25. The Husband

Napalalim ang tulog ko gawa ng pagod at pamamanhid ng balikat. Kaya nang magising ako dahil sa marahang pagkilos, nakailang pikit-pikit pa ako bago ako umungot.

Pagdilat ko nang mabuti, maliwanag na sa kuwarto ko. At hindi lang basta liwanag. Tumatagos ang liwanag sa puting kurtina.

"Hah—aww!" Napangiwi agad ako sa kirot pagkadiretso ko ng upo. Hahawakan ko sana kaso pag-angat ko ng kamay, may nakaipit pang kamay roon.

Tingin sa kamay, tingin sa may-ari ng kamay. Tingin ulit sa kamay, tingin ulit sa may-ari ng kamay.

Nandilat agad ako nang maalala kong may araw na.

"Hala, Mr. Phillips! Aray—!"

"Chancey . . .?"

Siya na ang nag-ayos sa akin sa pagkakaupo sa kama. Masakit pa rin naman yung balikat ko, pero kaya ko naman nang kumilos, sa totoo lang, pero masakit pa rin kasi kada galaw. Pumaling lang ako sa kanya at sumalampak sa higaan

"Mr. Phillips, kumain ka na ba?" nag-aalala kong tanong kasi tanghali na. Pagtingin ko sa orasan, alas-otso na ng umaga. Pagbalik ko ng tingin sa kanya, umiling lang siya sa akin.

Ay, grabe siya!

"Dapat ginising mo 'ko!" reklamo ko pa.

"You need to rest, Chancey."

"Kanina ka pa gising?"

"Hindi naman ako natulog."

"Mr. Phillips?! Dapat nag-breakfast ka na! Alas-otso na, o! Ano ka ba namang tao ka?" singhal ko sa kanya. "Ay, di ka pala tao, sorry."

Hawak-hawak ko na lang ang balikat ko pag-alis ko sa kama. Alas-otso na! Dapat tulog na siya! At dapat kanina pa siya nag-almusal!

Hindi naman ako mamamatay, binantayan pa 'ko buong magdamag?

"Tara sa baba, magluluto ako," sabi ko na lang at naglakad papuntang pintuan.

"But you can't even sit properly."

"Kaya ko. Marunong ka pa sa 'kin." Sinimangutan ko siya pagkabukas ko ng pinto. Nakasunod naman siya, buti at hindi ko na kailangang kaladkarin. "Tanghali na, dapat bumaba ka na lang para mag-almusal. Puwede ka namang bumalik agad."

"I told you, babantayan kita."

"Pero dapat nga kasi, nag-breakfast ka muna, di ba? Wala namang kukuha sa akin sa kuwarto ko. Tingnan mo 'to." Itinuro ko yung hallway. "Malinis yung sahig, di ba? Wala akong lilinising dugo ngayon."

"Tell that to your shoulder, Chancey."

"Ikaw, Mr. Phillips, intrimitido ka rin talaga kung minsan."

Sinabayan niya ako sa pagbaba kahit na kaya naman niyang mauna. Hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano. Sabi niya kagabi at ipinakita niyang mabilis siyang tumakbo, tapos ngayon, sasabay siya sa kabagalan kong maglakad?

"Sure kang wala kang sugat, Mr. Phillips?" usisa ko kasi talagang tamang pasyal lang kami pababa sa second floor.

"Are you worried?"

"Mr. Phillips, sabi ko na, di ba? Normal sa tao ang mag-alala."

"You're not—"

"Tao ako, period! Ikaw, 'wag ka ngang basag nang basag sa sinasabi kong tao ako, Mr. Phillips. Sinisira mo yung paniniwala ko e."

"Alright."

Inirapan ko lang siya nang tawanan na naman ako nang mahina. Minsan, gentleman 'to si Mr. Phillips; minsan, bully rin e.

Pagtapat namin sa itaas ng grandstairs sa second floor, bigla kong naalala yung sinabi niya tungkol sa papa ko pagkakita ko sa malaking painting.

Hindi ko nakuha yung sinabi niyang may sumpa raw yung painting at posibleng may-ari ako ng The Grand Cabin. Paano naman kasi mangyayari iyon e bisita lang naman kami dati rito?

Bumaba na kami ni Mr. Phillips sa malaking hagdan at doon naman sa entrance nagkalat ang dugo. Malamang na dahil doon sa sandaling pagtambay niya roon sa may pintuan kagabi.

Wala kaming imikang pumunta sa kitchen palampas sa dining area at saka ako nagbuntonghininga dahil maliwanag na sa loob kahit walang nakabukas na ilaw.

"Mr. Phillips, sorry talaga, late ka nang mag-aalmusal."

Dismayado talaga ako kasi hindi ako nagising nang maaga. Nagbukas na ako ng ref at kumuha roon ng isang carton ng red water. "Baka nauuhaw ka, Mr. Phillips."

Hindi siya sumagot, tinitigan lang ako sa mga mata nang kunin yung inabot ko. Kalmado lang naman siya, walang kahit anong extreme emotions sa mga tingin niya. Kahit yung tingin niyang may sinasabi kahit hindi ko naman naririnig, wala rin. Simpleng titig lang para manood sa ginagawa ko.

Kumuha ako ng isang pack ng steak at inilapag sa kitchen counter.

Makirot pa rin yung balikat ko at tinatamad na akong kumilos. Gusto ko sanang alukin na papakin na lang niya nang hilaw yung karne tutal sanay naman siyang kumakain ng rare, kaso sayang yung overtime pay, baka bawiin.

Nagbukas na lang ako ng drawer para kumuha ng cooking pan. Pagsulyap ko sa kanya, umiinom lang siya nang diretso sa carton habang nakatitig pa rin sa akin.

At talagang pinanonood lang niya ako, ha. Napakagaling naman talaga, ser. Kunwari na lang, wala akong sugat sa balikat ko.

Pagkasalang ko ng pan sa stove, kinutsilyo ko na lang yung cling wrap kasi nahirapan akong buksan ng magkabilang kamay. Saka ko isinalang yung karne. Paglingon ko kay Mr. Phillips, nakasandal na naman siya sa gitnang mesa ng kitchen habang pinanonood ako.

Ang lakas talaga ng feeling ko na nang-aasar na naman siya e. Hindi talaga dapat pinupuyat si Mr. Phillips. Sinasaniban ng maharot na bully, nakakabanas kasama.

"Mr. Phillips, yung almusal mo, ito o," pagturo ko sa steak na nasa stove. "Kung makatingin ka naman, parang ako yung gusto mong kainin. Nakakatakot ka, ha." Inirapan ko na lang siya at binaligtad yung karne. Binalingan ko na naman siya ng tingin at hindi talaga nawala yung tingin niyang parang masarap akong karne, nadagdagan pa ng nang-aasar na ngisi.

Batuhin ko na kaya 'to ng kalan?

"Mr. Phillips, di ba, yung mga vampire, takot sa apoy?"

"Hindi ako si Frankenstein, Chancey."

"Si Frankenstein ba yung takot sa apoy?" nagtatakang tanong ko pa. Hindi ako sure! Malay ko ba?

Kumuha na lang ako ng plato para salinan ng almusal niya.

"O, almusal mo po, Mr. Chairman of Prios Holdings," nakataas ang kilay at sarkastikong alok ko sa pagkain niya.

"Put it here," utos niya at itinuro ng ulo yung kanang tabi niya, doon sa mesa.

"Mr. Phillips, masakit yung balikat ko, ha."

"And that is not my fault."

Ack! Sabi na nga ba, mang-aasar na naman e!

"Mr. Phillips, kunin mo na lang kasi!"

"Put the plate right here," pagturo na naman niya sa mesang nasa likuran niya.

"Ano ba 'yan? May additional payment 'to, ha." Lumapit ako sa kanya gaya ng utos niya. "May health benefits naman yung sahod ko, di ba? Saka dapat may paid sick leave ako, witness ka na hindi ko kayang magtrabaho. Hindi ko na kailangan ng medical certificate."

Paglapag ko ng plato sa mesa, hinatak niya sa bandang tiyan yung suot kong shirt—yung damit niya—kaya lalo akong napalapit sa kanya.

"HOY! Mr. Phillips, ano na naman?!" tili ko agad, ang aga-aga, Diyos ko naman talaga, oo!

Inurong niya agad yung bukas na kuwelyo sa bandang balikat ko para silipin yung sugat doon. Hindi ko gaanong makita yung tama maliban sa malaking kalmot na gaya ng nakikita kong sugat sa dibdib niya na ginagamot ko.

"'Wag mo na ngang tingnan kasi!" sabi ko sa kanya. Tatapikin ko sana yung kamay niyang nag-urong ng damit ko, pero ibinalik niya yung paghawak sa bandang tiyan ko pagkatapos.

"It was a good thing the shifters left their smell on your wound," sabi niya habang nakatitig sa akin. "I didn't smell your blood last night."

"Bad news ba 'yon, Mr. Phillips?" tanong ko pa. Baka mamaya, may rabies pala sila! OMG, dapat na ba akong magpaturok ng anti-rabies?

"Good news for you, hindi ako na-attract sa dugo mo dahil sa amoy nila."

"Hindi ba bubula yung bibig ko dahil dito sa kalmot?"

"Of course not." Bigla siyang ngumisi at nagpakita na naman yung pangil niyang mapuputi at kinakapa na naman ng dila niya.

"Ano na naman?" naiirita kong tanong kasi ayaw niya akong bitiwan.

"And since you woke up late, you need to feed me."

Nanlaki ang mga mata ko at aatras na sana pero hinatak na naman niya yung damit ko para hindi ako makalayo.

KAKAININ BA NIYA AKO?

"Hold the steak for me."

Itinuro niya ng tingin yung plato sa gilid ng mesa.

Tumingin ako roon, sunod sa kanya. "Hahawakan ko ng kamay?"

Saglit siyang pumikit habang tumatango sa akin.

Whut?

"Bakit di na lang ikaw yung maghawak?" naiinis ko pang tanong.

"My hands are full," sabi niya. Itinaas niya yung isang kamay niyang may hawak na carton ng Red Water, tapos yung kamay niyang nakakuyom sa damit ko—na damit niya.

"Kung bitiwan mo kaya ako, Mr. Phillips, para makakain ka nang maayos?"

"Alright, this is not counted for your overtime pay."

Binitiwan na niya yung damit ko at siya na sana ang kukuha sa karne pero tinapik ko agad yung kamay niya. "Eto na nga, di ba! Susubuan ka na!" Ang demanding, nakakaloka siya!

Kinamay ko na yung steak at itinapat sa bibig niya. "Ah," utos ko.

Kapa-kapa pa rin niya ng dila yung pangil niya saka tumawa nang mahina.

Ganitong-ganito rin siya noong napuyat siya noong isang araw tapos nangharot e. Ang sarap balibagin ng kutsilyo, nakakaloka.

"Sa susunod, 'wag kang magpupuyat, ha?" sarkastikong utos ko sa kanya. Kinagatan niya yung sinusubo kong karne saka siya nakangising ngumuya. "Kapag kinukulang ka sa tulog, hindi ka nakakatuwa e." Inilapit ko pa sa kanya yung karne. "O, kumain ka pa. Baka sabihin mo, ginugutom kita. Ayokong mangangayat ka."

Tinawanan lang niya ako nang mahina saka kumagat ulit habang nakatitig sa akin.

Alam kong dashing tingnan yung golden eyes niya, hindi na niya kailangang ipangalandakan sa akin. Nakakabanas tingnan kapag nang-aasar siya, halatang hindi maganda yung iniisip niya kahit maganda yung mata niya.

"O, huling kagat na 'to, 'wag ka nang paarte, Mr. Phillips. Ang aga-aga, nang-aalaska ka na naman e." Isinubo ko na sa kanya yung huling piraso ng karne para matapos na 'tong kaartehan niya.

Pagkakagat niya roon, bigla niya akong hinawakan sa kamay ko. Pinandilatan ko na naman siya ng mata.

Ano na naman ba?! Ayaw paawat?

"Hoy!" sigaw ko agad nang bigla niyang isubo yung daliri ko. Yung kilabot ko mula gulugod, gumapang paakyat hanggang anit ko. Napanganga na lang ako habang nararamdaman ko yung dila niyang sinisimot yung mantika ng karne sa daliri kong humawak ng almusal niya.

WHAT. THE. HELL?

Alam ko namang hilig niyang manimot ng mantika sa daliri, pero daliri ko na yung dinidilaan niya!

"Ano ba, Mr. Phillips?! 'Wag mo nga akong titigan!" sigaw ko sa kanya at pilit binawi ang kamay ko. Ang creepy niya, nakatitig pa talaga sa akin habang sinisimot yung daliri ko. "Pati ba naman tira-tirang mantika, Mr. Phillips?!"

"That's my favorite part of the meal, Chancey."

"SA DALIRI KO?"

"I find its taste better than my fingers." Ngumisi lang siya sa akin. "I can't wait for dinner tonight."

"May kamay ka, maraming tinidor dito sa kusina, 'yon ang gamitin mo! Hindi ka ba nandidiri sa kamay ko?"

"Masarap ka naman."

"Wha—HA?!" Lumayo na ako sa kanya at dinuro siya. "Mr. Phillips, hindi ka nakakatuwa, ha. Matulog ka na, puyat lang 'yan." Kinuha ko yung plato niya saka ako nagbukas ng gripo para hugasan yung plato saka yung kamay kong dinilaan niya. "Mr. Phillips, kapag ako talaga kinain mo nang buhay, di talaga kita mapapatawad ever."

Tumawa siya nang mahina. "As if I can devour your whole body, Chancey. But I can try."

"HOY! Mr. Phillips, yung dark jokes mo, hindi funny, ha. Di bagay sa 'yo."

Ang hirap maghugas ng isang kamay. Hihintayin ko na lang yung mga alipores ni Mrs. Serena na maghugas ng plato. Tutal bayad naman sila ng Historical Commission sa paglilinis nitong bahay.

"Umakyat ka na nga para makatulog ka na. Hindi talaga maganda sa 'yong natutulog nang late e, nakakatakot ka lalo kaysa sa monster mode mo."

"That can't be. I'll wait for Serena to talk about your case, and Willis to fix your wound. I'll sleep later. But before that . . ." Lumapit siya sa akin at ipinalibot na naman ang braso niya sa baywang ko.

At bago pa ako makapag-react nang masama, hinampas na naman ang mukha ko ng malakas na hangin, at pagdilat ko, nasa tapat na kami ng kuwarto ko.

"I'll help you change your clothes. I don't want them to see you wearing nothing but a white shirt."

SHIT.

Ack! Oo nga pala! Daldal ako nang daldal, nakalimutan kong hindi pala ako nakabihis nang maayos!

"Ako na! Kaya ko na, Mr. Phillips."

"I doubt that."

"Mr. Phillips!"

Binuhat na naman niya ako at pinaupo sa kama. Nakaka-stress na siya, ang aga-aga, ha! Nakakatuyo ng dugo!

"Take your bath after Willis fix your shoulder."

"Mr. Phillips, kaya kong magbihis mag-isa!"

"I know you can't."

Nagkalkal na naman siya ng closet at namili roon ng mga damit.

Tumayo na ako sa kama at naglakad palapit sa kanya habang piga-piga ko yung kaliwang braso kong kumikirot na naman. "Mr. Phillips, gamit ko 'yan!"

"I know, Chancey. You don't have to remind me."

"Mr. Phillips kasi!"

"Do you have any good clothes? How poor are you?"

"Hoy, excuse me, Mr. Phillips, sir, matagal ko nang damit 'yang mga 'yan."

"So, that explains why they look so awful. These are old clothes."

"Bakit ba nangingialam ka ng gamit ko?"

"I was searching for your clothes. All of these are rags."

"Those are my clothes, SIR—Aray!"

Ano ba namang—tama bang itulak ako sa pinto ng closet? Kita na ngang nananakit yung sugat ko, talagang itutulak pa ako? Walang konsiderasyon?

"How I wish I can control your mind, Chancey, para hindi ka sigaw nang sigaw."

"Paanong hindi ka sisigawan—"

"Ssshh. I don't want to hear another complaint. Please."

"Saglit!" Inawat ko agad yung kamay niya nang akmang bubuksan yung butones ng damit ko.

Sinalubong ko yung tingin niyang nagtataka.

Ano ba naman kasing buhay 'to, oo. Bakit ba ako napasok sa gulong 'to?

"Kaya kong magbihis mag-isa, Mr. Phillips," mahinahon ko nang paliwanag.

"Really? Okay." Tumango naman siya habang nakatitig sa mga mata ko. "I'll give you a minute to remove this shirt. Kapag hindi mo nagawa, I'll change your clothes whether you like it or not."

"Pero—"

"Begin." Umatras lang siya at nagkrus ng mga braso.

Ano ba kasing problema niya? Alam kong nagmamagandang-loob lang siya, pero bibihisan ako?

Sinubukan kong itaas ang kamay ko para magtanggal ng butones pero napangiwi agad ako kasi sobrang kirot paggalaw ko pa lang.

Ibinaba ko agad yung kaliwang braso ko habang hinihingal kahit wala pa akong ginagawa.

"Your minute is over, Chancey."

Sinimangutan ko lang si Mr. Phillips.

Oo na, hindi ko kayang magbihis mag-isa. Pero kasi naman . . .

Lumapit na naman siya sa akin at hindi na ako nakapagreklamo nang buksan niya yung butones ng damit ko.

"Mr. Phillips, hindi ako sanay na tinitingnan yung katawan ko ng lalaki," paliwanag ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi talaga.

Oo na, never akong nagkaroon ng lovelife at sex life kasi palipat-lipat ako ng lugar na tinitirhan. Tapos nag-aral pa ako sa all-girls school. Ano'ng magagawa ko?

"Then, I won't look."

Ewan ko kung madali lang bang kausap si Mr. Phillips pero sineryoso nga talaga niya yung sinabi niyang hindi siya titingin. Kasi pagkatapos niyang sumagot, nakatitig lang siya sa mga mata ko habang dinadamitan ako.

Ayokong tingnan niya yung katawan ko, pero parang gusto ko nang magsising sinabi ko 'yon. Napalunok na lang ako kasi hindi niya talaga inalis yung titig sa mata ko, e hindi ko rin naman maalis yung tingin ko sa kanya kasi baka nga tumingin siya sa katawan ko. Ang ending, nagtitigan lang talaga kaming dalawa.

Nangingilabot na naman ako at nagbabalik ang traydor kong heartbeats na OA sa pagtibok.

Dahan-dahan niyang hinuhubad yung damit ko na damit talaga niya.

Hindi ko alam kung nag-iingat lang ba siya dahil may sugat ako sa balikat o talagang . . . ewan ko. Baka nga dahil may may sugat ako sa balikat. Ayokong mag-isip ng hindi maganda, hindi nakakatuwa.

Dapat nilalamig na ako dahil wala akong damit, pero nagdududa na ako kung bakit mainit sa puwesto namin.

Ako lang ba o mainit talaga?

Lalo pa siyang lumapit, at kahit anong atras ko, wala na akong maaatrasan dahil kanina pa naman ako nakasandal sa pinto ng closet.

Napalunok na naman ako habang nakataas ang mukha para bantayan ang tingin niya.

"Mr. Phillips, hindi mo naman kailangang gawin 'to," mahina kong sinabi. Maliban sa ayaw niyang sumigaw ako, hindi ko rin naman alam kung maitataas pa ba yung boses ko habang nakatitig sa kanya.

"And going out last night was unnecessary, as well, Chancey."

Napaayos ako ng katawan nang maramdaman kong sinusuotan na niya ako ng . . . yeah, sinusuotan niya ako ng bra—at strapless pa ang napili niya. Mabuti na lang.

"Iba naman yung kagabi," paliwanag ko. "Concern lang ako sa 'yo."

"Likewise, Chancey."

"Pero magbibihis lang naman. Kaya kong mag-isa, hindi nga lang mabilis, pero kaya ko naman. Araw-araw ko naman 'tong ginagawa."

"Precisely my point. Are you annoyed at me? That's what I felt after what you did last night, Chancey."

"Gumaganti ka ba dahil sa ginawa ko kagabi?"

"I'm just returning the favor." Ngumisi pa siya at itinapat sa mukha ko yung—ack!

"Mr. Phillips!"

"I'm not gonna peek, I'll guide you."

Nakakahiya na! Diyos ko, parusa, ayoko na!

Bahagya siyang yumuko at hindi talaga niya inaalis ang pagtitig niya sa akin. Lalo akong nahiya, nakakabanas!

"Oo na, sorry na sa ginawa ko kagabi. Nakakainis." Inalalay ko yung kanang kamay ko sa balikat niya at tumingin ako sa ibaba para masuot yung . . . yung panty kong hawak niya. Nakakahiya na talaga, hindi ko na matatanggap 'tong pasakit sa buhay na 'to.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya kasi baka manilip. Kinakabahan ako lalo, baka kung ano'ng gawin e.

"Are you shy? You're blushing."

"Puwede ba, Mr. Phillips, 'wag kang ano." Inirapan ko lang siya at kasabay ng pag-angat niya papasuot sa akin ng underwear ko ang paghinga ko nang malalim.

"Behave ka naman pala bihisan."

"Mr. Phillips!" Sinimangutan ko agad siya. Sabi na, mangongonsiyensiya tapos mang-aalaska! Ang bully talaga kahit kailan.

"I don't want you to wear these rags again in your closet. And since Willis can't enter this room, you'll stay in mine until he came here to fix your wound."

"AY! SANDALE!"

Binuhat na naman niya ako at ayoko na talagang magulat nang magulat! Kota na siya, ha!

"Wala pa 'kong damit, Mr. Phillips!"

"You'll get your clothes inside my room. And don't shout, or else, you'll regret raising your voice at me."

------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top