23. The Shifters


Noong nalaman kong mag-isa lang si Mr. Phillips sa Grand Cabin bago pa ako dumating, nalungkot talaga ako. Kaya kahit alam ko nang bampira siya, bumalik pa rin ako para lutuan siya ng hapunan kasi alam kong walang gagawa n'on para sa kanya.

Akala ko, hanggang doon lang ang awang mararamdaman ko para sa kanya. Mas malala pala yung ideyang parusa niya ang maging mag-isa sa Cabin. At kapag nagpapasok siya ng sasamahan siya, kung hindi mamamatay dahil sa kanya, siya ang mapapahamak para lang sa taong iyon.

Limang gabi na ako sa Cabin, at kung magtatagal ako hanggang anim na buwan, ibig sabihin, anim na buwan ding pahihirapan ni Mr. Phillips ang sarili niya dahil sa akin. Gaya na rin ng sinabi niya, hangga't hindi naaamoy ng mga monster sa labas na may tao sa loob ng mansiyon, hindi sila susugod. Pero nasa loob ako, at ako ang pakay nila.

Binalaan na ako ni Johnny. Kaya ko namang protektahan ang sarili sa paraang alam ko. Pero hindi ko lang sigurado kung kaya ko bang mabuhay pagkatapos. Kahit din naman kumilos ako at hindi, mukhang doon din naman ang bagsak ko: mapapahamak pa rin ako.

At hindi ko naman inilaban ang buhay ko paglabas ko ng lone town pagkamatay nina Papa para lang magpalapa sa mga monster.

Sobrang laking pabor ng ibinigay sa akin ni Mr. Phillips, at nagpapasalamat ako sa lahat. Trabaho, bahay, pagkain, pera, kahit mga damit at bagong gamit, ibinigay niya. At ngayon, inililigtas niya ako sa kung ano man ang mga kalaban niya tuwing gabi. Ayokong umabuso. Ayoko ring ipasan sa kanya lahat ng problema ko dahil lang bampira siya at mas malakas siya kaysa sa akin. Iniisip ko pa lang lahat ng effort niya para lang mabuhay ako, hindi na ako makatulog. Pakiramdam ko, sobrang sama kong tao para ipabuhat sa kanya lahat ng mabigat sa buhay ko ngayon.

Hindi ko alam kung ano yung mga shifter maliban sa mga piraso ng karneng nakikita kong kinakain ng mga soro. O kahit yung mga malalaking hayop na nakikita ko tuwing gabi. Pero kung ganoon lang ang itsura nila, tingin ko kaya kong gawin ang ginagawa namin noon ni Mama kapag nasa gubat kami.

Alas-dose, wala nang bukas na ilaw maliban sa kuwarto ko. Hindi ako nakakatulog kapag madilim. At alam ni Mr. Phillips na hindi ako nagpapatay ng ilaw, pero nagpatay ako pagsapit ng hatinggabi.

Maaga akong natutulog, madalas tulog-mantika pa. Pero nagtitindigan ang balahibo ko pagkarinig ko sa mga ingay sa labas. May pumapagaspas, may nagkakamot sa kahoy, may naglalakad sa wooden floor. At hindi ko na sigurado kung magpapasalamat pa ba ako na matalas ang pandinig ko para marinig ang mga bagay na ayokong marinig ngayong gabi. Sumilip ako sa peephole ng pintuan ko at nakita kong pumasok si Mr. Phillips sa loob ng black door.

Mabilis kong isinuot pahilig sa katawan ang lalagyan ng mga carbon arrow saka ko binuhat sa tabi ng pinto yung aluminum bow na bigay sa akin ni Johnny.

Pumikit ako at huminga nang malalim. Lalo kong naramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ako natutuwa. Bumibigat ang ulo ko sa pressure.

Pero hindi puwedeng mag-back out. Kahit dito man lang makatulong ako kay Mr. Phillips. Ayokong gabi-gabi, parati na lang siyang ganito.

Marahan akong nagbukas ng pinto at pumuwesto ako sa dingding katabi ng black door.

"Shit, ayoko pang mamatay. Ayoko pang mamatay. Hindi pa ako sumasahod, gosh. Bakit ko ba kailangang gawin ulit 'to?"

Para akong timang na bubulong-bulong habang nag-iisip kung bubuksan ko na ba yung pinto.

"Whooh . . . kaya mo 'to, Chancey. Kapag namatay ang boss mo, wala nang magpapasahod sa 'yo. Hindi mo puwedeng hayaang magaya siya sa Marius na 'yon."

Napalunok na lang ako saka desididong tumango. This is it. This is really is it.

Binuksan ko na ang black door at kumuha agad ng palaso saka itinutok sa loob.

"HA!" sigaw ko pa pero . . . "Mr. Phillips? Nasaan ka?"

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.

Ha?

"Mr. Phillips?" Inobserbahan ko ang loob ng blank room. Pati yung sahig. Wala pang dugo or something na kakila-kilabot.

Nasaan na sila?

Sumulyap ako sa bintana at nakita ko si Mr. Phillips na nasa ibaba na, doon sa malawak na damuhan na parati kong nilalakad kapag nagtatapon ako ng piraso ng karneng kinakain ng mga fox. Tumingin ako sa langit na malinis at malinaw ko silang nakikita kahit hindi naman buo ang buwan.

"Oh shit . . ."

Lalong nandilat ang mga mata ko nang makitang sinasalubong niya yung tatlong malalaking . . . mukha silang mga taong putik. Doble ang laki nila kay Mr. Phillips at hindi ko alam kung sila ba yung tinatawag niyang shifters.

Ilang saglit pa, yumuko ang isa at biglang binalot ng balahibo ng ibon ang katawan niya. Naging malaking itim na ibon na may pulang mata iyon pagkatapos ng nangyari.

Yung dalawa naman, naging malaking aso na kulay itim din at may pulang mata.

OMG, totoo nga sila.

At mag-isa lang silang nilalabanan ni Mr. Phillips?!

Nakarinig ako ng pag-angil sa ibaba kahit sobrang taas ng third floor. Ilang metro lang din ang diperensiya sa training room sa Onyx kaya kayang-kaya kong patamaan ang kahit sino sa kanila sa puwesto ko. Lalo na't maliwanag ang buwan.

Bago pa makalipad ang ibon papalapit kay Mr. Phillips, nagpakawala na agad ako ng palaso.

"ARCK!" malakas na ingay ng malaking ibon at bigla siyang pumutok sa ere at naging malapot na dugong sumabog sa damuhan.

"SHOOT!' sigaw ko nang bigla kong ma-realize na kaya pala maraming dugong nasa loob ng blank room.

WHAT?!

"Chancey!" malakas na sigaw ni Mr. Phillips paglingon niya sa akin.

"Kaya ko 'to, Mr. Phillips!" masayang sagot ko sa kanya. "Safe ako—AAAHH!"

Napatili agad ako nang may dumakma sa akin mula sa balikat at inilabas ako sa bintana ng third floor.

"CHANCEY!"

Tumingala ako at nakitang kinuha ako ng malaking ibon na kulay brown.

"ARAAAAY!" Bumaon nang sobra ang kuko ng talons niya sa balikat ko at parang tinutusok iyon ng matulis na bagay hanggang laman. "BITIWAN MO 'KO!"

Hindi ako makakuha ng palaso sa likuran kaya hinampas ko ang ibon ng hawak kong pana kaya nagpagewang-gewang kami sa hangin hanggang mabitiwan niya ako.

"TULOOOONG!"

Pinandilatan ko lang ang damuhan habang sinasalubong ang hangin sa paglaglag ko.

Shit, ayoko pang mamatay!

Biglang dumilim nang bahagya ang paligid ko at naramdaman ko na lang ang paggulong ko sa patag na bagay.

Pagdilat ko, balikat agad ang una kong nakita. Pag-angat ko ng tingin. Eksaktong nagtagpo ang tingin namin ni Mr. Phillips.

"What the hell are you doing?!" singhal niya sa akin.

Imbis na sumagot, tinitigan ko lang ang mata niyang nagliliwanag ang pagkaginto. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin pero bumaba lang ang tingin ko sa pangil niyang parang dumoble ang haba at halos lumampas na sa ibabang labi niya.

Kung hindi pa bumanda ang mainit na hininga ko sa sa pisngi ko, hindi ko pa mapapansing hinihingal na pala ako dahil sa nangyari.

Mabilis akong binitiwan ni Mr. Phillips mula sa pagkakayakap niya at tumayo siya para salagin ang paatakeng aso sa aming dalawa.

"Mr. Phillips, sorry!" sigaw ko agad at hinanap ko yung pana saka palaso kong hindi ko na hawak.

Nasaan na? Hala, nasaan na yung hawak ko kanina!

"Aha!" Mabilis kong tinakbo yung pana kong malapit sa ibaba ng Cabin, pero nandilat agad ang mata ko nang mapalingon ako sa kanan habang tumatakbo. Pasalubong sa akin yung isang asong itim.

"MAMA!" malakas na sigaw ko habang tinutulinan ang pagtakbo. Mabilis kong tinalon padapa yung bow na nasa damuhan saka ako tumihaya para sana paluin yung malaking aso, pero nanlaki ang mga mata ko nang may panibagong ibon na lumipad sa harapan namin.

Akala ko, kukunin na naman ako pero sinalpok lang niya yung asong paatake na sana. Paglingon ko sa kanan, angil nang angil yung aso habang pinagkakaguluhan siya ng mga . . . kuwago? Ang daming kuwago! Sobrang daming kuwagong papasugod sa amin! O sa mga—doon sa mga umaatake sa amin!

"Mr. Phillips!" Mabilis kong tinakbo si Mr. Phillips at hinatak ang braso niya. Paglingon ko sa likod, may malaking aso na naman. Dalawang aso yung sinusugod ng mga kuwago.

Hala! Ilan ba silang lahat? Akala ko ba, tatlo lang?!

"Chancey, you're supposed to be in your room!" singhal na naman ni Mr. Phillips.

"Bumalik na lang tayo sa loob!" sigaw ko sa kanya. Hinatak ko na naman siya papunta sa direksyon ng entrance ng Cabin. Sinabayan naman kami ng asong hindi pa sinusugod ng mga kuwago.

Malakas na pag-angil at biglang tumalon padamba sa amin ng asong itim.

Napaatras na lang ako nang biglang humarang si Mr. Phillips sa harapan ko at sinalubong ng kamay niya ang leeg ng aso saka iyon buong lakas na kinalmot sa may panga. Akala ko, magiging dugo rin iyon gaya kanina sa ibon pero humiwalay lang ang ilalim ng panga nito at naging piraso ng karne gaya ng palagi kong nakikita sa ibaba ng Cabin.

Ang sama ng tingin sa akin ni Mr. Phillips nang lingunin na naman niya ako. Lalong tumingkad ang pagkakaginto ng mata niya at hindi ko maiwasang titigan ang pangil niyang humaba pa lalo.

Unang beses kong makita siyang mukhang . . . halimaw.

"I told you to stay in your room," angil niya gamit ang mas nakakatakot niyang boses.

Napahugot na lang ako ng hininga habang nakatitig sa mga mata niya. Napako na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

"Don't do this again," angil ulit niya at ipinalibot ang kaliwang braso niya sa baywang ko saka ako inilapit sa katawan niya. Para akong hinampas ng malakas na hangin kaya napapikit ako. Pagdilat ko, wala pang ilang segundo, nasa pinto na kami ng mansiyon. Madali niya iyong binuksan at sabay-sabay na nagbukasan ang mga ilaw sa loob.

Napaatras agad ako nang bitiwan niya ako. Para akong hinahampas sa likod at sa dibdib. Pumipintig ang buong ulo ko at nanlalamig ang mga kamay ko sa sobrang kaba.

Nakatitig lang ako kay Mr. Phillips na duguan ang isang kamay. Pero sigurado akong hindi kanya ang dugong iyon kundi roon sa asong binangasan niya ng panga.

Ano na'ng gagawin ko?

OMG, hindi naman ako ganito mangaso kasama si Mama noon, bakit naman ganito?

"Don't go out again, Chancey," angil ni Mr. Phillips saka ako dinuro, "Either you die like what happened to my previous secretaries or I'll die like what happened to Marius because of your mother. You choose."


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top