24. The Seal

Ayaw mawala ng malakas na kabog ng dibdib ko kahit nakabalik na ako sa kuwarto ko sa third floor. Sumilip ako sa nakabukas na pinto ng black door pero wala pa rin doon si Mr. Phillips, at wala ring dugong nakakalat sa sahig.

Ang lalim ng buntonghininga ko nang isara ko ulit iyon at saka ako bumalik sa kuwarto habang hawak-hawak ang kaliwang braso kong sobrang sakit. Para akong tinuhog ng tubo 'tapos hindi ko na maramdaman kung may balikat pa ba ako o wala na. Basta sa sobrang sakit, nakakamanhid na sa mismong sugat at nakakairita sa pakiramdam sa ibang parte na hindi naman sobrang apektado.

Wala ngang dugo sa sahig ng blank room, balikat ko naman ang naglawa ng dugo, nakakaloka. Napagalitan pa tuloy ako.

Hinihingal akong umupo pabagsak sa wooden chair na palagi kong ibinibigay kay Mr. Phillips kapag pumapasok siya sa loob ng kuwarto ko.

Hindi ko talaga alam kung ano bang klaseng mga monster yung kanina. Nagta-transform pala sila, kaya pala shapeshifting ang tawag ni Mr. Phillips sa ginagawa ng mga shifter. May mga ganoong nilalang pala rito sa loob ng Helderiet. Akala ko, nakakatakot na ang malamang may mga bampira dito. Mas nakakatakot palang malamang may mga taong putik na nagiging hayop 'tapos umaatake sa gabi. Nakakaloka. Singilin ko na rin kaya si Mr. Phillips sa night differential? Parang lugi ako sa 200 dollars pampaospital pa lang.

Pumikit ako at ibinagsak ang mga kamay ko sa magkabilang gilid habang tinitiis ang pagpintig ng sugat ko sa kaliwang balikat. Kaya pala ganito palagi ang ayos ni Mr. Phillips kapag nakaupo siya rito sa wooden chair, mas komportable pala kahit masakit sa katawan.

May sumpa siguro itong upuan. Nauuhaw na rin ako e. Pero ayoko naman ng dugo. Gusto ko ng tubig—yung sobrang lamig na tubig. Natutuyuan ako ng lalamunan.

Gusto ko nang matulog. Pagsulyap ko sa orasan, mag-aala-una pa lang pala ng madaling-araw. Kung alam ko lang na masusugatan ako nang malala, natulog na lang sana ako at hinayaan si Mr. Phillips na lumaban mag-isa. Ang pabibo ko rin talaga minsan, nakakabanas ang ugali ko, parang tanga.

Sumaglit lang ako ng pikit kasi talagang ang bigat na ng talukap ng mata ko. Pagdilat ko, may nakahambalang na sa harapan ko. Tumingala pa ako at halos bumagsak palikod ang ulo ko sa sobrang bigat. Hindi nga lang natuloy dahil may sumalo agad. Pag-ayos ko ng upo, seryosong mukha ni Mr. Phillips ang una kong nakita.

Gusto kong tumawa nang malakas pero wala na talaga akong energy para tawanan siya. Sobrang bigat pa ng ulo ko. Kung natawa man ako, sobrang hina pa at parang nang-aasar na ngisi na lang.

"Don't sleep, Chancey, or else you're gonna die."

"Araaay!" Napatili agad ako dahil biglang sumakit ang sugat ko. Iyon pala, diniinan niya ng kuko roon. "Mr. Phillips naman!"

"Now, you're awake."

Ang sama talaga niya! Gusto ko na ngang magpahinga kasi inaantok na ako e! Ano ba naman itong bampirang ito, walang konsiderasyon? Nakita na ngang may sugat ako, o! Bulag lang? Bulag?

Nakarinig ako ng telang pinupunit at pinandilatan ko agad ang ginagawa niya sa T-shirt ko.

"Mr. Phillips, ano'ng ginagawa mo?" reklamo ko agad kasi hinuhubaran niya ako. "Huwag po! Hindi pa ako ready!"

Imbes na sumagot, pumunta lang siya sa banyo, at pagbalik niya, dala na niya ang lagi kong ginagamit kapag nililinisan ko siya. Yung metal bowl saka yung puting face towel.

Akala ko, sa kanya ko gagamitin iyon ngayon. Sa akin na pala.

Nagising ang diwa ko sa sobrang kirot, namamanhid na nga kanina. Ngayon, bumalik na naman ang sakit na parang sinasaksak ng ice pick ang mismong sugat ko kaya lalong nagdurugo.

"You see what happened to you, hmm?" Siya naman ang lumuhod sa harapan ko dahil walang ibang upuan sa kuwarto ko kundi yung wooden chair lang sa dresser.

"'Saan na sila?" nanghihinang tanong ko.

"The Wood's night predators came out. Pagbalik ko, wala na ang mga shifter dahil sa mga ibon."

Yung mga kuwago siguro. Ang dami nilang sumugod kanina. Baka naabala dahil sa sigaw ko kaya sinugod ang mga monster.

Napansin kong walang sugat si Mr. Phillips ngayong gabi.

"Hindi ka nasugatan ngayon, Mr. Phillips," may ngiting bati ko kasi wala talaga siyang sugat na malaki. Kahit yung dugo ng monsters kanina, nahawhawan na ng tubig na dala niya.

"I didn't have any wounds, and you do. And it wasn't supposed to be like this."

Gumaan ang paghinga ko nang makita kong nagbalik na sa dating haba ang pangil niya. Mahaba pa rin naman pero hindi na lampas sa labi na sobrang nakakatakot tingnan. Kahit ang mga kuko niyang mahahaba kanina na pinambangas niya sa panga ng malaking aso, umikli na rin.

"Mr. Phillips, galit ka ba?"

"I am. But we're already here. And I don't want that to happen again. Are we clear, Chancey?"

Tumango naman ako nang marahan.

"You're bleeding too much." Tumayo na siya at inalalay ang kaliwang braso sa likod ko at sa likod ng tuhod ko ang kanan. Ang sarap sa pakiramdam nang bigla niya akong binuhat, para akong lumilipad sa ere.

"Mr. Phillips, nagiging usok ka rin gaya ni Morticia?" mahina kong tanong habang nakatitig sa mukha niya. "Kanina kasi, galing lang tayo sa gilid ng Cabin 'tapos napunta agad tayo sa may pintuan."

"I'm just extremely fast," simpleng sagot niya at lalong lumiwanag sa paligid pagpasok namin sa banyo. "Morticia is a pureblood, and I'm not."

Ibinaba na niya ako sa porcelain tub saka siya naghanap sa paligid ng hindi ko alam kung ano.

"You don't have any towel here?" tanong pa niya.

"Sa closet."

Mabilis siyang lumabas pagkatapos ng sagot ko.

Aasikasuhin ba niya ako? Gusto ko lang namang matulog. Bukas, pupunta na agad ako sa ospital para magpatingin ng sugat ko.

Wala akong pera. Mangungutang na lang muna ako kay Mr. Phillips. Kung hindi man, ibebenta ko na lang ang bago kong phone total mahal naman iyon.

Naiirita ako sa sakit ng kaliwang balikat ko. Parang gusto kong manapak sa sobrang kirot. 'Tapos sinira pa ni Mr. Phillips ang damit ko kaya damang-dama ko sa kalahati ng katawan ko ang lamig ng bathtub. Mabuti na lang, may suot akong bra. Kung nakapantulog lang ako, hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ipakikita ko kay Mr. Phillips dahil sa hiya.

Nakangiwi na ako sa sakit pagbalik niya habang dala-dala ang pink towel na malamang ay nakuha niya sa closet ko. Kinuha niya sa itaas ang shower head at marahang binuksan sa sahig bago dahan-dahang pinaagos sa balikat ko ang malamig tubig.

"Wow, salamat po." Napapikit ako sa ginhawa kasi kahit paano, nabawasan ang kirot ng sugat. Pagbuga ko ng hangin, mukha agad ni Mr. Phillips ang bumungad sa akin, pero nakatuon lang ang atensiyon niya sa ginagawa niya.

Ang bait talaga ni Mr. Phillips. Siguro, kung ibang bampira siya, pinabayaan na lang niya akong lapain ng mga monster sa labas.

Sa totoo lang, ang sarap niyang panoorin. Para lang siyang simpleng taong may gintong mata. Ang suwerte naman ng napangasawa niya noon. Kaso ang malas pala kasi namatay—nagpakamatay? Pinatay? Basta, kung ano man ang nangyari doon.

Ilang saglit pa, biglang kumunot ang noo ni Mr. Phillips at binalingan ako ng tingin.

"Chancey, where did you get this?" tanong niya habang tinuturo ang itaas ng kaliwang dibdib ko.

Tiningnan ko iyon at ibinalik ang tingin sa kanya. "Noong bata ako, Mr. Phillips, tinatakan ako ng Papa ko pagkatapos naming i-deliver dito yung painting sa second floor."

"Tatak? Did he burn your skin to get this mark?"

Tumango naman ako. Sabi lang naman ni Papa, kailangan daw iyon. Natural, masakit, kasi sinunog ang balat ko, pero kailangan nga raw. At kung para saan, hindi sinabi ni Papa. Namatay na lang siyang walang sinasabing kahit na ano.

"Bakit, Mr. Phillips?"

Kitang-kita ang pagtataka sa mukha niya nang magpatay ng tubig. Nakatitig lang siya sa dibdib ko. Gusto ko sanang sabihing bastos siya pero mukhang problemado ang mukha niya.

"Don't think of something bad, please," paalam niya agad at hindi na ako nakasagot nang padaanan niya ng hintuturo ang sunog na peklat sa itaas ng dibdib ko. Sinundan niya ang shape ng parang letter G na may buntot doon. "This is a seal." Pinaningkitan niya ako. "You said your father is a painter."

Tumango naman ako nang kaunti. "Yes, Mr. Phillips."

"This is one of the Cabal's sigils. Your father did this to you?"

Tumango naman ako nang marahan.

Bakit kaya parang nagtataka siya?

"Mr. Phillips, alam mo ba ang ibig sabihin niyan?"

Binuksan na lang ulit niya ang tubig at binanlawan ang balikat kong humupa na ang pag-agos ng dugo. Ilang segundo pa, nagbuntonghininga siya at tiningnan ulit ako.

"Now I know why I can't control you."

"Po?"

"Your father painted Marius." Bigla siyang natawa nang mahina saka napailing. "I'm glad I wasn't here twenty years ago."

"Bakit, Mr. Phillips? Kilala mo po ba ang papa ko?"

"I don't know him personally, but the Cabal's sigils are archaic sigils of sorcery. You can't use these seals unless you were born a sorcerer of the Eighth's Son. And I have never encountered a living one since the time of the Cabal's extinction a hundred years ago."

Napangiwi agad ako sa sinabi niya. Wala akong na-gets. Ano ang mga sinasabi niya? History class ba ito? Hindi pa ako buhay hundred years ago.

"If your father knew how to use this seal, it could be the reason you are able to enter this room. This is an unbreakable and powerful spell that even our family can't undo. Fabian Revamonte painted Marius. And if painting the Cabin's previous owner was intentional, then your father had this mansion sealed under his spell because of that. If you have the same seal, you are considered this house's owner." Natawa na naman siya nang mahina at pinatay na ang tubig. "So it was your father who cursed this mansion and not that lady who was involved with Marius."

"Mr. Phillips, hindi kita na-gets. Ano ang mga sinabi mo? Ano'ng meron sa peklat ko saka kay Papa? Pati yung sa painting."

Hindi na naman niya ako sinagot. Binalot niya lang ako ng towel, pagkatapos ay binuhat na naman niya ako palabas ng banyo paupo sa kama pasandal sa may headboard.

"Mr. Phillips, ano po ba talagang meron sa mga magulang ko?"

Pinanood ko siyang maghanap ng damit sa loob ng closet ko. Wala na naman siyang sinagot. Itinaas niya ang lahat ng T-shirt ko at parang hindi niya nagustuhan na puro ganoon lang ang damit ko.

Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at bumalik dala ang isang puting long-sleeved dress shirt na gaya ng suot niya sa office.

"Mr. Phillips, hindi ko nakuha ang mga sinabi mo kanina. Ano'ng meron sa papa ko?"

Ngumiti na lang siya nang matipid at umupo sa tabi ko.

"Your father sealed this room for you. Marius' painting downstairs is a huge seal from a powerful sorcerer. You have the blood of a human, but you're not a human, Chancey. If you happen to control nature, then good for you."

Tinapalan niya agad ng makapal na tela ang sugat ko sa balikat bago pa ako makasagot.

"Mr. Phillips, tao po ako. Tao ang papa saka mama ko. Painter lang sa bayan si Papa. Violinist lang si Mama. Gift lang niya sa may-ari ng Cabin yung painting! Walang ibig sabihin iyon!"

Umiling lang siya sa akin. "No, Chancey. Every detail means everything. And those night predators who attacked the shifters earlier?" Itinuro niya ang pintuan. "You called them to help you. No human has the ability to do that."

"Hah—" Napasinghap na lang ako nang biglang gumapang ang kamay niya sa likuran ko kaya ako napaderetso ng upo. Pinandilatan ko lang siya habang nakaawang ang bibig ko dahil sa gulat. Biglang lumuwang ang pakiramdam sa bandang dibdib at napatingin na lang ako sa ibaba ng kama nang makita ang bra kong naroon na. Pagbalik ko ng tingin kay Mr. Phillips, kinuha na niya ang kanang kamay ko at isinuot sa manggas ng damit niya.

"Mr. Phillips, may T-shirt po ako."

"And you're really going to bend your shoulder to wear those clothes?" tanong pa niya. "Do you want to bleed again?"

Ay. Oo nga, ano? Ang tanga ko sa part na iyon. Pero kasi, bakit damit niya?

Ay, wala nga pala akong blouse na pambahay na may butones. Super fit pa ng mga pinamili niyang button-up blouse.

Pero bakit nga damit niya?

As if namang may option akong iba kaysa mag-towel magdamag.

Pero bakit nga kasi damit niya?

"Mr. Phillips, lalabhan ko na lang po itong damit pagkatapos."

"No need. Keep it."

"Pero, Mr. Phillips—"

"I heard no noises outside this door."

"Hah—" Napasinghap na naman ako at pinandilatan na naman siya kasi pumasok na sa bandang baywang ang kamay niya at hinahatak ang suot kong shorts. "Mr. Phillips, anong—"

"Your clothes are wet, Chancey. No sane being will wear wet clothes in a comfortable bed."

"Pero—"

Lalong uminit ang pisngi ko nang makarinig ako ng tunog ng bumagsak na mabigat na damit sa sahig.

Ano ba? Bakit naman kasi ako hinuhubaran, ser?

Pagkilos ko ng balakang, wala akong maramdamang kahit ano sa ibaba. Kahit underwear, wala siyang itinira! OMG, ayoko na, nakakahiya na talaga!

"I'll call Willis tomorrow morning. He can fix your wounds."

Aalis na ba siya? Lilipat na ba siya sa kabilang kuwarto? Umalis na lang siya kasi, Diyos ko naman, hiyang-hiya na talaga ako sa katangahan ko, nakakabanas! Hindi pa ako makakilos nang maayos kasi kikirot na naman ang sugat ko, 'tapos magdurugo na naman. Nakakairita naman ang buhay ko, oo.

Dumeretso siya sa pinto at isinara iyong mabuti saka ako nilingon.

O . . . M . . . G.

Don't tell me, magsi-stay siya rito whole night?

Oh no. No. No. No. No way, no.

"You better practice turning the lights off every night, Chancey. If you don't want those monsters to come after you, don't give them a hint as to where you are."

"Hah—" Napasinghap na naman ako nang biglang namatay ang ilaw.

Shocks, wala akong makita!

Ano ba namang—ack! Ayoko na talaga, hindi na ako uulit!

"Mr. Phillips naman e." Lalo akong kinakabahan. Parang mas kinabahan pa ako pagsampa niya sa kama habang wala akong ibang suot maliban sa damit niya kaysa sa pagsugod sa akin ng mga monster kanina sa baba. "Uy!"

Hindi na ako nakakibot nang bigla niyang kunin ang kanang kamay ko saka isinilid ang malalaking daliri niya sa pagitan ng akin.

"You did this to me before because you didn't want me to go outside. Sabi mo, hahawakan mo na lang ako para hindi ako alis nang alis. I'm just returning the favor."

Nakagat ko na lang ang labi ko nang maalala ko na sinermunan ko siya kasi ang dami rin niyang sugat. Bumalik din sa akin ang kalokohan ko a.

"You can't lie on your bed right now."

Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang gilid ng ulo ko saka inurong pakabilang direksyon, pasandal sa balikat niya.

"You better rest, Chancey."

Grabe, parang hindi ko ma-imagine ang monster mode kanina ni Mr. Phillips sa mga kilos niya ngayon. Pero kahit na ganoon, sobrang na-appreciate ko talaga ang lahat ng favor na ibinibigay niya. Hindi lang ngayong gabi kundi sa mga nauna pa.

Alam kong kulang ang magpasalamat, pero deserve naman niya.

"Thank you, Mr. Phillips," sabi ko bago ako magsara ng mga mata.


♦♦♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top