6. First Night High
Instant noodles lang ang hinapunan ko para mabilis kainin. Nahihiya ako kay Mr. Phillips, maghihintay pa siyang magluto ako. Half past seven ng gabi, umakyat na agad ako sa third floor.
Para talagang langit at impyerno yung third floor, sa totoo lang. Kung anong ikinaliwanag ng kuwarto ko, siya namang ikinadilim ng vibes sa kabila. Hindi ko pa alam pagdating sa kuwarto ni Mr. Phillips.
Hindi naman sa naiilang ako kasi kuwarto niya 'yon, malay ko ba e kuwarto lang ng papa ko ang kuwarto ng lalaking napasok ko sa tanang buhay ko. Puro pa pintura at canvas ang loob n'on maliban sa maliit na papag. Pero inisip ko na lang na baka naroon din ang office niya kaya ako ipinatawag doon.
Hindi ko naman masasabing sobrang ganda ko. Saktuhan lang talaga para hindi ako pag-interesang ligawan ng kahit sinong lalaki. Ewan ko, ang pangit ko lang siguro in some aspect.
Walang ipinagkaiba ang itsura ng hallway ng third floor kapag umaga o gabi. Pag-akyat sa hagdan, madilim pa rin at lamp lang sa pintuan ni Mr. Phillips ang bukod-tanging ilaw.
Nahagip na naman ng tingin ko ang katapat na pinto ng kuwarto ko. Sobrang creepy talaga ng black door, parang hindi magandang pasukin. Sabi rin naman ni Mr. Phillips, huwag papasukin, e di hindi.
"Mr. Phillips?" pagtawag ko saka ako kumatok nang tatlong beses.
"Come in."
Hindi naman naka-lock ang doorknob kaya binuksan ko na ang pinto saka sumilip muna para hanapin ang tao sa loob. Nakita ko sa dulong kaliwa si Mr. Phillips. Nakasuot na nga siya ng white buttoned blouse pero hindi naman nakasara. Kita pa rin yung chiseled chest niya at eight-pack abs. Ayoko namang mag-assume na inaakit niya ako kasi sobrang kapal ko naman kung iisipin ko 'yon. Bahay naman niya 'to kaya bakit ba ako mag-a-assume?
"Mr. Phillips." Pumuwesto ako nang di-kalayuan sa may pinto, ginaya ko yung mga maid kaninang umaga sa pagtayo. Straight tapos magkapatong yung mga kamay sa may bandang tiyan.
Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papalapit sa puwesto ko. May dala siyang naka-stapler na mga papel tapos binabasa niya habang papunta sa gitna ng malaking kuwarto.
Akala ko, may chandelier din sa loob gaya ng sa kuwarto ko kaso wala. Meron lang dalawang pabilog na candle holder sa kisame. Wala namang candle doon pero may yellow lamp naman. Hindi kasimbongga ng kuwarto ko. Nasa dulong kanan yung canopy bed niyang red velvet ang kurtina at black naman ang mattress at kumot. Amoy-kandila sa loob. Sa pinanggalingan niya sa kaliwa, may bookshelves doon na maraming libro tapos wooden table na maraming patong-patong na folder.
Sabi na, narito rin yung office niya.
"You have a degree in Music," panimula niya. Ang baba talaga ng boses niya. Hindi ganoon kaliwanag sa loob ng kuwarto niya kaya lalo lang dumilim dahil sa boses niya.
Humugot muna ako ng hininga bago sumagot. "Yes, Mr. Phillips. I finished my degree eight years ago."
"What are your working experiences?" Huminto siya sa likuran ng single-seat sofa na may red velvet cushion, doon sa gitna ng kuwarto, at saka ipinatong sa sandalan ang mga braso niya bago tumitig sa akin.
Napalunok ako. Dapat kagabi pa niya tinanong 'to para hindi ako mukhang engot na narito na sa bahay niya para magsimula.
"I . . ." Yung paghinga ko naging buntonghininga na. "I worked as a clerk at the city library for a year after I graduated in college. My family moved to the Upland, so I needed to work in a hotel for three years as a pianist. After my parents died, I had to move again, from city to city, to find a decent job and a place to stay. I worked in a meat shop as a part-time cleaner. I sell music sheets and sing for special occasions. However, I wasn't able to land on a regular job for almost six months after I left the previous city I lived in." Naging matipid ang ngiti ko matapos ang sagot ko.
"Any useful secretarial skills?"
Kinakabahan na ako, ha. Dapat talaga kagabi niya tinanong 'tong mga 'to kasi kagabi yung interview. Bakit ngayon niya ako ini-interview? Ano ba? Late reaction ba siya?
"I-I'm a fast learner, Mr. Phillips, sir," sagot ko na lang. "This is the first time I will work as a secretary. I was expecting for a walkthrough or a training today but . . ." Pilit akong tumawa sa kanya. Wala naman kasi silang ibinigay na training. Hindi ko tuloy alam kung ano'ng gagawin ko.
"Do you know my whole name?"
Napahugot ako ng hininga. Shet! Narito ako sa bahay niya, na-hire na ako't lahat-lahat, hindi ko pa rin alam kung ano'ng full name niya! Si Eul hindi pa sinabi, ano ba naman 'yan?
"Sorry, Mr. Phillips. I . . . I don't know."
Grabe, lupa, lamunin mo na 'ko kahit nasa third floor ako ngayon.
"That's one of your assignments."
"Okay, sir, Mr. Phillips." Tumango naman ako agad.
"You see that table?" Itinuro niya ng tingin ang office table niya. "Check all the important documents and create an organizer."
"Okay, Mr. Phillips, sir."
"I asked Eulbert to give you a new phone. You'll have it after three days."
"Okay, Mr. Phillips, sir."
"Who's your emergency contact?"
Mabilis akong umiling. "Sorry, sir, I don't have any. I'm a lone traveler."
"5 foot 4, 75 kilograms. You seem healthy. Have you donated blood at least once in your life?"
"I did, Mr. Phillips, but that was a long time ago."
"Do you have a husband?"
Napatingin ako sa itaas. Wow, ang personal naman ng question. Sasagutin ko ba?
"I'm . . . single, sir."
"When was your last relationship?"
Biglang kumunot ang noo ko. Bakit ganito ang mga tanungan niya? Mag-a-apply ba siyang boyfriend ko?
"Mr. Phillips, I haven't got involved in any relationship."
"Much better. Ayoko nang may pumapasok dito sa Cabin na hindi ko alam dahil lang sa mga ganyang dahilan." Dumiretso na siya ng tayo at ibinagsak ang hawak niyang folder sa upuang pinagpatungan niya ng braso at tinitigan ulit akong mabuti.
Mula pa talaga kagabi, kapag tumitingin siya, parang may sinasabi siya pero hindi niya sinasalita.
Ewan ko ba, sobrang weird niya. Lalo na ngayong may-kadiliman sa kuwarto niya kumpara sa ibang kuwarto sa Cabin. Parang lalong naging gold yung golden eyes niyang natural daw.
"Gaano katalas ang pandinig mo, Chancey?" bigla niyang tanong sa kabila ng katahimikan namin.
Gaano katalas? Bakit niya tinatanong?
"I can identify musical notes from sounds . . . Mr. Phillips," sagot ko sabay lunok na naman.
Hindi mabilis ang tibok ng puso ko pero kinakabahan ako. O nate-tense lang, pero hindi naman ako nanginginig.
"Do you hear any whispers or voices inside this room aside from ours?"
Kumunot ang noo ko at pinakinggan ko naman ang paligid. Wala akong naririnig na kakaiba maliban sa air-conditioning system.
May naririnig ba si Mr. Phillips na hindi ko naririnig? May multo ba rito sa Cabin? Hindi naman 'to haunted a.
"Nothing, Mr. Phillips, sir," sagot ko.
Kagabi pa siya nagtatanong kung may naririnig ba ako. Nagtataka na ako, ano ba? Hindi pa naman ako bingi a. Kahit nga yung mga kuliglig sa labas, naririnig ko rito sa kinatatayuan ko.
"Alright." Sumaglit siya ng pagtalikod at pagharap niya, parang may kung anong hangin ang dumaan sa mukha ko at nakarinig ako ng tunog ng kahoy sa likuran ko.
Biglang tumahimik ang lahat.
Yung tibok ng puso ko, sa isang iglap, biglang dumoble sa pagkabog at nagtindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan habang pinandidilatan si Mr. Phillips na kinakapa na naman ng dila ang mahahabang pangil niya.
Napalunok na naman ako.
Dahan-dahan akong lumingon sa may pintuan at lalo akong pinandilatan ng mata nang makitang may patalim nang nakabaon doon.
"Shit."
Dahan-dahan ko na namang ibinalik ang tingin ko kay Mr. Phillips habang nagsisimula nang kilabutan nang matindi dahil sa nangyayaring hindi ko naiintindihan.
"You said your father was a painter, right?"
Napalunok na naman ako saka tumango. "Y-Yes, Mr. Phillips."
"Your mother was a violinist, correct?"
"Y-Yes . . . Mr. Phillips." Nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang kaba. Gusto ko nang lumabas ng kuwarto niya. Natatakot na 'ko.
Lumakad na siya papunta sa direksyon ko kaya napaatras agad ako nang dahan-dahan.
"Kung matalas ang pandinig mo . . ."
Sabay kaming napahinto nang makatayo siya sa harapan ko at bumangga ang likuran ko sa pinto, kadikit ng mukha ko ang patalim na . . . ibinato niya.
". . . bakit hindi mo 'ko naririnig?"
"P-Po?"
Itinukod niya ang kanang palad sa gilid ng ulo ko at kinuha naman ng kabila yung kutsilyong naroon.
Ano ba talaga ang gusto niya?
Wala naman akong ginagawang kasalanan, bakit ba siya nananakot?
"N-Naririnig ko po kayo," nanginginig ang labing sabi ko.
"If you really heard me, hindi ka na dapat humihinga ngayon."
"P-Po?" Sinabayan ko ng pagtingala ang pagtutok niya ng dulo ng patalim sa leeg ko. "Sir, 'wag n'yo po akong sasaktan."
Nangilid na ang mga luha ko sa takot habang iwas ang tingin sa kanya.
"Who really are you?"
Napalunok ako at mangiyak-ngiyak na sumagot. "C-Chancey. A-Ako po si . . . Chancey." Napapikit na lang ako nang bigla siyang lumapit sa mukha ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko at naaamoy ko roon ang pamilyar na lansa gaya ng naaamoy ko sa bagong katay na hayop.
Pinigilan kong huwag huminga para hindi ko maamoy ang naaamoy ko.
"You smeall fear," bulong niya na lalong nagpatindig ng mga balahibo kong kanina pa nakatayo. Parang maliliit na karayom sa tainga ang baba ng boses niya.
Nawala na ang mainit na hiningang malapit sa akin at bahagyang lumiwanag sa harapan ko kaya ako napadilat nang maayos.
"I hunt people," sabi niya nang makalayo siya sa akin. Bumalik siya sa upuang tinambayan niya kanina. "You said walang maghahanap sa 'yo, right?"
Pagpikit ko nang saglit, pumatak nang isa ang luha ko sa kanang mata gawa ng takot.
"Fix my table." Itinuro niya ng tingin ang mesa niya sa kaliwa. "You'll stay here in my room until midnight. Panonoorin kitang magtrabaho."
"P-Pero . . ."
"You'll do your job on my table or I'll do you on that door. Choose your workplace, Chancey."
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top