22. The House Owner
Ang tagal nang kakilala ni Mama si Johnny pero hindi ko talaga lubos akalaing may alam pala siya tungkol sa mga nakatira sa loob ng Helderiet Woods. Bumalik tuloy ako sa Cabin na maraming dala.
At sa dinami-rami ng magpapalayas sa akin, si Johnny pa talaga. Alam ko namang kailangan kong bumalik bago mag-sunset kasi magluluto pa ako ng dinner ni Mr. Phillips, pero grabe naman sa pagmamadali.
Natatakot tuloy ako sa lahat ng sinabi niya.
Babalik na lang ako bukas para magtanong kasi talagang wala akong idea sa nangyayari. Hindi naman namimigay ng gamit si Johnny kahit kay Mama, pero binigyan niya ako pamprotekta sa sarili ko.
Kung hindi ako puwedeng magtagal sa labas kasi hahanapin ako ng mga tagarito sa loob, e saan na ako pupunta? Six months lang yung contract ko kay Mr. Phillips! Maghahanap pa ako ng bagong apartment! Hala siya!
Clouded talaga ang utak ko ng tanong habang nagluluto ako. Kung hindi pa umusok nang bongga yung steak, hindi ko malalamang lampas na sa three minutes yung pagluluto ko. Lutang na lutang masyado.
Napaluto tuloy ako ng panibago. Sasabihin ko na lang kay Mr. Phillips, ibawas na lang sa suweldo ko.
"Chancey."
"Mr. Phillips!" Napaatras agad ako paglabas ko ng kusina. "Hala, hindi pa ako nakakapaghanda, wait lang!"
Nagmadali agad ako sa paglapag ng plato sa dulo ng mesa na puwesto niya.
"Mr. Phillips, na-overcook yung nauna kong naluto, sorry talaga. Ibawas mo na lang sa sahod ko, ha?" paliwanag ko agad. Tumalikod na ako para bumalik sa kusina. Wala pa akong dalawang inumin niya. Plato saka kubyertos lang ang nadala ko.
Ano ba naman 'yan? Maaga ba siyang bumaba o talagang lutang lang ako dahil sa mga nangyari nitong umaga?
Kumuha agad ako ng Red Water saka water goblet. Lalabas na sana ako ng kusina kaso nakalimutan kong buksan yung carton kaya bumalik na naman ako sa kitchen counter para gupitin yung isang dulo.
Ay, talaga. Pinapagod ko lang ang sarili ko sa katangahan ko.
'Mr. Phillips, sorry, late akong nakapag-prepare. Di na mauulit, promise." Mabilis kong inayos yung puwesto niya at nginitian siya nang pakiramdam ko, okay na yung paghahanda ko.
Nang mapahinto lang ako nakaramdam ng pagkahingal habang nakatingin sa kanya. At himalang naka-vintage top na naman siya. Marunong din pala siyang magdamit. Nakatayo lang siya sa likuran ng upuan ng kabisera habang nakatingin sa akin. Yung tingin niya, walang ibang sinasabi kundi parang naaawa siya sa akin. Para siyang malungkot na ewan.
"Mr. Phillips, may nangyari po ba?"
"Serena called a few minutes ago."
Napahugot agad ako ng hininga at bumalik na naman yung kabog ng dibdib kong OA masyado sa pagtibok.
Si Mrs. Serena. Sabi niya, kakausapin niya si Mr. Phillips kasi ayaw niya raw ako rito sa Cabin. Akala ko, nag-jo-joke lang siya. Totoo pala.
"Please sit down."
Nauna na siyang maupo. Saglit akong yumuko at umupo na rin sa palagi kong puwesto. Mukhang hindi siya manti-trip ngayon, ang baba na naman ng mababa na niyang boses.
Lalo lang akong nate-tense kasi parang nag-iisip pa siya ng sasabihin niya. Napapahimas tuloy ako ng palad sa ilalim ng mesa.
Ilang saglit pa, ang lalim ng buntonghininga niya saka ako tiningnan nang diretso sa mga mata.
"I just knew Fabian Revamonte because of the painting of Marius," panimula niya.
Pakiramdam ko, tungkol na naman ito sa mga magulang ko. Wala namang kakaiba sa mga magulang ko. Violinist lang si Mama, painter naman si Papa. Hindi naman sila masasamang tao.
"Believe me or not, I don't know your parents, Chancey," paliwanag niya na lalong nagpakaba sa akin nang doble. Pinapatay ako paunti-unti ng bawat hinto niya sa pagsasalita. Ano ba? Puwede bang diretsuhin na lang niya? Nate-tense na ako, o!
"I came from another region—south. Serena told me what happened before the family decided to lock this place from mortals."
"Mr. Phillips, palalayasin n'yo na po ba ako?" diretsong tanong ko kasi baka doon din kami babagsak.
Pagbuntonghininga niya, napalunok agad ako. Hala, baka palayasin niya nga ako! Wala pa akong pera, wala pang suweldo!
"I hired you because I wasn't able to control you, that's the reason why you're here in this place with me."
Hala, ano ba talagang point niya! Hindi ko nakukuha! Lalayas na ba ako? Wala na naman ba akong trabaho? Gagawa na naman ba ako ng rèsumè?
"Marious died because of a mortal. He died here in Helderiet protecting that person from those shifters."
Naalala ko yung sinabi ni Mrs. Serena sa akin kaninang umaga.
"Paanong hindi susunugin, kasalanan ng ina mo kaya namatay ang may-ari ng bahay na 'to!"
"The family don't want us to get involved with any human, Chancey. We are vampires, we're above the chain. I protected Charina from them, but I failed. We can control human's mind, and they controlled her to kill herself in front of me. That's how weak humans are and that's how powerful we are, and I accepted that even if what happened killed the remaining hope inside of me."
Nakagat ko na lang ang labi ko habang pinipigilang umiyak. Hindi ko na naiintindihan. Ano ba ang dapat kong isipin? Saan ba talaga ako lulugar? Saka bakit ba niya 'to sinasabi?
"I was here in this mansion because the family forsaken me for loving a human. My punishment is to protect this place for as long as I could after Marius died because of a mortal—which, unfortunately, was your mother. We can live for an eternity, and there is a fine line between forever and hell especially when you have a responsibility like what I was doing every night."
Hindi ko pa naririnig na magsalita nang sobrang haba si Mr. Phillips. Lalo akong nanginginig dahil minsan na nga lang siyang magsalita nang sobra, ganito pa ang sinasabi niya.
"Pero, Mr. Phillips, hindi ko naman po kasalanan kung bakit namatay yung may-ari dati ng Cabin."
"And I am not blaming you, Chancey. I'm just telling you where Serena is coming from. She's the Helderiet's maidservant before Marius was born, and she witnessed how the last of their bloodline died because of a weak mortal. And she didn't want that to happen again."
Napasinghot agad ako habang nagpupunas ng luha. Hindi ko na napigilan, kusa nang tumulo sa pisngi ko kahit ayoko.
Siguro nga, hindi ko naiintindihan yung tungkol sa pamilya nila. Mga bampira sila, tao lang naman ako. Kasalanan ba ng mama ko kung namatay yung isa sa kanila? Hindi naman yung mama ko ang pumatay a. Hindi rin naman ako, pero bakit parang kasalanan ko rin?
"I don't want to scare you, Chancey. I don't want you to be afraid of me. I didn't tell you everything because you don't have to know, but now, we're caught between a rock and a hard place. My secretaries died because of the shifters. And the more I keep a mortal inside this house, the more I suffer from those monsters. The more I keep you here, the more pain I must endure to protect you."
Napaangat agad ako ng tingin sa kanya habang nanginginig ang labi ko.
Ibig sabihin, ako talaga ang dahilan kaya lagi siyang may kalaban sa labas tuwing gabi?
"Mr. Phillips . . . sorry."
Nagbuntonghininga siya at yumuko. Naging matipid ang ngiti niya pag-angat ulit niya ng tingin sa akin.
"It's fine, Chancey. As long as you stay on that room, you'll be safe."
"Pero baka palayasin po ako ni Mrs. Serena . . ."
"Nobody can enter your room in this house even my previous secretaries. I don't know what you are, and I am not sure if you're a human at all. But I'm sure, you're welcome in this place."
"Mr. Phillips . . ."
"That room is sealed before you came. Only the house owners can stay inside that room."
"Pero hindi po ako yung may-ari ng bahay n'yo . . ."
"We're not sure. And I am hoping that that reason may help you to stay here with me once Serena speaks with the family."
"Mr. Phillips, papatayin din po ba ako ng pamilya n'yo gaya ng ginawa nila sa asawa mo?" tanong ko at nagpunas na lang ng patuyo nang mata ko.
"I doubt they can do that. Morticia didn't kill you. For sure, she thought you're not a human as well."
"Mr. Phillips, tao po talaga ako," naluluhang na namang paliwanag ko kasi hindi ko talaga nakukuha kung bakit hindi nila ako tinatawag na tao.
"This is the right time to think about the other possibilities, Chancey. I can't control you. The family can't control your mother like what they did to Charina. Maybe you grew up thinking you're just a normal person because they want you to believe that."
"Mr. Phillips, tao po talaga ako, promise," sabi ko habang nagpupunas ng pisngi.
Nagbuntonghininga lang siya kaya naluha na naman ako. Ayaw niya kasing maniwala. Hindi naman ako halimaw. Hindi naman halimaw yung mga magulang ko. Bakit ba sinasabi nilang hindi ako tao?
"Don't cry, please. I told you everything just so you know because you have the right to know it."
Tumango na lang ulit ako at pinigil na ang pag-iyak kahit mahirap. "Thank you, Mr. Phillips."
"Don't think I'm blaming you because of what happened to Marius. If my cousin died protecting your mother, probably because she deserved to be saved. Don't feel bad about it. I'll talk to Serena tomorrow morning. I don't want her guilt-tripping my secretary."
Tumango na lang ako habang nakayuko. "Thank you, Mr. Phillips."
"Do you had your dinner?"
Umiling ako sa tanong. Matipid naman siyang ngumiti pagsulyap ko sa kanya.
"You said you overcooked the first steak you prepared."
"Hindi naman po sunog. Lumampas lang po ng seven minutes. Ayaw n'yo naman ng sobrang luto."
"Bring that here and your dinner. I will wait for you."
"Pero lalamig na po—"
"I can eat frozen foods, Chancey, I want you to join me on my dinner. We have the whole night, take your time."
Pagkatapos ng lahat ng sinabi sa akin ni Mr. Phillips sa dining table, lalo lang akong nakonsiyensiya na gabi-gabi siyang lumalaban sa mga monster sa labas para lang protektahan ako. Hindi ko alam kung may tao bang gagawa sa akin nang ganoon maliban sa mga magulang ko. Ultimo ngang si Johnny, binigyan lang ako ng pana at palaso at ako na raw ang bahala sa sarili ko. Kahit tawagan ko pala si Zephy, wala rin siyang magagawa. Baka kainin lang ng monsters yung mga pulis kapag pinapunta ko rito. At kapag hindi nakalabas nang buhay, baka paimbestigahan itong Helderiet Woods. Lalong magkakagulo kapag nagkataon.
Pagkatapos naming mag-dinner ni Mr. Phillips at linisin ang kitchen, umakyat na agad ako sa kuwarto niya para pumasok sa talagang trabaho ko.
"Mr. Phillips, nandito na po ako. Aayusin ko na po yung mesa n'yo."
Mabilis akong pumunta sa office table niya kahit wala pa akong naririnig na sagot.
Makakapagtrabaho kaya ako nang maayos nito? Punong-puno ang utak ko, hindi ko alam kung saan makakapag-focus.
Sinisisi nina Mrs. Serena yung mama ko kaya namatay si Marius Helderiet. Sinisisi rin nila ako kasi anak ako ni Quirine Dalca. Si Mr. Phillips, gabi-gabing nakikipag-away sa labas dahil sa akin. Kung hindi niya gagawin iyon, ako naman ang mapapahamak.
"If my cousin died protecting your mother, probably because she deserved to be saved."
Siguro nga, deserving si Mama na iligtas, pero ako? Deserving ba ako? Gusto ko rin namang mabuhay, pero kung malalaman ko na may napapahamak nang dahil lang gusto kong mabuhay, paano yung halos mamatay-matay na dahil sa akin?
Paano kung mapatay rin ng mga monster si Mr. Phillips gaya ng nangyari kay Marius dahil sa akin? Paano ko dadalhin yung konsiyensiya n'on habambuhay?
"Chancey."
Mabilis akong nag-angat ng tingin kaya nagtagpo na naman ang tingin namin ni Mr. Phillips. Iba ang dating ng golden eyes niya kapag malungkot. Parang nawawalan ng kinang.
"You said you sing for special occassions."
Tumango naman ako.
"Can you sing for me tonight?"
"Pero, Mr. Phillips—"
"Don't mind the papers for now. Fix that tomorrow evening. Your job tonight is to sing for me."
Nanginginig na naman ang labi ko pero pinigilan ko agad bago pa ako maiyak. Humugot agad ako ng malalim na paghinga habang nakapikit bago tumango.
Nararamdaman ba ni Mr. Phillips na hindi ko kayang magtrabaho ngayon?
Inilahad niya ang palad sa gitna ng kuwarto kaya tumayo na ako at pumuwesto roon.
Pinanood ko siyang maupo sa velvet chair niya at nagbasa ulit ng diyaryo para ngayong araw.
"When you were here before . . . couldn't look you in the eye . . ."
Napalunok ako para pigilang maiyak na naman habang kumakanta.
"You're just like an angel . . . your skin makes me cry . . ."
Napapagod ang diwa kong mag-isip nang tuwid ngayong gabi.
"I wish I was special . . . you're so very special . . ."
Saglit akong napayuko nang tuluan na naman ng luha ang pisngi ko kahit ayoko namang umiyak.
"But I'm a creep. I'm a weirdo. What the hell am I doing here? I don't belong here . . ."
Napatakip agad ako ng mata para itago ang pag-iyak ko. Kinagat ko agad ang labi ko para hindi ako humagulgol.
Ilang taon na akong palipat-lipat ng tinitirhan. Parati akong pinalalayas. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
"Sorry, Mr. Phillips."
Mula sa pagkakatakip ng mata, naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin habang umiiyak ako.
At iyon na yata ang pinakamainit na yakap na natanggap ko sa tanang buhay ko.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top