29. Morning Arguments
Ayoko talagang pinag-uusapan ang tungkol sa mga magulang ko. Hindi dahil sa ikinahihiya ko sila, pero hindi ko kasi alam kung ano ba ang gustong malaman ng ibang tao tungkol sa kanila. Lalo na ngayon, si Mr. Phillips ang nagtatanong.
"Hindi naman ako nagsinungaling no'ng sinabi kong violinist ang mama ko saka painter ang papa ko," dismayadong pagkuwento ko kay Mr. Phillips habang nagkukutkot ako ng kuko.
Nakapuwesto na naman siya sa wooden chair habang nakaharap sa akin na nasa dulo ng kama nakaupo. Nakakrus lang ang mga braso niya pati binti habang ini-interrogate ako.
"Taga-Helderiet kami. Sa dulo, bandang kakahuyan. Doon kami nakatira hanggang mag-twenty ako. Pumasok ako ng conservatory of music kasi may scholarship ako. Supported ng Londoner."
"Londoner is Marius' company," seryosong sinabi ni Mr. Phillips. "I know you can read those documents in Prios' folders."
Tumango naman ako. "Matagal na yung scholarship. Hindi pa locked itong Helderiet, existing na 'yon. Mama ko ang naglakad n'on bago pa ako mag-eight."
"And that was before I land in this place—before Marius died. But that was far from when your house was burned?"
Napahugot ako ng hininga kasi ayokong pag-usapan talaga ang tungkol doon. Lalo kasi akong nadidismaya kapag naaalala ko.
"21 ako noong lumipat kami sa Upland."
"Why?"
"After kong maka-graduate ng college, sinabi lang ng mama ko na kailangan na naming lumipat. Pinalayas kami ng bagong mayor ng town. Ang alam ko lang naman doon, hindi raw sa amin ang lupa."
"But that land was owned by the Dalcas, not the town, not even the Helderiets. Even the former mayor knew that."
"E pinalayas nga kami ng pumalit na mayor. Hindi naman kasi 'yon tagaroon sa town."
"He should have not done that to your family—specifically to the Dalcas. They were—are respected family of this place."
"Kaya nga, Mr. Phillips," pagtataas ko ng boses sa kanya. Nagbuntonghininga na lang ako pagkatapos. "Sinarado itong Helderiet twenty years ago pagkatapos ng town declaration, pero hindi sinama ang lugar namin. Parte kami ng Woods, alam ng lahat 'yon."
"But I never heard about them burning your house. Kung lumipat man kayo ng Upland, dapat preserved pa rin ang bahay. Burning a property from that land is worst than burning the Grand Cabin."
Umiling ako kasi hindi ganoon ang nangyari. "24 ako noong mamatay ang parents ko. Bumalik ako sa dati naming bahay sa lone town. Doon ko lang nalamang sinunog nila pagkarating ko roon. Sinabi kong magtatayo na lang ako ng panibagong bahay pero pinalayas lang nila ako. Wala na akong natatanggap na pension ng parents ko mula sa Jagermeister kaya kinailangan kong magtrabaho sa kung saan-saan."
Napapailing na lang si Mr. Phillips sa kuwento ko. Naiilang tuloy akong tingnan siya. Parang hindi niya matanggap yung sinasabi ko.
"Did your parents told you about what they are? The Dalcas are bloodlines of guardian spirits."
Humugot ako ng hangin kasabay ng pagtingala ko. Nandito na naman kami sa usapang ito. "Mr. Phillips, namatay ang mama ko sa liver failure. Si Papa, sa cardiac arrest. And that's normal. Natural cause of death 'yon, ospital na ang nag-declare. May record sila ng death certificate sa civil registry ng town hall. Hindi sila kung anong nilalang na gaya ng sinasabi ninyo."
"Hindi sila mamamatay kung hindi sila umalis sa Helderiet, did you know that?"
"Mr. Phillips—"
"Chancey, listen to me." Umayos siya ng upo at naglahad ng palad sa akin. "If they didn't told you everything, probably they were hiding something from you. You are not a normal human. I should know."
"Pero tao nga kasi ako!"
"You control the wind? You can call the wild? Shifters' poison can't kill you? I can't control you? Guardian spirits are nature guardians, and they sing to guard their territories. If you really are a pure human, you should be dead the first night you stayed here, Chancey."
"Mr. Phillips, lumaki ako sa town, lumaki ako sa gubat, nabuhay ako sa city. Bago pa isara itong buong Helderiet Woods, narito na 'ko. O kung talagang taga-south ka, bago ka pa malipat dito, narito na 'ko. Walang monsters dito. Alam ko! Alam ko kasi palagi kong kasama ang mama ko kahit pa pumupunta kami sa gitna ng kakahuyan ng Helderiet!"
"And you know how to use bow and arrow?"
"Hobby ko 'yon! Nangangaso kami ng mama ko noong bata pa 'ko! Member ako ng archery team noong college!"
"And you can call woodland animals?"
"Kahit sino namang sumisipol, makakatawag talaga ng kung sinong hayop. Duh?"
"Then how can you explain those nocturnal beast outside earlier? No animals would attack those shifters without a definite command. I could whistle my lungs out but no animals would do what I want them to do for me."
"Mr. Phillips, sumipol lang ako! Ginagawa ko na 'yon dati pa noong nasa gubat kami nangangaso ng mama ko! Ginagawa rin 'yon ng mama ko! Nanghuhuli lang kami ng kuneho! Mukha ba 'kong nagsisinungaling?"
"Chancey, I'm not telling that you're lying. What I was saying is that you're too naïve to notice everything unusual. What if you're one of those nature guardian that's why you can call those animals to help you but you're not aware of it?"
"Tao ako, Mr. Phillips. Kung hindi ako tao, at kung talaga ngang may magic ako or whatnot, e di sana ginamit ko na 'yon para magkapera ako, hindi yung nagpapakahirap ako mag-apply sa kung saan-saan para lang mabuhay ako."
Nagbuntonghininga na naman siya saka umiling. "Serena told me to stay away from you. Aside from that reason why Marius died, I want to know why they're insisting to throw you out of this house." Tumayo na siya at dumiretso sa pinto para buksan iyon. "Serena don't want to see you tomorrow morning. Or else, she will call the family to apprehend you. And I don't want them to get involved with this case. The last time they did that, my wife died in front of me. And I don't want that to happen to you."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
Wala akong ginagawang masama, okay? Gusto ko lang tumulong. Bakit ba kami napunta rito? Saka intrimitida talaga 'yon si Mrs. Serena. Bakit ba kating-kati 'yong palayasin ako rito sa Cabin e hindi naman siya yung may-ari ng bahay?
"Mr. Phillips, yung pinto—" Tatayo na sana ako nang bigla siyang sumulpot na naman doon matapos niyang iwang nakabukas. "Sabi ko lang, yung pinto, iniwan mong bukas."
"I saw the coyotes guarding the house. They're patrolling around the Cabin."
"Talaga?" Wow, ang bait naman pala ng mga hayop dito sa Helderiet.
"See? You tell me, how come you can do that if you're just a human?" Isinara na niya ang pinto.
"Sumipol lang ako."
"And what's with the whistle?"
"Sinisipol 'yon ng mama ko kapag nagtatawag siya kuneho."
"I doubt that."
"Totoo nga!"
"At nagtawag ka ng kuneho? Those are not hares, Chancey. Those are wild animals."
Napangiwi ako. Well . . . sasabihin ko ba?
"Chancey . . .?"
Fine, fine. Ito na nga, sasabihin ko na. "Sinisipol 'yon ng mama ko kapag kailangan niya ng bantay namin sa gubat."
"And have you ever asked her why she was doing that?"
"Lumaki akong ginagawa niya 'yon. And that's normal, Mr. Phillips."
"It is not, Chancey. No normal human can randomly whistle and animals would guard their way inside the woods."
"Si Mr. Phillips, ang kulit." Napakamot agad ako ng ulo. Bakit ba kasi pinagpipilitan ni Mr. Phillips na kakaiba 'yon, e kahit nga sa city, kapag sumisipol ako, naglalapitan din naman sa akin yung mga aso saka pusa sa kalye.
"I'm starting to doubt what you really know and what other people know about you and your family, Chancey. Maybe if I want a clear answer, I should ask the right people instead of you."
"Excuse me, Mr. Phillips, sir. Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?" sabi ko sabay krus ng mga braso.
"I'm saying that you don't know how to see things the way they should be, Chancey. You even told me you will buy me a teddy bear, and I don't have any idea how come you had think of that."
Naglahad agad ako ng palad sa kanya. "Kasi nga malungkot ka! At yakap ka nang yakap sa 'kin! So, kung may teddy bear ka, may mayayakap ka nang iba!"
Napatakip agad siya ng noo saka umiling. At ano na namang problema niya? Ako, nagmamalasakit lang ako. Kasi kung ako rin ang malungkot at gusto ko ng kayakap, bibili na lang talaga ako ng teddy bear. Ano ba naman 'to si Mr. Phillips, parang walang common sense?
"Chancey, something happened between us a while ago and you still think that I need a teddy bear?"
"Siyempre! Saka ako naman ang bibili, hindi naman ikaw!"
Nagbuntonghininga na naman siya at tinitigan ako na parang gusto niyang intindihin ang mga nangyayari. Feeling ko, puyat lang talaga 'to e. Late na rin kasing natulog kaya nagkakaganito.
"Mr. Phillips, tutal may mga bantay nang hayop sa baba ng Cabin, bawi ka ng tulog, ha? Kasi ako, nag-aalala na 'ko sa mga ikinikilos mo e."
"I'm the one who's worried here, Chancey. Nakatingin lang tayo sa iisang lugar, pero bakit parang iba ang nakikita mo?"
"Ano'ng nakikita ko?"
Umiling na naman siya. Pero yung iling niya, parang wala nang pag-asa.
"Huy, Mr. Phillips, ano yung nakikita ko?" tanong ko pa habang sinusundan siya ng tingin papalapit sa akin. "May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?"
"Yes, Chancey. And I don't know if I should feel happy about it or annoyed because of it."
"Hoy! Sandale! Mr. Phil—aray naman!"
Ito, habang tumatagal, lalong lumalala ang mga pinaggagagawa sa akin nito e. Bigla na lang akong hinawakan sa magkabilang braso at saka ibinatong parang manika pahiga sa kama. Tama ba 'yon? Gawain ba ng matinong bampira 'yon?
"Ayokong ikadena ka sa higaan mo, Chancey, so please stop doing reckless things while I was doing my night job." Bumalik siya sa direksyon ng pinto at pinatay ang ilaw kaya biglang dumilim ang lahat.
"Mr. Phillips, ano na naman ba 'to? May kuwarto ka, di ba?" naiinis na tanong ko kasi wala na siyang dahilan para mag-stay rito sa loob ng kuwarto ko.
"I just left you a few minutes ago, and the next thing you were doing was firing an arrow from a vantage point. If I leave you here, what would you do next? Summon evil beings worst than those shifters?"
"Mr. Phillips, hindi na ako lalabas ng kuwarto ko! Promise!"
"You're not keeping your promises, Chancey. You told me that yesterday and you didn't do it."
Naramdaman ko na lang na may sumampa sa kama sa kanan ko.
"Mr. Phillips, hindi na talaga ako lalabas."
"I'll make sure you'll go back to your sleep. I don't want you to go out wreaking havoc in the middle of the night."
Bigla akong natalukbungan ng malambot na kumot pagkatapos ng sinabi niya.
"You scared me more than those monsters, just so you know, Chancey."
Pinipilit talaga ni Mr. Phillips na hindi ako tao, na hindi tao ang parents ko, at hindi ako normal. Hindi ko alam ang basis niya ng pagiging normal kasi nga hindi rin naman siya normal kaya talagang magtatalo at magtatalo kami sa paniniwala naming dalawa.
Lumipas ang magdamag naming nagtatalo tungkol sa akin at nakatulog na lang akong nakikipagtalo. Nagising ako dahil sa gulat sa panaginip ko at dinampot ko agad yung phone ko sa kaliwang night stand.
"Ay, palaka! Aw—!" Nabitiwan ko pa yung phone ko at bumagsak sa dibdib ko nang may makita kong nakatinging mata sa akin sa kanang gilid. "Mr. Phillips, bakit ka ba nanggugulat!"
Ano ba naman 'yan?! Ang aga-aga, aatakihin ako sa puso dahil dito sa—ay, buhay talaga, oo. Hindi pala talaga siya umalis.
Tinutukan ko ng ilaw ng phone yung kama, sakto lang para makita ko siyang nakahilata sa tabi ko at tinataasan ako ng kilay.
"Mr. Phillips, next time, 'wag kang titingin sa akin paggising ko, ha? Nakakatakot ka kasi e. Mamamatay ako nang di-oras sa 'yo."
"Good morning," sarcastic niyang pagbati sa akin na inikutan ko na lang ng mata.
Bumangon na ako sa kama at itinutok sa daan papuntang pinto ang ilaw ng phono saka ako nagbukas ng ilaw.
"Quarter to five pa lang, Mr. Phillips," sabi ko habang nakatingin kay Mr. Phillips na nakakrus ang mga braso at nakatayo na sa tabi ng higaan. "Kung gusto mo, mauna ka nang bumaba. Maghihilamos lang ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot, pumasok na lang ako ng banyo at huminto sa harapan ng salamin.
Nagbuntonghininga na lang ako nang mapansin ang kagat sa leeg ko. Napakagat na lang ako ng labi nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi—bago pa kami mag-away tungkol sa ginawa ko pagbaba niya sa Cabin.
"Do you trust me, Chancey?"
Pumikit ako at naalala na naman yung nangyari. At . . . hindi ko naman ine-expect. O baka in-expect ko rin.
Mabilis akong naghilamos at tiningnan na naman ang sarili ko sa salamin. Sigurado ba talaga ako sa ginawa ko kagabi? Sigurado ba kami sa ginawa namin kagabi?
Mabilis akong nag-toothbrush at bumaba na rin pagkatapos.
Sinusubukan ko namang huwag isipin kasi sabi ko nga sa kanya, ayokong magkaroon ng conflict. Binigay ko lang yung kung ano yung makakapagpagaan ng loob niya, at mukhang umayos naman si Mr. Phillips pagkatapos. At good thing kasi umayos naman siya kaya nasermunan na ako. Iyon lang, umayos nga e inaway naman ako. Napakagaling din talaga.
Pagbaba ko sa kitchen, nanlaki lang ang butas ng ilong ko pagkakita ko kay Mr. Phillips na tumutungga ng inumin niya. Napababa pa agad siya ng hawak na carton pagkakita sa akin.
"O, ano na naman? Mang-aaway ka na naman?" pairap na sabi ko kasi natulog akong nagtatalo kami, hindi pa ako nakaka-move on.
Uungot-ungot akong naglakad papuntang ref para lutuan siya ng almusal niya.
"You said you're going out later."
Napasulyap ako sa kanya habang kumukuha ako ng cooking pan. "Bibilhan pa rin kita ng teddy bear, 'wag kang mag-aalala." Pinaikutan ko na naman siya ng mata saka ko isinalang yung pan sa stove. "Kita mo, wala ka ulit na sugat ngayon. Nakaka-survive ka naman pala nang dalawang gabi nang hindi ka nasusugatan," sermon ko habang binubuksan yung cling wrap sa steak.
"Still, I'm not in favor with your intrusion in my midnight deals with those monsters, Chancey."
Pagkalagay ko ng steak sa pan, hinarap ko na agad siya. "Tinulungan ka na, parang kasalanan ko pa."
"I'm not blaming you. I'm saying that it's dangerous for the both of us, and I don't want you to get hurt again. What's not clear about that?"
"Ako rin naman a! Bakit, gusto ko bang nasasaktan ka?" Naiirita akong nagbaligtad ng karne. Ewan ko kung kailan kami matatapos dito sa topic na 'to. Parang ang sama ko kasi talaga na tinutulungan ko siya sa mga monster tuwing gabi e.
"But you have to understand that I am just protecting you, Chancey."
"So, ano sa tingin mo ang ginagawa ko, Mr. Phillips, pinapahamak ka?" Itinuro ko yung katawan niya. "Pakita mo nga yung sugat mo na ako ang dahilan. Dali!" Kumuha ako ng plato at isinalin doon yung steak niya.
"I just want you safe. What's hard to understand about that?"
Nagbuntonghininga ako tangay-tangay yung agahan niya. Kinamay ko na iyon at itinapat sa bibig niya paghinto ko sa harapan niya. "Kumain ka, hindi 'yang ang aga-aga, inaaway mo 'ko."
Naningkit lang ang mga mata niya sa akin at hindi talaga isinubo yung karneng hawak-hawak ko. Mukhang makikipagmatigasan pa talaga sa akin.
"Kapag ito binitiwan ko, sa sahig mo na 'to makikita."
Naniningkit pa rin ang mata niya kahit kumagat na siya sa karne. Tinaasan ko na lang siya ng kaliwang kilay habang pinanonood siyang ngumuya.
"Mr. Phillips, sana maintindihan mo kahit paulit-ulit ko nang sinasabi na worried lang ako sa 'yo. Kasi normal sa 'tao' ang mag-alala. Hmm?"
Hindi pa rin siya sumagot, ayaw mawala ng nagdududa niyang tingin sa akin kahit nakakadalawang kagat na siya sa karne.
"Saka safe tayong dalawa. Wala kang sugat, wala akong sugat, everybody happy, di ba?"
At talagang walang imikan ang trip niya kasi hindi pa rin ako sinasagot. Aba, baka gusto niyang siya ang hindi ko imikin, baka magmakaawa siyang kausapin ko ulit siya, makita niya.
Kinagat na niya yung huling piraso ng karne at nagdududa pa rin ang tingin niya sa akin, ayaw talaga paawat.
Sige, naiintindihan ko naman yung part niya, pero same lang naman kami ng intention a! Ano'ng kaibahan n'on? Saka dapat nga, mag-thank you siya kasi wala siyang kadaplis-daplis ngayong umaga at walang dugo sa blank room! Ako ang dahilan n'on a? Bakit parang mali ko?
At gaya ng nakasanayan niya, hindi talaga niya pinalampas yung mantika sa daliri ko. Pero hindi gaya ng nakasanayan ko, hindi na ako nagreklamo.
Nakatitig lang ako sa mga mata niyang ginto habang sinisimot ng dila niya yung mantika sa daliri ko, at siguro, dala rin ng reklamo ko kaya iba ang pakiramdam kapag nagwawala ako sa kalmado lang akong nanonood sa kanya.
Mukha pa rin naman siyang naiinis sa akin, pero nararamdaman kong sinusulit niya ang pagsimot ng mantsa ng karne sa daliri kong subo-subo niya.
Napahugot ako ng hininga at napakagat ng labi kasi ang weird na ang sexy niya panoorin habang ginagawa niya 'yon. Kanina pa ako hot sa sagutan namin, pero talagang tinatapatan niya. Pakiramdam ko, kahit mainit ang ulo niya, nang-aakit pa rin siya.
Mas weird pala yung idea na inaakit niya ako habang bad mood siya. Bakit pala niya ako aakitin in the first place, aber?
"AAH—" Napatigil ako sa pagtili nang mapaupo ako sa mesa pagkatapos niya akong buhatin. Pinandilatan ko na naman siya ng mata kahit na ayaw mawala ng sama ng tingin niya sa akin. "Mr. Phillips, kung masama ang loob mo, hindi natin kailangang umabot sa ganito."
Bigla akong hiningal kahit wala naman akong ginagawang nakakapagod na bagay. Gusto ko sanang tumalon pababa kaso imposible kasi nasa pagitan siya ng magkabilang binti ko, napakamalas naman talaga, oo.
"Mr. Phillips, hindi ako nakikipagbiruan."
"Likewise, Chancey."
Ano ba? Masama ba ang loob nito dahil sa pag-entrada ko kagabi sa midnight battles niya? Wow, ha. Ako na nga ang nagmagandang-loob, ako pa talaga ang sisisihin?
"Mr. Phillips?" pag-awat ko pero itinukod lang niya yung mga kamay niya sa mesa sa gilid ko. Ang rahas ng buntonghininga ko at tinaasan na lang siya ng kilay. "Donovan."
"Don't give me reasons to lock you in your room, Chancey. I know how to use chains."
Saglit akong napatingala dahil sa pagsuko at ibinagsak ko ang ulo ko payuko. Hindi talaga kami makaka-move on dito sa topic. Mukhang gabi-gabi talaga naming pagtatalunan ito.
"Okay, sige na, alam ko. Naiintindihan ko ang point mo, Mr. Phillips." Hinawakan ko na siya sa balikat para itulak. "Sige na, pababain mo na 'ko."
"No."
"Why?"
"We're not yet done."
"Sumuko na nga ako, di ba? At saka— Mmm."
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi bigla na lang niya akong hinalikan sa labi.
Haay . . . At eto na naman kami.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top