31. Music of the Woods
Sabi noon ni Mama, kailangan daw naming mag-celebrate every town declaration ng paglipat sa historical commission ng The Grand Cabin.
Sa totoo lang, walang nagse-celebrate n'on sa town maliban lang sa pamilya namin. After kasi ng declaration, parang wala nang nangyari sa pagla-lock ng Helderiet Woods. Tinanong ko si Mama kung bakit namin kailangang gawin 'yon every e wala nga naman kasi talagang kakaiba sa pagbili ng private owner sa malaking bahay sa gitna ng gubat. Para kaming tangang ginagawa 'yon taon-taon sa dati naming bahay. Pero sinabi lang niya, kailangang bago mag-sunset, e di sinunod ko naman.
Kung hindi kami kakanta, dapat patutugtugin namin ang town hymn at yung isang music na si Mama lang at ako ang nakakaalam. Kahit sa school ko noong college, hindi nila alam 'yon e. Ewan ko, namatay na lang si Mama na wala siyang sinasabing sagot.
Seven years old ako noong una akong nakapasok sa The Grand Cabin, kasama ko si Papa, nag-install siya roon ng painting. Hindi ako sinasama ni Papa sa mga lakad niya o kapag nagbebenta siya ng mga painting kasi ayaw nga niyang nadi-distract sa trabaho, lalo na kung magbubuhat ng canvas. Bata pa ako e, mahirap isama sa trabaho. Pero 'yon ang unang beses na isinama niya ako sa trabaho niya. Birthday ko n'on at sinakto niyang matapos ang painting bago ako mag-seven. Kaya nga sakto, pag-birthday ko, first time kong makapasok sa loob ng malaking bahay.
Hindi ko na halos matandaan ang loob ng Cabin maliban sa pinasyal ako sa loob ng Papa ko, pumasok kami sa iba't ibang kuwarto, at pag-uwi namin, sinunog na niya ang dibdib ko para lang sa tatak na sinasabi niya. At kung para saan? Namatay na lang siyang ang tanging alam ko lang ay kasi kailangan 'yon. Kung bakit kailangan, malay ko rin.
Kahit naman wala na silang dalawa, sinusunod ko pa rin 'yon. Kailangang sundin, sabi raw ni Mama, hanggang mamatay ako. Gusto ko sanang mag-skip kahit isang taong lang, pero katawan ko na mismo ang nagsasabing dapat sundin ang tradisyon.
Wala akong idea kay Marius Helderiet, pero seven years old ako nang mamatay ang huling Helderiet sa town. After a year, declared na ang The Grand Cabin bilang private-owned house pero kasama ang historical commission at town hall sa may-ari. Kasi nga, kapag hindi naging historical site ang Cabin, ipagigiba 'yon ng private company para gawing commercialized place. So, preserved ang lahat sa loob kahit private owned na.
Kahit lumipat na kami ng bahay, binabalikan ko pa rin yung kahit hanggang harapan ng bakod lang ang puwede kong daanan at kaunting parte ng likuran ng iron gate ang puwedeng makita. Lalakad ako sa kalye, kunwaring mamamasyal pero sisilip naman talaga.
Bata pa ako noong isinara ang Helderiet Woods. Pero hindi kami isinama kasi iikot pa nang pagkalayo-layo bago mapuntahan ang dati naming bahay. Ang nakakabanas lang, hindi kami puwedeng gumamit ng sasakyan. Dulo na nga kami ng town, puro na nga puno sa paligid. Apat na kanto rin ang layo ng bahay namin bago sa unang bahay ng town na talagang maraming tao nang nakatira.
Tinawag yung parte kung nasaan kami na lone town kasi parte pa rin naman ng town pero kami lang ang nakatira. Walang ibang nakatirik na bahay roon kundi bahay lang namin. Normal lang sa akin 'yon, e sa naroon nakatirik ang bahay namin, ano'ng magagawa ko?
Wala namang problema sa bahay namin, pero pagkatapos kasi ng town declaration, parang lagi ko na lang gustong makita yung Grand Cabin. Siyempre, bata ako, first time makakita ng magarang bahay kaya inisip ko na lang na gusto ko lang talagang makita ulit kasi bongga yung lugar. Kahit sino naman siguro ma-fe-feel yung ganoon lalo na kapag lumaki sa maliit na bahay lang.
Bago mag-six dati, kailangang nakabihis na kami ni Mama ng white dress para kumanta. At dahil nakalakihan ko na yung mga dati kong dress—at dahil wala akong ibang naitabing damit ni Mama maliban sa wedding dress niya—isinuot ko yung white dress niya na V-neck at medyo lampas sa cleavage ko nang very light, makapal ang tela hanggang balikat, pero sheath na may floral design na ang pinaka-sleeves na lampas sa kamay hanggang sa laylayan na lampas pa sa sahig. At thankful naman ako na may allowance na ako kaya nakabili na ako ng detergent. May panlaba na ako kahit pa gawin kong basahan ng hallway yung laylayan.
Tinirintas ko ang kaunting parte ng buhok ko sa magkabilang gilid at saka pinagsalubong sa gitna sa likuran. Ang sabi ni Mama, kailangang nakaligo muna at walang ilalagay na kahit ano sa katawan maliban sa damit. Sa akin, ayos lang. Nakatipid sa makeup dahil hindi rin naman ako nagme-makeup.
Sa totoo lang, ang nagustuhan ko sa wedding dress ni Mama, mukha akong diwata ng kagubatan. Iyon lang, ang hassle kasi talagang maglaba.
Alas-singko y medya nang bumaba ako sa may indoor garden na patagos ang pinto sa may kusina. Minsan ko lang tinangkang gamitin yung grand piano kasi masyadong malakas ang echo sa buong lugar, e ayaw nga raw ni Mr. Phillips nang inaabala siya sa pagtulog.
Gusto ko na ngang i-suggest na ilipat na lang sa loob para nagagamit, pero maganda kasi talaga siyang design sa labas.
Mula roon sa pintuan, tanaw na tanaw sa itaas mula sa door frame yung bintana ng kuwarto ko. Iyon lang ang kuwarto sa third floor na bukas ang bintana at ginagamit kung titingnan mula sa indoor garden.
Aminado naman akong maganda sa loob, puro bermuda grass nga lang din saka napalilibutan ng white roses sa palibot ng dingding ng mansion. May cobblestone pathway papasok sa puting gazeebo kung nasaan nakalilim yung piano. May lilim naman yung papunta roon kaya hindi susuong sa araw si Mr. Phillips, lalo pa, sunset na rin at hindi umaabot ang araw sa dadaanan niya.
Inurong ko yung makapal na pulang lubid pangharang doon saka pinagpag yung cushioned wooden chair na pandalawahang tao. Hindi maalikabok, infairness, magaling maglinis ang mga alagad ni Mrs. Serena.
"Chancey?"
Napatayo agad ako nang diretso nang marinig ko ang pagtawag ni Mr. Phillips mula sa direksyon ng pinto.
"Wow, aga magising, Mr. Phillips, a?" Nginisihan ko agad siya habang nagtataka ang tingin niya sa akin. Hinagod ko rin siya ng tingin. At gaya ng lagi niyang ayos, suot pa rin niya yung black pants niya, pero nakasuot siya ng white long sleeves na hindi nakasara ang butones mula sa itaas hanggang sa bandang dibdib. Pagtingin ko sa ibaba, nakapaa lang siya. Mahilig siyang magpaa, ewan ko ba samantalang tatlo-tatlo naman yung sleeping slippers niya sa kuwarto?
"You're wearing a . . . dress." Huminto siya sa kanang gilid ko habang hinahanda ko yung piano.
"Kasi nga, tradition 'to, Mr. Phillips," paliwanag ko sa ginagawa ko. "Upo ka na diyan sa gilid."
"Alright." Nginitian ko lang siya kahit nagtataka pa rin siyang nanonood sa akin. Pagkatapos kong ihanda yung piano, bumuga ako ng hininga saka tiningnan siya.
"Mr. Phillips, behave ka lang, ha? Patapusin mo muna ako saka ka mag-request ng song mo. Okay?"
"Mmm." Tumango naman siya.
"Eh-Ehem." Tumikhim ako sa nagtipa ng piyesa.
Malakas talaga yung tunog ng piano kasi rinig na rinig sa buong mansiyon yung echo, kahit yung mga ibon, nagsiliparan sa taas.
"Oh, child of Helderiet founded in town . . . your sons and daughters are proud of you, founding father, dear we love you so. Oh, child of Helderiet, kindly lead us and live with us . . . you're so wonderful and powerful, please protect us on and on . . ."
Nagpatuloy lang ako sa pagtipa ng panibagong piyesa pagkatapos ng town hymn. Mas naging malumanay at kalmado.
"Ah-yeh-aaah . . . Wayiaaah . . . Yooowaah . . ."
Dalawang minuto rin akong kumanta ng palaging kinakanta noon ni Mama. Wala 'yong matinong lyrics, puro lang chant saka nagwo-work lang sa intonation. Kahit saang research book ko hinanap doon sa library at documentaries, wala talagang recorded na ganoong music. Kaya nga hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba sinusunod noon si Mama.
Pagtapos kong kumanta nagdaop ako ng mga palad at saglit na yumuko.
Iyon lang at pagtingin ko sa langit, nangangasul na at bumaba na ang araw. Maliwanag pa rin naman at seven pa ang dinner ng katabi ko. Tiningnan ko si Mr. Phillips na nagtatakang nakatitig sa akin.
"Yeah, I know, puro lang ako waaaah. Pero kanta talaga 'yon." Tumango pa ako.
"But that was a funeral chant," sabi pa niya. "It was chanted by the guardians as their death song."
"Mr. Phillips, alam kong medyo nakakatakot yung tone, pero hindi 'yon pampatay, ano ka ba?"
"Who told you so?"
"Kinakanta namin 'yon ni Mama kasi nga nagse-celebrate kami ng town declaration!"
"I doubt that, Chancey."
"Mr. Phillips, eight years old pa lang ako, ginagawa na namin 'yon."
"Chancey, the town declaration is Marius' death day. Why are you singing a death song without knowing it was a funeral song of the spirit guardians?"
"Hindi nga kasi, Mr. Phillips! Kailangan lang naming kantahin 'yon every year kasi nga town declaration ngayong araw!"
"And who else was celebrating it aside from you?" sabi pa niya sabay krus ng braso.
"E—" Nagtaas ako ng hintuturo at akmang may sasabihin pero napatikim ako ng bibig at nagpalobo ng pisngi. Well . . . wala nga kasing nagse-celebrate maliban sa pamilya ko, bakit ba naman kasi hindi ako sinagot ng nanay ko noong nabubuhay pa siya e? Wala tuloy akong explanation kay Mr. Phillips. "Basta, ang sabi ni Mama, kailangang kantahin, period."
"I really want to know who your mother was aside from she was saved by Marius. You don't know why you're singing a funeral chant before dusk. Hindi town declaration ang sine-celebrate ninyo ng mama mo, Chancey. This is a ritual to commemorate the dead. And if she was doing it for Marius, then I won't be asking questions here."
"Ugh! Ayoko nang makipagtalo." Umiling na lang ako kasi ipipilit din niya na pampatay yung kinakanta ko. Pero parang gusto ko na ring maniwala kaya tiningnan ko siya nang mabuti. "Paano mo pala nalaman na funeral chant ang kinanta ko, Mr. Phillips?"
"That's a native ritual and it was practiced by people of the woodlands. I'm hundred years older than you, have you forgotten about that?" Nagtaas pa siya ng mukha para maghamon.
Nagbuntonghininga na lang ako habang nakatitig sa mukha niya. Oo nga naman, di-hamak na mas matanda pa siya sa parents ko. Malamang mas matalino siya kasi matagal na siyang nabubuhay sa Earth.
"So, tingin mo, kinakanta 'yon ng Mama ko para sa pinsan mong namatay dahil sa kanya?" tanong ko pa, at hindi ko naiwasang malungkot sa idea.
"If that was her purpose why she did all these rituals before the sunset, then I must yes. Today is Marius' death anniversary and you're just honoring him if ever iyon ang point ng mother mo kaya niya ito ipinasa sa iyo. If you don't know why you're doing it, assume that this was her reason why."
Napabuntonghininga na naman ako habang iniisip ang tungkol doon. Wala kasing sinasabi si Mama maliban sa kailangan daw, kailangan daw. Kung bakit kailangan, wala rin silang explanation.
"Wala na sila, Mr. Phillips, e. Hindi ko na sila matatanong tungkol diyan," sabi ko na lang at pinadaan ang daliri ko sa piano keys habang nababalisa sa idea na all those years, kantang pampatay pala yung kinakanta ko.
"Don't mind about that, Chancey," sabi agad ni Mr. Phillips sa mas mahinahon nang tono. Hinawakan niya ako sa kanang balikat at saka inurong palapit sa kanya. "I didn't mean to rain on your parade, I apologize." Dinampian niya ako ng magaang halik sa sentido na lalong nagpabuga ng malalim na hangin sa akin.
Ayaw mawala ng feels na kumakanta pala ako ng pampatay na kanta sa akala kong masayang araw. Nakakaloka naman yung nanay ko, ano kayang trip n'on?
"Can you sing for me now?"
Napalipat ang tingin ko kay Mr. Phillips at nakita ko na naman yung matipid niyang smile.
Oo nga pala, tutugtugan ko pala siya!
"May request kang song, Mr. Phillips?" tanong ko na lang, paglilipat ng atensiyon sa funeral song na sinabi niyang kinakanta ko.
"Do you remember the first song you sang last time in my room?"
"Alin doon? Ito?" Tinipa ko ng kanang kamay ang piano keys ng Can't Help Falling In Love. Iyon lang naman kasi ang kinanta ko noong busy ako at sobrang tahimik.
"Yeah. I remembered you humming that and you didn't finish singing the song."
Nginisihan ko na lang siya saka ako tumango. Umayos na ako ng upo at nagsimula nang tugtugin yung request niya. Sumulyap muna ako sa langit kasi padilim na rin, baka maabutan kami ng mga monster.
"Wise men say only fools rush in . . . But I can't help falling in love with you . . ."
Sinulyapan ko si Mr. Phillips na nakatitig lang sa akin. Kinindatan ko lang siya saka ako bumalik sa pagtingin sa piano keys.
"Shall I stay? Would it be a sin . . . if I can't help falling in love with you?"
Sumulyap ulit ako sa langit kasi kinakain na ng dilim ang liwanag.
"Darling, so it goes . . . some things are meant to be. Take my hand . . . take my whole life, too . . . for I can't help falling in love with you."
Pinatapos ko ang pagkanta hanggang sa ilaw na lang sa kitchen ang nagsilbing ilaw sa puwesto namin.
"Mr. Phillips, bukas, agahan mo paggising para marami akong kanta for you." Tumayo na ako at kinuha ang kamay niya. "Tara na, baka mamaya, may mga monster nang nandito. Ayokong mapaaway ka nang maaga."
Tinawanan lang niya ako bago nagpahatak sa akin.
Hawak-hawak ko lang ang isang kamay niya habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha.
Masaya yata siya ngayon. Wala pa yung teddy bear sa eksena. For sure, kapag nakita niya 'yon, hindi lang ngiti ang gagawin niya, hahalakhak pa siya.
"Kumusta yung song?" tanong ko pa. Gusto ko ng feedback, baka sabihin niya, show-off lang ako e.
"I love your voice," sabi niya habang tumatango. "And if you're a nature songstress, I'm not surprised why you sing so elegantly kahit na buong araw kang sumisigaw sa akin."
"Excuse me, Mr. Phillips, sir, hindi kita sinisigawan. Malayo ka lang talaga. At—" Dinuro ko agad siya bago pa siya makalapit sa akin. "Nakakarami ka na, ha. Hindi kita boyfriend, ha? Hindi rin kita asawa."
Nagusot ang dulo ng labi niya at saka tumango na parang may naintindihan siyang hindi ko naintindihan. "Alright. I see."
"Dito ka lang, lulutuan kita ng dinner." Pinatayo ko siya sa lagi niyang puwesto pasandal sa gitnang mesa ng kitchen saka ako kumuha ng steak sa ref at cooking pan.
"You look wonderful tonight, Chancey."
Bigla akong natawa habang sinasalang yung pan.
"And then she asks me, 'Do you feel alright?'" pagkanta ko sa papuri niya sa akin. "And I say, 'Yes, I feel wonderful tonight.'"
Pagkasalang ko sa pan ng karne, inabutan ko agad siya ng inumin niya habang kumakanta.
"I feel wonderful because I see the love light in your eyes . . . and the wonder of it all is that you just don't realize how much I love you."
"Likewise, Chancey."
"That's a song lyrics, Mr. Phillips," sarcastic kong sinabi sabay talikod sa kanya at baligtad sa karneng niluluto ko. "Uy, thank you pala sa allowance, ha! May surprise ako sa 'yo mamaya!"
"Aside from your teddy bear?" nakataas ang isang kilay niyang tanong.
"Mr. Phillips, 'wag ka ngang basag nang basag sa sinasabi ko. Kunwari na lang hindi mo alam na teddy bear yung surprise ko, ha?" Kumuha na ako ng plato at isinalin sa plato. "Saka pala nauna na akong mag-dinner kanina bago ako maligo kasi ginutom ako. Baka magmeryenda na lang ako mamayang bago matulog."
"Alright."
Lumapit ako sa kanya at itinutok sa mukha niya ang plato.
Tiningnan lang niya ako na para bang alam ko na ang gagawin.
"Paano pala kapag natapos yung contract ko, sino na'ng magpapakain sa 'yo?" tanong ko at itinapat sa bibig niya yung karneng kinamay ko na naman. "Ah."
"I'll change the contract's content." Saka siya kumagat.
"Ha?"
Hindi siya sumagot kasi inuna pang ngumuya habang nakatitig sa akin.
"Bakit mo babaguhin? I-e-extend mo?"
Tumango naman siya habang patuloy lang sa pagnguya.
"Ilang years?" Napatitig lang ako sa Adam's apple niyang nagtaas-baba pagkalunok niya.
"Kung hanggang kailan mo kayang mabuhay."
"Wow, deep," sabi ko sabay tawa nang mahina. "Kain ka pa." Pinanood ko lang siyang kumagat ulit. "Alam mo, ang sarap mong panooring kumain. Parang ang sarap ng kinakain mo lagi."
"It is," tipid niyang sagot bago bumalik sa pagnguya.
"Alam ko naman kasi mahal talaga yung kinakain mo, kaso may dugo-dugo pa kasi minsan. Pero vampire ka naman kaya malamang na masarap sa 'yo."
"Are you still afraid of me, Chancey?"
Napaatras ako sa tanong niya habang kinukunutan siya ng noo. "Ano'ng klaseng tanong 'yan? Sinusubuan na kita ngayon, ito ba yung natatakot? Ah. Last na 'to."
Kinagat lang niya yung huling piraso ng karne at pinanood ko lang siyang ngumuya.
"Saka nakita ko na yung monster mode mo. Siguro, noong una, nakakatakot ka. Pero mabait ka naman kasi saka hindi mo pa ako kinakain nang buhay. Nasa akin pa yung mga lamanloob ko. Tapos binibigyan mo pa 'ko ng allowance na super laki. Di ba? Bakit pa ako matatakot sa 'yo?"
Kinuha ulit niya yung kamay ko para simutin yung mantika roon sa daliri ko.
Iyon daw ang favorite part of the meal niya. Ang weird talaga niya. At buti, buo at kompleto pa ang mga daliri ko sa kamay kahit ilang beses na niyang pinapapak.
"Ang sarap mo talagang panooring kumain," bati ko ulit habang nakatitig sa kanya.
"Chancey."
"Yes, Mr. Phillips?"
"Will you marry me?"
"Pfft!" Napayuko ako sabay kagat sa labi habang nagpipigil tumawa. Pag-angat ko ng mukha, nakangiwi na ako habang inaawat na huwag tumawa.
Si Mr. Phillips, ang random din mag-joke kung minsan e.
"Kakakain mo lang, ha. Hindi ka na gutom. Kompleto naman yung tulog mo, aside sa one hour early wake up. Pero eleven hours na 'yon. Ako nga, six hours lang e." Nagpipigil ako ng tawa habang nakatitig sa seryoso niyang mukhang nakahawak pa rin sa kamay ko pero hindi na niya subo-subo.
"I'm serious."
Napapikit-pikit pa ako habang tinatantiya kung seryoso ba siya o hindi.
Eh? Di nga? True?
"Mr. Phillips, totoo?"
Tumango naman siya.
"Hala, kahit hindi mo pa ako kilala nang bongga? Malay mo, pineperahan lang kita."
"Who cares? You can have my wealth."
"TOTOO?"
"Yes. So, are you willing to?"
Anak ng—yes na agad-agad!
"I DO!"
----
A/N: Nag-edit pala ako ng chapter 28 last night kasi nagkakagulo kung may nangyari ba kina Chancey at Mr. Phillips. Meron po hahaha kailangan iyon para sa mga susunod na chapter kasi huhuhu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top