14. The Chairman's Secretary

Itong si Mr. Phillips, hindi ko alam kung ano ba talagang problema nito at labas nang labas para lang saktan ang sarili. Kung ako siya, magsasara na lang ako ng bahay sa gabi at hahayaan yung mga monster na gumala-gala sa kung saan man nila gustuhin. Saka kahit pa sabihin niyang kasalanan ko kaya inaatake itong Cabin ng mga monster sa labas, hindi naman siguro nila masisira agad-agad yung bintana.Wala nga akong makitang sira sa pader ng Cabin noong tinapon ko yung karne-

Ay, shit! Ibig sabihin, karne ng monster yung kinakain ng mga fox noong nakaraan? YUCK! Tapos tinangay ko pa sa kakahuyan? My gosh, ang tapang ko naman para lumapit doon. Buti hindi ako pumasok sa loob kahit parang ang sarap mamasyal.

"Nakita mo 'to, Mr. Phillips?" tanong ko habang tinuturo yung dibdib niyang may tatlong kalmot. "Wala ka sanang ganyan kung di ka lumabas."

Inabot ko sa kanya ang puting bathrobe na nakatago sa drawer ng closet na naroon na bago pa ako makapagligpit ng mga gamit ko noong isang araw.

"Naiintindihan ko naman na ginagawa n'yo 'to gabi-gabi, pero hindi naman puwedeng gabi-gabi n'yong pinapahamak ang sarili n'yo. Paano kapag namatay kayo, sino'ng magpapasahod sa 'kin? Kanino na 'ko magtatrabaho?"

Sumampa ako sa kama kung saan ko siya pinaupo pasandal sa headboard. Nag-indian seat ako sa kaliwa niya at nabuburyong siyang pinanood habang sinusuot nang dahan-dahan ang bathrobe.

Naiinis ako na naaawa habang pinanonood siya. Halatang hirap na hirap siya dahil sa malaking sugat niya. Wala na rin naman yung mga sugat niya kagabi, at hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Kung mabilis gumaling ang mga sugat niya, baka kaya ang lakas ng loob niyang makipagpatayan sa labas tuwing gabi.

"May paraan ba para di mo na kailangang lumabas tuwing gabi, Mr. Phillips?" seryoso kong tanong sa kanya nang masuot na niya ang bathrobe at bumalik sa pagkakasandal sa headboard. Iyon lang, hindi niya isinara yung robe at kita pa rin ang katawan niyang may mga sugat.

"Chancey." Tiningnan niya ako para makiusap.

At anong ipapakiusap niya? Na huwag na akong magtanong? So, habang narito ako sa Cabin, gabi-gabi kaming may ganitong ganap? Magigising ako sa kalabog, babagsak siya sa duguang sahig, tapos gagamutin ko siya sa mga sugat niya? Aba! Nurse ang kailangan niya, hindi sekretarya!

Napapakamot na lang ako ng ulo. Hindi ko siya nage-gets. Sino ba'ng may gustong ipahamak ang sarili niya? Ang sabi ko at ang usapan namin, babantayan niya ako-dito sa loob, hindi sa labas. Ang sarap-sarap ng tulog ko, biglang makakalampagan sa kabila.

"Wala pang alas-kuwatro, Mr. Phillips. May mga kumakalabog pa sa labas. Kapag bumalik ka sa kuwarto mo, baka nasa bintana mo naman yung mga monster." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa kaliwang kamay. Isinilid ko ang mga daliri ko sa pagitan ng mga daliri niya para pigilan siya. "Hahawakan na lang kita para di ka alis nang alis."

Ito si Mr. Phillips, ikadena ko na lang kaya ito tuwing gabi para hindi labas nang labas. Pang-apat na araw ko na ngayon. Kung mamayang gabi, ganito na naman ang mangyayari, e di sana buong araw na lang din akong matulog at sa gabi gising para nakikita ko ang ginagawa niya.

Baka kaya walang tumatagal sa kanyang sekretarya, ganito ang nangyayari. E kahit sino naman yatang magtatrabaho sa ganito, hindi rin magtatagal.

Paano ako aalis nito ngayon? Wala pa akong sahod maliban sa allowance ko. Kulang pa 'yon pambayad sa renta sa apartment. Saka kung iiwan ko naman si Mr. Phillips, maghahanap na naman siya ng bagong sekretarya. E ang hirap-hirap pumasa sa application sa kanila, tapos ganito pa ang maaabutan nila rito sa Grand Cabin.

"Mr. Phillips, puwede bang isara na lang natin yung bintana sa kabila para di pumasok dito yung mga monster?" tanong ko pagtingin ko sa mukha niya. Nakapikit lang siya at nakasandal ang ulo sa may dingding sa likuran naming dalawa. Tulog ba siya?

"You can't do that."

At . . . hindi siya tulog. Nakapipit lang pala.

"Bakit?"

"That room is their trap hole. They will go inside and all I have to do is to kill them, or else, they'll destroy the whole house."

Napasinghap ako sa sinabi niya.

Ibig sabihin, sinasadya niyang papasukin dito yung mga monster? Tapos papatayin niya para lang hindi masira itong Cabin? E mukhang ang dami ng mga monster sa labas tapos mag-isa lang siya.

"Hindi ka ba nahihirapan, Mr. Phillips?"

"There is no easy responsibility. I chose to stay here, so I need to do my best to protect this place."

Pagkasabi niya n'on, may kung anong kumurot sa feelings ko at napangiliran agad ako ng luha. Gusto ko sanang sabihing "Aww . . ." kaso ang weird ng reaction.

Parang ang lungkot naman n'on. Mag-isa na nga lang siya rito tapos kailangan pa niyang patayin yung mga monster sa labas.

"Alam mo, Mr. Phillips, no'ng namatay yung parents ko, mag-isa lang din akong lumalaban sa buhay," kuwento ko sa kanya. "Siyempre, mas mahirap mabuhay kasi wala akong pera. Sa gabi lang din ako nagtatrabaho kasi sa gabi lang may night shows para sa mga pianist at singer. Sanay rin akong kinakalampag ang pinto araw-araw. Si Mrs. Fely kasi, nahirapan akong bayaran. Laging patay yung mga ilaw ko sa apartment para di niya malamang nasa loob ako."

"I see no difference here in this Cabin."

Napatingin ako sa kamay naming dalawang magkahawak. Oo nga, 'no? Siguro, monster din si Mrs. Fely. Kasi mukhang papatayin din niya ako kung hindi lang ako nakabayad ng renta sa kanya dahil kay Eul at Mr. Phillips.

Baag! Baag!

Napatingin ulit ako sa pinto nang makarinig na naman ako ng malakas na kalabog sa labas. Alas-kuwatro pa lang, malamang na nasa labas pa yung mga kalabang monster ni Mr. Phillips kanina. Wala na ngang aso pero may malaking ibon naman.

"Can you sing for me, Chancey?"

Napatingin agad ako sa mukha ni Mr. Phillips na seryoso lang at nakapikit. Bumaba ang tingin ko sa matipunong dibdib niyang ang bigat ng paghinga. Nagbuntonghininga na lang ako at tumango.

Ginaya ko ang ayos niya at sinandig ko rin ang ulo ko sa dingding habang nakatitig sa kisame.

"I could stay awake . . . just to hear you breathing."

Napasulyap tuloy ako sa kanya. Nakapikit pa rin siya at tahimik lang. Pero nakaangat nang kaunti ang dulo ng mga labi niya, para siyang nakangiti nang matipid.

"Watch you smile while you are sleeping . . . while you're far away and dreaming."

Bigla akong na-tense sa ingay sa labas kasi akala ko tapos na yung mga kalabog. Hindi tuloy makali ang hinlalaki ko kaya panay ang hagod sa magaspang na kamay ni Mr. Phillips. Sana hindi siya mailang.

"I could spend my life in this sweet surrender. I could stay lost in this moment forever . . . Every moment spent with you is a moment I treasure."

Ilang saglit pa, nawala na ang mga ingay sa kabila. Tapos na ba? Pagod na ba yung mga monster sa pagsugod dito sa Cabin?

"Lying close to you . . . feeling your heart beating . . ."

Napatingin na naman ako kay Mr. Phillips kasi biglang tumahimik. Sumeryoso na ang mukha niya hindi gaya kanina. Baka napansin na niyang kumalma na sa labas.

"And I'm wondering what you're dreaming. Wondering if it's me you're seeing," patula ko nang banggit sa lyrics habang nakatitig sa kanya.

"Are you still singing or are you talking to me?" Ipinilig niya yung ulo niya paharap sa akin.

"Mr. Phillips, tahimik na sa labas."

Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya ako. Naninibago talaga ako kasi sanay akong ginto ang kulay ng mga mata niya. Nakakatakot talaga kapag pula na. Pero mapungay siyang tumingin, hindi ko nararamdamang sasaktan niya ako.

Ito na naman yung mga tingin niya na parang may sinasabi siya. Kapag sinabi na naman niyang hindi ko nariririg yung hindi ko naman talaga naririnig, hahampasin ko na siya ng unan sa mukha.

"Still not hearing anything," sabi niya at bumalik na naman siya sa pagkakasandal ng ulo sa dingding.

Sabi na nga ba, tinte-telepathy na naman ako nito. Napakawirdo talaga.

"I will call Lance to give you a ride later. Eulbert will assist you regarding my organizers," pagbabago niya ng topic. "Kunin mo yung mga signed paper sa kuwarto ko mamaya at dalhin mo sa Prios."

Matipid akong ngumiti at matipid na tumango. "Okay, Mr. Phillips, sir."

Isang malalim na buntonghininga at pinalipas namin ang panibagong oras habang nakasandal lang sa headboard at nakatulala ako sa harapan at siya naman ang nakapikit.

Six months ang contract ko kay Mr. Phillips. Ibig sabihin, six months din kaming ganito?

Secretary ako sa kalahati ng araw at gabi, part-time cook saka part-time housekeeper ng third floor, tapos nurse ako sa madaling-araw. Parang ang dami ko palang trabaho.

Pagsapit ng alas-singko, pagkatapos tumunog ng wall clock, binitiwan na ako ni Mr. Phillips at tumayo na rin siya. Pinanood ko siyang lumabas ng kuwarto, at gaya ng ginawa niya noong nakaraang gabi, hindi niya ako nilingon at hindi man lang nagpaalam.

Sinundan ko na lang siya kung saan siya pupunta. Baha na naman ng dugo sa hallway pero hindi na kumakalampag doon. Bumaba siya kaya sinundan ko siya pababa. Ang ikinatataka ko, walang bakas ng dugo sa nilakaran niya. Pero paglingon ko sa nilakaran ko, ako yung may kalat ng dugo sa sahig. Naghubad na lang ako ng sleeping slippers at iniwan sa ibaba ng third floor yung tsinelas ko saka ako nagpaa pababa ng kusina para sundan si Mr. Phillips.

Pagsilip ko sa kung anong gagawin niya, nagbukas lang siya ng ilaw saka ng ref at naglabas ng styropore na may steak at isang carton ng Red Water.

Sinira lang niya yung cling wrap ng styro at kinuha yung karne roon.

"Mr. Phillips!" tili ko agad nang akma niyang isusubo nang diretso yung karne kahit hindi pa niluluto. Mabilis kong tinakbo ang kitchen counter kung nasaan siya at hinalbot sa kanya yung piraso ng karne.

"What?" Pinandilatan lang niya ako at tiningnan ang karneng binawi ko sa kanya.

"Lulutuin ko muna!"

"But that's my breakfast."

"Lulutin ko nga muna! Mabilis lang 'to, Mr. Phillips. Three minutes!" Mabilis akong kumuha sa drawer ng cooking pan at nagbukas ng stove. Hinugasan ko muna yung karne saka ko isinalang pagkatapos. "Araw-araw kang kumakain ng hilaw?" tanong ko agad sa kanya habang hinihintay maluto nang bahagya yung karne. Pinanood ko lang siyang uminom nang diretso sa carton. Napapalunok na lang din ako habang taas-baba ang Adam's apple niya habang lumalagok. Pagbaba ko ng tingin sa dibdib niya, napansin kong dahan-dahang kinakain ng balat niya ang mga sugat niya roon. Hindi naman gumaling lahat pero pansin kong mabilis na nagsara yung malalaking hiwa.

"Gamot mo ba 'yan?" tanong ko pa habang tinuturo ang carton ng Red Water.

Pinasadahan niya ng dila ang ibabang labi para simutin ang natitirang dugo roon galing sa carton.

Nanlaking bigla ang butas ng ilong ko dahil ayoko mang aminin, ang sexy panoorin ni Mr. Phillips uminom ng dugo. Nakakainis, dapat nandidiri ako kaso . . . ano ba naman 'yan?

"Don't stare at me, Chancey. Ayoko ng overcooked na almusal."

"Ay, sorry po!" Mabilis kong binalikan yung niluluto ko at pinatay agad yung stove. Kumuha agad ako ng plato para isalin yung karne.

Nakaka-distract talaga siya! Grabe naman. Bahagya nang lumiliwanag sa may bintana. Nangangasul na yung glass window.

Pagbalik ko ng tingin kay Mr. Phillips, pinanood ko lang siyang kamayin yung steak habang pinapapak.

Napangiwi tuloy ako. Ni hindi man lang siya nag-abalang umupo at kumuha ng steak knife. Kung anong ikinahinhin niya sa dinner, siya namang ikinakalat niya sa breakfast daw niya. Ilang kagatan lang niya yung karne at inilagay niya agad sa kitchen sink yung plato at dinilaan lang niya yung mga daliri niya para hugasan.

Napapakamot na lang ako ng ulo habang sinusundan ko siya ng tingin.

"Every five a.m. yung breakfast mo, Mr. Phillips?" tanong ko pa.

"Yes."

"E di sana ginigising mo 'ko para lutuan ka."

"You're not working for me within twelve in midnight until six in the morning. I still respect the working hours of my employees." Tumalikod na siya at naglakad na naman paakyat sa second floor. Sumunod na lang ako. Mamaya ko na huhugasan yung kinainan niya.

"Gigising na lang ako nang five para lutuan ka, Mr. Phillips."

Saglit siyang huminto bago pa kami makarating sa hagdan ng third floor. Tumalikod siya para lang tingnan ako. Ngumiti agad ako sa kanya nang matamis pagtagpo ng mga mata namin. Bumalik na kasi sa gold yung color ng mga mata niya.

Nagtaas siya ng kanang hintuturo at akmang may sasabihin, pero saglit lang na naningkit ang mata at saka tumango-tango. "Alright."

Lalong lumapad ang ngiti ko. "May dagdag po ba sahod 'yon? Overtime pay?"

Nagpatuloy siya sa pag-akyat habang tumatawa nang mahina. Habang tumatagal, nakakasanayan ko na yung malalim niyang boses at nagiging sexy na sa pandinig. Para na kasing boses ng bagong gising na lalaking may baritone voice. Mas mataas nang kaunti kaysa sa bass na normal niyang boses.

"I'll tell Eulbert to add that overtime pay to your salary."

"Wah! Yey!" Napasuntok tuloy ako sa hangin dahil sa sinabi niya. Ack! Dagdag-sahod!

Kapag walang maingay mamayang gabi sa kabilang kuwarto, aagahan ko na lang magising para lutuan siya.

Feeling ko naman, magiging workable ang setup namin ngayong alam ko na kung kanino ako nagtatrabaho bilang sekretarya.

----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top