating mabuti ito, ha? Pero sa ngayon, bihihisan muna kita. Okay? Okay."
Whooh! Ito na. Wala siyang brief, so wala tayong isusuot na brief.
"Baka kaya wala kang underwear kasi hindi kasya?" tanong ko pa sa kanya habang sinusuot sa paa niya ang pantalon. "Nagkalkal pa naman ako ng closet mo. Sana noong gising ka pa, sinabi mo na agad na hindi ka nagbi-brief, di ba? Para di ako nahihiwagaan sa idadamit sa 'yo."
Habang nakatitig ako sa kumot na nakataklob sa kanya, bigla kong naisip na bakit nga ba hindi ko na lang siya tinakluban ng kumot saka siya hinubaran para wala akong nakitang kagula-gulantang?! Ang tanga ko rin minsan magdesisyon sa buhay, nakakaloka, ha.
"Mr. Phillips, binibihisan lang kita. Alam mong wala akong masamang intensiyon, okay?" Sumampa ako sa kama at pinagitna siya sa magkabilang binti kong nakaluhod. "Kapag talaga paggising mo, maniningil na ako ng additional service fee for caregiving." Hinatak ko paitaas ang pantalon habang nakatitig sa mukha niyang ang inosente tingnan kapag tulog. "Alam mo, Mr. Phillips, ang good-looking mo talaga. Sure kang isa lang naging asawa mo? Parang duda na ako e."
Inalis ko agad ang kumot pagkasuot ko nang mabuti sa pantalon niya.
"Alam ko namang sanay kang topless. Pero baka kasi manigas ang baga mo rito sa kuwarto kung lagi kang topless, di ba?"
Isinuot ko muna ang blouse sa ulo niya para braso na lang ang aayusin ko. Hinawakan ko siya sa balikat at saka siya malakas na binuhat papaupo.
"Aray- Ang bigat mo, ser!" Halos matumba ako paatras pagkabagsak ng katawan niya sa akin. Napaupo na naman ako pakandong sa kanya habang inaalalay ang kamay ko sa bandang likuran bago pa ako mawalan ng balanse.
Sobrang stress level na ito, hindi ko na kinaya, ha!
Ang lalim ng buga ko ng hangin habang inaayos siya sa kaliwang balikat ko, para naroon lang lahat ng bigat niya.
Sumaglit ako ng pahinga habang iniipon ang lakas kong nade-drain gawa ng pagbibihis sa kanya.
"'Wag mo 'kong kakagatin sa leeg, ha?" sabi ko pa sa kanya habang dinadama ang katawan niyang nakasandal sa katawan ko.
Ewan ko ba, pinatagal ko nang kaunti ang puwesto naming dalawa. Naalala ko kasi kapag nanghaharot siya. Sobrang clingy, hindi ko naman inaano.
E wala siyang malay ngayon, so wala akong magagawa kundi gawin lahat ito para asikasuhin siya.
"Gagawa ako ng paraan para magising ka, ha." Hinagod-hagod ko pa ang likod niyang malamig. "Isusumpa natin 'yang pamilya mong bully. Di natin sila bati."
Kinuha ko na ang kaliwang braso niya at isinuot iyon sa manggas. Hindi pa naman siya patay kaya malaya ko pang nagagalaw ang mga braso niya.
So, para pala siyang comatose. O brain dead? O soulless? Well, soulless naman talaga ang mga vampire, kaso half siya. So, ano? Hundred percent soulless na ba siya?
Sinunod ko na ang kanan at inayos ang pagkakasuot ng blouse niya.
"Maliligo muna ako tapos dito na lang din ako magdi-dinner pagkatapos nito."
Inalalayan ko ang likod niya para dahan-dahan sanang ihiga sa kama.
"Hindi ka pa naman- Ay, palaka!"
Kaso hindi kinaya ng cute kong braso ang katawan niya kaya ako ang tinangay ng bigat niya pahiga.
Nasubsob ako sa unan. At buti sa unan! Diyos ko, kung sa mukha niya, ewan ko na lang talaga!
"Ang bigat mo naman kasi, ser," naiiritang paliwanag ko nang harap-harapan sa mukha niya. "Ano? Walang imikan talaga?"
Inabangan ko ang pagsagot niya. Tinitigan ko ang buong mukha niya sa malapitan.
Natigilan ako habang nakatitig sa kanya nang mabuti.
Gusto kong malaman kung bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng ito ngayon.
Hindi ko naman siguro kailangang gawin ito. Wala naman ito sa kontrata. Pero kasi-
"Mr. Phillips . . ." Tinitigan kong mabuti ang labi niyang mas mapula pa sa labi ko. Ang sarap niyang titigan nang matagal sa malapitan.
Hinawi ko ang lahat ng buhok ko papunta sa kanang balikat at dahan-dahang lumapit sa kanya.
"Mr. Phillips, huwag kang magagalit, ha?" Hinawakan ko siya sa kanang pisngi at inilapat ang labi ko sa labi niya.
Puwede bang gawin 'to nang walang permiso niya?
Alam kong hindi siya gaganti, pero gusto ko talagang maramdaman ulit yung nararamdaman ko kapag nang-aasar siya.
Posible ba 'yon? Kahit kasama mo siya, nami-miss mo siya?
Puwede ba 'yon?
Nakaawang nang bahagya ang bibig niya kaya sinubukan kong halikan siya nang mariin.
Pero napariin ang pagpikit ko nang may maramdaman akong mainit na gumagapang sa loob ng bibig ko nang sinubukan kong sumagap ng hangin para humabol ng hininga.
Napadilat agad ako at mabilis na lumayo sa kanya nang maging kakaiba na ang init na iyon sa loob. Parang may nagwawalang mainit na bagay sa bibig ko.
Pagbuga ko ng hangin, lalong nanlaki ang mga mata ko nang bumuga ako ng kaunting itim na usok na bigla namang natunaw sa hangin.
"What the f-?"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top