XVIII

A/N: Five comments for the next chap.

And thank you for being so patient.

Bago kami lumabas ng limousine, tinulungan muna namin si Ari na mag-ayos dahil ayaw naman namin na makit siya sa tabloids na ganon ang itsura. The tension inside the car was really heavy—hindi dahil sa sinabi ni Ari, kundi dahil sa hindi niya sinasabi sa amin. We all knew something was up, pero ayaw niya lang magsalita o magsabi man lang sa amin. And we don't want to force her into saying anything dahil magsasabi naman siya kapag handa na siya.

As for I, hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako dahil sa mga sinabi ni Ari. Yes, I do love Prince and I've forgiven him for what he did to me. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako handa para papasukin ulit siya sa buhay ko. I'm not burning bridges—I'm just choosing not to cross it right now. Sapat na siguro 'yon sa ngayon.

"Ari, you sure pupunta ka pa?" nagaalalang tanong ni Erella.

Tumango si Ari at ngumiti, pero alam naming lahat na pilit lang 'yon. "Yeah, I'll be fine. We're about to own this ball."

"You said it, girl," nakangising sabi ni Jasmine.

"Well, we're here," saad ko at tumingin sa labas ng bintana. The red carpet was buzzing and the paparazzi caused the constant flashes. Medyo kinabahan ako pero kinalma ko ang sarili ko. I'm not nervous about the spotlight I will surely receive, pero mas kinakabahan ako dahil paniguradong makikita ko si Prince dito.

We separated on a good note, pero hindi ko din maipagkakaila na hindi maganda 'yung timing ng pagkakahiwalay namin. He needed me that time to help him heal and move on from his past, he asked me to stay and mend him. Pero umalis ako dahil nangako ako sa sarili ko na ako muna. I wanted to stay and just be there for him, lalo na nung lumuhod siya sa harapan ko at desperadong umiyak para hindi ako umalis; but I won over. Paano ko siya mabubuo, kung mismong ako ay may kulang?

I closed my eyes. I will abide by Ari's wish at hindi ko sasaktan si Prince, hindi ko siya tuluyang iiwan o itutulak palayo. Pero kailangan kong ipaintindi din kay Prince na ito ang kailangan ko. Time and distance.

"Tara na," aya ni Jasmine at inayos ang lipstick niya. Nakita kong sinulyapan niya muna si Ari bago huminga ng malalim at binuksan ang pinto. "Let's go, bitches. Time to slay."

Natawa nalang kaming lahat sa sinabi niya at tinulungan siyang makalabas dahil hindi siya masyadong makayuko.

"Still can't believe she's pregnant," rinig kong komento ni Erella at maski ako ay natawa nalang.

Nang makalabas na kaming lahat, I was immediately blinded by the camera flashes and deafened by the questions thrown our way. Pero natuto na ako sa mga nakalipas na Business Ball na huwag nalang pansinin. Just smile, pose, waltz, then enter the venue.

But of course Erella had to stop to promote the expansion of Clishique, kaya mas nag-ingay ang mga tao sa dami ng tanong pero sumunod nalang ako kay Jasmine na halatang nainis na sa ingay. Pumasok siya at inakay ko si Ari papasok. Bahala na si Erella doon, sanay naman siya limelight.

"Wow..." Napasingap ako nang makita ang buong venue. It was so Greek! Ang ganda ng white and gold drapes. Everything was so.... Greek. I love it.

"Now this is a party," manghang saad ni Jas. The interior designer in her must be in Heaven.

Ari smiled beside me. "I love the paintings and sculptures," saad niya, the Arts major in her. "Talagang pinag-handaan ni Madame."

"And to think tayo ang in-charge sa Business Ball next year." Madame Heigns promised that after the expansion of Clishique, kami na ang hahawak sa Business Ball. It was such a privilege for us! Malaking bagay 'yon para sa kumpanya namin, and to think halos baguhan palang kami.

"Asan na ba si—"

"The press people are crazy!" sambit ni Erella at tumabi sa amin. Napailing nalang si Jasmine at hindi na tinapos ang dapat niyang sasabihin kanina. Erella sighed happily. "I just realized this is our first Business Ball—well, except kay Belle natin."

The three of them talked about almost everything about the ball habang naglalakad kami papunta sa table namin. Nai-announce na kasi ang mga pangalan namin kanina kaya diretso na kami sa table namin. Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi ko makita 'yung hinahanap ko.

Ugh. I can't believe I'm looking for Prince.

"Hinahanap mo?" Ari nudged me.

I hooked my arms through hers. "You know how it is, Ari... Besotted eyes always wonder."

Natawa siya. "Saan mo nakuha 'yung besotted?"

I grinned at her, happy to see her really smile. "I've been reading a little bit of Shakespeare. My vocabulary is better than ever."

Napangiwi siya. "Ew, Belle. Don't go Shakespeare on me ha. Ayoko. Corny siya."

I kissed Ari's cheek. "Everything will be alright, Ari. We're here," bulong ko sakanya at nakita kong napalunok siya bago tumango.

"Yeah... Alright."

Nang makadating kami sa table namin ay agad kong nakita na papalapit si Madame Heigns. We all remained standing and waited as she approached us. Like always, nakipag-beso siya sa'ming lahat at pinuri ang nga suot namin. Sa tatlong buwan na naging partner namin si Madame, para nang lola ang turing namin sakanya. She spoils us much like her grandkids at minsan pa ay hiningi niya na dapat sumama nalang kami sa family reunion nila at ipapakilala daw niya kaming "long lost granddaughters" niya. She is so cute!

"Oh, by the way, mi Belle," aniya at hinarap ako. Her eyes screamed mischief. "Have you seen Prince? He was looking for you."

Wala sa sariling napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Just hearing his name and knowing he's near.... Oh gosh. Kaya ko ba?

Napapikit ako. Kaya mo, Belle! Ano ka ba?

"Breathe, you idiot," asar ni Jasmine sa'kin at mahina akong siniko. Inirapan ko siya pero mabilis na humarap din ako kay Madame na naghihintay ng sagot.

Napailing ako. "I actually haven't seen him, Madame. There's tons of people here. Successful, as always."

Madame winked. "Of course, mi Belle. You can never expect less of me," aniya at napangiti ako. "Oh what a bother, I must leave you ladies. There's a lot of new faces this year. After all, we are celebrating the twentieth Business Ball. Amazing!"

"Thank you, Madame," sabay-sabay na sabi namin at pinanood siyang lumapit sa ibang guest niya. Agad naman kaming umupo ng mga kaibigan ko sa table para sa'min at nakita kong may tatlo pang upuan. Namasa ang mga palad ko nang maisip na baka itabi sa'kin ni Madame si Prince at alam kong hindi 'yon malabo na mangyari.

"She's so sweet and adorable," komento ni Ari. Her eyes were twinkling with joy while looking around. Buti naman at medyo nalilibang siya. Distraction is the key.

"Ohhh." Jasmine smirked at me. "I see Prince."

Napapikit ako. "Malapit ba?"

"Why are your eyes closed?" natatawang tanong ni Erella na nasa tabi ko.

"Baka bumigay agad ako."

Jasmine laughed, she was sitting opposite of me in the circular table. "Malapit na siya."

"Gaano kalapit?"

"Malapit," he whispered and kissed the shell of my ear.

Mas mariin na napapikit ako at hinigpitan ang hawak sa dress ko. I heard Ari greet him and he greeted the rest of my friends. Hindi parin ako dumidilat dahil pakiramdam ko sasabog ako. Gusto kong maiyak sa tuwa. God, I missed him so much.

Four years spent being with him almost every day, tapos biglang hindi ko na siya nakikita ng tatlong buwan—Hell. My personal Hell.

"Belle?" bulong niya at ramdam kong nilagay niya sa mga balikat ko ang mga kamay niya. He squeezed and I bit my lip. "Open your eyes."

"Lumayo ka muna," sabi ko. Great. The first thing I tell him is to stay away? But then again, paano ko ba naman masisisi ang sarili ko? Just the feel of his lips on my ear made me remember that night before we parted. Practically one of the best nights of my life. At paniguradong kapag nakita ko siya mismo, maaalala ko lahat. And I'll either hurt myself more, or fall even deeper into the pit of love.

I know: I'm pathetic.

But in my defense, I'm just in love.

I heard his deep chuckle then felt his lips on my cheek. "Alright, Miss Roxas," aniya at ramdam kong lumayo na siya.

I slowly opened my eyes. Agad kong nakita si Jasmine na nakataas ang kilay at tinitignan ako na para bang baliw ako. Sinimangutan ko siya pero tinawanan nalang niya ako at may binulong kay Ari na tumabi kanina sakanya. I felt someone sit beside me at alam kong siya 'yon. Prince is here. Right next to me.

"Belle," tawag niya.

Napatiim-labi ako at hinarap siya. I choked on my own spit when I finally saw him. Gusto kong haplusin ang mukha niya, lalo na 'yung makakapal niyang kilay pero pinigilan ko ang sarili ko at ngumiti nalang na para bang hindi ako nagkaka-mental breakdown. "Hi, Prince."

Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya. Nakakuyom ang mga palad niya na para bang pinipigilan niya ang sarili niya at alam ko agad ang pinagdadaanan niya. Maski ako ay nahihirapan din at nagpipigil. I guess we both know that now is not yet the time for us. It was a huge contrast to the last time na nagkita kami, na hindi pa namin mabitawan ang isa't isa.

But things have changed. And looking at him now and thinking back to how he greeted me, things changed for the better.

"You look beautiful," mahinang sabi niya at tinignan ang kabuuan ko. Namula pa ako nang mapatitig siya sa mga hita ko. He looked at me. "You're gorgeous—kahit ang iksi ng damit mo."

Imbes na mainis ako sa sinabi niya ay natawa nalang ako. I guess there are some things that will never change, isa na doon ang pagiging prude ni Prince. Sobrang protective at napaka-possessive niya kahit kailan. And that's one thing I don't think I want to change.

"Thank you," sambit ko at malumay na ngumiti sakanya. He was looking back at me with soft eyes and I just wanted to melt. "Si Erella nag-design nito. You look—" Ravishing. Delicious. Sexy. Hot. "—good."

Tumaas ang kilay niya pero hindi siya nagkomento. Nahalata din siguro niya na tumigil ako saglit sa gitna ng sinasabi ko. Inabot ko 'yung tubig at uminom para itago ang hiya ko sa sarili. Good, Belle? Good?!

"Thanks." Inayos niya 'yung suit jacket niya at agad bumaba ang tingin ko sa mga braso niya. Napansin kong mas lumaki ang mga 'yon at saglit kong hinayaan ang sarili ko na i-imagine kung ano ang pakiramdam na nakayakap siya sa'kin, pero mabilis ko din na winaksi 'yon. Dangerous thoughts lead to dangerous actions.

Tumikhim ako at nag-angat ng tingin. Agad akong namula nang makitang nakangisi siya sa'kin. "Uh.. I really like your suit."

"Erella designed it."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga?" Tinignan ko 'yung tie niya at nakita kong design nga 'yon ni Erella. Meron kasi siyang style na masasabi mo talagang sakanya 'yon. A cat's paw was on the center of the tie. CAT: Cinderella Anne Tuazon. I sat back, amazed, and looked at him. "Bakit? Akala ko ba obsessed ka sa Armani at Chanel?"

Ngumiti siya sa'kin at nakita kong pinaglalaruan niya 'yung table napkin. "Sabi niya hindi niya ako kakausapin kung hindi ako bumili ng damit sakanya."

Napasinghap ako. "What?"

Tumango siya. "So I bought a whole wardrobe."

Nalaglag ang panga ko at gusto ko sanang irapan si Erella pero busy siya sa pakikipag-usap sa mga ibang business magnates kaya tinuon ko nalang ang atensyon ko kay Prince. Tutal hindi pa naman nagsisimula ang ball. "And Jasmine? Ano ang utos niya?"

He smiled. "Hindi daw niya ako kakausapin kung English ako ng English."

I couldn't help it. I laughed. Trust Jasmine to do just that. Nang unti-unti nang mamatay ang tawa ko ay nagkatitigan lang kami ni Prince. It felt so nice to talk to him like this—casual. Pero hindi ko din maipagkakaila na kahit gaano ko siya kamiss at kahit gaano ako kinikilig sa mga nangyayari at mga ginagawa niya para sa'kin, hindi maalis 'yung konting kirot tuwing tinitignan ko siya. After all, my beast still hurt me. But I'm not unfixable.

Alam kong mas madali din kapag hinayaan ko siyang tulungan ako—because who else can mend you better than the one who broke you?—but then I realized na mas maganda kung ako mismo ang bumuo sa sarili ko. Na mundo ko ang gawing foundation sa renovation ng buhay ko. Para kung sakaling may isang wrecking ball na naman na dumating, hinding-hindi ko mawawala ang sarili ko. The building may fall down and crumble, but the foundation will remain beneath it all.

"Thank you, Prince." And I meant it. Kahit masakit ang mga nangyari sa'ming dalawa, naghiwalay naman kami na may pagkakaintindihan. He had his demons to fight and I had myself to rebuild. In time, we'll come back to each other stronger than ever.

Mabagal niyang inabot ang kamay ko at hinayaan ko siya. Pumikit siya at hinalikan 'yon bago dahan-dahan na dumilat at sinalubong ang tingin ko. He smiled. "No. Thank you. You made a great choice for the both of us, Belle. Kahit mahirap na malayo sa'yo, I know it's worth it in the end. You're worth all of it."

Gusto kong maiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang tamang panahon para mag-drama. I met Ari's eyes and she smiled happily at me. Even Erella was smiling wistfully with Jasmine who was smirking. Natawa nalang ako at binalingan si Prince. Lakas-loob na hinaplos ko ang pisngi niya. "It's worth it, Prince. We're worth it."

He kissed my open palm. "Hihintayin kita. Pagbalik mo, I'll be able to say I deserve you."

Gusto kong sabihin na ngayon palang ay kanya na ako, pero pinigilan ko ang sarili ko. Maraming p'wedeng mangyari at ayokong ikulong siya sa isang pangako na hindi ko alam kung kailan matutupad. He may wait for me now, pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagsawa na siya at naghanap ng iba. But I don't want to worry about that. Mangyari na ang mangyari.

This was the ultimate test of our love.

Time and distance and, most of all, faith.

He kissed my knuckles. "I love you, Belle."

Ngumiti ako at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Not yet, my beast; but I love you as well.

=•=

I hated goodbyes.

Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang magpaalam kahit kanino. I'm pretty sure I cried the entire day when my papa dropped me off in preschool, kahit half-day lang naman ang classes ko noon. Minsan din na-kwento sa'kin ni papa na nahirapan din akong mag-paalam sa mga kaibigan ko sa public school noon, dahil nag-transfer na ako sa isang pribadong paaralan. I don't know why, but goodbyes scared me so much. Because there was a possibility of no hello.

It's the reason why I've been staring at Prince's hotel room door for about half an hour now. Kanina pa ako dito at alam ko na kung hindi pa ako kikilos ay baka ma-miss ko na ang flight ko. Ayoko sanang magpaalam sakanya, pero nangako ako sakanya kagabi habang sinasayaw niya ako na magsasabi ako. Na kakatok ako sa pintuan niya bago ako umalis. Hindi daw niya ako pipigilan, kahit 'yun ang gusto niyang gawin.

But damn, 'yon ang gusto kong gawin niya. Well, at least that's what my heart wants.

Huminga ako ng malalim. "Do it, Belle," bulong ko sa sarili at kumatok na. Hindi nga ako nahirapan sa paghanap ng hotel room niya dahil mismong katapat lang 'yon ng akin. Nagulat pa ako dahil ayaw ni Prince sa regular rooms, dapat laging presidential suite siya. But when I asked him last night why, I wished I just kept my mouth shut.

Napapikit ako at inalala ang sagot niya.

"Belle, I would sleep in a garbage can for you. Kahit saan, basta malapit ako sa'yo."

And damn his accent. His American accent in Tagalog just kills me every time. Hindi ko nga alam kung saan ako mas kinilig, e; kung sa sinabi ba niya o kung paano niya sinabi.

I really hate the fact that he makes me fall for him effortlessly. Lagi nalang na ako ang dehado. My poor heart.

"Belle?"

Napakurap ako at napatingala. Hindi ko napigilan ang hindi mapangiti nang makitang magulo pa ang buhok niya at naka-pajama lang siya. Striped pajamas. The last time I saw him disheveled, galing siya sa kwarto ko. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang hindi maayos at gusto ko siyang halikan, pero—like always—pinigilan ko ang sarili ko.

"Hey. Nagising ba kita?"

He rubbed his eyes, yawned, then gave me a sleepy smile. Kalma, puso. "No, it's fine." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nakita kong natigilan siya nang makita ang maleta na hawak-hawak ko. Kinabahan ako at pinanood siyang dahan-dahan na tumingala. Tumikhim siya. "Aalis ka na?"

"My flight leaves in about an hour," mabilis na sabi ko at pinanood ang mga mata niya. Nakita kong nalaglag ang mga balikat niya at gusto ko sana siyang lapitan pero hindi ko magawa. Last night was our respite, pero kailangan na naming bumalik sa realidad—ang realidad na hindi pa ito ang panahon para sa'min. "Prince... Andito ako para magpaalam."

Napapikit siya at dahan-dahan na tumango. "I know," mahinang sambit niya at sinandal ang ulo niya sa pinto. Shucks. Ang gwapo talaga niya kahit malungkot. "Thanks for keeping your promise, Belle. You came to me."

Natawa ako. "Hindi naman ganon kalayo," asar ko sakanya at halos palakpakan ko na ang sarili ko nang makita kong napangiti din siya. Napatingin ako sa orasan ko. "Prince, I have to go. Magche-check in pa ako."

Tumango siya at tumayo ng maayos. "Can I have a hug, my Belle?"

My Belle... Oh fuck. How can I say no?

Binitawan ko ang maleta ko at agad yumakap sakanya. Mahigpit na kinulong niya ako sa mga braso niya at kahit ayoko ay agad namasa ang mga mata ko. No words were spoken, dahil narin siguro ayaw naming sirain 'yung moment. We both know na ito na muna sa ngayon. Kung hanggang kailan, hindi ko din alam. Kapag maayos na ako, kapag maayos na siya.

Kapag mahal na namin ang mga sarili namin.

"I love you, Belle. I love you." Hinalikan niya ang tenga ko at bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. Hindi siya gumalaw, nilapat lang sa leeg ko ang mga labi niya.

Napalunok ako. "You and I first, then us."

Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya sa'kin, pero hindi ako nagreklamo. "Maghihintay ako. Kahit gaano katagal."

Napangiti ako at agad pinunasan ang luhang nakawala. Unti-unti na akong humiwalay sakanya at mabagal din niya akong pinakawalan. Nagkatinginan kami at gusto ko nang bawiin ang desisyon ko nang makita kong namamasa nadin ang mga mata niya pero ayoko. Dahil kapag ginawa ko 'yon, para ko naring binigo ang sarili ko. Ako muna.

"We'll be fine, Prince."

Tumango siya at binulsa ang mga kamay niya. "Always take care, Belle. I love you."

Hinawakan ko na ang maleta ko at inayos ang sarili ko. Ngumiti ako sakanya at pilit na binalik niya 'yon. "Mahal din kita, Prince."

He smiled genuinely this time. "Sapat na 'yon."

Tumango ako at bago ko pa sabihin na hindi ko siya kayang iwan ay tumalikod na ako at naglakad palayo. Pinigilan ko muna ang mga luha ko hanggang sa makapasok na ako sa elevator. Nakita ko siyang nakatayo sa harap mismo ng hotel room niya at mahinang kumaway ako at ngumiti sakanya. Tumango siya at 'yon na ang huling nakita ko nang magsara na ang elevator. Pinindot ko ang ground floor button at nang bumaba na ang elevator ay hinayaan ko din na mahulog ang mga luha ko.

God, it hurt so much to leave him alone.

But I know to myself this is for the best. Para sa aming dalawa 'to. Alam ko kasi na minsan, kailangan ninyong maghiwalay ng taong mahal mo—hindi dahil hindi niyo mahal ang isa't isa, pero dahil mahal niyo masyado ang isa't isa na wala nang natira para sa sarili mo. Love is a process of give and take. I gave too much, so now I'm taking some of it back. Kahit konti lang. Kahit ito lang.

I wiped my tears before the elevator doors opened. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng jacket ko pero nagulat ako nang may maramdaman akong papel doon. Lumabas ako ng elevator at naghintay ng taxi sa labas. I looked at the paper and saw Prince's neat handwriting. Bumilis agad ang tibok ng puso ko.

Open whenever. I love you.

I smiled. Kaya ko 'to.

Kakayanin ko 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top