18. Bad Dinner


Fourth day ko sa trabaho at masasabi kong ang dami ko nang nagawang katangahan sa buhay. Paglubog ng araw, nagluto agad ako ng steak ni Mr. Phillips saka ako nagtago sa may kitchen pagkatapos kong ihanda yung mesa. Ayokong maabutan niya ako, nakakahiya talaga yung nangyari sa kotse.

Pero kasalanan ko ba 'yon e siya naman yung nanguna? Siya yung nangagat sa leeg e, buti sana kung ako. Sa susunod nga, hindi ko na siya patutulugin sa balikat ko. Kung alam ko lang na sasakmalin niya ako sa leeg ko, sana itinulak ko na lang siya papuntang bintana at doon pinasandal.

Maaga akong nagluto para sa dinner ko at maaga akong kumain bago siya, kaya maaga rin akong nakapaghugas ng mga ginamit ko. Sumilip ako sa may bintana ng kitchen door nang makarinig ako ng ingay sa labas.

Hayun na naman siya at wala na namang damit pang-itaas. Gusto ko sanang magreklamo na bakit ba lagi siyang naka-topless, kaso naiisip ko na kung wala naman ako rito, naka-topless pa rin naman siya. Saka siya yung may-ari ng bahay. Paano kung magtanong siya na bakit ko pinapansin, baka pagbintangan pa akong pinagpapantasyahan ko yung katawan niyang maraming muscle at firm ang abs.

Napansin kong parang may hinahanap siya sa paligid. Malayo naman siya, higit sampung metro din. Lumingon siya sa likod, sunod sa magkabilang gilid, sunod sa direksyon ko. Nanlaki agad ang mga mata ko at nagsara ng kurtinang maliit lang ang pagkakabukas.

Bigla akong hiningal at napahawak sa dibdib ko. Para akong sinasakal ng pressure tapos kung makakabog naman ang puso ko, parang naghahamon makawala mula sa loob. Gigil na gigil na tumibok, nakakabanas.

Binuksan ko ulit yung bintana para sumilip.

"Ay, palaka!"

Napaatras agad ako kasi dibdib na yung nakita ko. Dahan-dahang bumukas yung pinto ng kusina at pinanlakihan ko na naman ng mata si Mr. Phillips na nakakrus ang mga braso sa dibdib habang tinataasan ako ng kaliwang kilay.

"What are you doing?" seryoso niyang tanong.

"Po?" nanginginig kong tanong.

"Are you still afraid of me, Chancey?" kunot-noo nang tanong niya.

"Po?" Mabilis akong umiling. "Hindi po!"

"Then, what's this?"

"Po? Wh-What's . . . this?" Napangiwi ako sa tanong niya. Ano'ng this ba ang tinutukoy niya?

"Where's your dinner?"

"Ku-kumain na po ako, Mr. Phillips."

"When?"

"Bago po ako mag-ano—magluto ng ano . . . ng hapunan n'yo."

"You seem scared."

"Hindi po!" Mabilis akong yumuko para mag-iwas ng tingin. Hindi naman ako natatakot. Naiilang saka nahihiya ako. Sino bang matinong tao ang gagawin yung ginawa ko kanina? Buti sana kung intensyon ko talagang mang-akit ng mayamang boss. Maliban sa ayokong magkaroon ng problema sa trabaho, nakakadiri kayang imagine-in na nang-aakit ako. Ew lang, ha.

"Samahan mo 'kong kumain."

"Po?"

Imbis na sagutin ako, tumalikod lang siya tapos dumiretso sa puwesto niya sa mesa.

Ano ba naman 'yan? Inagahan ko na nga ang pagkain para hindi ko siya makasabay, pasasabayin din pala niya ako sa pagkain niya. Hindi ba siya marunong makaramdam na ang awkward talaga para sa akin ng nangyari kanina sa kotse?

Wala akong choice kundi sumunod. Baka kapag nagalit siya, kung hindi man niya ako kainin nang buhay, baka i-hold naman niya yung sahod ko. Both reason, ayokong mangyari kasi pareho akong patay kung sakali man. At mas natatakot pa akong i-hold niya ang sahod ko kaysa kainin niya ako nang buhay dahil mas posible pa niyang alisan ako ng income kaysa ubusin niya lahat ng dugo ko sa katawan.

Pagkaupo ko sa kaliwa niya, doon lang talaga ako tumingin sa pinto ng kusina para malayo ang mata ko sa kanya. Kahit sa peripheral view ko, ayoko siyang mahagip ng tingin, mas lalo kong naaalala yung nangyari sa backseat. Ni ayoko na ngang kagatin ang labi ko kasi maaalala ko rin, at ayoko ring pasadahan ng dila kahit nanunuyo na kasi mas lalo ko pang maaalala.

"Chancey."

"Yes, Mr. Phillips," sagot ko habang nakatingin pa rin sa pinto kung saan ako galing kanina.

"What's your problem?"

"Nothing, Mr. Phillips." Nothing muna kasi ikaw talaga yung problema.

"Why are you staring at the kitchen's door?"

"Uh . . ." Napalunok ako habang iniisip ang ikakatwiran ko. Paano nga kasi ako makakaharap sa kanya e nag—'yon! Basta 'yon! Ack! Ayoko na kasing isipin, nakakabanas na.

"What's bothering you?"

Puwede bang sabihing "Ikaw"?

Sino ba kasing hindi maba-bother, aber? Ako, nananahimik ako kanina sa sasakyan. Nagmamagandang-loob lang ako kasi magkaka-stiff neck siya. Tapos bigla-bigla siyang mangangagat ng leeg? Bakit? Kasi nauuhaw siya? E kung nauuhaw pala siya, bakit dinamay yung labi kong nananahimik din naman?! Kung leeg, leeg lang! Huwag ang lalampas doon! Kung saan-saan pa dinadako ang bibig, nakakaloka siya!

"Wala po, Mr. Phillips," sagot ko na lang.

"Are you avoiding me?"

Nanlaki agad ang mga mata ko—at mabuti, hindi ako nakatingin sa kanya.

Am I avoiding him? OBVIOUS BA?

Ay, Diyos ko, nakakatuyo ng dugo 'to, ha.

"Is this about what happened earlier? Did I hurt you that bad?"

Lalong nanlaki ang mga mata ko, damay na ang butas ng ilong ko.

Si Mr. Phillips, straightforward ding tao—bampira pala. Well, hindi naman niya ako sinaktan na talagang kaiyak-iyak at mapapasugod ako sa ospital. Pero tungkol nga kasi sa nangyari sa aming dalawa kanina.

Fourth day ko pa lang sa trabaho pero may ganoon nang nangyari. Tama ba 'yon?

Ang lalim ng buntonghininga ko nang balingan na siya ng tingin. Saglit kong sinulyapan ang pagkain niya at hindi pa talaga niya ginagalaw!

"Bakit hindi ka pa kumakain, Mr. Phillips?" masungit kong tanong. "Malamig na 'yang steak. Kanina pa 'yan, di mo pa rin ginagalaw?"

"How can I eat properly, hmm?"

"Isusubo mo lang 'yan, Mr. Phillips, ano ka ba naman? Ano? Susubuan pa kita?"

"Will you?"

Napasinghap agad ako habang nakahawak sa dibdib. Seryoso ba siya?! "Mr. Phillips, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo."

"Do I look like joking to you?"

Hala, seryoso rin siya, nakakaloka na.

Sige na nga, seryosong usapan na. "Okay, ganito, Mr. Phillips . . ." Umayos na ako ng upo at humarap na sa kanya. "Hindi ko talaga sinasadya yung nangyari kanina sa sasakyan. At ayokong maulit 'yon. Kasi boss pa rin kita, at ayoko namang nagtatrabaho ako tapos may mga nangyayaring gano'n. Kung kailangan n'yo ng dugo, ito o." Itinaas ko ang braso kong may sugat pa rin naman. "Dito na lang, pigain mo pa." Ibinaba ko na rin yung braso ko at matiim siyang tiningnan. "Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa 'kin, kinagat mo na 'ko sa leeg. Malay ko ba kung magiging bampira na rin ako."

"That's impossible, Chancey. Hindi naman virus ang pagiging bampira ko," sagot niya. "Kahit kagatin kita sa buong katawan, tao ka pa rin—kung tao ka nga."

"Tao nga kasi ako! Mr. Phillips, intrigero ka, ha."

"Are you worried about me biting you on your neck? I don't have the capability to turn you into a vampire just because of that, don't worry."

"That's not my point kasi, Mr. Phillips. Kulit mo rin talaga minsan."

"And your point is what? Me draining your blood?"

"Ang point ko, hinalikan mo 'ko kanina tapos pinakandong mo pa 'ko sa 'yo!"

"And you like it."

"Siyempre!" Ibinagsak ko ang kamao ko sa mesa. "HINDI!"

"Ah, you're lying." Nagkrus pa siya ng mga braso sa dibdib saka nanghahamong nginitian ako. "Your face is turning red."

"MR. PHILLIPS!" Mabilis akong nagtakip ng mukha at doon ko lang naramdamang nag-init ang pisngi ko, akala ko dala lang ng init ng ulo. "Alam mo, ayoko nang kausap ka."

Tumayo na agad ako at saka humakbang para makaalis na, pero hinarang niya agad ng braso ang daan ko at inangkla sa baywang ko yung kamay niya.

"Sinabi ko na bang umalis ka, Chancey?"

"Mauuna na 'ko sa kuwarto," katwiran ko sabay tampal sa braso niyang matigas.

"Go back to your seat, please."

"Kumain ka na lang kasi, Mr. Phillips!"

"I said that out loud, don't make me repeat myself, Chancey. Go back to your seat or else . . ."

"Malamig na yung dinner mo, Mr. Phillips. Di na kita lulutuan ulit niyan, bahala ka sa buhay mo."

Pinuwersa ko ang sarili kong makalampas sa braso niya pero pag-abante ko, bigla niya akong kinabig nang sobrang lakas hanggang mapaupo na naman ako sa hita niya.

"Mr. Phillips, ano ba kasing problema mo?!" tili ko harap-harapan sa kanya.

"I asked you politely to go back to your seat but you didn't."

Napatingin na lang ako sa ibaba kasi pinagitnaan ako ng braso niya. Pagtingin ko sa kanan, may hawak na siyang steak knife at tinidor.

Ano? Kakain siyang nakakandong ako sa kanya?!

"Mr. Phillips, bakit mo ba 'to ginagawa sa akin, ha?" naiinis ko nang tanong sa kanya.

"You forced me to do this to you, Chancey." Napaurong ako paatras nang ipadaan niya sa harapan ng mukha ko yung tinidor na may hiwa ng steak. "You should have stayed in your seat."

"Mr. Phillips, hindi ako natutuwa."

Saglit siyang huminto sa pagnguya at nginitian ako para mang-asar. "I'm having fun."

Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Ang sama ng ugali talaga niya, ibang level! Mas tanggap ko pa kung nilalatigo niya ako e, pero yung ganito?

"Ngayon ka lang ba nakakita ng tao sa tanang buhay mo?" naiiritang tanong ko habang pinanonood siyang kumain.

Patuloy lang siya sa pagnguya at hindi man lang ako sinagot.

"Huy, tinatanong kita," sabi ko pa. Hinawakan ko pa yung panga niyang gumagalaw para ipaharap siya sa 'kin. Tutal, nagkakapersonalan na kami ngayon, e di sasagarin ko na rin.

Ngumuya lang siya nang ngumuya habang nakatitig sa 'kin. Nakakabanas! Ano? Tititigan na naman niya ako tapos sasabihin niyang hindi ko naririnig yung hindi ko nga naririnig?

"'Wag mo 'kong tine-telepathy, Mr. Phillips. Wala akong naririnig na naririnig mo."

"I'm not saying anything. I'm just enjoying staring at you."

"Tse ka! Paalisin mo na kasi ako, Mr. Phillips! Aakyat na 'ko sa kuwarto mo para magawa ko na yung trabaho ko."

"Hindi pa 'ko tapos kumain."

"Kaya nga aakyat na 'ko para matapos ka na." Sinubukan kong tabigin yung braso niya pero parang sobrang bigat, ayaw patinag. "Mr. Phillips kasi!"

"Say my name politely."

"Mr. Phillips," mabilis kong sinabi. "O, happy?"

"No, my first name."

"And why would I do that, aber?"

"Say it and I'll let you go upstairs."

"Ano na namang problema mo, Mr. Phillips? Ganito ka ba kapag kulang ka sa tulog? Huwag kang makipag-basag-ulo mamaya, matulog ka nang maaga, ha."

"Am I going to sleep in your room again?"

"Hindi ka naman natutulog!"

"You said, maaga akong matulog."

"Oo nga! May kuwarto ka, di ba? E di doon ka sa kuwarto mo."

"But I promised na babantayan kita, right?"

"Kagabi 'yon. Iba na ngayon."

"What's the difference?"

"Ang difference, kinagat mo kasi ako sa leeg!"

"Okay, fine. Hindi lang naman leeg ang kinakagat ko."

"HOY!" Pilit kong itinulak yung braso niya pero ayaw talagang patinag. "Mr. Phillips!"

"Say my name politely."

"Mr. Phillips!"

"Nope."

"Kasi!"

"You're free once you say my name politely."

Inawat ko na ang sarili ko sa pagpalag at masama siyang tiningnan. Ang sama-sama talaga ng ugali niya kahit na kailan.

Tinatawanan na naman niya ako nang mahina saka siya sumubo ng panibagong hiwa ng karne.

Kapag talaga duguan na naman siya mamayang madaling-araw, kahit pa mamatay-matay na siya sa sakit, hindi ko talaga siya tutulungan, bahala siya sa buhay niya.

Ang dahas ng pagbuga ko ng hininga habang pinaniningkitan siya ng mata.

"Donovan . . . please."

Ngumiti lang siya nang pagkatamis-tamis sa akin at itinaas agad ang braso niya na parang harang sa gate para padaanin ako.

Naniningkit pa rin ang mga mata kong tumayo mula sa hita niya. Bully talaga, grabe siya.

"'Wag kang iinom ng dugo ko mamayang madaling-araw, ha. Kumuha ka sa ref, magbaon ka ng sarili mong inumin," warning ko sa kanya at saka ako nagdire-diretso paalis ng dining area paakyat sa third floor.


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top