28. The Persecuted Witch

Sinabi ko na kay Mr. Phillips na kung gusto niyang matulog, dumoon na siya sa kuwarto niya. Ang lakas talaga ng kutob kong may sakit siya e. Ang tamlay niya. Bibiruin ko sanang ang putla na kasi niya, e matagal naman na siyang maputla.

Dahil trabaho ko pa rin naman ang maging sekretarya niya, kailangan ko pa ring magbihis nang matino-tino. Ang weird naman kasi na nagtatrabaho ako ng secretarial duties 'tapos mukha lang akong bagong gising. Saka sayang din kasi ang mga biniling damit ni Mr. Phillips kung hindi ko gagamitin.

Ang mahal ng detergent soap, ayokong magtatlo-tatlong patong ng damit dahil magastos bumili ng sabon. Isang hapunan ko na rin iyon. Kaya nga pinili ko na lang yung mukha namang pormal pero mabilis labhan; yung fit na puting de-butones na sleeveless blouse 'tapos nag-tuck in na lang ako sa mini skirt na navy blue. Mas kaunting tela, mas tipid sa labahin, mas tipid sa sabon. Wala pa akong suweldo. Kailangan ko pang mabuhay sa remaining allowance ko.

"Mr. Phillips, nandito na po ako."

Nakaupo lang siya sa executive chair at dayukdok doon sa mesa. Hindi siya kumilos kahit nagpasabi na akong narito na ako sa kuwarto niya.

Feeling ko talaga, may sakit itong bampirang ito e. Nakakain ba ito ng bawang? Baka dinasalan ito ni Mrs. Serena kaya sumamâ ang pakiramdam. Sabi na, mangkukulam talaga ang mayordomang iyon e.

"Mr. Phillips, ayos ka lang?" Lumapit na agad ako sa kanya at hinawakan siya sa ulo habang nakayuko ako para silipin siya.

Bumangon na siya mula sa pagkakayuko sa mesa at namumungay ang mata nang tingnan ako pagkasandal niya sa upuan.

"Puyat ka ba o may sakit ka lang?" usisa ko kasi hindi talaga siya mukhang maayos. "Gusto mo bang dalhan kita ng—ay, palaka ka!"

"Stay here."

Hahampasin ko na sana siya pero natigilan ako. Humugot na naman ako ng malalim na hininga nang kandungin na naman niya ako, pero nakayakap siya sa likuran ko gaya ng ayos namin kanina sa kusina. Naramdaman ko na naman ang bigat galing sa kanya kahit ako ang buhat-buhat niya.

"Can you do your paper work right now?" bulong niya sa kanang gilid ko. Bahagya akong lumingon at nakitang nakasubsob ang mukha niya sa kanang balikat ko.

Ang bigat ng paghinga niya, pero hindi naman mainit. Hindi siya mainit. Hindi rin malamig.

Gusto ko sanang isipin ang posisyon naming dalawa dahil nakakandong na naman ako sa kanya, pero mas concerned talaga ako na para talaga siyang may dinadala ngayong hindi niya mailabas.

"Masama ba'ng pakiramdam mo, Mr. Phillips?" tanong ko na lang habang tinatapik nang marahan ang braso niyang nakayakap na naman sa bandang ilalim ng dibdib ko.

"Mmm."

"Gusto mo ba ng gamot? Ano'ng gamot ang kailangan mo?"

Umiling lang siya nang marahan.

"Mr. Phillips, huwag kang lalabas mamaya nang ganito ka, ha? Baka katawan mo na ang kinakain ng mga red fox sa grassland bukas nang umaga, bahala ka diyan. Hindi ko hahatakin ang katawan mo papuntang kakahuyan."

"I'll be fine, don't worry. I just want a hug."

Ako naman ang nagbuntonghininga. Nahahawa ako sa gloomy mood niya. Parang pasan niya ang buong universe. Naiilang tuloy ako. Kung alam ko lang na bigla siyang magdadrama nang ganito, sana nag-slacks na lang ako. Naka-mini skirt pa naman ako, e halos makita na ang buong hita ko habang nakaupo.

"Mag-behave ka lang diyan, Mr. Phillips, ha? Kapag ikaw, may ginawang kalokohan, hahampasin talaga kita ng folder."

Tumawa lang siya nang mahina kaya dama ng buong katawan ko ang vibration sa likuran ko gawa niya.

Ang awkward na ginagawa ko siyang upuan. Feel na feel ko ang pagka-firm ng muscles niya sa katawan. Wala ba siyang taba? Ang tigas para sa isang upuan, ha? Gusto ko sanang tumalon-talon nang kaunti para malaman kung tatalbog ako, pero ang tanga naman ng idea. Bakit ako tatalon-talon sa kandungan niya? Anong katangahan naman iyon?

Akala ko, mag-iinarte na naman, pero wala talaga siyang ginagawang kakaiba. Sinabi ko nang maaabala siya kasi magsusulat ako at magbabasa kaya magiging makilos ako. Pero sabi niya, ayos nga lang daw. Gusto lang talaga niyang may kayakap.

Pahinto-hinto ako kung minsan para lingunin siya kung ayos lang ba siya, pero mukhang nakatulog siya sa balikat ko. Ewan ko, hindi ko siya makita nang maayos.

"Mr. Phillips?"

"Mmm."

Ay, hindi pala tulog. Asado ako sa part na iyon.

"Lalabas ako bukas ng Helderiet."

"Where are you going?" bulong niya. Nangingilabot ako. Hindi naman nakakatakot, pero parang hinahagod ng boses niya ang mga parte ng katawan kong hindi dapat hinahawakan.

"Ano . . . bukas ko kasi makukuha ang weekly allowance ko galing sa Prios," mahina kong sinabi sa kanya habang nakapaling ang ulo ko sa kanan.

"Mmm."

"Mamimili ako ng mga gamit saka stock ko ng pagkain. Paubos na rin kasi."

"Mmm."

"Alam mo, nararamdaman kong malungkot ka ngayon, Mr. Phillips."

"Mmm."

Binitiwan ko ang binabasa kong document at ipinatong ang mga kamay ko sa braso niyang nakayakap sa akin. "Alam ko na kung ano'ng kailangan mo para hindi ka malungkot."

Umalis siya sa pagkakayuko sa balikat ko at sinilip ang mukha ko. "And what is that?"

Nginitian ko lang siya nang matamis at hinawakan siya sa kanang pisngi. "Yung mas masarap pa sa hug."

Tinitigan lang niya ako at parang may hinihintay siyang makapagpapasaya sa kanya.

Alam ko na talaga kung ano ba ang kailangan niya. At dahil mabait naman siya, ibibigay ko iyon.

"Mr. Phillips . . ."

"Mmm?"

"Gusto mo ba ng . . ."

"Mmm?"

". . . teddy bear?"

"Pardon?"

Tinapik ko ulit ang braso niya at saka ko dinampot ang binabasa kong folder.

"Total, aalis naman ako bukas, bibilhan na lang kita ng teddy bear para hindi lang ako ang ginagawa mong manika. Medyo mahal pero alam mo namang concerned na concerned ako sa iyo at ayokong nakikita kang malungkot kaya bibilhan kita ng teddy bear! O, di ba, ang galante ko ngayon?"

Naramdaman kong natatawa siya at idinantay na naman ang mukha niya sa kanang balikat ko at doon nagtago ng mahinang tawa.

Sabi ko na, teddy bear lang talaga ang magpapasaya sa kanya e. 30 dollars lang naman ang teddy bear sa city bazaar, ibibili ko na siya. Mahal kasi yung Barbie na puwede niyang yakapin. Papatak ng 150 dollars, e sayang ang pera. Bawing-bawi naman ang sahod ko pagdating ng suwelduhan kahit pa bilhan ko siya ng murang teddy bear.

Ilan lang ang nasa table niya na kailangan kong ayusin. Siguro, dadalhin ko itong lahat sa Friday sa Prios building. Malamang na hindi niya ako masasamahan pero ayos lang. Makikita ko na naman ang manager doon na parang tulala.

"Ay, hoy!" Napailag ako sa kaliwa habang gulat na gulat kay Mr. Phillips nang maramdaman kong may dumampi sa kanang parte ng leeg ko. "Mr. Phillips, nag-dinner ka na, di ba? Ginawa mo na nga akong manika, gagawin mo pa akong meryenda." Dinuro ko ang mukha niya. "Huwag kang abuso, ha? Papaluin kita ng folder, sige ka."

Imbes na sumagot, lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya napaderetso ako ng upo sa kandungan niya.

"Mr. Phillips!" tili ko dahil sa gulat.

"I'm thirsty."

Parang may bumarang malaking bagay sa lalamunan ko pagkarinig ko n'on. OMG, ano'ng ibig sabihin niyang thirsty siya? Hala, ano? Iinumin niya ang dugo ko?

"Gusto mo bang bumaba—Mr. Phillips?" Hinawakan ko ang noo niyang namamawis. Idinampi ko ulit ang kaliwang palad ko sa noo saka sa sentido niyang butil-butil ang pawis. "Mr. Phillips, ano'ng nangyayari sa iyo?" Napatingin ako sa itaas kasi wala namang problema sa air conditioning system ng kuwarto niya. "Nilalagnat ka ba?"

Akma na sana akong aalis sa kandungan niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Don't go."

"Pero, Mr. Phillips—"

"Please."

Ano ba? May sakit ba siya? Ano ba'ng problema niya? Kulang ba siya sa dugo? Mukha siyang anemic, pero ano, gusto ba niya ng maiinom?

Eh? Ayokong bumaba sa kitchen! Magbubukas pa ako ng ilaw? Ayoko nga! Baka makatawag pa ako ng monsters doon, magsipasukan pa sila sa Cabin. Wala pa ngang alas-diyes!

Ano ba naman ito? Bakit ba ako pinahihirapan nang ganito ng mundo? Siguro, masamang tao ako noong nakaraang buhay ko kaya sobrang malas ng buhay ko ngayon.

"Nauuhaw ka?" tanong ko pa.

Tumango lang siya nang marahan habang nakasubsob ang mukha sa balikat ko.

"O, ito." Inipon ko ang lahat ng buhok ko papaling sa kaliwang balikat at inalok ang leeg ko sa kanya. "Kaunti lang, ha? Kapag ako, naubusan ng dugo, bahala ka, maghanap ka ng bagong sekretarya—ah!" Napakagat ako ng labi para pigilan ang pag-aray.

Napalunok na lang ako nang biglang mawala ang sakit at naramdaman ko na naman ang mainit na paggapang ng kung anong bagay mula sa leeg ko pababa sa dibdib pakalat sa buong katawan.

Kusa nang humilig pakaliwa ang ulo ko at napahawak sa malambot niyang buhok habang nakapikit.

"Hmm . . ." Hindi ko alam kung kaninong ungol iyon. Kung akin ba o kanya—hindi ko masabi.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong nilulublob sa maligamgam na tubig. Hindi ko na halos maramdaman ang lamig ng air con. Basta, masarap lang ang pakiramdam ko. Maginhawa. Para akong kinukumutan pero sa loob ng katawan.

Napadilat ako nang maramdaman kong para akong lumulutang. Pagtingin ko sa kaliwang gilid, hindi na ako nakaupo. Bumaba ang tingin ko sa ayos ko. Binubuhat na pala ako ni Mr. Phillips.

"Saglit, saan tayo—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang ilapag niya ako sa malambot niyang kama.

Lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko habang nakatitig sa mga mata niya. Napalitan na naman iyon ng pula.

Ano'ng gagawin niya?

"Do you trust me, Chancey?"

"Ha?"

"Do you trust me?"

Hindi ko alam kung para saan ang tanong. Basta nakatitig lang ako sa mga mata niya. At ewan ko . . . kahit hindi ko alam kung para saan ang tanong, tumango na lang ako para sabihing oo.

Itinaas niya ang kaliwang kamay sa gilid, at bago ko pa masundan ang ginagawa niya, lalo akong napariin sa kama habang tinatakpan niya ng puting panyo ang mga mata ko.

"Mr. Phillips?" Madilim na sa kuwarto niya, pero lalo lang niyang inalis ang kakayahan kong makakita.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang bumibigat ang paghinga. Naramdaman kong may gumagalaw sa damit ko, at ilang saglit pa, mas lalong lumala ang lamig. Bahagyang umangat ang ulo ko at para iyong ipinatong sa malambot na unan. Sa pagkilos ko lang na-realize na wala na pala akong kahit anong suot na damit—kahit panloob.

Naaamoy ko na naman ang matamis na amoy ng kama. Napalunok na lang ako habang kagat-kagat ang labi.

Ano na'ng nangyayari?

Ano'ng gagawin niya?

Ano'ng gagawin namin?


♦♦♦


"Personal kang magiging secretary ni Mr. Phillips for six months, and he'll decide if mare-regular ka o hindi."

Bigla kong naalala ang first day ko sa trabaho, noong orientation ni Eul sa akin.

"You signed as my personal secretary. That's a six-month agreement. Did you read the contract carefully, Chancey?"

"Yes, Mr. Phillips, sir."

"You're going to work for me until the contract ends. Have you read that part?"

"Yes, Mr. Phillips, sir."

"I work at night and sleep during the day. If I need to finish something, you'll do it on my behalf."

"Okay, Mr. Phillips, sir."

"After six months, either the contract will be terminated or you'll work for me for another year."

"Okay, Mr. Phillips . . . sir."

"Sir, titira ako sa Grand Cabin?"

"Yes. With me."

Wala akong idea kung ano ang magiging trabaho ko maliban sa paper work. Nasanay akong nagtatrabaho sa hotel bilang pianist. Minsan, singer. Sa library lang ako humawak ng mga papel, at hindi naman iyon sobrang bigat na trabaho kasi masaya naman ako sa ginagawa ko.

Gusto ko lang ng trabahong mabubuhay ako sa araw-araw. Iyon lang naman. At ginagawa ko naman ang best ko para kahit paano, maging okay ang trabaho ko.

At hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko sa buhay ko.

Ang init ng pakiramdam ko, pero ito ang klase ng init na masarap maramdaman. Hindi ko alam na ganito ito kasakit, pero di-hamak na mas masarap kaysa inaasahan.

Iginala niya ang labi niya sa iba't ibang bahagi ng katawan ko na pinayagan kong mangyari. Wala akong ibang narinig kundi palitan namin ng pag-ungol at mahihinang pagtawa.

Ito na yata ang pinakamahaba pero pinakamabilis na oras ng buhay ko.

Mula sa may-kadilimang kuwarto niya, walang ibang nakanakaw ng pansin ko kundi ang pula niyang mga mata. Para akong hinihipnotismo ng mga tingin niya sa akin.

"I know they will never like what I did tonight, but I'll do my best to protect you."

Sinusuklay niya gamit ng daliri ang buhok ko nang sabihin iyon. Inisip kong baka tinutukoy niya ay ang mga halimaw sa labas.

Paidlip na ako sa balikat niya nang marahan niya akong ibinaba sa kama.

"Saan ka pupunta?"

Nakatitig lang ako sa kanya habang inaayos niya ang suot na pantalon. Ni hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng pantaas. "Don't go outside this room, please, Chancey."

Kinuyom ko na lang ang kumot na tanging balot ko sa katawan. "Pero, hindi ka pa—"

"Sshh." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako nang magaan sa noo. "Just don't."

Alas-dose ng hatinggabi nang lumabas si Mr. Phillips sa kuwarto niya. Mahapdi nang kaunti ang leeg ko at nangangalay ang ilang parte ng katawan ko dahil sa ginawa namin pero kaya ko namang kumilos.

Kumpara noong pagpasok ko sa kuwarto niya, huling lingon ko sa kanya, mukha na siyang maayos.

Hindi ko alam kung nakatulong ba ang ginawa ko—o namin—kaya naging okay na siyang tingnan. Hindi na siya nanghihina, at masasabi kong kung hindi lang ako sanay sa monster mode niya, baka natakot na ako sa kanya.

Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi na ako nakaimik. Ayoko siyang lumabas nang mahina siya, pero hindi siya mukhang mahina pagtalikod niya sa akin.

Inipon ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig at inilapag sa velvet chair niya. Dinampot ko naman ang navy blue dress shirt na naroon at naiwan nitong umaga na hindi man lang niya iniligpit. Sumilip ako nang kaunti sa bintana ng kuwarto niya at nakita na naman siyang pasalubong sa mga taong putik sa ibaba.

Ang lalim ng paghinga ko habang pinanonood na magbagong-anyo ang apat na shifters. Naging malalaking itim na aso ang dalawa at malalaking itim na ibon naman ang dalawa pa.

Hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawa ang ganito tuwing gabi. Ako ang nahihirapan sa panonood sa kanya.

Pag-atras ko at pagsara ng kurtina, nakita ko sa gilid ng office table niya ang compound bow saka holster ng carbon arrow kong hindi naubos kagabi. At sampu pa rin ang palaso roon.

"Aba, nandito ka pa rin," bulong ko sa gamit kong naiwan ko habang nakikipaglaban si Mr. Phillips sa mga shifter kagabi.

Mabilis akong lumabas ng kuwarto niya at tinakbo ang black door dala-dala ang pana at palasong bigay ni Johnny sa akin.

Alam kong magagalit siya, pero mag-iingat na ako this time. At kung maulit man na makuha ako ng malaking ibon, sasabihan ko na lang si Eul na pagalingin ako ulit.

"Whooh . . ." Ang lalim ng paghugot at pagbuga ko ng hininga nang magtago ako sa gilid ng bintana sa loob ng blank room. "Kaya mo ito, Chancey."

Hindi lang pala apat ang shifters. Pagtingin ko sa ibaba, lima na ang aso roon at may dalawa pang umiikot na ibon kapantay ng puwesto ko sa third floor.

"Whooh . . ." Bumuga na naman ako ng hininga at naghatak ng palaso. Pumaling agad ako sa kanan at mabilis na pinakawalan ang carbon arrow patama sa lumilipad na ibon sa labas bago ako nagtago ulit.

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa pintuan ng kuwarto. Pumikit-pikit pa ako habang nate-tense. Nakakainis pa kasi wala akong ibang damit kundi ang malaking dress shirt kaya solid ang lamig sa buong katawan.

Ayokong makita ang nangyayari sa labas, baka ako pa ang makita ni Mr. Phillips.

"Chancey!"

Napatakip agad ako ng bibig para hindi makatawa nang malakas kasi sumisigaw na naman si Mr. Phillips sa ibaba. At tunog nagagalit na naman siya. "Sorry, Mr. Phillips, dapat tinapon mo na lang ang gamit ko," bulong ko sa sarili.

Naghatak na naman ako ng isa pang palaso at pagpaling ko sa kanan . . .

"Shoot!" Mabilis kong pinakawalan ang pana dahil sa gulat kasi may malaking ibon nang nasa tapat ng bintana. Biglang sumabog ang dugo sa tapat ko at natalsikan pa ako sa damit at sa hita.

"Chancey, I told you not to go outside my room!"

"Sorry, Mr. Phillips!" sigaw ko sa kanya. Ipinasok ko ang dalawang daliri ko nang bahagya sa loob ng bibig saka ako sumipol nang malakas.

Dumating na naman ang malakas na hangin at nagsayawan na naman ang mga puno sa gubat. Naghatak na naman ako ng palaso at itinutok sa isa sa mga asong sumusugod kay Mr. Phillips sa ibaba.

Sumabog lang na parang bula ng dugo ang malaking aso at nagtago na naman ako sa gilid ng bintana.

"Chancey, go to your room!"

Natatawa na lang ako habang naririnig na umangil si Mr. Phillips sa ibaba. Pagsilip ko sa bintana, nagkalat na ang mga red fox saka coyote sa ibaba. Kahit ang mga tiger owl, nagliliparan sa puwestong katapat ng bintana ng third floor.

Nakarinig ako ng dalawang kalabog sa ibaba ng bintana kaya pagsilip ko, "Ay, palaka!"

"Chancey!" Biglang tumalon mula roon si Mr. Phillips paakyat sa napakataas na third floor kung nasaan ako. Napaatras tuloy ako dahil doon.

Napatakip agad ako ng bibig para hindi matawa nang makita ang mukha niya na naiinis pagtapak niya sa loob ng blank room. Kumikinang ang pulang mata niya habang nanlilisik ang tingin sa akin. Imbes na matakot, lalo lang akong natatawa.

"I told you not to go outside!" gigil na gigil na sinabi ni Mr. Phillips. Kitang-kita ang ugat na naglalabasan sa leeg at sentido niya gawa ng liwanag ng buwan kahit pa nakatalikod siya eksakto sa bintana.

"Sorry na, Mr. Phillips," nakangising sinabi ko habang naka-peace sign.

"This is not funny," pagduro niya sa akin. "Go to your room," pagturo niya sa likuran ko. "Now."

"Ayoko. Tutulungan kita."

"Chancey!"

Naghatak agad ako ng palaso at itinutok sa kaliwang gilid ng ulo niya. "Okay lang ako, Mr. Phillips!"

Pinandilatan lang niya ako ng mata nang pakawalan ko ang palaso at nagpagalaw sa ilang hibla ng buhok niya dahil sa hangin.

Saglit siyang napapikit nang sumabog na naman sa hangin ang dugo mula sa tapat na bintana. At malamang na natalsikan siya ng dugo roon.

"See? I'm fine!" masayang sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa may frame ng bintana at tumanaw sa ibaba. Nakisilip din ako at nakitang bumabalik sa loob ng gubat ang mga taong putik habang sinusugod ng mga kuwago at soro. May naiwang nakahandusay na dalawang malaking aso sa ibaba na pinagkakaguluhan ng mga coyote.

"How long have you been doing this, Chancey?" tanong agad ni Mr. Phillips habang masama ang tingin sa akin. "This is not normal."

"Naglalaro lang ako, Mr. Phillips!" katwiran ko. "Kumakanta lang ako sa gubat para manghuli ng hapunan dati bago kami paalisin sa dati naming bahay!"

"You're not just singing, Chancey," umiiling na sinabi niya.

"Wala akong ginagawang masama! Umatras na ang mga monster, o! Wala bang thank you diyan?"

"No dangerous toys for you, lady." Hinatak niya sa akin ang hawak kong pana at palaso at ibinato sa sahig. Hatak-hatak na niya ako sa braso palabas ng blank room.

"Mr. Phillips, wala akong ginagawang masama, promise!"

Walang salita niyang binuksan ang kuwarto ko at doon ako binitiwan.

"Mr. Phillips, tumutulong lang ako!"

Nagkrus lang siya ng mga braso at naniningkit nang tingnan ako. "You said that people burned your old house."

"Ano namang kinalaman n'on, Mr. Phillips?" tanong ko rin sabay pamaywang.

"Where was it located?"

"Bakit nga?"

"I'm asking you where."

Nagbuga lang ako ng hangin at nagkamot ng ulo. "Mr. Phillips . . ."

"Where?" mariin na niyang tanong.

Lalo akong napakamot sa ulo. "Sa dulo ng Lone Town ng Helderiet."

"But that place is cursed."

"Hindi iyon totoo! Doon kami nakatira ng parents ko dati!"

"Walang ibang bahay ang naroon maliban sa bahay ng mga Dalca."

"Dalca nga kasi ang mama ko! Sinunog lang nila iyon pagkamatay ng parents ko! Saka bakit ba sila napasok sa usapan?"

"No sane being would burn a house in that place, Chancey. Laying even a single finger on that spot means death. Tell me the truth."

"Totoo nga ang sinabi ko! Mr. Phillips, kahit ipagtanong-tanong mo pa sa labas."

Nagbuntonghininga si Mr. Phillips at napasuklay na lang ng buhok. Napapailing na lang siya sa hindi ko malamang dahilan.

Ang layo naman ng usapan. Nandito na ako sa kuwarto, okay na? Paano naman kami napunta sa dati naming bahay?

"Chancey, I want to know now why you have no emergency contact on your résumé," mahina na niyang tanong. "Where are your other relatives, aside from your parents?"

Napakamot na naman ako ng ulo kasi hindi ko makita ang connection ng mga tanungan niya.

"Kasi wala nga akong emergency contact! Wala akong permanent address. Palipat-lipat ako ng lugar sa city. Mr. Phillips naman, ang wrong timing ng mga tanong mo, ha? Hindi ko talaga nakukuha ang connection."

Nag-inat siya ng mga daliri sa magkabilang gilid ng ulo at napataas na lang ako ng magkabilang kilay nang biglang umikli ang mahahaba niyang kuko. Kinapa na naman ng dila niya ang kaliwang pangil at tumango-tango na parang may naiintindihan na siya na hindi ko naiintindihan.

"Willis doesn't know any records of Revamonte living here on this land, and that was impossible for an immortal who had lived here for more than a century." Kunot na kunot ang noo niya habang tinatapik-tapik ng daliri ang labi. Para siyang nalilito sa iniisip habang nakatingin sa sahig. "That was really strange. He just knew your mother was related to Marius. And everybody was saying that she was just a mortal. But you said your mother was a Dalca."

"Mr. Phillips, hindi na kita naiintindihan."

Lumipat sa akin ang tingin niya habang mukha siyang problemado. "The Dalcas are not mere mortals. They were untouchables, all right? So telling me someone burned a Dalca's house means burning their soul while still breathing."

"Pero nagsasabi nga ako ng totoo! Lumipat lang kami ng bahay kasi pinalayas kami!"

"Or maybe you just traveled from place to place because you were persecuted by this town?" nangangastigo na niyang tanong. "You're not just singing, Chancey. You can't hear me not because I can't control you, but because you're overwhelming my ability to do it. It's not about that dead sigil you have on your chest. You are more powerful than I am."

Napahugot ako ng malalim na hininga habang nakikita ang problemado niyang tingin. Paano ba kami napunta sa usapang ito? Saka bakit ko ba siya kailangang sagutin?

"Please, be honest with me, Chancey. I want to know the truth. What really are you?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top