15. Monday Morning

Alas-sais pa lang ng umaga, pagkatapos kong mag-almusal, naligo na agad ako saka nagbihis ng simpleng white blouse, black skirt na hanggang tuhod ang haba, saka doll shoes.

Ang sabi ni Mr. Phillips, kunin ko raw ang mga document na ilalabas ko sa Cabin para dalhin sa Prios. Hindi ko pa nakikita ang loob ng kuwarto niya kapag umaga kaya naninibago na nakapasok ako sa loob. Para pa rin kasing gabi, nakasara ang lahat ng kurtinang kulay itim at madilim na pula.

"Ask Eulbert about the department heads. He'll tell you where to bring these papers inside the building. Lance will drive you to Prios and back here to Helderiet."

"Noted, Mr. Phillips, sir." Inipon ko ang lahat ng folder na tatlong gabi kong inayos para dalhin sa ibaba.

"Is this the same attire you wore on your first day?"

Saglit akong napatingala sa kanya at napatingin agad sa damit kong tinutukoy niya. "Mr. Phillips, I don't have any better formal clothes aside from this. Pero nilalabhan ko naman po after kong gamitin." Nginitian ko siya at binuhat agad ang mga folder na ibababa ko. "Pagbalik ko na lang po lilinisin ang kuwarto sa kabila, Mr. Phillips. Napunasan ko naman na po ang hallway kaya wala nang dugo."

Pumunta na agad ako sa direksiyon ng pinto. Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob, tinawag na niya ako.

"Chancey."

"Yes, Mr. Phillips?"

"Take this." Ipinatong niya ang isang platinum card na nasa loob ng isang transparent case doon sa ibabaw ng buhat-buhat kong mga folder. Tiningnan ko iyon sunod ang mukha ni Mr. Phillips na matipid na nakangiti.

"May ipapabili po ba kayo, Mr. Phillips, sir?" tanong ko agad.

"The password is 1756. I don't want to see these clothes again," pagturo niya sa kabuoan ko. "Buy new formal suits."

"Po?" tanong ko agad habang nakatitig sa mukha niya. "Pero, Mr. Phillips . . ."

"Ah! I know." Nagtaas siya ng hintuturo at binawi ang card. "I'll ask Morticia to guard the mansion." Bumalik siya sa table niya at inilapag doon ang card. "Wait for me in the living room."

"Sir?"

May mga moment talagang hindi ko nage-gets si Mr. Phillips. Hindi pa magaling ang mga sugat niya. Alam naming pareho iyon. Maliit na lang na hiwa, pero may hiwa pa rin. Ang utos niya, hintayin ko raw siya sa living room. E di, hintayin siya. May magagawa ba ako?

Umupo ako sa cushioned couch malapit sa fireplace at inilapag ang folders na dala ko sa mababang center table sa gitna.

Malapit nang mag-alas-nuwebe, at isa lang ang ibig sabihin n'on; makikita ko na naman ang mukha ni Mrs. Serena habang minamata ako.

Hindi ko siya nakita kahapon kasi nga ang aga kong lumayas 'tapos hapon na ako nakabalik para lang maglinis ng duguang kuwarto. Hindi naman sa hindi na ako natatakot kay Mr. Phillips, pero ilang oras na kasi at wala pa siyang ginagawang masama sa akin. Ilang araw na matapos niya akong batuhin ng punyal, actually.

Ni-review ko na lang ang mga document na dadalhin ko raw sa Prios. Na-review ko naman na, at puro lang ito mga papeles na napirmahan na ni Mr. Phillips.

May nabanggit siyang Morticia, at hindi ko alam kung sino nga ba si Morticia. Maliban kay Mrs. Serena, wala na akong ibang kilala rito. Kahit din ang mga maid na naglilinis, hindi ko naman tinanong ang mga pangalan.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga folder nang biglang bumukas ang malaking pinto ng mansiyon at sunod-sunod na nagpasukan ang mga maid na kahawig ko pa ng suot. Napatayo agad ako nang makita ko si Mrs. Serena na naroon na naman sa ayos niyang deretso ang katawan, nasa likuran ang mga kamay, nakapusod ang mauban na buhok, at nakataas ang mukha. Ginaya ko agad ang ayos ng mga maid na nasa may tiyan ang magkapatong na mga kamay.

"Alam n'yo na ang gagawin!" malakas niyang sinabi na nag-echo pa sa buong ground floor.

Biglang kumalat ang mga maid, at eksaktong pagpaling niya sa kaliwa, nagtagpo ang tingin naming dalawa.

"Good morning po, Mrs. Serena," bati ko saka bahagyang yumuko. Pagderetso ko ng tayo, gulat na gulat ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Buhay ka pa rin?" bulalas niya agad na para bang super shocking na makitang humihinga pa ako.

Sumimple ako ng pag-irap sa kanan at tumango. "Opo, buhay pa po ako."

Ang sabi ni Mr. Phillips, matagal nang nagsisilbi si Mrs. Serena sa pamilya. E wala na nga raw ang mga Helderiet. Ibig sabihin, mas matanda pa siguro si Mrs. Serena kaysa kay Mr. Phillips. E higit one hundred years na ang boss ko.

Bampira din kaya si Mrs. Serena? Pero hindi siya mukhang bampira. Baka gaya ng sabi ni Mr. Phillips, imortal din siya. Pero paano ba nagiging imortal?

Napatayo agad ako nang deretso nang maglakad papalapit sa akin si Mrs. Serena. Mabilis siyang tumingin sa center table at nakita niya agad ang mga folder doon, saka niya ibinalik ang tingin sa akin.

"Bakit wala ka rito kahapon?" mahigpit niyang tanong.

Napalunok agad ako sa tanong. Ayoko namang sabihing umalis ako kasi nalaman kong bampira si Mr. Phillips.

"Kasi po . . . nag-almusal po ako sa labas?" Ngumiwi agad ako sa sagot kong patanong pa pagtingin sa kanya.

"Nag-almusal ka hanggang alas-dose ng tanghali?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Ano ba'ng gusto niyang sabihin ko? Na lumayas nga ako 'tapos bumalik lang kasi naaawa ako sa boss kong mag-isa?

"Serena."

Magkasabay kaming napatingin sa ibaba ng hagdanan at nanlaki agad ang mga mata ko nang makitang nakasuot ng formal suit si Mr. Phillips. White long sleeves na pinatungan ng maroon vest, ipinares sa maroon trousers, saka sa black leather shoes.

"Mr. Phillips." Gumilid agad si Mrs. Serena at nagtaas ng mukha habang pinanonood ko naman ang boss kong mag-ayos ng cuff ng long sleeves niya.

"Could you please call Morticia for me, Serena?"

Gusto kong pumikit pero pinipigilan ko lang. Umiikot sa hangin ang pabango ni Mr. Phillips, parang nang-aakit ng babae.

"Ano ang sasabihin ko sa kanya?" tanong ni Mrs. Serena na parang mas boss pa sa boss ko.

"Tell her to guard the Cabin until sunset. I'll go out."

"Donovan?" Napatayo agad nang deretso si Mrs. Serena, at unang beses kong nakitang magbaba siya ng mga kamay habang gulat na gulat na tiningnan ang amo naming dalawa. Kahit din ako, nandilat ang mga mata sa narinig ko. "Masyado nang mataas ang araw para lumabas ka."

"I'll keep myself guarded. Sabihan mo na lang si Morticia na magbantay rito hanggang pagbalik namin." Binalingan ako ng tingin ni Mr. Phillips. "Let's go, Chancey."

"Po?"

Imbes na sagutin ako, tumalikod lang siya at pumunta sa may pintuan. "Lance, umbrella, please."

"One moment, Mr. Phillips."

Mukha akong tangang nakatulala lang sa may pintuan dahil sa nangyayari.

Ano 'yon? Lalabas siya? Akala ko ba, matutulog siya! Alas-nuwebe pasado na!

"Miss Chancey," pagtawag ni Lance sa may pintuan.

"Saglit lang, Lance!" Dinampot ko agad ang lahat ng folder sa center table at naiilang na nginitian si Mrs. Serena na kunot na kunot ang noo sa akin.

Hindi ko naman kasalanang aalis si Mr. Phillips ngayong umaga. Ang alam ko, at ang alam naming lahat, sleep time na niya. Ewan ko ba kung bakit biglang nagbihis, at hayun, nauna pa sa sasakyan.

"Lance, sure ba si Mr. Phillips na aalis siya ngayong umaga?" tanong ko pa kay Lance kasi talagang dapat oras na ng tulog niya e.

"Hindi ko rin alam, Miss Chancey. Hindi ba dapat, alam mo ang dahilan?" Tumapat siya sa pinto ng backseat ng itim na sedan saka inilahad ang palad doon.

"Akala ko talaga, ako lang mag-isa ang aalis," nakangiwing sabi ko kay Lance at saka ako pumasok sa sasakyan. Matapos niyang isara ang pinto, tiningnan ko agad si Mr. Phillips na may dina-dial sa magara niyang touchscreen phone. Kulay rose gold pa ang case at may ilang diamonds akong nakikita sa case.

Ang yaman niya talaga.

"Mr. Phillips, bakit ka sasama?" tanong ko agad habang inaayos sa kandungan ko ang lahat ng folder na ako lang dapat mag-isa ang maglalabas sa Cabin. "Saka, hindi ka pa okay, di ba? Dapat natutulog ka na ngayon e."

"Chancey, I'm fine." Itinutok niya ang phone sa kaliwang tainga at pinagmasdan ko lang ang mukha niya.

Lalo kong napansin sa gitna ng katahimikan naming dalawa ang amoy niyang parang mas matamis na vanilla. Kapag pinagsama-sama ang combination ng mukha niyang parang sinadyang hulmahin para mang-akit ng babae, 'tapos ang amoy niyang parang nanghihipo ng kalamnan, plus ang boses niyang malalim na torn between God and the devil's voice, kahit sino yatang makakakita sa kanyang babae, talagang magkakandarapa sa kanya.

Kaya pala ang mga kasabayan ko sa application, mga mukhang Victoria's Secret mag-ayos. Mukha naman kasing endorser ng men's magazine si Mr. Phillips. 'Tapos ako, mukha akong chimimay kapag tumatabi sa kanya. Ang kawawa ko namang mortal.

"Willis, see me at the Prios' lobby." Iyon lang at nagbaba na ng phone si Mr. Phillips.

"Mr. Phillips, hindi ka pa ba inaantok?"

"Why? Are you sleepy?" tanong pa niya. "You can sleep while we're on our way."

"No, that's not what I meant, Mr. Phillips, sir. Ano lang, wala ka pa kasing tulog. 'Tapos may sugat ka pa, di ba?"

"Don't make me repeat myself, Chancey. I'm fine."

"Nasusunog ka ba sa araw, Mr. Phillips?"

"I am. But we have an umbrella, so as long as the sun doesn't touch my skin, I'm good."

"E di sana, sa gabi ka na lang lumabas para walang araw, di ba?"

Tiningnan lang niya ako nang matiim. At hayun na naman siya sa mga tinginan niyang parang may sinasabi na naman.

"Mr. Phillips, huwag mo 'kong tine-telepathy kasi hindi ako nakaka-interpret ng . . ." Imbes na tapusin, itinuro ko na lang ang mga mata naming dalawa gamit ang dalawang daliri ko. "Saka, okay lang bang lumabas ka na mukha kang vampire, Mr. Phillips, sir? I mean, golden ang eyes mo 'tapos ang haba pa ng fangs mo."

"Chancey, I don't need to worry about it. I can control people's minds."

"Eh?" Napatraas agad ako. "Kaya mo ring gawin sa akin, Mr. Phillips?"

"Unfortunately, I couldn't, and I don't know why."

"Baka jino-joke mo lang ako, Mr. Phillips."

"Or could be, baka hindi ka tao, Chancey."

"Hoy! Excuse me, Mr. Phillips, sir, kung hindi ako tao, bakit mo iniinom ang dugo ko?"

"Are you shouting at me?" nakasimangot na tanong niya.

Bigla akong kumalma. "Hindi naman po sa gano'n, Mr. Phillips, sir. Ang akin lang, sinasabi ko lang na tao ako at baka wala kayong powers na ganyan talaga."

"Are you saying that I'm lying?"

"Mr. Phillips, sir, maniniwala na lang po ako kapag nakita ko. To see is to believe." Inayos ko na lang ang mga nasa kandungan ko dahil ayokong makipagtalo sa kanya.

Ang pinag-uusapan lang naman, kung lalabas siyang mukha siyang bampira. Hindi ko naman alam kung paano kami napunta sa sinasabihan ko raw siyang sinungaling. Mapag-imbento rin itong si Mr. Phillips, grabe talaga siya.

Sobrang bilis lang ng biyahe papuntang Prios. Akala ko, makakaidlip ako nang bongga. Pero bago pa ako kunin ng liwanag, bumukas na agad ang pinto para kay Mr. Phillips. Nakaabang na agad doon si Lance na pinapayungan siya.

"A, kaya pala siya nakapayong noong first day ko," bulong ko agad habang pinanonood silang maglakad. Ako ang nagpahuli habang tinitingala ang pagkataas-taas na building ng Prios Holdings.

Compared sa glass wall ng JGM na parang malaking salamin sa city; sa Prios, para iyong malaking bookshelves na itim ang metal panels at fiber glass walls na ang sakit na sa leeg tingalain. Mataas na ang thirty floors ng Jagermeister, pero mukhang mas mataas pa rin talaga ang sa Prios Holdings.

Nanliliit ako lalo na pagtapak namin sa entrance. Ang haba ng entrance door nila. Malaki na ang Grand Cabin, pero dalawang pinagtabing buong bahay ang lapad ng entrance pa lang. Hindi pa kasama ang mismong building.

"Mr. Phillips!" gulat na pagbati ng guard sa entrance at may tinawagan siya agad sa two-way radio.

Aligaga lang ako sa pagsunod kasi walang hintuan si Mr. Phillips sa paglalakad. Kahit ang mga guard sa turnstile, naalerto pagkakita sa kanya. Lahat sila, may tinawagan agad sa two-way radio. Dere-deretso kami sa malaking scanner papasok sa panibagong glass door. At ang akala ko, hindi ko makikita ang reflection ni Mr. Phillips, pero nakikita ko na siya roon.

E bakit doon sa glass wall ng JGM, wala siya?

"Mr. Phillips, we're preparing your office—"

"I'll stay in the lobby. Tell Nielsen I'm waiting for him."

Sobrang fast paced talaga ng buhay kapag kasama si Mr. Phillips. Pagkatapos siyang salubungin at sabayan ng lalaking manager na nakasuot ng gray suit, lumiko agad siya sa kanan at nilakad ang sobrang lawak na lobby na may ilang mga taong nakaupo.

Pumuwesto siya sa mahaba pero pabilog na red couch at naupo sa dulo kung saan may arm rest. Dinukot niya sa bulsa ng pantalon ang nakasukbit doong itim na pocket watch at mabilis na isinara bago ibalik sa bulsa.

"Chancey, sit beside me."

"Y-Yes, Mr. Phillips."

Ang tulin kong naupo sa tabi niya at para akong batang deretsong nagpantay ng mga hita at binti habang deretso ang likod. Inilapat ko ang mga palad ko sa mga folder habang inoobserbahan ang lahat.

First time ko kasing makakapasok sa building ng Prios Holdings dahil nga hindi kami natuloy ni Zephy noong nakaraan.

Grabe, sobrang lawak. Kahit saan ako lumingon, para akong tumatanaw sa mahabang kalsadang gawa sa black and white marble tiles ang sahig. Pagtingala ko, sobrang laki ng glass chandelier na nakasabit, para akong duwende sa malaking bahay. At parang ang hirap masabi ng oras sa loob. Para kasing gabi dahil walang nakabukas na bintana. Malamig din—sobrang lamig gawa ng centralized air conditioning system.

"Are you comfortable, Chancey?" tanong ni Mr Phillips kaya napasulyap agad ako sa kanya.

Nakatitig na naman siya sa akin at napansin kong mas lalong kuminang ang golden eyes niya dahil sa chandelier sa itaas.

"Mr. Phillips, sure kang okay lang sa 'yong nasa labas? Hindi ka ba mapupuyat?"

"How many times do you have to check on me outside the mansion?"

"Worried lang naman ako, Mr. Phillips, sir. Kasi tulog mo na dapat, di ba? Kaya ka nga nag-utos sa akin para hindi ka na lalabas."

"So, you're worried about me?" Kitang-kita ko ang pag-angat ng dulo ng labi niya at para siyang nakangiti sa akin—o sa sinabi ko siguro.

"Mr. Phillips, normal lang naman sa tao ang mag-alala. Duh." Pinaikutan ko siya ng mata saka ko itinuon ang tingin sa harapan. "Tao kasi ako, di ba?"

"Are you sure?" Bigla siyang tumawa nang mahina sa sinabi niya.

Ito si Mr. Phillips, ako pa'ng pagdududahan e siya nga ang hindi tao sa aming dalawa. Maintriga rin e. Ang sarap sapatusin.

"Mr. Phillips, how may I assist you?" pambungad na pambungad agad ng lalaking sobrang puti at nakasuot ng salamin sa mata. Nakatayo siya sa tabi ng mahabang couch at nakayuko.

"Nielsen, these are the signed papers for my office's approval."

Mabilis akong tumayo para iabot sa lalaking maputi ang mga dala ko. Inobserbahan ko siya. Mukha siyang seryoso pero parang si Eul din. Baka general manager din siya.

"Thank you," pasalamat niya sa akin. Pansin ko sa mata niya na parang mata ng tulala. Nakatingin sa akin pero parang wala siyang nakikita.

Bumalik ako sa pagkakaupo habang nakatitig pa rin kay Nielsen na sobrang weird kumilos.

"I'll distribute these papers, Mr. Phillips." Yumukod siya at tumalikod na para umalis.

Napaurong tuloy ako papalapit kay Mr. Phillips para bumulong. "Mr. Phillips, ang weird naman n'on. Parang bulag. Walang buhay yung mata."

"What?"

Paglingon sa akin ni Mr. Phillips, hindi ko naman alam na napasobra ako ng paglapit sa kanya. Eksaktong paglingon niya, nagkabunggo pa ang dulo ng ilong naming dalawa kaya napaatras agad ako nang bahagya dahil sa gulat.

Saglit na huminto ang paghinga ko habang pinanlalakihan siya ng mata dahil sa nangyari.

Shocks, ang awkward.

Kahit siya, nagulat din kaya parehas naming pinanlalakihan ng mata ang isa't isa. Ako, sa takot. Siya, mukhang hindi lang makapaniwala. Hindi naman siya mukhang nagalit.

"Sorry, Mr. Phillips!" Gumapang agad ako paatras nang sobrang layo sa kanya saka ako paulit-ulit na nag-bow. "Sorry po! Sorry!"

"Hahaha!" Lalong nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humalakhak. Akala ko, boses demonyo ang tawa niya pero hindi! Ang tawa niya, parang normal na tawa ng lalaking may mababang boses lang! At . . . bakit gano'n? Bakit ang flirty ng tawa niya? What kind of sorcery was that?

Nag-init bigla ang pisngi ko dahil sa hiya. Tinawan pa ako! Tama ba iyon?

Napatakip agad ako ng mukha habang sumisilip sa ibang taong nakakakita sa amin. Hala siya! Lahat sila, nakatingin!

"Mr. Phillips, huwag ka na kasing tumawa! Bully?" reklamo ko pa.

Nagtakip pa siya ng bibig gamit ang kamao. Kitang-kita ko pa rin ang pangil niya kahit malayo ako.

Ang sama talaga ng ugali ng bampirang ito. Ibuking ko kaya siya sa lahat, makita niya.

"Come here." Kinumpas niya ang kamay niya para palapitin ako.

"Ayoko. Tatawa ka na naman e."

"Chancey?" Itinuro niya ng tingin ang tabi niyang iniwan ko.

"Mr. Phillips kasi!"

"I'll count to three. You'll come back here or I'll force you to sit here again."

"Ano ba 'yan?" Kakamot-kamot ako ng ulo nang umurong ulit pabalik sa tabi niya. 'Tapos mamaya, tatawanan pa ako. Ang sama ng ugali. "Mr. Phillips, kapag tinawanan mo naman ako, iiwan talaga kita rito. 'Pakasama ng ugali mo."

Tinatawanan pa rin niya ako kahit sinabi ko na. Tiningnan ko na lang siya nang masama. Sinadya ko ba iyon, e siya naman ang lumingon?

"Dito lang ako, Mr. Phillips," sabi ko pagkapuwesto ko sa malapit sa kanya, pero isang braso rin ang layo.

"All right." Tumango lang siya pagsulyap ko. Pero hindi talaga nawala ang ngisi niya. Nakakainis naman. Pinagtatawanan niya ako e siya naman nga kasi ang lumingon.

"Mr. Phillips, good morning."

Pag-angat ko ng tingin, nakita ko agad ang smile ni Eul. "Hi, Eul! Good morning!" Kumaway pa ako sa kanya habang nakangiti ako nang malapad.

"Good morning, Miss Chancey." Nag-smile back din siya. Ack! Ang cute talaga ng smile ni Eul, nakakaloka! Ibinalik niya ang tingin kay Mr. Phillips. "Mr. Phillips, how may I help you?"

Paglingon ko kay Mr. Phillips, pinaniningkitan na niya ako.

Ano na naman? Wala akong ginawa, ha! Kung makatingin naman siya, parang gumawa ako ng krimen sa likuran niya.

Tumayo na siya habang pinagdududahan ako ng tingin. Kanina, tatawa-tawa siya; ngayon, ang sama ng tingin niya. Aba! Ano? Moody?

"I asked you to buy her a new phone, right?" seryosong tanong ni Mr. Phillips kay Eul.

"Yes, you did, Mr. Phillips."

"Don't bother. Coordinate with Nielsen. Chancey gave him the papers. Send all the weekly reports today to the Grand Cabin."

"Will do, Mr. Phillips." Gumilid si Eul at inilahad ang palad sa daan. "Are you going home, sir?"

"No." Naglakad na agad si Mr. Phillips at sumunod agad ako. "Chancey, come here."

"Yes, Mr. Phillips!" Tumakbo na agad ako para makasabay sa malalaki niyang hakbang—sa mga hakbang nila ni Eul.

"Willis, I ask for Morticia's presence in the mansion. Please tell her I'm going home late."

"Will do, Mr. Phillips. What would be the reason I should tell her once she asks why?"

"Tell her I'm going to buy new clothes for my secretary."

"HA?" sigaw ko agad at napahinto sa paglalakad.

"All right, Mr. Phillips." Huminto rin si Eul at yumuko.

"Hala, Eul!" Pagtingin ko sa kanya, nakangiti na naman siya sa akin. "Eul, ano 'yon?"

"Follow him, Miss Chancey. Magagalit iyon kapag hindi ka sumunod."

"Pero, kasi—"

"Treat niya iyon sa iyo." Kinindatan lang niya ako at saka siya ngumiti nang mas malapad pa. "Mauuna na ako sa itaas. May mga document pa akong dadalhin sa Grand Cabin. Have a nice day, Miss Chancey."

Tumalikod na siya at tumungo sa may elevator area. Naiwan naman akong nakanganga.

True ba? Legit, si Mr. Phillips ang bibili ng mga damit ko? Whut?

"Miss."

Paglingon ko, si Lance, tinatawag na ako.

"Saglit, nandiyan na!"

Nakakaloka na, ha!


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top