16. Just One Bite


Never ko pang na-experience na mamili ng damit sa boutique. Kasi ang mahal talaga ng damit. Karamihan pa naman ng mga nasa maleta ko, regalo ng mga kakilala saka binili ko lang sa bazaar tuwing Pasko. Palipat-lipat ako ng bahay kaya hindi ako basta-basta bumibili ng mga damit na mahihirapan din akong bitbitin kalaunan. Nahihiya tuloy akong sabihin kay Mr. Phillips na huwag na akong bilhan ng maraming damit kasi pag-alis ko sa Grand Cabin, malamang na hindi ko rin madadala lahat.

"Mr. Phillips, salary deduction po ba kapag kayo yung bumili ng damit ko?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang sinasabayan siya sa paglalakad sa loob ng mall. Natural, kakabahan ako kasi hindi ako pumapasok sa Geneva—yung mall sa gitna ng city na pagkamahal-mahal ng mga tinda. Ultimo bottled water, kapresyo na ng buong araw kong pagkain. Maraming tao pagdating namin sa loob. Hindi ko alam kung marami bang may pera sa city o talagang mahirap lang ang buhay ko kasi ang daming namimili sa loob. Nakakarami na kaming stall na nalalampasan, at ewan ko ba kung bakit hindi nila napapansin na ang weird ng kasama ko. O baka kasi wala lang talaga silang pakialam sa amin.

"Chancey, why are you so worried about the money?" tanong pa ni Mr. Phillips habang hinahabol ko ang bawat hakbang niyang pagkalaki-laki. Nakakahingal siyang sabayan.

"Worried ako kasi wala nga akong pera. Saka hindi pa ako sumasahod."

"Then what are you going to do with your first salary?"

"Bibili ako ng pagkain ko, siyempre. Di ko naman puwedeng kainin yung steak n'yo sa ref. Tapos iipunin ko muna para kapag may pera na ako, puwede na akong lumipat ng apartment."

Bigla siyang napahinto at hinarap ako. Napahinto tuloy ako at tiningala siya.

"Are you planning to move out of the Cabin?"

"Mabilis lang kasi yung six months, Mr. Phillips. Hindi ko pa nga sure kung aabot ako ng six months."

Bigla siyang nagkrus ng mga braso at pinaningkitan na naman ako ng mga mata.

Bakit na naman? Ano na namang ginawa ko? Aburido ba siya kasi wala pa siyang tulog? Sabi na kasing hindi na dapat sumama, layas pa nang layas. Tapos mamayang gabi, lalayas na naman para makipag-basag ulo sa mga monster sa labas ng Cabin. Tampalin ko na kaya 'to si Mr. Phillips para magising sa katotohanan.

"I'll extend our contract. One year," sabi niya.

"Ha?"

"Your stay inside the Cabin is free, right?"

"Oo nga. Maniningil po ba kayo ng renta sa kuwarto?"

"Where are you going after our contract?"

Nagkibit-balikat ako. "Babalik sa hotel para mag-piano?"

"Do you want that job?"

Tumango naman ako. "Mas enjoy ako kapag tumutugtog ako, Mr. Phillips. Hindi ko kasi nararamdamang nagtatrabaho ako kapag masaya ako sa ginagawa ko."

"And you're not happy with your work right now."

"Hmm . . ."

Tumingin pa ako sa upper right para isipin ang sagot doon. Hindi naman sa hindi ako masaya. Okay kasi yung sahod, kaso ang weird lang talaga ng trabaho ko bilang sekretarya niya. Pero okay ang sahod. Siyempre, kapag maganda ang income ko, happy ako kasi hindi ako mape-pressure sa buhay ko. Saka hindi ako namomroblema sa bahay kasi pinatitira niya ako sa Cabin. Tapos sa pagkain naman, may supply ako sa ref hanggang Friday. Hindi rin heavy yung paperworks kasi mabilis akong matapos. Iyon lang, ang sakit kasi sa ulo ng mga nangyayari kapag madaling-araw, lalo na kasi may dugo-dugo nang involved saka monsters.

"Sakto lang, Mr. Phillips. Siyempre, nagpapasalamat naman ako kasi binigyan mo 'ko ng bahay saka opportunity. Di ko naman kinakalimutan 'yon. E kaso pagkatapos ng kontrata ko sa inyo, ayoko naman na kung kailan tapos na saka pa ako maghahanap ng bagong mapapasukan. Six months din kasi akong nawalan ng trabaho bago ako matanggap bilang secretary mo. Ayoko naman n'ong matutulog ako sa kalsada habang naghahanap ng bagong trabaho."

Napatungo na lang ako habang nagkukutkot ng kuko. Siya, wala siyang problema sa bahay niya kahit sinusugod ng monster tuwing gabi. At least, may bahay siya. Kung ayaw niya sa bahay niya, puwede naman siyang bumili ng marami. Ako, paglabas ko sa Cabin, wala ngang monsters e paano yung mga magnanakaw? Paano yung mga killer saka mga kidnapper? Paano yung mga rapist? Matapat lang ako sa madilim na lugar, hindi ko alam kung sino bang masasamang tao ang naroon. Alangan namang hintayin ko pa 'yon bago ako magplanong mag-ipon.

"Where are your parents' house?"

Sumulyap ako sa kanya sa tanong na 'yon. "Wala na yung dati naming bahay, Mr. Phillips."

"Bakit? What happened?"

"Sinunog yung bahay namin dati."

"Why?"

Napabuntonghininga na lang ako nang maalala ko yung tungkol doon. Pinalayas ako e. Hindi ko rin alam kung bakit. Pagkatapos akong palayasin, nalaman ko na lang na wala na yung bahay.

"Hindi ko alam," matamlay kong sagot at itinuro na lang yung daan. "Tanghali na, Mr. Phillips. Maaga tayong umuwi kasi matutulog ka pa."

Ayoko sanang isipin ang tungkol sa dati naming bahay. Naroon lahat ng memories ko kina Mama at Papa. Hindi ko lang nadala lahat. Naroon yung violin ni Mama, naroon lahat ng art materials saka paintings ni Papa. Inasahan naman na namin ang pagkamatay nila. Hindi naman sobrang tragic kasi kahit din naman ako, gugustuhin na lang din silang magpahinga kaysa mahirapan pa dahil matatanda na sila. Pero siguro nga, hindi lang talaga sa kanila yung dati naming bahay kaya ako pinalayas. Sanay rin naman akong pinalalayas sa mga tinitirhan ko kaya hindi na bago sa akin kung palayasin din ako ni Mr. Phillip sa Cabin one day. Si Mrs. Fely nga, pinalayas ako; si Mr. Phillips pa kaya?

Dinala ako ni Mr. Phillips sa isang boutique at napansin kong ang galang ng mga attendant sa kanya. Kaparehong paggalang na nakikita ko kapag nasa company si Mr. Phillips. May ibinulong siya sa babaeng naka-uniform na itim mula suit at skirt pati heels. Tumango lang iyon tapos kinausap yung ibang kasamahan niya sa boutique.

Nakayuko lang ako sa gilid ng glass door, ayokong tumingin sa mga damit. Kasi kapag pumupunta ako sa mall tapos tumitingin ako sa mga nasa-display, pakiramdam ko, minamata ako ng mga sales lady. Yung tipong wala pa akong hinahawakan pero yung titig nila, parang may naitago na ako para nakawin.

"Why are you still standing there, Chancey?"

Lalo lang akong yumuko nang marinig ko ang boses ni Mr. Phillips. Kung ililibre niya ako ng damit, magpapasalamat naman ako. Pero ang mahal kasi talaga ng damit sa boutique. Mas malaki pa yata ang presyo ng isang damit nila kaysa sa sahod ko ng dalawang buwan. Kung bibili si Mr. Phillips ng lima, e di sampung buwang sahod ko na 'yon. E anim na buwan lang akong magtatrabaho sa kanya, may utang pa ako.

"Mr. Phillips, I don't have enough money to—"

"Then, I do."

Napaangat agad ako ng tingin sa kanya. Nakatitig na naman siya sa akin. Seryoso ang tingin niya pero nangungusap na naman. Kung ano man ang sinasabi niyang hindi ko naririnig, mabuti na lang at hindi ko naririnig. Kasi nasa mukha niyang hindi niya gusto ang nakikita sa mukha ko.

"I don't like your dress," puna niya sa suot ko. "Kitang-kita ang tinahing punit sa likod. Cabin's servants wore better uniforms than you, and you're going to face my company's department heads with that old clothes?"

Naghalo na ang insulto at sermon sa boses ni Mr. Phillips. Hindi ko naman ginustong maging mahirap at mas lalong hindi ko naman ginustong magsuot ng ganito. Kung puwede lang magpambahay, magpapambahay ako papuntang Prios.

Lalo tuloy akong nanliit sa estado ng buhay ko. Sobrang hirap ko naman talaga, tapos sa ganitong trabaho pa ako napunta. Alam ko namang mayaman si Mr. Phillips, pero malay ko ba kung maramot siya sa pera.

"Give her new clothes." Iyon lang ang sinabi ni Mr. Phillips sa mga attendant tapos nilatagan agad ako ng isang horizontal rack ng mga damit na pinandilatan ko agad ng mata.

"Mr. Phillips—" Bago pa ako makaangal, tinangay na agad ako sa fitting room ng mga babaeng attendant.

Pinasok agad nila ako sa loob ng malaking fitting room na kasya ang apat na tao sa loob. Kasama ko ang tatlong attendant na may dalang mga damit.

"Huy, saglit!" Napatili agad ako kasi hinubaran agad ako ng isa sa kanila. Pagtingin ko sa kanya, yung mata niya, parang mata kanina ni Nielsen. Nakatingin sa akin pero parang nakatulala. "Miss, saglit, ano bang—huy, wait!"

Wala talagang sumagot sa kahit sino sa kanila. Matapos akong hubaran, mabilis nilang isinuot sa akin ang isang pulang blouse na long sleeves tapos fitted peplum skirt na kulay white.

"Hoy, sandale!" Halos matumba ako dahil kinuha nila nang sapilitan ang paa ko at hinubad ang doll shoes ko para palitan ng pulang pumps.

Hindi ko na alam kung ano na ang ginawa nilang tatlo dahil sabay-sabay silang kumikilos at wala na akong ibang nagawa kundi tumili at magreklamo. Ilang saglit pa, binuksan nila ang pinto ng fitting room at may humatak na naman sa akin palabas para ipaharap kay Mr. Phillips na prenteng nakaupo sa isang maroon na velvet single sofa. Kakulay pa ng damit niya yung upuan.

"Mr. Phillips, puwede na 'to," nakasimangot kong sinabi sa kanya habang hatak-hatak ang skirt kong hindi man lang umabot sa tuhod ko ang haba. "Ang mahal ng skirt! Apat na buwang salary ko? Magde-denim na lang ako, tipid pa."

"Next," tanging sinabi niya tapos may kumaladkad na naman sa akin papasok sa fitting room.

"Sandaleee!"

Kung torture chamber yung fitting room, malamang na kanina pa ako patay. Grabe yung mga nagbibihis sa akin, ginawa akong manikin. Kada palit ko ng damit, tulak palabas, pagkasabi ng "Next" ni Mr. Phillips, may hahatak na naman sa akin sa loob.

Kaya noong sinabi ni Mr. Phillips na, "That's good. I'll take everything." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis kasi walang mura sa "everything" na sinabi niya! Diyos ko, kung susumahin lahat, puwede na akong bumili ng sarili kong sasakyan sa lahat ng presyo ng damit at sa dami ng "everything" niya.

"Mr. Phillips, magpapalit po ako—"

"No, wear that."

"Po?" Napatingin naman ako sa suot ko. Burgundy velvet bodycon dress kasi na hindi man lang sumayad sa tuhod ko ang haba. Pero long sleeves naman at square neck na hindi bastusin. Hindi naman ako sobrang tangkad pero dinaya ng peep-toe wedge na pinasuot nila sa akin. Feeling ko, pumatak na yung height ko ng 5'9" at medyo hindi ko na tinitingala si Mr. Phillips nang bongga. Maganda sana yung ayos ko kaso pagkamahal-mahal kasi talaga ng damit kaya ako naiilang.

Imbis na sagutin ako, may tinawagan na naman siya sa eleganteng phone niya. Hatak naman ako nang hatak sa laylayan ng dress ko kasi parang kinakain ng balakang ko kaya angat nang angat.

"Lance will get all the bags here." Itinuro lang niya ng ulo ang daan palabas. "We'll buy you your new phone."

"Mr. Phillips, hindi kita mababayaran dito sa damit! Bakit may phone pa?"

"Do I even ask you about that? Come here."

Ano ba naman 'tong taong—hindi pala siya tao, bampira siya. Alam ko namang mayaman siya pero talagang gagastos siya para sa akin? Bakit? Kasi mukha akong poor? Grabe naman siya. Alam ko namang mukha akong poor, pero grabe naman na talagang pinamukha niyang sobrang poor kid ko kasi ang mahal ng mga pinamili niya.

Tapos ngayon, bibili pa kami ng phone. E walang murang phone sa kahit saang stall sa Geneva! At wala na ngang mura, doon pa siya pumunta sa may pinakamahal na shop!

"Mr. Phillips, baka isipin mo, mukha akong pera kaya sinasamantala ko 'tong gastos mo," sabi ko sa kanya habang tumitingin-tingin siya sa loob ng glass box na pulos mamahaling mga phone ang naka-display.

"May I see this one." Pagturo niya sa isang phone na fiery red ang theme, hinatak ko agad ang kamay niya at hinawakan nang mahigpit para pigilan sa pagtuturo.

"Mr. Phillips, limang taon ko nang renta sa apartment 'yang presyo niyang phone!" pabulong kong singhal sa kanya habang pinagbabantaan siya ng tingin.

"I'm not even asking about your rent expenses, Chancey. And if that's the case, you should buy your own house." Babawiin sana niya yung kamay niya pero lalo kong hinigpitan ang hawak. Kapag binitiwan ko siya, talagang ituturo na naman niya yung mahal na phone.

"Pero ang mahal kasi talaga. Wala akong pambayad sa 'yo, Mr. Phillips."

"This is not a loan for you to pay, Chancey. I'm buying you a new phone because I want to."

"E di yung mura na lang yung bilhin mo."

"This is just 25,000 dollars. Paanong mahal?"

"Kaya nga mahal! 200 dollars lang yung salary ko, ano ka ba naman?"

"200 dollars per day. You can avail this."

"Kung hindi ako kakain, gagastos, at mabubuhay for four months, yes, I can avail that, Mr. Phillips. Yung mga damit pa lang na binili mo, hindi ko na kayang bayaran, dadagdagan mo pa?"

"Why are you conscious about me paying for all of these?"

"Kasi wala akong pambayad!"

"Alright, then take these as my gift for you."

"Gift para saan, di ko naman birthday?"

Hindi siya sumagot, tiningnan lang niya ako na para bang may mali akong sinabi. Saka bakit ba niya kasi ako ginagastusan, ang hirap-hirap magkautang, hindi pa nga ako bayad kay Eul sa treat niya sa akin noong nakaraang linggo.

Hindi niya binawi ang kamay niya sa akin pero nilingon niya yung lalaking naka-suit sa likod ng glass box. "I'll take that red phone."

"MR. PHILLIPS!"



Namalat na lang ako kakatili kay Mr. Phillips, hindi talaga siya nagpaawat sa paggastos. Siguro, ngayon lang ulit siya nakalabas ng bahay kaya waldas kung waldas ng pera. Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ko kasama siya, sana talaga sa Cabin pa lang, kinadena ko na sya.

Kaya nga pagsakay namin sa kotse, ang sama ng tingin ko sa kanya. Kung umakto kasi, parang walang ginawang kababalaghan sa loob ng mall.

"Hindi ko hiniling yung mga binili mo, Mr. Phillips, kaya kapag naningil ka, hindi talaga kita papansinin," paalala ko agad. Wala akong sinabi sa kanyang gumastos siya nang malaki sa akin. Kapag naningil talaga siya, lalayas ulit ako sa Cabin, hindi ko na talaga siya babalikan.

Wala siyang sinagot, hindi na rin ako nagsalita. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana kahit tinted, makita man lang kung nasaan na kami.

Nasa gitna ng city ang Geneva kaya hindi na ako nagtaka kung bakit traffic sa daan pauwi. Katatapos lang ng lunch time, hindi pa ako kumakain. Si Mr. Phillips, hindi naman kasi nagla-lunch kaya hindi ko na natanong kung nagugutom ba.

At dahil hindi ko nga natanong, tiningnan ko siya para magtanong. Magsasalita na sana ako nang makita kong yukong-yuko lang siya habang nakakrus ang mga braso. Kaiba noong nakaraang nakatitig ako sa kanya habang nakapikit siya at diretsong nakaupo.

"Mr. Phillips?" mahina kong pagtawag. Kahit ungot, wala siyang isinagot. Sabi na kasing huwag nang sumama e. Ala-una na, dapat kanina pa siya tulog. Siya lang yung kilala kong napupuyat sa araw.

Ang alanganin ng puwesto niya, hindi ba siya mangangawit sa kayuyuko?

"Mr. Phillips, ayos ka sa pag-upo mo," mahina kong sinabi at lumapit sa kanya para alalayan siya sa likod at marahang hawakan sa noo.

Napansin kong nagising ko siya dahil biglang bumigat ang paghinga niya nang isang beses. Umayos na lang din siya ng upo habang namumungay ang mga mata nang mapadilat.

"Sabi na kasing 'wag sumama, kita mo, napuyat ka tuloy," sermon ko sa kanya. Tapos mamayang gabi, gising siya at nakikipag-away sa kabilang kuwarto.

Wala pang ilang minuto, bumagsak na naman ang ulo niya payuko gaya sa nauna niyang puwesto.

"Ay . . ." Lumingon ako sa gilid namin para malaman kung nasaan na kami. Ang layo pa namin sa Belorian. Ayaw pa naman ni Mr. Phillips na iniistorbo siya sa pagtulog tapos ngayon, natutulog siya sa biyahe.

"Mr. Phillips, magkaka-stiff neck ka niyan," paalala ko at inangat na naman ang mukha niya gawa ng marahang pagtulak sa noo. Ang kaso, hindi na talaga siya makadiretso ng upo. Mukhang malalim na ang tulog niya kasi bumabagsak talaga ang ulo niya kahit anong paalala ko.

Humugot na lang ako ng malalim na hininga saka tumango. "Okay, okay, sige na." Hinawakan ko siya sa kabilang pisngi at itinulak papalapit sa akin hanggang sa umabot sa kaliwang balikat ko.

Bigla akong nangilabot sa ginawa ko, ewan ko ba. Nagtitindigan lahat ng balahibo ko sa katawan.

Siguro kasi awkward saka first time ko lang nagpasandal ng lalaki sa balikat ko. Buti sana kung normal na lalaki kaso hindi.

Lalong tumapang yung seductive na amoy sa malapitan, nakakainis nang amuyin. Sa sobrang bango, nakakainis nang maamoy.

Bigla tuloy akong nagsisi sa ginawa ko kasi nanigas ako sa puwesto ko. Kapag gumalaw kasi ako, magigising si Mr. Phillips. Ang tanga rin talaga minsan ng mga desisyon ko sa buhay.

Pero ayos lang, kaysa naman mangawit siya kakayuko. Inalalayan ko na lang ang kabilang pisngi niya gamit ang isang kamay ko para hindi siya bumagsak. Mas malala naman kung dibdib ko ang sumalo sa mukha niya paggising. Tumanaw na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang pinanonood ang daan na dahan-dahang gumagalaw.

Kahit tuloy ako, inaantok na. Ang traffic kasi. Gigisingin naman yata kami ni Lance kapag nasa Cabin na, siguro ayos lang na umidlip ako kahit saglit.

Nararamdaman kong dahan-dahang umaandar ang sasakyan habang dahan-dahan ding lumalalim ang tulog ko pagkapikit. Komportable na akong nakasandal sa backseat nang bigla akong mapadilat dahil sa gulat.

"Mr. Phil—aahh . . ." Napaungol na lang akong bigla nang may literal na kumagat sa leeg ko habang naiidlip ako.

At ayoko nang magtanong kung sino ang salarin.


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top