3. The House in the Woods

First day ko sa trabaho kay Mr. Phillips. At gaya nga ng sabi niya, tulog siya sa araw at nagtatrabaho siya sa gabi. Ako raw ang magtatrabaho sa araw kapag tulog siya. Ang tanong ko lang, paano kapag gabi? Dapat ba gising din ako?

"Mr. Phillips, 24/7 ba dapat akong gising?" tanong ko agad kasi hindi niya nilinaw yung sa night part. "Kasi kung gising ka sa gabi tapos tulog ako, paano kapag may kailangan ka?"

Tinitigan ko siya. Nakakrus lang ang mga braso niya habang nakapikit.

Tulog ba siya? Malamang hindi. Deretso siya kung maupo at seryoso lang. Kung ako nga, kapag nakakatulog at nakaupo, nakatingala na, nakanganga pa.

Ilang minuto rin akong nakatitig sa kanya para sa sagot. Ang tangos ng ilong niya sa side view, napahawak tuloy ako sa ilong ko. Cute lang yung ilong ko e, hindi naman pango, saktuhan lang. Ang haba rin ng pilik-mata niya, sobrang curly. Gusto ko rin ng ganoong eyelashes. Yung akin kasi, basta meron, puwede na. Yung kilay niya, malago saka dark brown. Kaya siguro natural na brown talaga yung buhok niyang saktong wavy lang.

May asawa na kaya si Mr. Phillips? Good-looking siya e. Kung wala man, baka girlfriend, meron.

Ilang minuto ko na rin siyang inoobserbahan, wala talaga akong nakuhang sagot sa tanong ko.

"Sabi ko nga, di na ako magtatanong." Napalingon tuloy ako sa labas. Hindi ko na napansin, narito na pala kami sa Belorian Avenue.

Nasa pangalawang street ang apartment kung nasaan ako nakatira. Ilang sandali pa, lumiko na kami sa kanan papasok sa iron gate na kusang bumukas pagtapat doon ng kotse namin.

Helderiet Woods—parte ang kakahuyan ng kabilang town patawid ng Belorian. The Grand Cabin ang landmark between the city at sa town ng Helderiet. Isang kalsada lang ang pumapagitan sa siyudad at sa bayan. 500 acres din ang laki ng Helderiet Woods at nasa pinakamalapit sa entrance ang The Grand Cabin. Pero kahit pa sabihing pinakamalapit, mahigit isang kilometro din ang lapit na 'yon.

Nasa gilid ng sementadong kalsada ang malaking metal board na may naka-print na "private property of Prios Holdings, in partnership with the Office of Historical Commission and Town Mayor's Office of Helderiet.

Prios Holdings?

Doon dapat kami mag-a-apply ni Zephy last time kaso hindi kami tumuloy.

"Mr. Phillips, sabi mo, sa 'yo yung Cabin," sabi ko paglingon ko ulit sa katabi ko. At sa wakas, nakamulat na siya at nakasilip sa relo. "Property pala 'to ng Prios."

"And?" sagot niya, sa wakas.

"Masyadong malaki yung Prios Holdings. Binigay po ba sa inyo as CEO ng Jagermeister? Di ba, parent company ng JGM yung Prios?"

Binuksan na naman niya ang folder na pinirmahan ko kanina. "Why ask?"

"Sabi kasi nila, terror yung executives sa Prios. Doon dapat kasi ako unang mag-a-apply kaso nag-back out kami."

"Mmm."

"Sayang din, kasi 200 dollars din yung salary. Parang yung sa personal secretary position sa JGM."

"Mmm."

"Pero ayos lang naman kasi 200 dollars din yung deal ko sa inyo. Sa chairman daw kasi ng Prios Holdings yung secretarial position. Kaso wala pa raw pumapasa sa kanila mula nang mag-open sila ng hiring. Lahat na raw ng qualified applicants, sumubok na roon pero walang nakuha. Saka wala rin daw nakabalik after ng applications."

"Mmm."

"Bakit kaya gano'n? Di naman siguro nila kini-kidnap yung mga applicant. Wala naman kasing nag-fi-file ng complaint for missing person. Kaya nga pinigilan ako ni Zephy last time. Baka raw kasi hindi ako pumasa tapos hindi na rin ako makabalik. Wala raw kasing hahanap sa 'kin kasi wala naman daw akong pamilya."

"Mmm."

"Si Zephy pala yung katabi ko sa unit, Mr. Phillips. Maganda siya kahit medyo chubby. Kaso mas nauna na siyang nakakuha ng trabaho as office clerk naman sa Constantia. Siya yung nagbigay ng brochure sa 'kin para mag-apply sa Jagermeister."

"Mmm."

Nagtikom ako ng bibig. Ang dami kong sinabi, puro lang siya "Mmm." Pero nakikinig naman siya kasi tumatango naman siya paminsan-minsan. Baka tinitipid niya yung boses niyang mas maton pa sa sampung pinagsama-samang maton.

Sumaglit ako ng tingin sa kakahuyang dinadaanan namin. Puro lang kasi puno kaya medyo dumidilim kahit alas-otso na ng umaga. Maganda naman ang araw na bahagyang tumatagos sa mga dahon, pero hindi pa siguro tumataas nang sobra ang araw kaya may kadiliman pa rin sa daan.

"Mr. Phillips, alam mo, seven years old ako noong una akong makapasok dito."

"Really?"

Nilingon ko siya kasi hindi na siya naka-hum. Naka-really na siya. Kaso nagbabasa pa rin siya sa folder na pinirmahan ko.

"Violinist ang mama ko. Painter naman ang papa ko. No'ng seven ako, nag-paint yung papa ko na dinala sa Cabin. Malaki yung painting, mukha ng lalaking hindi ko nga lang gaanong matandaan. Basta lalaki."

Napahinto siya sa pagbabasa at napatingin sa harapan na seryoso ang mukha. Bakit kaya?

Magtatanong sana ako kung bakit pero bumalik ulit siya sa pagbabasa.

Ang weird naman ni Mr. Phillips. Yung boses niya, weird. Yung mata niyang gold, weird. Yung pangil niya, weird. Although, gusto ko yung pangil niya kasi ang lakas maka-vampire, pero bagay naman sa kanya.

"Mr. Phillips, natural yung eye color mo? Gold na gold, 'no? Contact lens ba 'yan?"

"That's natural."

"Ay, talaga?!" Napatakip agad ako ng bibig kasi natural pala! Wow, ngayon lang ako nakakita ng natural na golden eyes! "Kahit yung fangs n'yo, natural din?"

"Yes."

"Para kayong vampire, 'no?"

Bigla siyang ngumiti nang matipid saka tumango habang nagbabasa pa rin. "I am."

"May asawa na kayo?"

Biglang nawala ang ngiti niya. Napaatras ako nang kaunti dahil doon. OMG, yung bibig ko, di ko rin matikom talaga e.

"I-I mean, baka lang ano—kailangan dalawa kayong pagsilbihan ko . . . sir—Mr. Phillips." Napalunok ako. Hindi na siya sumagot. "Sabi ko nga po, mananahimik na 'ko."

Nagsumiksik ako lalo sa sulok ng upuan at pintuan. Nakakahiya, yung mata at pangil lang naman niya ang pinag-uusapan namin, paano ako napunta sa asawa?

Saktong-sakto, bago pa 'ko matunaw sa upuan ko, nakarating na kami sa Cabin.

Mabilis akong bumaba para pagbuksan si Mr. Phillips, pero paikot pa lang ako ng sasakyan, nakapagbukas na yung driver at may sumalubong na agad na black umbrella.

Grabe naman, ang sarap nga sa balat ng araw! Saka, 8 pa lang ng umaga, ano ba! Magpayong siya kapag alas-dose na! Arte naman, ser. Takot umitim?

Sinundan ko sila papasok sa mansiyon. Pero wala, hindi agad ako nakasunod.

Sobrang laki ng The Grand Cabin. Three-story mansion at sobrang lawak. Kahit hanggang third floor lang, aabot ng fifth floor ang katumbas na taas.

Hindi pa rin nila binabago ang exterior, bricks and iron pa rin ang dingding at haligi. Mukha ngang haunted house sa labas dahil sa gothic structure. Lalo na, sa bawat balcony, may gargoyles na parang nagbabantay sa buong bahay. Dagdag pa yung mga bintanang may glass mosaic. May malaking balcony sa unahan. Parang ang sarap tumapak doon tapos sisigaw ako ng "Pinatawag ko kayong lahat!"

"Miss!" sigaw ng driver na nasa malaking dark walnut door at nag-aabang.

"Wait, sir!" Mabilis akong tumakbo papalapit doon.

Gray ang marble floor mula sa entrance papasok sa malaking swing door. Damang-dama na mayaman ang may-ari ng bahay dahil sa pagpasok pa lang, bungad na bungad na agad ang grand stairs na sobrang laki ng pagitan ng magkahiwalay na hagdan. Nasa tuktok n'on ang malaking painting ng isang lalaking nakatayo at seryoso. Malago ang bigote at balbas ng lalaking naka-tuxedo. Kahit ang buhok n'on, sobrang haba rin.

Napahugot ako ng hininga. Naalala ko ang papa ko.

"Chancey."

Napatingin ako sa kanan at nakita si Mr. Phillips na nakapamulsa at nakatitig sa akin.

"Yes, Mr. Phillips." Tumayo ako nang diretso at humarap sa kanya.

"Hindi mo ba 'ko naririnig?"

"Sir?" Kumunot na naman ang noo ko. Hindi ako nagsi-space out, alam na alam ko. Attentive ako at sobrang linaw ng pandinig ko, just so he knows.

At wala akong naririnig.

"I said follow me." Nagdere-deretso siya ng lakad paakyat sa grand stairs.

Iyon naman pala ang sinabi niya, bakit hindi ko narinig? At mas gumanda ang timbre ng boses niya rito sa mansiyon. Mas naging solid ang bass.

Sinundan ko lang siya paakyat.

Carpeted ang baitang ng hagdanan. Kahit gumulong ako rito, hindi ako mababagok agad-agad. Ipinalibot ko pa ang tingin ko habang umaakyat.

Mas malaki sa second floor, at mas marami ring statues.

Hindi pa nakabukas ang air conditioning system pero malamig na. Pagtapak namin sa hallway ng second floor, nakatabing pa ang mataas na pulang kurtina sa bawat dulo. Madilim kung hindi nakabukas ang bawat lamp na naka-attach sa dingding na may fleur de lis wallpaper.

Dumiretso si Mr. Phillips sa kaliwa kaya sumunod ako. Marami kaming nilampasang pintuan bago kami nakarating sa panibago na namang hagdan paakyat sa third floor.

Nagsisimula na akong hingalin pero kinokontrol ko na ang hangin ko dahil mukha akong timang kung magpapaka-OA ako habang naglalakad samantalang hindi naman nagrereklamo ang amo ko.

Spiral na ang hagdan kaya mas lalong nakakahilo akyatin. Pagtapak namin sa third floor, nakangiwi na ako habang nagpupunas ng pawis sa noo.

Grabe naman sa exercise nito. Kung hindi ako magka-muscle dito, ewan ko na lang. Kaya siguro ang ganda ng katawan ni Mr. Phillips, everyday may exercise.

Pagtapak namin sa third floor, napahinto agad ako sa paglakad dahil mas madilim na roon kaysa sa second floor. Wala halos lamp sa mga dingding. Tig-isang lamp lang sa magkabilang gilid ng dulong pinto kaya madilim na mula sa puwesto namin sa tuktok ng hagdan.

Makitid lang ang floor hindi gaya sa ibaba na mahaba. May isang pinto sa dulo, may tig-isa sa kaliwa't kanan.

"That's my room," paliwanag ni Mr. Phillips habang tinuturo ang pintong may ilaw. "Yours is on the right," pagturo niya sa kanan namin. "And never go inside the left one if you don't want to see your head rolling down the floor."

Napalunok ako. Grabe naman sa warning, parang papatayin ako. Puwede namang "Don't go inside," period.

"The maids will come here to clean the place later at nine. Wait for Serena's house rules, she'll tell you everything. I'll wake up after sunset. As much as possible, don't let anyone disturb my sleep. Are we clear?"

"Y-Yes, Mr. Phillips, sir."

"Mmm."

"What if I need to ask you something, sir . . . Mr. Phillips?"

"Wait until I wake up."

"Okay, Mr. Phillips, sir." Pinanood ko lang siyang maglakad papunta sa kuwarto niya. "Mr. Phillips, do I need to check some paperworks or something?"

"Wait . . . until I wake up."

"Okay, sir."

Dilim ang bumungad sa aming dalawa pagbukas niya ng pinto ng kuwarto niya. Pumasok lang siya roon kahit madilim bago isinara ang pinto.

Ang lakas talaga ng kutob ko kay Mr. Phillips.

Mula pa kagabi sa interview . . .

Hanggang kanina . . .

Sigurado na ako . . .

Wala na talagang duda . . .



Emo siya.

Makapasok na nga sa magiging kuwarto ko.

Kanan daw, e di pumunta sa kanan. Pagbukas ko ng pinto, kinapa ko agad ang switch sa tabi. Hindi naman ako nabigo dahil may switch doon at pinindot ko agad.

Bumukas ang ilaw sa loob ng kuwarto at bumungad sa akin ang magandang crystal chandelier sa kisame.

"Whoah. Cool."

Mabilis kong sinilip ang labas—yung pinto ng kuwarto ni Mr. Phillips. Sobrang ganda pala ng kuwarto rito sa third floor, para akong prinsesa sa fairy tales. Paano kaya yung nasa katapat kong kuwarto?

Nakangiti pa akong humarap doon kasi baka maganda rin ang loob, pero ibinukas ko pa nang mabuti ang pintuan ng kuwarto ko para malaman kung tama ba ang nakikita ko.

Kulay itim ang wooden door sa tapat. Bigla akong inatake ng kaba. Kumakalampag sa dibdib ko ang puso kong epal.

Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa sahig at napalunok na lang ako sa kulay pulang mantsa na naroon.

"Shit."



----11/29/2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top